Tundo Man Ay May Langit Din

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 7

TUNDO MAN AY MAY LANGIT DIN

Tundo Man May Langit Din


ni Andres Cristobal Cruz

I. Panimula

Ang Tundo Man May Langit Din ay isang nobelang isinulat ni Andres Cristobal Cruz tungkol sa personal na paglalakbay ni Victor Del
Mundo mula sa kahirapan na dulot ng kanyang tinitirahan na Tundo patungo sa isang mundo ng nga edukadong tao na nagnanais na
makapagdala ng pagbabago sa lipunang kanyang ginagalawan.
Ito ay maaaring tawaging isang love story o kwentong pag-ibig, ngunit ang nobelang ito ay may mas malawak pang sakop. Tinatalakay rin
ng aklat na ito ang nga suliraning panlipunan, pang-edukasyon, nasyonalistiko, panggoberyno, at pansarili. Ang Tundo Man May Langit Din ay
isang kwentong sumasalamin sa ibat ibang mukha ng lipunang Pilipino.

II. Pagsusuri

A. Pamagat

Ang pamagat na Ang Tundo Man May Langit Din ay halaw sa paniniwala ng pangunahing tauhan na si Victor na ang magulo at subsob sa
hirap na lugar ng Tundo ay mayroon ding katumbas na kabutihan, na may magagandang bagay na makikita sa Looban at hindi lang puros dumi,
gulo, kahirapan, at kawalang-pag-asa. Ang paniniwalang ito nag nagbibigay kay Victor ng lakas na loob upang mgapatuloy na igapang ang sarili
upang magkaroon ng mas magandang pamumuhay. At hindi lamang nagtatapos sa kanyang sarili ang pag-unlad kundi pati na rin ang pagtulong
niyang umunlad ang kanyang pamilya at mga kasamahan sa looban ng Tundo. Gaano man kabigat ang buhay ay mayroon pa ring mga bagay na
nagpapagaan at nagpapaganda rito.

B. May Akda

Si Andres Cristobal Cruz ay isang kilalang makata at manunulat. Isinilang siya sa Dagupan, Pangasina, ngunit lumaki siya sa Tundo,
Maynila at nag-aral sa Rizal Elementary School at Torres High School, kung saan siya naging manunulat para sa pahayagan ng nasabing
paaralan. Nagtapos siya sa Unibersidad ng Pilipinas. Siyay nagsulat para sa mga babasahing Manila Chronicle, Sunday Times, Saturday Mirror,
Weekly Womens Magazine, Counterpoint, Liwayway, at Isyu. Isinulat niya ang mga nobelang Ang Tundo Man May Langit Din at Uliliang
Pangarap. Nagkamit siya ng Araw ng Maynila Award, Gawad Balagtas ng Unyong ng mga Manunulat sa Pilipinas, Republic Cultural Heritage
Award, at TOYM Award. Siya ay pumanaw noong ikapito ng Enero 2007 sa edad na pitumput-apat dahil sa sakit sa puso.

C. Mga Tauhan

Victor Del Mundo isang laking-Tundo na working student (nagtrabaho sa isang palimbagan) na nagsumikap makatapos ng kolehiyo. Siyay
naging guro sa Torres High School. Si Victor ay isang idealist na naniniwalang ang magulo at mahirap na Tundo ay may langit din o katumbas na
kaginhawaan.
Alma Fuentes isang babaeng galing sa mayamang pamilya. Si Alma ay sanay sa marangyang uri ng pamumuhay, gaya ng mga bonggang
party, mga debut, at charity events. Ngunit hindi na kuntento si Alma sa ganoong klase ng buhay, lalo pat nang nalaman niya ang pagkakabuntis
ng kanyang ama sa isa nilang labandera. Kaya siyay umalis sa pribadong kolehiyo na pinatatakbo ng mga madre na kanyang pinapasukan at
lumipat sa kolehiyo kung saan nag-aaral si Victor. Siya rin ang nagtrabaho sa opisina ng kanyang tiyuhin kahit hindi naman niya kailangang
magtrabaho. Nang makapagtapos ay pinili niyang magturo sa Torres High School sa Tundo, kahit na tutol dito ang kanyang mga magulang. Pinilit
hanapin ni Alma ang labanderang ginawan ng masama ng kanyang ama upang tulungan ito.
Flor Flores isang magandang babae na nooy nakatira rin sa Tundo at dating kasintahan ni Victor. Nakilala niya si Tonyo at itoy nagsilbing
paraan niya ng pag-alis mula sa Tundo. Ikinasal sila ngunit nalaman niyang hindi pala tunay ang kanilang kasal dahil may naunang asawa si
Tonyo. Silay nagkaanak ng lalaki. Gamit ang puhunang galing kay Tonyo ay nakapagpatayo si Flor ng isang patahian kung saay katulong niya si
Dolores.

Lukas Lukas Bakas Del Mundo ang nakatatandang kapatid ni Victor. Si Lukas ay isang lalaking mabarkada na walang permanenteng
trabaho, ngunit minsan ay mayroon siyang pinapasadang pampasaherong jeep
Tatong Bamban isa sa mga kaibigan ni Lukas na naging kaibigan na rin ni Victor.
Paeng Gasti Pilo Dolores dating labandera ng mga Fuentes at ngayoy katulong ni Flor. Nabuntis siya ni Mister Fuentes at binayaran upang umalis sa kanyang
pinapasukan at manahimik. Galing sa isang malaking pamilya sa probinsya.
Sion Del Mundo nanay nina Lukas at Victor, isang biyuda matapos mapaslang ang kanyang asawa sa trabaho. Tahimik; bakas na bakas sa
kanyang mukha ang hirap ng buhay sa Tundo. Tanggap na ni Aling Sion ang kanilang kalagayan, ngunit masayang-masaya ito sa pagtatapos ni
Victor.
Minnie pinsan ni Alma. Ama niya ang may-ari ng opisinang datiy pinapasukan ni Alma
Nick pinsan ni Alma at kapatid ni Minnie
Monching masugid na manliligaw ni Alma at kaibigan ni Nick. Isa ring kagaya niyang laki sa yaman.
Pocholo nakatatandang kapatid na lalaki ni Alma. Sanay ito sa marangyang uri ng pamumuhay.
Mister Fuentes ama ni Alma, nakabuntis kay Dolores na dati nilang labandera
Tonyo Flores asawa ni Flor na mayroon palang naunang asawa, si Chabeng. Mahal na mahal niya si Flor ngunit hindi niya tinalikuran ang
kanyang responsibilidad sa naunag asawa at mga anak
Chabeng Flores tunay na asawa ni Tonyo. Maysakit, may alta presyon, at masama rito ang magkaanak pa. Tanggap na niya ang relasyon nina
Tonyo at Flor at hindi niya papagitnaan nang dalawa sapagkat nakita niyang tunay na nagmamahalan ang isat isa.
Konsehal Paking isang konsehal sa lugar nina Victor. Handa siyang tumulong sa mga taga-Looban dahil malaki ang maiitutulong ng kanyang
mga kawang-gawa sa kayang imahe bilang isang pulitiko
Pasing isang weytres sa restawrang Intsik malapit kina Victor. Love interest ni Lukas.
Opreng anak ni Mang Simon at nagsisilbing pinuno ng isang samahan ng mga kabataan na naitatag sa lugar nina Victor.
Mister Del Pilar may-ari ng palimbagang pinapasukan ni Victor. Isa itong mabait na amo na dumalo pa sa pagtatapos ni Victor.

D. Tunggalian

Tao laban sa sarili Sinusubukan ni Victor na baguhin ang kanyang nakagisnang kahirapan. Si Almay ganuon din, gusto niyang baguhin ang
dating Alma na sanay sa luho.

Mayroon ring inner conflict ang ama ni Alma, at sa huli ay nakita niya ang kamalian na kanyang ginawa at ang maluwag niyang pagtanggap sa
relasyon nina Alma at Victor ang kanyang naging redeeming quality.

Tao laban sa lipunan Parehong sina Victor at Alma ang naghihimagsik sa kanilang sarisariling lipunan. Si Victor ay nilalabanan ang ignoransya
at kahirapan. Si Alma namay ang maluhong uri ng pamumuhay at nakaaapi sa mahihirap.

E. Buod

Nagsimula ang Ang Tundo Man May Langit Din sa pagtawag ni Flor kay Victor upang silay muling magkita. Nagtagpo ang dalawang
dating magsingirog sa dati nilang madalas na punatahan na palamigan sa Quiapo. Doon nalaman ni Victor na dalawang buwan nang
nagdadalangtao sa Flor sa kanyang asawa na si Tonyo. Nag-usap ang dalawa at dahil ditoy na huli sa Victor sa napag-usapan nilang tagpuan
ng kanyang kaklase na si Alma. Nagkagalit nag dalawa, at matapos noon ay napagpasyahan ni Victor na dalawin si Flor sa kanyang tinitirahang
apartment. Pag-uwi ay nakipag-inuman si Victor sa kanyang nakatatandang kapatid na si Luas at ang tatlo nitong kaibigan na sina Paeng Gasti,
Tatong Bamban, at Pilo. Matapos noon ay napaaway ang magkapatid na Del Mundo sa apat na Waray na umagaw sa kanilang serbesa noong
silay nasa restawran. Kumalat ang pakikipagbakbakang ito sa buong Looban.

Kinabukasan sa paaralan ay may bisitang dumating., isang awtoridad sa kasaysayan ng Pilipinas na ang pangalan ay Agila. Hindi ito nakasundo
ni Victor at kinuwestyon niya ang naturang libro ng nasabing manunulat. SI Alma naman ay na-realize na na may gusto siya kay Victor at bumili
ito ng isang talaarawan o diary upang dito isulat ang kanyang mga saloobin. Napagpasyahan din nito na magkaroon ng isang pagtitipon para sa
kanyang mga kaklase sa kanilang bahay, kasama na rito si Victor. Sa araw ng party ay pumunta muna muli si Victor sa apartment ni Flor, at silay
muling nag-usap. Pagkatapos ay tumuloy na siya sa party ni Alma, kung saan ay inimbitahan din pala ng mga magulang ni Alma ang kanyang
mga mayayamang kaibigan. Pag-uwi ay binigyan si Victor ng kanyang ina at kuya ng toga para maisuot sa kayang nalalapit na graduation.

F. Pagsusuri

Ang nobelang ito ni Andres Cristobal Cruz ay nakatuon sa pag-iibigan nina Victor at Alma, dalawang taong pinaghihiwalay ng magkaibang
mundo. Ang kwento nilay tila isang telenobela: si Almay ang langit habang si Victor naman ay lupa. Isa ito sentong tema ng nobela. Ang karakter
ni Victor ay isang represantasyon ng mahirap na nakaabot sa kolehiyo at nakapagtapos gamit ang sariling sikap. Nangangarap siyang mapaulas
ang sarili at ang kanilang pamumuhay gamit ng edukasyong nakamtan. Ito ang magsisilbing langit ng Tundo na lubos na pinaniniwalaan ni
Victor. Si Alma naman ay naghihimagsik mula sa lipunang kanyang kinalakihan: ang alta sociedad na puros luho at kasakiman sa pera.
Tinalikuran niya ang nakasanayang marangyang pamumuhay at nagtrabaho kahit hindi naman kinakailangan. Si Alma ay naghahangad din ng
kanyang sariling langit, at iyon ay sa piling ni Victor.

Si Dolores ang isa pang kumakatawan sa mahihirap sa kwento. Isa siyang halimbawa ng mahirap na ginawan ng mali at kawalanghustisya ng mayaman. Isa rin siyang halimbawa ng mahirap na sa hirap ng buhay at pangangailangan ay nagpadala na sa tawag ng salapi.
Tinanggap niya ang perang ibinigay sa kanya ni Mister Fuentes upang manahimik kahit na hindi ito ang tamang makatarungan pagtrato sa
kanya.

Ang karakter ni Flor ay kumakatawan sa mga mahihirap na naghahangad ng biglaang-yaman at kumakapit sa patalim upang maiahon
ang sarili mula sa kahirapan at para sa madaliang pagyaman, at handing ipagpalit ang tunay na pagmamahal para sa pera

Ang Tundo Man May Langit Din ay isang kwento ng ibat ibang mukha ng lipunang Pilipino: mayaman at mahirap, walang pinag-aralan at
edukado, asawa at kalaguyo, pulitiko at masa. Walang bias ang naging pagsulat ni Andres Cristobal Cruz sa mga magkasalungat na uri,
bagkus naipakita niya ang bawat panig at ang sari-sarili nilang mundo at langit. Ang Timawa
AC Fabian

I. Layunin
Maipakita ang mga natatanging katangian ng mga Pilipino.
Maipakita ang totoong kaganapan sa Pilipinas na hanggang ngayon nararanasan ng mga Pilipino.
Maisalaysay ang diskriminasyon sa kwento

II. Panimula
Nakaranas na ba kayo ngpagkakataon na kayo'y naapi at minaliit? Hindi ba't ginugusto niyong muling tumayo at ipag laban ang inyong
karapatan? Paminsan, kinakailangan ng isang tao masaktan at bumagsak upang siya ay magkaroon ng sapat na lakas upang harapin at labanan
ang mga panganib ng bukas.
A. ANG MAY AKDA
Si "Tangkad", ang bansag sa kanya sa opisina, o si Agustin Caralde Fabian ang lumikha sa nobelang Ang Timawa.
Siya ay isinilang sa Plaridel, Bulacan noong ika-15 ng Agosto, 1901. Nagtapos niya ng kursong BS Industrial Mangement sa University of Ilinois.
Nagkaroon siya ng limang anak sa kanyang unang kabiyak na si Angela Fernan. Ang mga anak nila ay sina Leon, Betriz, Augusto, Manuel, at
Sergio. Sa kasawiang palad ay yumao ang kanyang asawa. Si Rosario L. Jose ang kanyang naging pangalawang pag-ibig. Nagkaroon sila ng
dalawang anak. Sila ay sina Emma at Noel.
Sa kanyang karera sa buhay ay naging koronel din siya ng mga gerilya sa Bulacan Military Area noong panahon ng Hapon.

Sa kanyang pagsusulat ginamit niya ang mga sagisag o pen-name na Angel Fernandez, Ms. Martin, Felicismo Cortez, Agusto and Fuentes
FBani, atPilar Buendia. Sa asawa niyang si Angela Fernan hango ang isang sagisag ng may akda.
Ayon sa paniniwala ng manunulat, "Higit na mahalaga ang obra kaysa by-line." Kaya naman pinili niyang magtago sa kanyang mga inisyal
lamang.
Marami siyang naitulong sa larangan ng pagsusulat. Nakapagsulat at naging kagawad si Fabian ng magasing Liwayway. Siya ay naging kabilang
sa lupon na ginampalan na pumili sa 25 ba pinakamabuting kathang Filipino ng 1943.
Bilang pagtulong at pagbalik ng kanyang mga natamo sa larangan na ito sa mga taong nais maging tulad niya, siya ay nagtatag ng sanayan para
sa mga manunulat ng liwayway ang Bagong Dugo.
Siya ay yumao noong ika-24 ng Abril, 1976.
Ang ibang mga likha niya ay ang mga sumusunod
Maria Mercedes
Sino Ako?
Mga Dayupay
Basta Mayaman
Hindi man hanapin
Magbayad ka!
Ang Malaya
Ginoong Salapi
Limatik
B. Ang Nobela
Ang kwento ay tungkol sa isang binatang Filipino na si Andres na hindi yumuko at sumuko sa mga nanghamak sa kanya sa dalawang bansang
pinangyarihan ng kasaysayan, sa Estados Unidos at Pilipinas. Makatarungan ding banggitin na ang nobela ay tanda ng pagunlad ng sining sa
pagsusulat ng nobela: Si Andres sa kasaysayan ay hindi tipo kundi tao, na ang kabutihan ay kakambal ng kasamaan sa kanyang katauhan.
(Hango sa likod ng aklat)

III. Katawan
A. PAGKAKAPAMAGAT
Pinamagatan ng may akda, na si A.C. Fabian, ang kanyang likha na Ang Timawa. Ang pamagat na ito ay nabigyang pagpapakahulugan sa
unang kabanata pa lamang ng nobela.
Ang salitang timawa, na naging pamagat ng nobela, ay direktang naipaloob ni Fabian sa kwento. Ito ang salitang nagdulot sa pagkahubog sa
karakter ng pangunahing tauhan na si Andres.
Sa umpisa ng kwento, nagsalaysay si Andres tungkol sa kanyang buhay sa Pilipinas. Dito na niya nabanggit at nabigyang dahilan ang kanyang
pagiging masipag at matiyaga. Dahil noong bata siya, naranasan niya ang pangaalispusta gamit lamang ang mga salita.
Ayon sa kanyang salaysay, nagkaroon ng maliit na salu-salo sa bahay ng may-ari ng lupang sakahan ang mga magsasaka, kabilang doon ang
kanyang ama. Sinama siya ng kanyang ama. Nakita sila ng may-ari na nagsasaya sa ibaba ng bahay at ito ay nagalit. Nasabihan niya ang
magsasaka na sila'y mga timawa at narinig iyon ni Andres. Nakita sa muka ng mga magsasaka ang pagkababa ng kanilang pagkatao.
Musmos pa lamang siya noon at hindi niya lubos na maintindihan ang salitang iyon. Ipinaliwanag sa kanya ito ng kanyang ama at sinabing ito ay
masahol pa sa aso. Sinabihan si Andres ng kanyang ama na mag-aral ng mabuti upang hindi siya matawag na isang timawa.
Nang yumao ang kanyang ama, isinaulo niya ang sinabi ng kanyang ama. Mula noon ay nagpursigi siya sa lahat ng kanyang ginagawa.
Pinagbutihan niya ang lahat ng ito. Dito nabuo ang kanyang pagkatao.
Sa salitang timawa naitatag ang kwento at pagkatao ng pangunahing tauhan.
B. Halagang Pangkatauhan
Maraming makukuhang magagandang asal sa nobelang timawa. Sa unang tauhan pa lamang ay may mapupulot na tayong mga katangian.
Isang katangian ni Andy ay ang pagiging masipag dahil kahit gabi na ay tuloy parin ang kanyang paghahanapbuhay para lamang makatapos ng

medisina. Kasama ng sipag ay ang pagiging pursigido at maparaan dahil kahit na maraming tinatapong gawain sa kanya ay nagagawa niyang
tapusin ang lahat. Ang malungkot lang sa parteng ito ay nawawala na siya ng pakikipagkapwa.
Tiniis rin ni Andy ang lahat ng hirap at pagod na kanyang naranasan. Dugo at pawis ang inalay niya para lang masigurado na matupad ang
pangako sa ama at maging maginhawa ang kanyang buhay. Si Andy ay isang mabuting tao dahil ginagalang nya ang kanyang magulang at ang
mga taong ginagalang rin siya. dahil sa kanyang katalinuhan ay nakapag-aral siya ng medisina sa Amerika. Nagiging inspirasyon niya ang
kanyang mga pangarap upang hindi sumuko sa hirap ng buhay.
Masasabi nating laki sa hirap si Andy. Hindi siya nakaranas ng sarap ng buhay mayaman ngunit hindi ito naging hadlang upang sumuko nalang
siya sa kanyang pangarap at buhay. Malakas ang loob ni Andy na makakatapos siya ng medisina kaya lahat ng unos na mararanasan niya ay
kakayanin at malalampasan niya. Mahal niya ang kanyang mga magulang at tapat rin siya sa kanyang sarili at sa kanyang kapwa.
Nais ni Andy na makatapos at balang araw ay matutupad ang lahat ng kanyang pinaghirapan. Isang kakaibang lalake si Andy dahil madalang na
tayo makakita ng ganitong lalake na may tiwala sa sarili at may direksyon sa buhay.
C. Talasalitaan
1. Kapagdaka- Sa sandali; kaagad;
2 Timawa- isang alipin; hampas lupa; mababang klase ng nilalang/ tao
3. Tampok- gitna; i-sentro; pinakamahalaga;
D. Sakit ng Lipunan
v Diskriminasyon ng mayayaman laban sa mga mahihirap
-Ito ay naipakita ng Donyang may ari ng lupain noong araw ng kapistahan. Kanyang minaliit ang mga magsasaka at halos pag damutan ng
pagkakataong kumain. Ito ay isa sa mga sakit ng lipunan na mula noon hanggang ngayon ay nararamdaman pa ng karamihan. Noong araw, ang
mga kastila at mga prayle ay madalas apihin ang mga Pilipino dahil sila ay nasa ilalim ng pamahalaan ng Espanya. Sa panahon ngayon, hindi
man mga dayuhan ang nangaapi ngunit mas masakit ito dahil kapwa Pilipino madalas ang gumagawa nito. Madalas mapagkaitan ng karapatan
ang mga mahihirap dahil karaniwa'y hindi nila alam ang kanilang mga karapatan bilang mamamayan. Sinasamantala naman ng mga mayayaman
ang pagkakataong ito. Nararapat na magtulungan ang bawat isa, mayaman man o mahirap na maintindihan ang karapatan ng bawat isa kasabay
ng pagtutulungan sa ikakaunlad ng bayan,
E. Paguugnay sa Kasalukuyan
Katulad ng naipakita sa nobela, ang diskriminasyon ay nararamdaman parin ng karamihan sa atin ngayon. Mayaman man laban sa mahirap,
makapangyarihan man laban sa mahina at iba't iba pang klase ng diskriminasyon ang nararamdaman ngayon.
Maihahantulad natin si Andy sa isang Overseas Filipino Worker o OFW kung tawagin. Katulad ng OFW, si Andy ay nagtrabaho sa ibang bansa
upang matakasan ang kalupitan at hirap na nadaranasan ng mga Pilipino sa bansa. Nais niyang makatikim ng ginhawa ng buhay kaya siya
nagbalak pumuntang Amerika. Hindi rin naiwasan ni Andy na magpabago bago ng hanapbuhay dahil hindi rin madali ang maghanap ng trabaho
na malaki ang sweldo lalo na kung galing ka sa hirap at onti lang ang iyong naging edukasyon. Katulad ng OFW ay naranasan rin niya ang hirap
ng buhay sa ibang bansa. Nanibago rin siya at kailangang maaral rin niya ang takbo ng buhay sa Amerika at matangap ang bagong kultura.
Ibang iba ang Pilipinas sa Amerika ngunit dito pinili ni Andy na mamuhay dahil malaki ang kanyang tiwala sa sarili na magiging maayos rin ang
kanyang buhay.
Si Andy ay isang International Working Student din dahil katulad ng isang Pilipinong nag-aaral sa ibang bansa ay naghahanapbuhay rin siya para
matugunan ang mga pangangailangan sa araw araw lalo na ang pambayad sa paaralan at mga kagamitan na kakailanganin dito. Isang kahanga
hangang tao si Andy dahil iba ang kanyang naging karanasan sa kanyang buhay at marami siyang napulot na gintong aral dito.
F. Pagsasalaysay
Ang nobela ay umiikot sa pangunahing tauhan na si Andres. Siya ay nagtatarabaho bilang isang tagahugas ng pinggan sa isang dormitoryo sa
Amerika. Kanyang ginagawa ito upang makapagatuloy magaral.
Nang isang gabi, nagkayayaan si Andres at ang kanyang mga kaibigan na magkwentuhan ng kanilang mga buhay. Bago magbahagi si Andres ng
kanyang mga karanasan, kanyang tinimbang muna ang mga ito sapagkat siya'y nagaalangan sariwain ang mga malulungkot na karanasan sa
kanyang buhay. Nag pasya din siya ibahagi ang karanasan na bumago sa kanyang buhay na naganap noong siya ay isang musmos pa lamang.
Ang ama ni Andres ay isang magsasaka sa kanilang bayan. Tuwing may pista, ang mga magsasaka ay inaanyayahan dumalo at tumutulong sa
pagsasalo sa bahay ng may ari ng haciendang kanilang pinagtatrabahuhan. Isang pista, isinama si Andres ng kanyang ama sa naturang salu
salo. Nang oras ng kumain ng mga nanulungan, dumating and Donyang asawa ng may ari ng hacienda at ito'y nagalit at ang sabi'y hindi pa
tapos kumain ang mga panauhan sa taas at kanilang inuuna ang kanilang bituka. Ang Donya'y tinawag sila bilang mga timawa. Dahil sa musmos
pa lamang si Andres hindi niya agad ito naintindihan. Ngunit paguwi nila, ipinaliwanag ng kanyang ama ang ibig sabihin ng timawa. Dagdag pa
dito, sinabi sa kanya ng kanyang ama na mag aral at magsumikap upang huwag sapitin ang kaapihang ganon.
Nag patuloy si Andres mag aral ng mabuti hanggang makatapos siya ng intermedya. Ngunit ang humalili sa kagalakang naramdaman niya ay
isang trahedya; ang pagpanaw ng kanyang ama. Kahit wala na ang kanyang ama sa mundo, ipinagpatuloy parin ni Andres ang pagsisikap para
matupad ang adhikain sa kanya ng kanyang ama

