Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Babasahing Pantahanan

Sa Filipino IV

















Ipinasa ni:
Tricia Dalangin

IV-Nehru

Ipinasa kay:

Nobyembre 4, 2014






I. Pamagat

Bata Bata Paano ka Ginawa

II. May-akda

Lhualhati M. Bautista
Si Lualhati Bautista ay isinilang sa Tondo, Manila noong Disyembre 2, 1945, siya ay
anak ni Esteban Bautista at Gloria Torres. Siya ay nagtapos mula sa Emilio Jacinto
Elementary School sa 1958, at mula sa Torres High School sa 1962.. Siya ay isang
mag-aaral sa journalism sa Lyceum ng Pilipinas, ngunit bago siya natapos ang kanyang
freshman year. Sa kabila ng kakulangan ng pormal na pagsasanay,si Lualhati Bautista
bilang isang manunulat ay naging kilala para sa kanyang matapat , matapang na
pagsaliksik ng Philippine women's isyu, at ang kanyang nakakabighaning mga gawa, na
harapin ang mga mahihirap na sitwasyon sa tahanan at sa lugar ng trabaho na may
hindi karaniwang katapangan at lakas.
Bilang karagdagan sa pagiging isang nobelista, si Lualhati Bautista ay isa ring
manunulat ng mga maiikling kuwento, at maging sa larangan ng pelikula at telebisyon.
Ang pinakaunang akdang-pampelikulang isinulat niya ay ang Sakadana.
Nakatanggapsiya ng pagkilala at parangal na Gantimpalang Don Carlos Palanca para
sa Panitikan ng Pilipinas. Ilan sa mga ginantimpalaang sulating-pampelikula niya ang
Bulaklak sa City Jail ,Kung Mahawi Man ang Ulap, at Sex Object. Nakatanggap rin siya
ng pagkilala mula sa Metro Manila Film Festival Academy Awards, Star Awards,
FAMAS at mga gantimapalang URIAN. Nanalo ang huling akda niya na pinakamagaling
na kuwentong pandrama para sa telebisyon mula sa Catholic Mass Media Awards.

III. Buod ng Nobela
Ang pelikulang ito ay hango sa kwento ng buhay ng isang ina, Lea Baustista, na
may dalawang anak isang batang babae at isang batang lalaki makikita rito ang
paglalarawan ng pananaw ng lipunan tungkol sa kababaihan at kung paano gaganapin
ng isang ina na maging magulang sa makabagong panahon
Nag-umpisa ito sa pagtatapos ng anak na babae ni Lea sa kindergarten na si Maya
kung saan nagkaroon ng pagdiriwang sa kanilang bahay. Si Lea ay hiwalay sa kanyang
unang asawa na si Raffy na syang ama ni Ojie. Sa panahong iyon, may bagong
kinakasama na si Lea pero hindi sila ganap na mag-asawa sapagkat hindi sila kasal at
yun ay si Ding. Sa simula, maayos ang takbo ng buhay ni Lea kasama ang kanayang
mga anak, mga kaibigan, at sa katunayay nakikipagtulungan pa siya sa isang samahan
para sa pangkarapatang-pantao. Subalit sa kalaunan habang lumalaki na sina Ojie at
Maya, nagbabago na rin ang pag-uugali ng mga ito. Mas nakikita na nila ang buhay nila
sa hinaharap.
Nang bumalik si Raffy, balak sana niyang kunin at dalhin sana si Ojie sa Estados
Unidos. Naroon ang takot ni Lea baka kapwa kuhanin ng kani-kanilang ama ang
kanyang dalawang anak. Pero hindi ito naging dahilan upang ipaggiit at higpitan ang
kanyang mga anak. Sa katunayan pa nga ay ang mga anak mismo ni Lea ang kanyang
pinapapili kung saan sila sasama kung darating ang panahon na silay kukunin na ng
kani-kanilang ama.
Sa huli pinili pa rin nina Ojie at Maya na sumama sa kanilang ina. Para sa
pagtatapos, si Lea ay dumalo sa isang recognition, kung saan naging panauhing
pandangal siya. Nagbigay si Lea ng talumpati patungkol sa kung paano umiiral at kung
gaano kabilis ang buhay ng tao. Madali magkaroon ng anak, pero ang mahirap ay kung
paano mo sila palalakihin bilang isang disente at makataong mamamayan. Hindi wakas
ang pagtatapos sa paaralan, dahil dito pa lamang nagsisimula ang panibagong buhay
na tatahakin ng isang tao.
IV. Pagsusuri
Istraktura ng Akda (simula-Kasukdulan-wakas)

1. Pamagat

Para sa mambabasa, naging tugma naman ang pamagat sa nobela, dahil ito ay
isang kwento ukol sa isang pamilya o isang ina na may dalawang anak na magkaiba
ang ama, unti unting pinaliwanag sa kwento kung paano pinaintindi ni Lea sa
kanyang mga anak ang kanilang sitwasyon, kung paano maging ina ng isang
kumplikadong pamilya.
2. Tagpuan

a. Bahay ni Lea
b. Opisina
c. Ospital
d. Eskwelahan
3. Tauhan

Lea ina na bida at bayani sa nobela
Ding lalaking kinakasama ni Lea, ama ni Maya
Raffy unang asawa ni Lea, ama ni Ojie
Maya anak na babae ni Lea kay Ding
Ojie anak na lalaki ni Lea kay Raffy
Johnny kaopisina at matalik na kaibigan ni Lea

4. Balangkas ng Pangyayari
Ayon sa naging balangkas ng pangyayari sa istorya, nagsimula ito sa
gitnang bahagi kung saan si Maya ay nagtapos na ng kindergarten at simula
noon ay unti unti ng lumabas ang mga nakaraan ni Lea ukol sa dati nitong asawa
na si Raffy.
5. Epekto sa Mambabasa
Matapos itong basahin ng mambabasa naging malinaw sa kanya na hindi
ganoon kadali na maging ina o ama ng isang pamilya, hindi rin ganoon kadali kung
paano panatilihin ang tiwala at pagpapahalaga sa iyo ng iyong pamilya lalo nat hindi
ganoon kaganda ang iyong naging nakaraan. Pero sa mambabasa hangat nandyan ang
iyong pamilya na laging sumusuporta sa iyo hwag kang susuko, ipakita mo sa kanila na
ginagawa mo ang lahat para sa kanila at hindi para sa sarilio mo lamang
Teoryang Pampanitikan
1. Teoryang Humanismo - Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang
sentro ng mundo; ay
2. binibigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino,
talento atbp.
3. Teoryang Realismo - Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at
nasaksisan ng may-akda
4. sa kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay
ngunit hindi tuwirang totoo
5. sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagka-epektibo ng
kanyang sinulat.
6. Teoryang Feminismo - Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga
kalakasan at kakayahang
7. pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling
matukoy kung ang isang panitikan ay feminismo sapagkat babae o sagisag
babae ang pangunahing tauhan at ipinamamayagpag ang mabubuti at
magagandang katangian ng tauhan.
8. Teoryang Arkitaypal - Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga
mahahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan ng mga simbolo. Ngunit hindi
basta-basta masusuri ang mga simbolismo sa akda. Pinakamainam na alamin
muna ang kabuuang konsepto at tema ng panitikan sapagkat ang mga
simbolismong napapaloob sa akda ay magkaugnay sa isat isa. Ang lahat ng
simbolismo ay naaayon sa tema at konseptong ipinapakilala ng may-akda sa
mga mambabasa.
9. Teoryang Saykolohikal/Sikolohikal - Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa
pamamagitan ng
10. pagpapakita ng mga salig (factor) sa pagbuo ng naturangbehavior (pag-uugali,
paniniwala, pananaw, pagkatao)
11. sa isang tauhan sa kanyang akda. Ipinakikita sa akda na ang tao ay nagbabago
o nagkakaroon ng panibagong
12. behavior dahil may nag-udyok na mabago o mabuo ito.
13. Teoryang Eksistensyalismo - Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may
kalayaan ang tao na pumili o
14. magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang
pananatili sa mundo (human existence).
15. Teoryang Markismo/Marxismo - Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao
o sumasagisag sa tao
16. ay may sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-
ekononiyang kahirapan at suliraning panlipunan at pampulitika. Ang mga paraan
ng pag-ahon mula sa kalugmukan sa adka ay nagsisilbing modelo para sa mga
mambabasa.
17. Teoryang Sosyolohikal - Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at
suliraning panlipunan ng
18. lipunang kinabibilangan ng may-akda. Naipakikita rito ang pamaraan ng mga
tauhan sa pagsugpo sa suliranin o
19. kalagayan ng lipunan na nagsisilbing gabay sa mga mambabasa sa magpuksa
sa mga katulad na suliranin.
20. Teoryang Moralistiko - Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang ibat ibang
pamantayang sumusukat sa
21. moralidad ng isang tao ang pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din nito
ang mga pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng
isang kilos o ugali ayon sa pamantayang itinakda ng lipunan. Sa madaling sabi,
ang moralidad ay napagkakasunduan ayon na rin sa kaantasan nito.
Talasalitaan

You might also like