Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

PAGLALAYAG sa PUSO ng ISANG BATA

ni Genoveva Edroza-Matute
Binata na siya marahil ngayon. O baka ama na ng isang mag-anak. Ito ay kung nakaligtas siya sa
nakaraang digmaan nguni't ayaw kong isiping baka hindi. Sa
akin, siya'y hindi magiging isang binatangdi-kilala, isang ama, o isang alaala kaya ng Bataan. Sa akin, siya'y
mananatiling isang batang lalaking may-kaliitan, may kaitiman, at may walong taong gulang.
Pagkaraan ng daan-daaang tinuruan, mga sumipot, nanatiling saglit, at lumisan pagkatapos, pagkaraanng mga
taong ang ila'y nagdumali, ang ila'y nagmabagal at ang ila'y nakintal sa gunita, buhay na buhaypa sa aking isipan
ang kanyang mukha at ang kanyang pangalan. Nguni't ang buhay sa lahat ay ang isangbagay na itinuro niya sa akin
isang araw nang siya ang aking maging guro at ako ang kanyang tinuturuan.
Isa siya sa pinakamaliit sa klase. At isa rin siya sa pinakapangit. Ang bilog at pipis niyang ilong ay lubhangkapansinpansin at tignan lamang iyo'y mahahabag na sa kanya ang tumitingin. Kahit ang paraan niya ngpagsasalita ay laban
din sa kanya. Mayroon siyang kakatuwang "punto" na nagpapakilalalng siya'y tagaibang pook.
Ngunit may isang bagay na kaibig-ibig sa munti't pangit na batang ito, kahit sa simula pa lamang.Nagpapaiwan siya
tuwing hapon kahit na hindi siya hilingan ng gayon. Tumutulong siya sa mga tagalinisat siya ang pinakamasipag sa
lahat. Siya rin ang pinakahuling umaalis: naglilibot muna sa buong silidupang pulutin ang mga naiiwang panlinis.
Lihim ko siyang pinagmamasdan habang inaayos niya ang mgaito sa lalagyan, ipinipinid, at pagkatapos ay
magtutungo sa likod ng bawat hanay ng upuan upangtingnan kung tuwid ang bawat isa. At sa pintuan, lagi siyang
lumilingon sa pagsasabi ng "Goodbye,Teacher!"
Sa Simula, pinagtakhan ko ang kanyang pagiging mahihiyain. Nakikita ko siyang gumagawa nang tahimikat nag-iisa
- umiiwas sa iba. Maminsan-minsa'y nahuhuli ko siyang sumusulyap sa akin upang bawiinlamang ang kanyang
paningin. Haba ko siyang tinatanaw tuwing hapon, pinakahuli sa kanyang mgakasamahan, ay naiisip kong alam na
alam niya ang kanyang kapangitan, ang katutuwang paraan ngkanyang pagsasalita.

You might also like