Professional Documents
Culture Documents
Koro Guidlines
Koro Guidlines
d. Suriin at ihandang mabuti ang mga sumusunod bago magsimula ang pagdiriwang:
- Itono na ang mga instrumentong gagamitin.
- Sikaping maayos ang sound system na gagamitin tulad ng mga amplifiers at microphones.
- Ipamigay ng maaga ang mga sipi ng awit.
- Iayos ang mga upuan bago at pagkatapos gamitin.
e. Ang bawat kasapi ng koro ay dapat nakadamit ng maayos. Hindi dapat magsuot ng short pants, sleeveless blouses, o
tsinelas.
4. Tagubilin sa Pag-awit:
a. Dapat tandaan ang prinsipyo ng progressive solemnity sa pagdiriwang. Mas espesyal ang pagdiriwang, mas solemne ang pagawit. May mga awit na mas mahalagang awitin kaysa ibang awit batay na din sa panahon na kinpapalooban ng pagdiriwang.
Halimbawa, ang Papuri sa Diyos ay mas pahalagahang awitin kaysa sa Panginoon Kaawaaan Mo Kami sa Karaniwang Panahon.
b. Ang awit poliponico ay hindi hinihikayat lalo na kung hindi makakasabay ang mga tao sa pag-awit. Ngunit kung kinakailangan na
mapaganda ang awit lalo na kung alam ng mga tao ang aawitin, ang poliponico ay maaaring makadagdag sa ikagaganda ng
paagdiriwang. Isaalang-alang din ang dami ng tao, panahon at pook sa pag-awit ng poliponiko .
c. Sa mga awiting pansaliw sa mga kilos sa Liturhiya tulad ng Pambungad, Pag-aalay at Komunyon, dapat tapusin ang awit kapag
tapos na din ang inaagapayanang kilos. Iminumungkahi ang paggamit ng prinspiyo ng fading out upang huwag biglaan ang
pagtapos ng awit.
d. Maaaring may mga solo parts sa pag-awit ngunit kinakailangang ito ay malinaw at hindi hadlang sa pakikilahok ng mga tao. May
ilang bahagi lang ng pagdiriwang na pinapayagan ang solo parts tulad ng mga stanza sa Pambungad, Pa-gaalay, Komunyon.
Maari ding may solo Panginoon Kaawaan Mo Kami, Papuri sa Diyos, Salmo, Aleluya, Kordero ng Diyos at Pangwakas.
e. Ang Ama Namin ay dapat awitin ng lahat. Iminumungkahi na hindi dapat paiba-iba ang tono ng Ama Namin. Mas higit na mabuti
kung may permanenteng tono ang Ama Namin buwan buwan o kaya naman depende sa panahon ng pagdiriwang.
f. Dapat makibahagi ang koro sa pagdiriwang kaisa ng sambayanan tulad ng pagluhod, pakikinig sa mga pagbasa at homilya, at
pagsagot sa mga pagdiriwang.
g. Maaaring gumamit ng ibat-ibang imstrumento subalit dpat isaalang-alang ang panahon ng pagdiriwang. Hindi dapat maging
hadlang ang mga instrumento upang makilahok ang tao sa pagdiriwang. Hindi iminumungkahing gamitin ang saxophone at mga
instrumentong masyadong secular ang gamit. Ang drums ay maaaring gamitin batay sa okasyon at panahon ng pagdiriwang. Ang
ethnic instruments ay maaaring gamitin lamang sa mga lugar kung saan ang mga ito ay bahagi ng kultura ng mga taong
nagdiriwang tulad ng mga katutubo.
h. Hindi pinapahintulutan ang [agggamit ng minus one bilang pagsaliw sa pag-awit ng koro. Kung walang instrumento, umawit na
lamang ng a capella. Hindi din pinapahintulutan na magpatugtog ng recorded song sa anumang bahagi ng pagdiriwang. Ang
prinsipyo ng natural music ang dapat na gamitin. Live voice at live instrument lamang.
i. Tignan ang Tagubilin sa mga Awit sa Litruhiya para sa iba pang dapat isaalang-alang ng koro sa kanilang pag-awit ng liturhiya.