1. Personal -- Upang ipahayag ang sariling damdamin, pananaw at opinyon.
Sakop nito ang mga bulalas ng damidamin tulad ng pagkagulat, gali, hinanakit at tuwa. Maging ang pagmumura ay maituturing sa uring ito, kung kaya, ang ganitong gamit ay nasa ilalim ng alinman sa firmal o informal na talakayan. 2. Imahinatibo nalulubos ang gamit na ito ng wika kapag nailalapat sa pagsulat o pagbigkas ng mga akdang pampanitikan. Malikhain ang tunguhin nito kung kaya karaniwan nang mapapansin ito sa mga gawang masining o estetiko. Sa pasilat o pasalita man, nagagamit ito sa mga tila, awit, kuwento at ibang mangangailangan ng mga talinghaga. 3. Interaksyonal mahalaga ang gamit na ito ng wika sa dahilang sa pamamagitan nito, pinananatili ang mga relasyong panlipunan. Sa mga magkakakaibigan, nariyan ang pagbibiruan at panunukso. Sa mga magkakamag-anak, nariyan ang mga paanyaya ay pasasalamat. Sa mga pangkat panlipunan, nariyan ang mga salitang pangkabataan, wika ng mga bakla, mga propesyonal na jargon tulad ng mga eksprestong sosyolek. 4. Impormatibo/Representasyonal -- Ito ang gamit ng wika na may linyang maipaalam ang napakaraming katotohanan, datos at impormasyong hatid ng mundo. Dahil dito, mas higit na formal ang gamit na ito ng wika lalo pat gamit ito sa pagtuturo, mga talumpati, palitang-kuro, pagbabalita o simpleng pag-uulat. 5. Instumental ginagamit ang wika upang magawa ng isang individwal ang kanyang nais gawin. Pasalita man o pasulat, magagamit ang wika upang mag-utos, makiusap, humihingi, magmungkahi at magpahayag ng sariling kagustuhan.
6. Regulatori madalas na ginagamit ito ng mga taong may nasasakupan o
mga taong may taglay na kapangyarihang magpakilos ng kanyang kapwa. Kontrolado ng gumagamit ng wika ang sitwasyon kung kaya napakilos ang sinuman matapos niyang magamit nang ganap ang wika. Sa pasalita, kapansin-pansin ito sa mga talumpati o debateng ang layunin ay maghimok tulas sa isang halalan. Sa pasulat, mapapansin ito sa mga memorandum, patakaran, reslusyon at iba pa. 7. Heuristik gamit ito ng taong nais na mtuto at magkamit ng mga kaalamang akademik at propesyonal. Upang kanyang mabatid, kailangan niyang sumuri, mag-eskperimento, magtanong at sumagot, magbigaykahulugan, makipagtalo at pumuna.