Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 15

BUOD:

Daluyong

Chapter 1
Kabilang sa maraming utang na hindi nababayaran ng tao ay ang utang na loob. Ganito ang
laman ng isipan ni Lino Rivera, ama ni Ernesto. Ika-21 noon ng Mayo, 1955, taon ng mga
halalang pambayan sa Sangkupalan, nakaupo si Lino sa isang palapag. Tahimik siyang
nagmumuni-muni at dinidiktahan siya ng kanyang sarili na siya ang may-ari ng lupang
kanyang sinsasakahan, ngunit bumabalik siya sa realidad na hinuhulugan na ang lupa tauntaon mula sa maliit na bahagi ng kanyang anihin. Bigla niyang narinig ang tinig ni Rey Amando
Fehevana parokya ng pinyahan. Sa kanya niya utang ang maliit na bahagi ng lupang kanyang
sinasakahan. Kaya nga namay sinasabi ni Lino na siya ay mapalad sapagkat mabait ang
kanyang Panginoon. Sa iba, umiral ang Tenancy System na siyang pinag-uugatan ng
maraming kasamaan. Utang niya kay Pari Amando at sa pamangkin nitong si Miss Loreto
Sanches na isang guro ang kanyang buhay. Si Miss Loreto Sanchez ang nagkupkop kay
Ernesto ng mapagbintangan si Linong pumatay. Dahil sa pagsuko ni Miss Loreto Sanchez kay
Koronel Roda sa kabundukan, napawalang bisa ang kasalanang pagpatay na ibinibintang kay
Lino. Sapagkat matagal ng umiibig si Koronel Roda kay Miss Sanchez. Naisip niyang tanging
paraan upang makabayad ng utang ay ang paglapitin ang puso ng dalawa. Dumating si
Ernesto.
Chapter 2
Dumating si Ernesto at Bidong, sakay ng isang kabayo at dala ang maraming pasalubong mula
sa Pinyahan. Ibinalita ni Ernesto na si Pari Amando na siyang tinatawag niyang Lolo Amando
ang bumili ng kabayo para kay Lino. Sinabi rin ng anak na maraming padala si Miss Sanchez
na tinawag niyang Nanay Luring. Ipinakita ni Lino ang lupang kanyang sinasakahan.
Pagpahinga ni Ernesto, nag-usap si Bidong at Lino tungkol kay Huli na matagal ng iniibig ni
Bidong. May sakit ang babae at balak ng lalake na dalawin ito ngunit ang mga magulang ng
babae na si Aling Barang at Mang Abeng ay galit sa manliligaw. Hampas lupa raw kasi siya.
Ngunit, kahit na ganoon, pinagpasiyahan ni Bidong na bumisita roon dala ang sardinas at
bigas. Pagkaalis ni Bidong, nagharap naman ang mag-ama at nagkwentuhan tungkol sa
kabaitan at katapatan ni Bidong. Isa itong ulila noon at inampon lamang ni Lin. Dahil sa
kabaitan, itinuturing na ito ni Lino bilang isang kapatid. Isinalaysay ni Ernesto ang mga
padala, na ang pinakamahalaga sa lahat ay ang mga binhing padala ni Pari Amando. Ibinalita
din ni Ernesto na maglilimang grado na siya sa pasukan at mapapalayo na kay Lino. Tahimik si
Lino. Bumalik si Bidong na bigong madalaw si Huli. Nakiusap si Bidong kay Lino kung maaring
ipamanhikan siya kay Huli. Pagkatapos ng pag-uusap muling nag-isip si Lino sa kanyang utang
na loob kay Amando at Miss Sanchez. Sino ba ang mas matimbang?
Chapter 3
Ibinalita ni Bidong na ipapalipat na ni Miss Sanchez sa pangalan ni Lino ang dokumento ng
kastanyo. Pinuri nilang muli si Miss Sanchez sa kabaitan. Nag-usap muli si Bidong at Lino
tungkol kay Huli. Pakiramdam ni Bidong na mahal din siya ni Huli. Nagkukuwentuhan na datiy
may kaya ang pamilya ni Huli ngunit dahil kay Tirso, ang panganay na pinag-aral sa Los
Baos, naubusan. Nag-aral siya ng magsasaka hindi para magsaka kundi para magturo pa ng
pagsasaka, kayat naiwan kay Mang Abeng ang trabahong magsaka. Kayat nagkasakit si Mang
Abeng at namatay. Sinabi ni Bidong na bago mamatay ang lalaki, nagsaka ito kay Don Tito na
sinasabing may-ari halos ng buong Maruhat. Sinasabi na ang kalakhan ng Maruhat ay
pagmamay-ari ng ninuno ni Huli sa parte ni Mang Abeng. Naagaw lang ni Don Tito dahil sa
kataga nitong agrimensor. Naging bangkero pala si Lino ni Don Tito. Umalis si Lino ngunit
bumalik kaagad at naratnan si Aling Barang isinasauli ang kanilang padala. Muling nag-usap si
Bidong at Lino. Nangako si Bidong na magbabago mula sa palaaway hanggang sa pagiging
responsible. Pinag-usapan nilang mahal mahal ni Bidong si Huli, at ang kanilang samahan, na
maaasahan nila ang isat isa. Sinabi ni Lino uuwi sila ni Ernesto kinabukasan at ang balik ay
Lunes. Ipinagkatiwala ang lahat kay Bidong. Bigla nilang nakita si Huli na sumasalok ng tubig.
Maganda siya sabi ni Lino. At siya naman ang kanilang pinag-usapan, na mayroon siyang
karibal sa pag-ibig ng babae. Pagkaraay sabi ni Bidong na sa mga araw na walang gagawin,
marapat na magliwaliw silang dalawa ni Lino.

Chapter 4-5
Sa bulwagan ng kumbento ng simbahan sa nayon ng Pinyahan ay naroon nag-uusap si Don
Tito at Pari Amando. Batid sa mukha ng pari ang pakamatamlay nito at may bahid ng
pagkakapahiya sa mukha ng Don. Mag-iika 3 ng hapon ng dumating si Ernesto sa kubo ni Lino
sa isang bukid sa Maruhat kasama si Bidong. Inumpisahan ni Don Tito ang kanilang pag-uusap
ng pari, binanggit nito ang sakit ng ulong dala ng kanyang anak na si Benigno. Ipinaliwanag
nito ang pag-iba ng kanyang isip hinggil sa pagsunod nito sa nais ng pari na alisin ang tenancy
system. Sinabi niya ang pagiging maka-Amerikano ng anak at ang pagpintas nito sa sariling
bansa. Ayon sa Don ay lahat ng nakikita ng anak ay mali at ang tanging tama lamang ay ang
pagpapalakad ng Estados Unidos. Habang patuloy sa pagkekewento ang Don ay
minamatyagan niya ito dahil alam niyang tuso ito. Ngunit ayon din sa Don ay mas gusto ng
kanyang anak na magsalita ng Tagalog dahil hindi raw magandang naghihiram ng wika ng
ibang bansa. Nabanggit niya nang minsang magkaroon ng bisita ang anak at hirap naman
itong manangalog.
Ayon sa Don ay bagamat tapos ng medisina ang anak ay ayaw nitong manggamot ng mga
may sakit bagkus ay gusto nitong gamutin ang pamamalakad ng pamahalaan. Nang muling
itanong ng pari ang nagpapasakit sa ulo ni Don Tito ay binanggit na nito ang nais ng kanyang
anak na pumasok sa pulitika. Tumungo ang pari sa usapan nilang dalawa at hinintay na ilaglag
ng Don ang pagkukunwari nito. Nagpatuloy sa pagsasalita si Don Tito at ang paksa pa rin ng
kanilang usapan ay si Benigno at ang gagawin nitong pagpasok sa pulitika. Tumigil sandali ang
Don at nabatid ang pagbigat ng kalooban ng pari. Kailangan niyang mapatawa ang pari, alam
niyang mayroong malaking magagawa ang pari para sa pamumulitika ng anak at
makakatulong ito upang makuha ang kamay ni Ms. Sanchez. Napatawa run ng Don si Pari
Amando at nagpatuloy sila sa pag-usap. Tinanong siya kung ano ang saloobin nito hinggil sa
desisyon ng anak at sinabi niyang hahayaan niya kung ano ang nais nito at gusto rin naman
niyang magkaroon ng gobernador na anak. Ayon sa Don ay nais na niyang magkaroon ng
asawa.
Chapter 6 Hamog na Nakalalanta
Pagkauwi ni Ernesto ay binigay niya agad ang pasaubong na bayabas niya kay Erni na siya
mismo ang kumuha mula sa puno. Nang unay ayaw pa niyang kunin ang bayabas dahil gusto
niyang sumama sa Maruhat ngunit hindi makasama dahil hindi na sila kasya sa kabayo. Sinabi
pa ni Ernesto na tanaw na tanaw ang lahat mula sa taas ng punong bayabas at lalo pang
nagpilit si Erni at nangako naman si Ernesto na kapag malaki na sila ay magbabakasyon sila
doon ngunit ayaw maniwala si Erni kaya nagkasagutan silang kaunti at sinabi pa ni Ernesto na
isusumbong niya si Erni sa kanyang nanay. Nang kakainin ni Erni ang bayabas ay dumating
naman si Ms. Sanchez at sinabing itabi muna ang bayabas dahil hindi pa sila nag-aalmusal.
Napagsabihan niya si Ernesto dahil delikado raw umakyat ng puno at tinanong kung nasaan si
Lino. Si Lino ay maagang umalis para kumuha ng gatas dahil ang kalabaw nila ay lalaki lang
kung kayat sinabi ni Ms. Sanchez na bibigyan niya ng babaeng kalabaw si Lino dahil mainan
daw ang may gatas sa bahay. Inayos na niya ang hapagkainan. Tanghali na ngunit wala pa rin
si Lino kung kayat pinuntahan siya ni Ms. Sanchez sa balkonahe at nadatnan dun si Lino at
Albino na nag-uusap. Ngunit hindi niya narinig ang pag-uusap dahil umalis na si Albino, Nagusap na si Lino at si Ms. Sanchez. Sabi ni Lino na hinihintay siya ni Albino dahil may mahalaga
siyang dapat sabihin,kakausapin daw siya ni Don Tito. Hindi nakakain si Lino dahil kailangan
niyang makipagkita kay Don Tito. Nabagabag ang dalaga kung ano ang ipinapasabi ni Don Tito
kay Lino dahil natatakot siya dahil baka makuha si Lino o tungkol ito sa lupa. Kumain sila at
ikinwento ni Ms. Sanchez na pumunta sila ni Beba sa kumbento at naabutan nila si Amando at
Don Tito na nag-uusap. Ayaw pa sana nilang pumasok ngunit napilitan sila dahil nagkakainitan
na sila ng ulo. Umaasa si Ms Sanchez na sapat na ang kwentong iyon upang magimbal si Lino
kay Don Tito. Pagkatapos nila kumain ay umupo muna sila sa sala dahil nais na makita ng
nanay ni Ms Sanchez si Lino kung kayat binigyan niya ng lemonadong tsaa ni Ms Sanchez. Si
Ms Sanchez ay isang tipikal na dalagang Pilipina, mahinhin at matimpi kung kaya naman ay
iginagalang siya ng lahat ngunit pagkaharap niya kay Lino ay nawawala ang mga katangiang
yoon dahil mahal niya si Lino. Iniisip ni Lino na hindi siya karapat-dapat sa pagtingin ni Ms.
Sanchez dahil marami pang tao na mas makapagbibigay ng mas maganda sa kanya. Dumating
na si Aling Basila at kinausap si Lino at sinabing dapat ay huwag siyang mahihiya. Lagi daw
siyang pumunta doon at pinapatatag ang loob pag nandoon siya dahil tanggap naman siya
doon. Hindi nagtagal ay umalis na si Lino doon dahil hinihintay siya ni Ka Amando sa

kumbento. Ngunit bago siya umalis doon ay itinanong sa kanya ng kanyang anak (Ernesto)
kung babalik pa siya at ipinangako naman ng kanyang tatay na babalik siya at ipinaalaga kay
Ernesto ang mga alaga nilang hayop.
Chapter 7 May Dilim sa Langit
Habang naglalakad si Lino papuntang simbahan dahil sa kanyang pagtupad na makaniig siya
nang maghapon sa tuwing lingo ay mayroon namang nangyayari sa bahay ni Don Tito.
Nakaupo sa isang maluwang na silid ang anak ni Don Tito na si Dr. Benigno Sityar na
nagbibigay ng aral at payo sa mga kausap niya na kasing edad niya rin. Lahat sila doon ay
naninigarilyo at makikita ang mga baso ng kape sa kanilang pinag-inuman. Sinabi ng anak ni
Don Tito na hihingi sila ng payo sa mga matatanda ngunit hindi nila ito susundin at gagawa ng
ibang plano ngunit hindi magagalit ang mga matatanda dahil kung mayroong magandang
kalalabasan ang ibang plano nila ay sasabihing ang mga matatanda ang may gawa noon. Hindi
daw kasi mahihiwalay ang mga matatanda sa eksena dahil sila ang may hawak ng lahat.
Doktor ang tawag nila sa anak ni Don Tito at sinabi niyang kung may magtanong na doctor
kung saang doctor siya sabihin ay doctor of philosophy at letters at kung nagtanong ay
pilosopo, sabihing siyay doctor in veterinary science at may nagtanong kung anong doctor ba
talaga siya at kung saan eskwela siya nag-aral. Ang sinabi niyay siyay doctor ng sakit ng
bayan at nag-aral siya sa lansangan sa Amerika na ayon sa kanya ay ang pinakamagaling
dahil doon mo malalalman ang lahat ng bagay. Kung hahanapan daw siya ng diploma para
magpapatunay na siya ay doctor ay sinabi niya hindi naman lahat ng may diplona ay
marunong kung kayat wala rin itong silbi. Sinabi niyang mas mabuti na wag siyang tawaging
doctor at nag-isip siya ng magiging palayaw niya dito dahil sa States Benny sabi niya ang
karaniwang palayaw ng mga may pangalang Benigno o kayay Igno. Ayaw niya ng Igno dahil
ibig sabihin daw nito ay ignorance, ignomity, ignobility at iba pa kayat napagdesisyunan nila
na Benog na lang ang itatawag sa kanya. Doon din sa bahay na iyon nabuo ang brain-trust
niya na dapat ay synchronized at maayos ang pagpapatakbo ng lahat. Kailangan nilang i-build
up siya ng lahat ng tao upang siyay kanilang iboto. Sa kanyang brain trust ay inatasan niya si
Pedrito na mamahala sa press at public relations na mag-aayos na makipagbati sa mga press
upang maibuild-up siya at mapasama ang kanyang mga kalaban. Mabuti raw na ang mga taga
press ay tumatanggap ng suhol dahil mas mapapadali lang nila ang kanilang trabaho.
Importante rin daw ang camera man dahil ito ang kukuha ng mga litrato na tunay na nakikiisa
is Benog sa mga masang Pilipino na magpapakita ng mga masasamang litrato sa kanyang
mga kalaban. Si Abundio naman ang inatasan niya sa mga diskurso sinabi pa niyang ang
magandang diskurso ay yung tulad kay Hitler maikli pero diretso usap at nakakahimok ng
lahat. Inatasan rin siyang magtatag ng b-g-m o Benog for Government Movement. Minungkahi
ng isa na tawagin siyang the guy ngunit ayaw yon ni Benog dahil sa isang karanasan sa
Amerika dahil sinabihan siya ng pulis ng hey guy move on nang siya ay nakatayo lamang sa
isang tabi at mula noon ayaw na niyang naririnig ang salitang guy. Sinabi niya na pag
nagtagumpay sila ay bubuksan nila ang gate ng kapitolyo araw at gabi. Ayaw rin ni Benog na
tawagin siyang manong dahil hindi raw siya manong at dahil sa kinaiinisan niyang pari na
sinasabing ang mga politiko raw ay mabait lamang dahil kailangan nila ang kanilang boto at
dinurusta ang mga mayayayaman. Kayat sinabi niya sa kanyang brain trust na wag
konsintihin na tawagin siyang mayaman dahil hindi naman daw siya mayaman at ang tatay
niya ang mayaman. Ikinumpara siya sa isang instik na naloloko mo sa bawang ngunit
nadadaya ka sa bigas. Lumabas si Benog upang kausapin ang kanyang ama at si Albino.
Tinanong niya kay Albino kung ano ang nangyari sa kanyang lakad ngunit sinabing hindi
pumayag si Lino na maging katiwala ng asyenda sa Maruhat at tumanggi ring maging pinuno
ng bodyguard ni Benog dahil gusto niya ng tahimik na buhay. Ang totoo ay ayaw ni Lino dahil
ayaw niyang maging kasangkapan ng kapwa niyang tao at ayaw niyang madustahan ang
kanyang dangal ngunit kahit na ganoon, madali naman itong masaktan o magdamdam kung
kayat iminungkahi ni Benog na suhulan nalang ito ngunit sabi ni Albino na hindi ito papayag
kayat naisipan ni Benog na patayin na lamang si Lino. Nang nalaman ito ni Albino sinabi
niyang maghahanap naman daw si Lino ng taong papalit na maging bodyguard dahil ayaw
niyang mapahamak si Lino dahil magkaibigan sila.
Chapter 8 Sigaw ng Simbuyo
Pagkagaling ni Lino sa kumbento ni Amando dumeretso siya sa bahay ni Ms. Sanchez upang
kunin ang mga dokumento para sa kanyang kabayo para tuluyan nang mapasakanya ito.

Habang naglalakad si Lino, biglang lumitaw sa kanyang utak ang mga bagay na hindi niya
napapansin at ang kanyang kalooban tungo kay Ms. Sanchez at si Aling Basila. Sinabi niya
kina Ms. Sanchez na mananatili na lang siya ng ilang minuto sa bahay at babalik na siya sa
Maruhat. Sinubukan ni Aling Basilia na panatilihin si Lino pero kinakailangan na ni Lino na
bumalik kaya pinag-usapan na lang nila ang babaeng mag-aasawa na, ngunit bata pa. Nang
nakaraan ang ilang minuto ay inihatid na ni Ms Sanchez si Lino sa labas. Habang silay
naglalakad patungo sa kanyang kabayo, ikinwento ni Lino kay Ms.Sanchez ang pagkatao,
pamilya, at lupain ng babaeing kanilang pinaguusapan kanina na may pangalang Huli.
Pagkatapos ay pinag-usapan din nila ang tungkol sa kanilang nabasa sa mga librong Noli me
Tangere, El Filibusterismo at ang Bibliya. At pagkatapos ay pinagusapan naman nila ang
tungkol sa pagtulong sa ibang tao. Ipinaliwanag ni Lino kay Ms Sanchez na hindi batas ang
makakatulong sa mga tao kundi ang kanilang sarili at kapwa tao. Nang matapos ang kanilang
pag-uusap ay tumuloy na si Lino sa Maruhat.
Chapter 9-10 Ginto o Pilak
Itinuloy ang balak ni Lino na magpakilala kay Didang kayat walang alinlangan na tinungo niya
ito sa kanilang tahanan. Nakuha agad ni Lino ang loob ni Aling Huwana ang tiyahin ni Didang
kayat pinapanhik kaagad nito si Lino. Nakita ni Lino na maganda talaga si Didang ngunit ang
mga mata nito ay malungkot na parang may nangyari noong nasa Maynila pa ito. Inamin ni
Didang na noong unang magkita sila ni Lino sa dyip ay pinagdasal na niya na sila rin ay
magkita muli at maging magkaibigan. Inihayag na ni Lino ang kanyang pag-ibig kay Didang
ngunit tumanggi muna si Didang dahil masyado pang maaga at hindi pa raw sila lubos na
magkakilala. Naimbita si Lino sa kaarawan ni Ms Sanchez at magdadala raw siya ng kung anuanong pagkain. Nakita ni Lino at ni Bidong si Huli na namumugto ang mga mata. Tinungo ni
Lino si Aling Barang at kunyari ay kinamusta ito. Pinatuloy ni Aling Barang si Lino at nasabing
may sakit ang asawa na kanser. Napag-usapan rin ang anak niya na si Tirso at nasabing
mabait raw ito at masunurin kahit hindi na sila binalikan. Nasabi rin na may anak na si Tirso
na 3. Umaasa sila na babalik balang araw si Tirso. Sinabi ni Lino na gumawa na raw ng paraan
ni Bidong upang makausap si Didang. Binigyan ni Lino ng 50 piso si Bidong upang
maumpisahan niya ang kanyang panunuyo.
Chapter 11
Nasabi ni Bidong na mataba raw ang lupa kayat malamang ay marami raw silang maaani.
Nasabi rin niya na kapag marami na raw silang ani ay ang gobyerno na mismo ang lalapit sa
kanila at lalagyan pa sila ng karatula. Nasabi ni Lino na may mga katusuhan talaga ang mga
tao sa gobyerno. Sinabi rin ni Lino na pagkatapos ng mga 2-3 taon ay ipapaayos niya ang
kanilang kubo at patatayuan pa niya si Bidong ng sariling kubo kasama si Huli at sa kanya
naman si Didang. Sinabi naman ni Bidong na sana ay naging abogado na lamang si Lino para
si Ms. Sanchez ang kanyang magiging katipan dahil iba siya sa mga babae. Si Ms. Sanchez
raw ay kakaiba dahil mahal na mahal nito si Ernesto. Huwag raw niya hahayaan na matulad si
Ernesto kay Bidong na malupit ang kanyang pangalawang ina. Dumalaw si Lino kila Didang at
itinanong kung may halaga nga ba ito sa kanya. Sinabi ni Didang na mayroon nga itong halaga
dito ngunit kailangan pa nito na malaman ang kahapon niya. Tinanong ni Lino kung may
ipagbilin si Didang at sinabi naman niya na iuwi daw ang Pinyahan sa kanila. Dahil dito naalala
ni Lino si Ms. Sanchez dahil sinabi rin niya ito. Nang hindi pa nakalalayo si Lino ay biglang
nahilo si Didang at umiyak. Nagtaka si Aling Huwana at sinabi ni Didang na hindi raw niya
natupad ang pangako nito sa sarili na hindi na magmamahal muli. Natatakot siya na baka
mawala si Lino kapag ipinagtapat na niya ang totoo para malaman kung tapat nga ito sa
kanyang pag-ibig dahil mahal nga niya ito.
Chapter 12-13 Munting Sabwatan
Sabado ng umaga ay nagtungo si Lino sa Pinyahan sapagkat kaarawan ni Ms. Sancehz. Nais
sana ni Lino tumulong sa paghahanda kung kayat inagahan niya talaga ang pagpunta roon.
Ngunit isang munting salu-salo lang pala ang magaganap kasama ng ilang kaibigan ni Ms.
Sanchez at mga kamag-anak. Napag-isipan na lamang ni Lino na magtungo sa kumbento
upang dalawin si Padre Amando. Naabutan ni Lino si Ligon sa kumbento at doon sinabi sa
kanya na mabigat at mukhang may problema si Padre Amando kung kayat mas makakabuti
kung sa bahay na lamang nila Ms. Sanchez niya kamustahin. Nalungkot si Lino at umalis
ngunit imbis na kina Ms. Sanchez na tumuloy kaagad ay kina Manang Ambrosia ito pumunta.

Samantala, unti-unti nang napupuno ang bahay nila Ms. Sanchez ng mga panauhin. Nang
pamansin ng isang grupo ng kababaihan si Linong dumating ay nagsipuntahan ang mga ito sa
isang silid na walang tao. Dito pinag-usapan nila na hindi karapat-dapat si Lino sa
pagmamahal ni Ms. