Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Villanueva, Ma. Socorro G.

3BES1

Oktubre 21, 2014

Paano ang maging anak ng isang OFW?


1. Isa-isahin ang kalakasan at kahinaang sinasapit ng anak ng isang OFW?
Isa sa kanilang mga kalakasan ay ang hindi pagramdam ng kahirapang pang-pinansyal.
Natutustusan mabuti ang kanilang mga pangangailangan, kung minsan pa nga ay pati ang
kanilang luho ay nabibigay lahat. Ang mga ito ay may masaya at positibong epekto sa pag-iisip
ng bata, kahit papaano ay nababawasan ang kanilang pangungulila.
Ang pinaka kahinaan na nakikita ko sa anak ng isang OFW ay ang pangungulila na
minsan ay naghahantong sa hindi mabuting gawain tulad ng pagbibisyo, pagpapabaya sa pagaaral at ang pinaka-malala ay ang pagkalulong sa droga.
2. Alin sa mga nabanggit ang iyong higit na sinasang-ayunan? Alin naman ang hindi?
Sang-ayon ako sa pagkawala ng huwaran sa pagpapabuhog ng pagkatao ng isang anak
ng OFW. Dahil ang mga magulang talaga ang may pinakamalaking parte sa pag "nurture" ng
isang bata. Madami akong personal na kwentong naririnig kung saan lumalayo ang kalooban ng
anak sa kaniyang magulang dahil hindi niya nakasama sa kanyang pag-laki ang mga ito. Hindi
lang pisikal na distansya ang lumalayo sa pagitan ng pamilya, kung hindi pati na rin ang kanila
kalooban.
Sa kabilang dako, hindi naman ako sang-ayon sa pagiging "confident" ng isang bata dahil
lamang natutustusan ang kaniyang pangangailangang pang-pinansyal. Maaring nababawasan
ang pangungulila ng isang bata sa pamamagitan ng paglulong sa mga "hobby" o talento tulad ng
"video games", pagsasayaw, pagkanta, at iba-iba pang gawain na nakakapagpasaya sakanya.
Ngunit hindi sapat itong mga bagay na ito dahil sila ay panandalian lamang. Masakit pa din
isipin na nakukuha nga nila ang lahat ng bagay na kanilang gusto ngunit ang oras ng mga
magulang nila ay hindi abot-kamay.
3. Magdagdag pa ng ilang mga positibo at negatibong sinasapit ng pagiging anak ng OFW.
Ang pagiging independent ay naisasakatawan ng mga anak ng OFW. Sila ay natututo mag
desisyon mag-isa sa mga importanteng bagay, nagagawang suliranin ang sariling problema at
hindi umaasa sa mga tao sa kanyang paligid sa pagtupad ng kanyang mga mithiin.
Separation anxiety disorder isa ito sa mga karaniwang negatibong sinasapit ng mga
anak ng OFW. Ang karamdaman na ito ay nagdudulot ng labis na pagkabahala ng bata edad 610, na kung saan humahantong sa negatibong pakikipag interaksyon sa komunidad o pagiging
unsociable. Higit pa rito, ang kanilang takot sa pagkakalayo sa kanilang magulang ay
nagdudulot din ng galit at maari silang maging rebelde pag laki.

Villanueva, Ma. Socorro G.

3BES1

Oktubre 21, 2014

4. Anu-ano ang makikitang teksto na kabilang sa hulwarang tekstong kalakasan at kahinaan?


Ang pangungulila ay posibleng magdulot ng labis na kalungkutan sa anak. Ang
kakulangan ng personal na pag subaybay ng magulang sa paghubog sa kabutihan ng anak,
maliban na lamang kung ang guardian ay nagagampanan ng mabuti ang kanyang tungkulin
bilang kapalit na maging mabuting pangalawang magulang na umaalay sa pag laki ng bata.
5. Ayon sa talata, anong istilo ang ginamit upang maipakita ang kalakasan at kahinaan
kaugnay ng paksa?
Pagsusuri ang ginamit na istilo dahil ang pag pahayag ng mga epekto ng pagkakaron ng
OFW na magulang ay mabuting na-analisahin.
6. May suhestiyon ka ba upang lalong mapaganda ang presentasyon ng mga ideya sa
hulawarang tektong ito? Isa-isahin.
Mag siyasat at mag panayam ng mga batang anak ng OFW edad 7 - 17 dahil ang saklaw
ng edad na ito ay ang mga madalas nagdurusa sa paglisan ng mga magulang para mag trabaho
sa ibang bansa.
Kumonsulta ng mga psychologists kung ano ang mga madalas na disorders ang
nararanasan ng mga batang malayo sa mga magulang at paano gamitin ito.
Maglaan o magkumpara ng mga nakalipas na pag-aaral ukol sa mga epekto sa mga bata
ng pagta-trabaho ng magulang sa ibang bansa.

You might also like