PINAGLAHUAN
Isang gabi pagkaraan, nagtagpo ng lihim sina Luis at danding sa tahanan ng huli. Ipinaalam ni danding sa kasintahan kung paanong
ipinagkasundo na siyang ipakasal ng kaniyang mga magulang kay Rojalde. Inamin ng dalaga na bagaman mahal niya ang binata, hindi naman
niya matatalikuran ang kaniyang tungkuling tumalima sa mga magulang na itinuring niyang pangalawang Diyos dito sa lupa. Nanggipuspos si
Luis sa ganitong narinig sa katipan subalit wala siyang nagawa kundi tanggapin ang pasiya nito. Sa halip na si Danding ang sisihin, sinabi niyang
ang salapi ang humusga ng kaniyang karapatang angkinin si Danding dahil karaniwang empleado lamang siya, at ang pananampalataya ang
umagaw sa laya ni Danding na piliing pakasalan ang lalaking minamahal. Noong gabing iyon, naghiwalay ang magkatipan nang
nagkakaunawaang walang kahihinatnang anoman ang kanilang pag-iibigan.
Pinaglahuan (kabanata III)
ni Faustino Aguilar

Layunin:

Pagsusuri sa Nobelang Tagalog sa Teoryang Naturalismo

Tema ng Pag-ibig Bilang Pagpapakita sa Kalagayan ng Bayan:

Ang mga tauhan sa nobela ay siya ring mga tampok bilang mga aktuwal na tauhan sa lipunan. Nariyan si Mr. Kilsberg na siyang manipestasyon
ng imperyalismo. Si Rojalde bilang representante ng Malalaking Burgesya Kumprador at mga Panginoong may Lupa na siyang mga masasalapi
at nakikinabang sa mga iskema ng imperyalismo. Sila Don Nicanor Gutierrez na mga representante ng Pambansang Burgesya.
Si Luis naman ay siyang representante ng uring manggagawa o sa uring anakpawis. Samantala si Danding naman ang manipestasyon ng
lipunang Pilipino sa kaanyuan ng Inang Bayan. Sa pamamagitan ng tema ng pag-ibig ay naiangat ni Faustino Aguilar ang istorya upang mulatin
ang kamalayan ng mga mambabasa. Ano nga ba ang pag-ibig na ito kundi ang pag-ibig sa bayan at ang paghahangad ng bawat masang Pilipino
na naduhagi ng imperyalismo, na siyang rurok ng kapitalismo, na matamo ang tunay na kalayaan sa lipunan at wagas na pagkakapantay-pantay.
At yaong anak na isisilang ni Danding ay siyang rebolusyon na bunga ng panawagan ng mga dukha na makamtan ang isang tunay na kalayaan
ng bayan. Ang pag-ibig ng mamamayan sa Inang Bayan ang siyang nagluwal sa himagsikan.

Mga Tauhan:

Luis- Ang Kasintahan ni Danding, isang dukha lamang.


Danding- Kasintahan ni Luis, naipagkasundo ng magulang na ipakasal sa isang mayamang lalaki.
Rojalde- Ang lalaking ipinag-kasundo kay Danding, anak ni Nicanor Reyes.
Don Nicanor- Ama ni Rojalde, napakayaman nito.

Deskripsyon ng Tagpuan:

Gabi at umuulan. Gabing kung saan ay dapat sumpain ng mga may sakit sa rayuma dahil sa kalamigan ng hanging umiihip. Gabi kung saan
dapat ay nananalangin ang matatakutin dahil sa malalakas na tunog at nakakagulat na kidlat.

Buod:

Tampok sa nobela ang maigting na pakikibaka ni Luis Gatbuhay, na nagkataong lider obrero, laban sa makapangyarihang si Don Nicanor.
Kailangang ipaglaban ni Luis hindi lamang ang usapin ng manggagawa kundi maging ang itinitibok ng kaniyang puso: si Danding.

Gusto ni Don Nicanor na makasal ang kaniyang anak na dalaga kay Rojalde. Si Don Nicanor ay sugapa sa sugal, at naglustay ng malaking pera
para matustusan ang kaniyang bisyo. Nang malubog siya sa utang, naisip niyang ang tanging makapagliligtas sa kaniya ay si Rojalde na handa
namang tumulong upang mabayaran ni Don Nicanor ang mga utang. Ang kapalit na kabayaran na nais ni Rojalde ay mapakasal kay Danding, na
bukod sa maganda ay nagtataglay ng mga katangiang ipaglalaban ng patayan ng sinumang lalaki.

Ngunit hindi naging madali ang lahat. Mahal ni Danding ang kasintahang si Luis. Kaya naman nang malaman ito ni Rojalde ay umisip siya ng
paraan para matanggal sa trabaho si Luis, maisakdal sa hukuman, at tuluyang maibilanggo. Nagngitngit si Luis at naghimagsik, gaya ng
sugatang hayop.

Nakasal si Danding kay Rojalde, at may pitong buwan pa lamang ang nakalilipas ay nagsilang agad ng malusog na sanggol. Ang sanggol ay
hindi kahawig ni Rojalde kundi ni Luis.

Nagwakas ang nobela nang magtanim at masabugan ng bomba si Luis sa loob ng bilangguan. Nagdiwang din siya nang tupukin ng
dambuhalang sunog ang lungsod, at naiwan si Rojalde sa balkonahe habang nasusunog paligid at ang tinitirhang bahay.

Pinakamagandang Bahagi:

Nang magsilang si Danding ng isang napakalusog na bata at kahawig pa ni Luis.

Gintong Aral:

Walang makapipigil sa Tunay na Pag-ibig.

Ano ang aral sa nobelang pinaglahuan ni faustino aguilar:

Hndi dapat maging mapagsamantala ang mga nakatataas sa lipunan. Marahil sila ay maituturing na makapangyarihan dahil sa kanilang salapi
ngunit mangingibabaw pa rin ang moralidad at asal ng isang kung ituring may dukha.

You might also like