Mag-Anak Na Cruz Reviewer

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

ANG MAG-ANAK NA CRUZ ni Liwayway Arceo

(1990, Ateneo de Manila University Press)


I. Panimula
Tayo ay isang lipunang may karamdaman.
- Senador Leticia Ramos-Shahani (Philippine Daily Inquirer, 29
Hunyo 1988)
Maraming kabutihang nasa atin. Ngunit kailangan ang
pagbabago. Maliwanag na an gating mga katangian ang
pinagmumulan din ng ating mga kahinaan,
- Patricia Licuanan (Sikologo mula sa ADMU), (Malaya, 4
Hulyo 1988, Pangulong Tudling, p. 4)
+ Unang nalathala sa lingguhang Liwayway noong 26 Abril
1954- 12 Setyembre 1960 (333 kabanata)
+ Na-air din sa radio noong Mayo-Disyembre 1979 sa
Himpilang DZBB (Linggo, 18:00-18:30)

II. Muling Pamumulaklak (26 Abril 1954)
+ Remy: Protagonist ng story
+ Tinoy: asawa ni Remy
+ Baby: panganay na anak nila Remy at Tinoy
+Aling Tomasa: kapitbahay nina Remy na pinapagsaing yung
baboy nila
+ Gloria: dating kaklase ni Remy na ngayoy may eskwela na
sa dressmaking
+ Petra: katulong nila
Nagsasaing si Remy ng pang-hapunan kaso umiyak si Baby
kaya umakyat siya para patahanin. Kaso nung pagbaba nila,
sunog na yung sinaing kaya naiyak si Remy kasi sayang. Para
di masayang, in-exchange niya kay Aling Tomasa para sa new
rice.
Kinukuha ni Gloria si Remy na magturo, kaso medyo alangan
si Tinoy kasi nga may anak na sila. Kaso may nabuo na pala na
plano si Remy so okay na.
After 3 months naging sakitin and frail si Remy at Baby.
Nagpatingin sila sa doctor tas sabi ng doctor na di na
pwedeng mang breastfeed si Remy kay Baby kasi may sakit si
Remy + kailangan na ni Remy tumigil sa work. Then may frog
test.

III. Estudyante (29 Mayo 1954)
+ June: pangalawanga anak nila Remy at Tinoy
+ Aling Sela: nanay ni Tinoy
+ Misis Amelia Esteban: pinagselosan ni Remy
Swerte raw si June kasi noog dumating siya, may chance na
ma-promote si Tinoy sa trabaho (magiging bookkeeper na sya
pag napromote si Mister Santiago, basta parang domino effet
yung promotion) + sobrang lakas din ng shop.
Nag-suggest si Remy afterwards na ituloy ni Tinoy yung pag-
aaral niya para maging certified public accountant na sya like
Berting (na asawa si Luming). <backstory> Medyo galit yung
mom ni Tinoy kay Remy kasi si Remy raw may kasalanan bakit
tumigil si Tinoy sa pag-aaral e two years nalang naman
</backstory>. Kaso hesitant si Tinoy na ituloy yung pag-aaral
kasi sobrang matrabaho tapos habang nagsasalita si Remy
tinulugan niya hahaha w o w.
Nag-inuman sila Tinoy kaso di naman siya na promote kasi
may legit na abogado na kumuha sa dapat ni position ni
Mister Santiago. Nag-desisyon na rin si Tinoy na mag-aral ulit.
Nung inaayos ni Remy yung gamit ni Tinoy may nakita siyang
panyo na may A.E. Nagselos siya ng sobra pero sabi ni Tinoy
na matatawa siya pag nakita niya si Amelia Esteban. Hinuli ni
Remy si Tinoy pero after seeing Misis Esteban naniwala na rin
siya kay Tinoy.

IV. Hampas sa Kalabaw (13 Setyembre 1954)
Dumating si Tinoy na may irrational na galit. Tapos nilabas
niya ito kay Baby na gusto lang naman Makita yung dad niya.
Nagalit si Remy tapos natulog si Tinoy na mabigat yung loob.
Nung gumising siya for hapunan, walang pumapansin sa
kanya. Na-guilty si Tinoy tapos nagpaliwanag siya kay Remy
tapos pinuntahan niya si Baby sa kwarto.
Naalis siya sa pwesto na gusto nya, tapos wala ring difference
sa sweldo so na-frustrate siya.

V. Mare (17 Enero 1955)
+ Nenita: kaibigan ni Remy
+ Josie: anak ni Nenita/inaanak ni Remy
Parang pinipilit ni Nenita si Josie kay Remy para lang may
makuha for her birthday. Basta annoying si Nenita tas sobra
magparinig at mangbola para mabigyan si Josie ng something.
Ngayon random damit yung binigay ni Remy. Dati raw,
sapatos ni baby yung binigay. Tas umalis din sila after
makakuha ng something wth freeloaders.

VI. Reyna (24 Enero 1955)
May nanghihingi ng abuloy kay Remy (yung nanghihingi mas
panget daw kay Petra) para maging reyna sa Peach Face
Powder (palabas sa radio). Singko yung hinihingi niya para sa
selyo (Renato Tolentino). Hindi pumayag si Remy kasi wala
naman daw kabuluhan.

VII. Pagsasarili (08 Agostto 1955)
+ Aling Tale: nanay ni Remy
+ Ben: kapatid ni Remy
+ Salud: asawa ni Ben
+ Celso: bunsong kapatid ni Remy
+ Ely: asawa ni Celso
Nagrereklamo si Aling Tale kay Remy kasi puro si Celso yung
gumagawa sa bahay at kinukunsinte niya yung katamaran ni
Ely. Kaya medyo natuwa sila nung nalaman nila na lilipat yung
pamilya ni Celso sa timog para magtrabaho. Tapos nagpadala
sila CelsoxEly ng pictures na nagpapakita na gumagawa na si
Ely and balanced na yung duties between the couple.

VIII. Hiram na Pakpak (07 Nobyembre 1955)
+ Sioning: kapitbahay na nag-aaral sa primera klaseng
kolehiyo
+ Misis Rubio: maluho na lagging naiinggit
+ Mister Rubio: sunud sunuran lang sa asawa
Pumunta si Baby kay Remy at nagsumbong kasi sabi ni
Sioning na nag-aaral sina Remy at June sa bulok na paaralan.
Nalaman din ni Baby na mahirap lang sila kung pera ang
pagbabasihan pero mayaman naman daw sila sa kaalaman.
Nag-tsismis din si Petra na baon sa utang ang mga Rubio pero
gusto nila na sila ang pinakamagarbo. Lagi silang
nakikipagcontest sa mga Perez (lupa, kotse).

IX. Kawanggawa ng Lasenggo (05 Disyembre 1955)
+ Aling Etang: random kapitbahay
Basta may lasenggong nag-iikot at nanghihingi ng abuloy.
Hindi siya pinagbigyan ni Remy sapagkat alam niyang ipang-
iinom lang yung pera. Maraming ginawa yung lasing:
nangharang siya ng sasakyan, nanghingi ng resibo, nanghingi
ng pera. Pagkatapos noon, napag-usapan nina Remy at ng
kasama niya sa shop yung ibat ibang tradisyon pag may
patay. Nang malaman naman ni Tinoy yung mga nangyari ay
nagtawag siya ng pagpupulong sa kanilang pamayanan upang
maiwasan na ang mga ganitong paanloloko.

X. Dalawang Libong Piso (23 Enero 1956)
+ Pepe: kahero na nangutang kay Tinoy
Nangutang si Pepe sa bangko at si Tinoy ang guarantor. Hindi
nagbayad si Pepe kung kayat si Tinoy ang magbabayad nito.
Sumama ng husto ang loob ni Remy dahil nagtipid siya ng
sobra (para sa piano ni Baby, para sa refrigerator nila).
Hinanap niya si Pepe at nalamang nangungutang siya sa lahat
ng tao. Parehas silang nagsusugal ng asawa. Ang areglo na
nahanap ni Tinoy ay bawasan ng 20 php ang sweldo niya kada
buwan. Masama pa rin ang loob ni Remy.

XI. Pista ng Bayan (05 Marso 1956)
+ Luming: kapatid ni Tinoy
+ Aling Muding: may kotse at sinabay sina Remy pauwi
+ Aling Barang: nagpapautang
May pista tapos dumating sina Aling Sela at Luming at
namalengke sila at nagluto. Sinabay sila ni ALing Muding
pauwi tas medyo jinujudge nila si Remy at Tinoy. Sobra
naman magtahi si Remy. 2 days silang naghahanda at
nagpapakain. Naging topic somewhere si Aling Barang na
Malaki ang kita dahil nagpapautang.

XII. Senyorita Senyorito (30 Hulyo 1956)
+ Ismael: dating katrabaho ni Tinoy
+ Arsenia: asawa ni Ismal na ayaw ng bisita
Inimbita ang pamilya sa bahay nina Ismael. Marami silang
napansin na pagbabago: Mommy at Daddy na ang tawag
ng mga anak kina Ismael at Arsenia; Senyorito at Senyorita
na ang tawag ng mga katulong (na naka-uniporme); at
minamaliit na ang mga pagkaing Pilipino.

XIII. Simula (24 Setyemmbre 1956)
Nagpaalam sina Baby at June ng ora-orada sa kanilang mga
magulang na pumunta sa isang party ng kanilang kaklase na
nakatira sa Ermita. Pinayagan sila. Dito makikita na takot si
Remy mawala ang kanyang mga anak. Hinatid sundo ng mga
kaklase ang magkapatid.

XIV. Nagmamadali ang Panahon (10 Disyembre 1956)
+ Eddie: ka-spraks ni Baby
+ Mister Bernal: ama ni Eddie at ahente ng sasakyan
Tapos na si Baby ng high school.
Nagbabalak yung mag-asawa na bumili ng sasakyan.
Pinakilala ni Mister Bernal ang anak niya na si Eddie (20 yo,
CE) then spraks with Baby. Tapos nanligaw si Eddie kay Baby.

XV. Bagong Pagtingin (25 Pebrero 1957)
+ Leonardo: bagong ka ibigan ni Baby
+ Doktor Rosendo Marcial: friend ni June
Tapos na mag-high school si June at namimili na sya ng
karera. Gusto niya maging surgical nurse. Medyo nagbabago
siya kasi nag-aadjust pa siya sa napiling career pero naging
okay na rin. Pinakilala ni June si Rosendo Marcial. NR ang
kanyang mga magulang.

XVI. Ang Paraan ng Pag-Ibig (13 Mayo 1957)
Pumunta sa USA si Baby upang mag-aral (at sumunod kay
Leonardo). Noong una ayaw ni Remy kaso wala ring nagawa.
Until one day nagpadala ng sulat na sabi nagpakasal na sina
Baby at Leonardo.

XVII. Palusong (25 Agosto 1957)
+ Tata Ponso: yung bahala sa pagpapagawa ng bagong bahay
nina Remy at Tinoy
May binili silang lote na medyo malayo pero abot naman ng
sasakyan. Nakatipid sila kasi si Tata Ponso yung gumawa ng
bahay pero nagkautang na loob sila. Four weeks lang ginawa
yung bahay.

XVIII. Bagong Pakikisama (07 Oktubre 1957)
+ Fred: asawa ni June
+ Donya Lucia: nanay ni Fred
Heartbroken si June bc of Rosendo pero she met Fred.
Magpapakasal sila tapos kay Remy nagpagawa si June ng
damit. Nagkakilala si Remy at Donya Lucia and na-insecure si
Remy about material stuff. Natakot din siya kasi baka
maabuso si June/isipin ng pamilya ni Fred na pera lang yung
habol ni June.

XIX. Mataas na Lipunan (27 Enero 1958)
+ Kumare Luz: nagyayaya para sa fund raising thing
Nag-request si Luz kay Remy na magtahi ng damit na
imomodel. Hindi naman makahindi si Remy kahit medyo
alangan siya kasi Malaki yung magagastos niya (di siya
babayaran kasi para siya sa isang fund raising event). Nung
dumalo siya sa meeting, sumama ang pakiramdam niya at
napagtanto niya na ayaw niya sumali sa cub kasi puro
backstabbers/tsismosa yung mga andun.

XX. Ang Lahat ng Labis (28 Hulyo 1958)
+ Mimosa: suki ni Remy na sbrang agarbo mag-ayos
+ Glecy: pamangkin ni Remy na may-ari ng beauty parlor
Si Mimosa ang dating suki ni Remy na gusto lagging nasa
moda ang ipinapatahi. Sobra-sobra rin siya maglagay ng make
up. Nangibang bansa siya at ngayoy nagbalik na. Sa pagbalik
niya, dumiretso sya kay Remy para mag-ayos at magpatahi.
Dahil marami nang tinatahi si Remy, rinefer niya si Mimosa sa
pamangkin niya na si Glecy. Na-frustrate si Glecy kay Mimosa.
Pagkatapos noon ay nag-usap sina Mimosa at Remy at
makikita natin ang mga hinanakit ni Mimosa. Hindi matanto
ni Mimosa kung bakit walang sumayaw sa kanya sa States
gayong imported lahat ng suot niya.

XXI. Uod (13 Oktubre 1958)
+ Vic: apo ni Remy/anak ni Baby
Nagugupit si Remy ng mga rsas ng bilang pumunta sa kanya si
Vic tapos nagtatanong si Vic ng mga bagay tungkol sa uod.
Pinalayo ni Remy si Vic sa uod dahil Makati ito ngunit gusto
lamang malaman ni Vic kung kalian ito magiging paru-paro.
Dito nakita ni Remy na ang curious niyang apo ay napalaki ng
tama ng mga anak niya.

XXII. Sa Likod ng Tagumpay (08 Disyembre 1958)
+ Fidel: kaibigan nila Remy at Tinoy na ngayoy sikat na
mangangawit
+ Mely: asawa ni Fidel
Nakita ni Remy sa isang magazine na may article yung
kaibigan nila na si Fidel. Nag-usap sila ng asawa niyang si
Tinoy tungkol sa buhay pamilya ni Fidel at kung paano niya
pinapabayaan yung pamilya niya. Si Mely, ang asawa ni Fidel,
ang tuulong kay Fidel ngunit kinalimutan na siya nito noong
sumikat siya, Ipinaglalaban ni Tinoy si Fidel samantalang
dinedepensahan naman ni Remy si Mely. Pinapakita nito ang
pagkakaiba ng pananaw ng bawat kasarian.

XXIII. Dayuhan (02 Pebrero 1959)
+ Joan: kaibigan ni Baby na taga-Amerika at suki rin ni Remy
Pinilit ni Joan na sumama si Remy sa kanya sa lalawigan sa
isang housing project. May talumpati at kainan. Medyo
nainggit si Remy kasi mas marami pang alam yung dayuhan
kaysa sa kanya tungkol sa pagsasaka. Hinangaan nila kasi
maganda yung lalawigan.

XXIV. Mga Lamayan sa Nayon (23 Pebrero 1959)
+ Tata Mente: matandang amain ni Tinoy na namatay na
Pag may patay, yung ginagawa ng mga tao ay parang may
pista, hindi burol. Ugali ng mga taga-Maisan (kung saan
galling si Tinoy) na gumastos ng sobra para sa pagkain pag
burol. (expenses for the food during funeral > expenses for
the funeral service itself). Isa pang kaugalian ang maglakad
lahat ng nakikipaglibing. Pinahahalik din yung mga tao nsa
kamay ng patay wth.

XXV. Limpiya-Bota (16 Marso 1959)
+ Nonoy: tagalinis ng sapatos nila Remy (10 yo)
+ Misis Menta: kapitbahay nila Nonoy
Natuwa si Remy at Tinoy kay Nonoy kasi nahanap ni Nonoy
yung susi sa sapatos. Naglalako si Nonoy ng magasin at
naglilinis ng sapatos. Masipag at magalang si Nonoy. Mas
lalong natuwa sina Remy kay Nonoy nang malaman nilang
maykaya pala si Nonoy pero sobrang sipag magtrabaho.

XXVI. Pulitika (06 Abril 1959)
+ Lody: matagal na suki ni Remy at patnugot ng isang
pahayagan
+ Purita: tinutulungan ni Remy nan a Manalo sa eleksyon
gamit ang kanyang sasakyan
Nagpatulong si Lody kay Remy na mangandidato para sa
Press Club para may kinatawan yung peryodista sa Tagalog
kasi puro English nalang daw. Ipinapakita sa eleksyon na ito
ang korupsyon (kasi yung nanalo ay yung Amerikano na
namimigay ng freebies) at ang pagsasawalang bahala sa
idealism (Purita, spoiler alert: natalo sya duh).

XXVII. Ang Kulay ng Nasyonalismo (21 Setyembre 1959)
+ Lita: bestfriend ni Baby (siya yung singer, si Baby yung
pianist)
+ Dennis: asawa ni Lita
Bumisita si Lita kay Remy at sabay silang pumunta kay Baby.
Inalagaan muna ni Remy yung mga anak ni Baby kaya
magkasama sina Baby at Lita. Si Lita ay nakapangasawa
abroad sa (Thai) at nakatira sa Bangkok. Ang alam na wika ng
mga anak niya ay Siamese at French at English. Habang
naglalakad ay kinukumpara lahat ni Lita yung mga bagay sa
Thailand sa Pilipinas. Nawawala na ang pagiging makabansa
niya.

XXVIII. Bagong Uso (05 Oktubre 1959)
+ Nana Onang: bestfriend ng nanay ni Remy
+ Mang Julian: namatay
+ Islaw(piyer guy, anak ni Nana Onang)XPinang(mananahi)
+ Edong: anak ni Islaw, nagtatapos ng komersyo at law
+ Aling Sabel: sumisigaw ng walanghiya ka hahahaha
Bumisita sina Remy at Tinoy kay Nana Onang kasi namatay si
Mang Julian. Nalaman ni Tinoy ito sa pamamagitan ng
obituary (kapwa accountant sila, nagkita sa isang conference).
Nagkumpara ng parenting skills si Islaw at Remy. (Di bale
nang masabihang bakla ang anak mo, basta di bumarkada at
manginom/manigarilyo) Tapos dumating si Pinang
(nakarating ang balita na may bisita) at shiniship dati nina
Islaw at Tinoy sina Edong at June (wth). Tapos sumisigaw si
Aling Sabel ng mga crude stuff against her family.

XXIX. Paglingon (11 Enero 1960)
+ Fred: asawa ni June
+ Osi: anak nina June at Fred
NEW YEAR!!! Actually 11:30 P.M., 31 Dec palang. Malungkot
si Remy kasi nagrereminisce sya ng family stuff sa lugar na
iyon (highschool si Baby, elementary si June, homesick si
June). Ayaw paalisin ni Remy yung mga anak niya pero
siyempre, may mga sariling pamilya na sila so doon sila
pumunta. Kaht labag sa kalooban ni Remy, pumayag na rin
siya. Tumawag sa telepono si Osi tas naggreet siya ng Happy
new year + I love you galing sa kanila ni Vic. Dito, natuwa si
Remy kasi alam niyang tama magpalaki ang mga anak niya ng
mga bata.

XXX. Kasalan (18 Enero 1960)
+ Isyang: anak ni Ben
+ Ka Idad: yung nakatira sa nayon na pupuntahan nila
+ Daniel: asawa ni Isyang
Kasal ni Isyang. Si Remy ang tumahi ng Trahe. Nabahala si
Remy kasi sobrang iba yung kalakaran ng kasal (nasa
breakfast na rin yung groom, walang antayan). Tatanggihan
dapat nina Remy at Tinoy yung pagkain (WHYY) pero napilit
sila ni Ka Idad. Napansin ni Remy na sobrang ayaw pa nilang
bitiwan yung paniniwala at tradisyon nila sa kasal kahit medo
unpractical na.

XXXI. Iba na Ngayon (25 Abril 1960)
+ Miss Montes: nagyaya kina Remy sa isang excursion
+ Lina: isa pang anak nina Baby at Leonardo
Nagturo lang si Remy kay Vic ng holy week stuff. Yinayaya ni
Miss Montes sina Remy at Tinoy sa excursion sa Tagaytay
pero di pumayag sina Remy kasi dapat magbigay galang
during holy week. Tapos biglang binalita ni Petra na
nadisgrasya yung sasakyan papuntang Tagaytay :O

XXXII. (LAST CHAPTER AWYISS) Hanggang sa Muling Pagkikita
(12 Setyembre 1960)
Paalis sina Remy at Tinoy papuntang USA for Tinoys work
purposes. Malungkot si Remy kasi magkakahiwalay nanaman
sila ng pamilya at takot siya sumakay sa eroplano. Umiyak
siya. Noong nasa eroplano na siya, hinangad niya na yung
mga sandaling iyon ay pabalik na, at hindi paalis.




Addl Stuff (from my pagsusuri hahaha #shamelessplug)
I. Buod
Niyaya ni Gloria, may-ari ng isang paaralan at
kaibigan ni Remy, si Remy upang magturo subalit nabuntis
siya kay June kung kayat kinailangan niyang tumigil sa
pagtatrabaho. Napaisip na rin si Tinoy na ituloy ang kanyang
pag-aaral sapagkat lahat ng kilala niyang nakapagtapos ay
may mataas na sweldo. Nagkaroon ng kaklase si Tinoy na
kinaselosan ni Remy sapagkat nakakita siya ng panyo na may
nakaburdang A. E.. Sa selos ay pumunta si Remy sa
eskwelahan at nakilala niya si Gng. Esteban na nagmamay-ari
ng panyo ngunit napagtanto niya na nagkamali siya at walang
kalaguyo si Tinoy.
Magkasamang nagdesisyon sina Remy at Tinoy kung
papayagan ba nilang pumunta sa birthday party ng ka-gang ni
June sina Baby at June. Pumayag sila sa kadahilanang ayaw
naman nilang mapilitang magsinungaling ang kanilang mga
anak sa sibrang kahigpitan ng magulang. Hinatid naman
pabalik sa bahay sina June at Baby at ikinatuwa ito ni Remy.
Nakapagtapos na si Baby ng hayskul at kukuha siya
ng kurso sa Home Economics. Si June naman ay nagmamadali
na na magkakotse kung kayat pumunta ang mag-anak sa
ahente ng mga kotse. Ang ahente ay may anak na kasing-
edad ni Baby at noong pinakilala nila ito ay nagkagusto ang
dalawa sa isat-isa at nagsimulang dalawin ng anak ng ahente
na si Eddie Bernal si Baby.
Sumunod na rin si June na nakapagtapos ng hayskul.
Napagtanto niya na gusto niyang maging surgical nurse
ngunit kahit ayaw ni Remy sa desisyon niya na ito ay sumang-
ayon na lamang siya. Isang araw nalang ay biglang umuwi si
June na may kasamang doctor na nanliligaw sa kanya.
Napadala si Leonardo (kasintahan ni Baby) sa
Estados Unidos upang magtrabaho. Sumunod naman si Baby
upang kumuha ng post-graduate studies. Ikinalungkot ito ni
Remy ngunit bumuti naman ang kalagayan niya noong
tumanggap na siya ng mga liham galling kay Baby.
Noong ikakasal na si June kay Fred, gusto niya na si
Remy ang magtatahi ng damit niya. Gusto rin ni Remy na
maging masaya si June sa magiging buhay niya kapag may
asawa na siya.
Tumulong ang kaibigan ni June galing America na si
Joan sa barangay nila Remy sa pamamagitan ng isang housing
project. Ikinatuwa naman ito ng mga tao.
Sa magkakapitbahay, sina Remy at Tinoy lamang ang
hindi sumama sa pagpunta sa Tagaytay. Hindi sila sumama
dahil Biyernes Santo noong araw na iyon. Sa kasamaang
palad, naaksidente ang kanilang mga kapitbahay na pumunta
sa Tagaytay.
Masayang ipinagdiwang ng Mag-anak na Cruz ang
Bagong Taon. Dati, noong mga bata pa sina June at Baby ay
magkakasama silang nagdiriwang. Ngayon naming may mga
sari-sariling pamilya na ang dalawa ay sa kani-kanilang mga
bahay na sila nagdiriwang.
Dahil kinakailangan sa trabaho ay pumunta sina
Tinoy at Remy sa Estados Unidos. Ayaw pa ni Remy noong
una subalit nang makampante siya na mabuti na naman ang
magiging lagay ng mga anak at apo niya, pumayag na rin siya.
Hindi nakakaway si Remy sa pag-alis niya dahil sa
naramdamang lungkot.




II. Tauhan
A. Pangunahing Tauhan
1. Remedios Remy Cruz
Si Remy ay isang mananahi na
nagmamay-ari ng sariling panahian
nakatayo sa mismong bahay niya. Dulot ng
pagmamahalan nila ng asawa niya,
nagkaroon sila ng dalawang anak na babae.
Kahit na babae siya, hindi siya
nagpapailalim sa asawa niya. Ipapaglaban
niya kung ano ang alam niyang tama at
nararapat. Sinasabi rin niya ang kanyang
mga saloobin bilang asawa. Selosa rin
siyang asawa; hindi niya hahayaan mapunta
ang minamahal niya sa iba.
Masuporta, mapagmahal, maalaga.
Ito ang kanyang mga katangian bilang isa
ina. Kaya niyang hindi tumigil magtrabaho,
magkaroon lamang ng magandang
kinabukasan ang kanyang mga anak. Handa
siyang isakripisyo ang sarili, kung para
naman ito sa ikabubuti ng kanyang mga
anak. Kailanman ay hindi niya pinabayaan
ang kanyang mga anak kung kayat
hanggang sa nagkapamilya na sila ay
nahihirapan pa rin siya na bumitaw.
Maaalahanin siyang kaibigan.
Natatandaan niya kung kalian dapat
pasayahin ang mga kaibigan niya. Mabuti
rin siyang mamamayan. Hindi niya
kinukonsinte ang mga manloloko. Sa halip,
ay tinuturuan niya ito ng tama.
B. Katulong na Tauhan
1. Faustino Tinoy Cruz
Bagamat hindi niya masyadong
napapakita sa dalas na nasa trabaho siya,
mapagmahal siyang ama. Lagi niyang
inaalala ang kapakanan ng mga anak niya.
Mapagmahal siyang asawa, at hinding hindi
niya ipagpapalit ang kanyang minamahal.
Siya rin ang nagkokontrol kay Remy kapag
nagiging emosyonal na ito. Pinapayuhan din
niya ang kanyang asawa kung
kinakailangan. Sa kanilang mag-asawa, si
Tinoy ang nakakakita ng masayang parte ng
bawat krisis. Mapamaraan siya, alam niya
ang dapat niyang gawin sa oras ng gulo.
2. Baby Cruz
Kay Baby unang naranasan ng mag-
asawang sina Tinoy at Remy maging
magulang. Siya ang nakapagpatunay na
kaya maging maaruga at mapagmahal ng
mag-asawa. Sa kanya rin nakita na
marunong magpalaki ng anak sina Remy at
Tinoy dahil matino naman siya. Masipag at
matalino si Baby. Alam niya kung ano ang
mga kailangan niyang gawin sa buhay. Hindi
siya nagpapatalo sa emosyon. Mataas din
ang kanyang mga pangarap. Nais talaga niya
magkaroon ng magandang buhay kung
kayat nagsumikap siya na makapag-aral sa
ibang bansa. Masasabi rin natin na magaling
siya magpalaki ng anak, tulad ng ginawa sa
kanya ng kanyang ina.
3. June Cruz
Si June ang bunsong anak nila
Remy at Tinoy. Tulad ng nakatatandang
kapatid na si Baby, si June ay matalino at
masipag din. Hindi nga lang ganoon
kasigurado si June sa nais niyang tahakin na
karera. Mataas ang pangarap niya subalit
hindi ganoon kalakas ang loob niya.
Natatakot siyang sumubok ulit kapag
nasaktan na siya. Tinitingala ni June ang
nakatatandang kapatid niya at wala itong
tinatago sa kanya. Hindi gaya ng ate niya,
hindi umalis ng bansa si June.
4. Petra
Si Petra ang kasambahay ng
pamilya Cruz simula noong bata pa sina
Baby at June. Siy rin ang katulong sa
panahian ni Remy. Gayumpaman, dahil nga
mapapagkatiwalaan siya at maaasahan,
tinuring na siyang kapamilya. Alam niya
kung kalian makikialam sa usapan, at kung
makikialam man siya, ito ay para
makatulong. Sa kanya nagsasabi si Remy ng
sama ng loob. Mapagmatyag siya at marami
siyang nalalaman na tsismis mula sa
kapitbahay.
5. Aling Sela
Si Aling Sela ang nanay ni Tinoy.
Siya ay maaruga at mapagmalasakit sa anak.
Medyo ayaw niya kay Remy dahil tingin niya
siya ang dahilan kung bakit hindi
nakapagtapos si Tinoy. Gayumpaman,
tinutulungan pa rin niya si Remy kung
kinakailangan.
6. Aling Tale
Si Aling Tale ang ina ni Remy.
Nalulungkot din siya kapag nagsasarili na
ang kanyang mga anak- marahil sa kanya
nakuha ni Remy ang ganitong pananaw.
Ayaw na ayaw niyang nakikitang naghihirap
ang kanyang mga anak.
7. Ismael
Si Ismael ay kapitbahay at dating
katrabaho ni Remy. Isa siyang accountant
na Malaki ang sweldo dahil nakapagtapos
siya. Hindi siya mahilig sa pagtitipon kung
kayat noong inimbitahan niya si Tinoy ay
nagtaka ito. May kolonyal siyang pag-iisip at
gusto niya maparamdam sa sarili niya na
asensado na siya sa buhay.
8. Nonoy
Si Nonoy ang lagging naglilinis ng
sapatos ni Tinoy. Mayaman ang kanyang
pamilya ngunit nagtitinda siya ng dyaryo at
magasin at naglilinis ng sapatos.
Napakasipag niya at magalang din siya.
9. Leonardo
Si Leonardo ang asawa ni Baby at
ama nina Vic at Lina. Siya ay nagtatrabaho
sa Amerika at naging dahilan ng pagpunta ni
Baby sa Amerika.
10. Tata Ponso
Siya ang tiyuhin ni Tinoy na
nangasiwa sa pagpapagawa ng bahay-
bakasyunan nina Remy at Tinoy.
11. Fred
Si Fred ay isang doctor na
nanggaling sa mayamang pamilya. Nag-
iisang anak siya ni Donya Lucia, asawa ni
June, at ama ni Osi. Sa kabila ng lahat ng
natamo niya sa buhay ay hindi siya
mayabang.
12. Gng. Rubio
Si Gng. Rubio ay kapitbahay ni
Remy. Hindi siya nakukuntento sa kung ano
ang mayroon siya at lagi siyang
nagyayabang ng kayamanan. Sa kabila nito,
napakahaba ng listahan ng utang niya sa
mga tindahan. Mahilig siya
makipagkumpitensya sa kapwa.
13. Ben
Siya ang anak ni Aling Tale, kapatid
ni Remy, at asawa ni Salud.
14. Eddie Bernal
Isa siyang inhinyero na unang
nanligaw kay Baby. Anak siya ng ahente ng
mga kotse. Medyo mahiyain siya.
15. Mimosa
Si Mimosa ay suki ni Remy. Galing
siya sa New York kung kayat may kolonyal
siyang mentalidad. Sobrang
pinapahalagahan niya ang itsura niya.
16. Glecy
Pamangkin siya ni Remy na
nagmamay-ari ng isang beauty parlor.
17. Arsenia
Siya ang asawa ni Ismael at ayaw
na ayaw niya ng panauhin sa kanilang
bahay. Noong naging mayaman na siya,
ninais niya itong ipakita sa mga tao.
18. Gloria
Si Gloria ang kaibigan ni Remy na
kumuha sa kanya bilang guro dahil mayroon
siyang paaralan ng dressmaking.
19. Sioning
Si Sioning ang anak ni Gng. Rubio
na nag-aaral sa tampok at kolehiyo ngunit
(ayon kay Petra) bobo. May
pagkamayabang siya; tinawag niyang bulok
ang paaralan nina Baby at June.
20. Donya Clara
Siya ang tumatayong ina ng bahay
ng mga nagsisipaganak.
21. Purita
Kandidato siya sa pagkaperyodista
sa Press Club ngunit hindi siya nanalo.
Pinanghahawakan niya ang kanyang talino
at magandang record.
22. Aling Muding
Sa kanya nakisakay sina Remy
pauwi noong namili siya ng pampista. May
kotse siya. Kinukuha niya ang tira-tirang
pagkain nina Remy upang ipakain sa
kanyang mga baboy.
23. Celso
Anak siya ni Aling Tale at nagging
sunud-sunuran sa asawang si Ely.
24. Vic
Siya ang anak ni Baby at apo ni
Remy. Mausisa siya at marunong mag-isip.
Mapagmasid siya sa kapaligiran at alam ang
mga dapat itanong.
25. Nenita
Mapagsamantala siya. Ginagamit
niya si Remy upang makuha ang gusto niya
para sa anak na si Josie. Lumalapit siya sa
mga tao kapag may kailangan lang siya.
26. Josie
Siya ang anak ni Nenita at inaanak
ni Remy. Mahiyain siya at di gaanong
magalang sapagkat kailangan pa siyang
pilitin magmano.
27. Islaw
Siya ang anak ni Nana Onang at
ama ni Edong na nagtatrabaho sa pier.
Inihatid niya si Pinang sa patay kina Mang
Julian.
28. Joan
Siya ay kaibigan ni Remy na taga-
Amerika at suki rin niya. Mapagmalasakit
siya sa mga Pilipino. Sa katunayan nga, ay
nagpatayo siya ng housing project sa nayon
ni Remy.
29. Lita
Siya ang pinakamatalik na kaibigan
ni Baby.
30. Mrs. Amelia Esteban
Siya ang kaklase ni Tinoy na
pinagselosan ni Remy.
31. Mr. Bernal
Siya ang ahente ng sasakyan at
ama ni Eddie.
32. Donya Lucia
Siya ang ina ni Fred. Nais niya na
maging magarbo ang kasal nila ni June at
siya ang sumasagot sa gastusin ng mag-
asawa. Mataas ang antas niya sa lipunan.
33. Luz
Siya ay kabilang sa isang samahan
ng mga kababaihan at niyaya niya si Remy
na sumali dito.
34. Pepe
Siya ang dahilan kung bakit
napabayad si TYinoy ng dalwang libong piso
na wala sa oras.
35. Osi
Siya ang anak ni Fred at June, at
apo ni Remy at Tinoy. Makulit siya at
magalang. Hindi niya nakakalimutang
bumati sa mga mas nakatatanda sa kanya.
36. Aling Barang
Siya ang inuutangan ng lahat ng
tao tuwing pista.
37. Mr. Rubio
Humihingi siya ng tulong kay Tinoy
upang makapangutang ng pang-ayos ng
kanilang bahay. Tulad ng asawa, hindi rin
siya nagpapatalo.
38. Lody
Sinama niya si Remy sa halalan sa
Press Club. Hinihiram niya yung kotse ni
Remy kapag nangangampanya siya para sa
Press Club.
39. Nana Onang
Siya ang matalik na kaibigan ni
Aling Tale.
40. Ely
Siya ang asawa ni Celso.
41. Lina
Siya ang bunsong anak nina Baby
at Leonardo.
42. Fidel Moreno
Asawa ni Mely na isang mang-
aawit. Siya ay dating kaibigan at kapitbahay
nina Remy at Tinoy ngunit napalayo na siya
dala ng kasikatan at salapi.
43. Mrs. Montes
Isa siya sa mga kapitbahay na nag-
aya sa mga Cruz na pumuntang Tagaytay. Sa
kasamaang palad, isa rin siya sa mga
naaksidente noong pauwi na.
44. Aling Tomasa
Mayroon siyang alagang baboy na
sobra niyang inaalagaan at pinapakin ng
kanin.
45. G. Santiago
Kapag siya ay na-promote, dapat
ay ma-ppromote din sila Tinoy. Ngunit ang
hindi niya pag-angat sa puwesto ang siya
ring nagdulot sa hindi pag-angat ng iba.
46. Luming
Isa siya sa mga kasama ni Remy
noong namalengke si Remy para sa pista.
47. Berting
Siya ang bayaw ni Remy at isa siya
certified public accountant.

III. Teoryang Pampanitikan
A. Feminismo
Makikita sa nobelang ito ang pagkilala sa
nararapat na antas, karapatan, at kakayahan ng mga
babae. Ang mga babae sa kwentong ito ay masisipag,
mauutak, at mapagkawanggawa. Pinaghihirapan nila
ang mga gusto nilang makamit nang hindi
nanghihingi ng tulong sa iba. Kaya nilang tumayo sa
sarili nilang paa at hindi sila basta basta natutumba.
B. Humanismo
Nakasentro ng akda sa Mag-anak na Cruz at
sa mga nangyayari sa kanilang mga buhay. Lahat ng
tauhan sa kwentong ito ay may sariling ambag sa
mga pangyayari. Lahat ng kanilang ginagawa ay may
epekto sa hinaharap.
C. Pormalistiko
Makikita natin na dahil ang akda ay ginawa
upang maintindihan ng nakararaming tao- hindi
lamang propesyonal, hindi masyadong malalim at
matalinhaga ang ginamit na wika ni Arceo. Gumamit
siya ng normal na mga salita na pambansa at
maiintindihan agad ng nakararami.
D. Realismo
Ang nobelang ito ay hango sa totoong
buhay- totoo ang mga pangyayari, totoo ang mga
tauhan. Dito, makikita natin na kapani-paniwala ang
mga pangyayari dahil possible itong mangyari kung
kanino man. Ginawa ito ni Arceo upang mas
makakonekta ang mambabasa sa akda.
E. Romantisismo
Sa akdang ito ay hindi natakot si Arceo
magsabi ng nais niya ipahiwatig. Malaya ang
pagkakasulat ng nobela. Makikita rin natin sa mga
tauhan na sila ay hindi takot maglabas ng damdamin
(si Remy kay Tinoy, at sina Baby at June kay Remy).
Alam nila kung paano ipahayag ang nasa isip nila.


FAMILY TREE:

You might also like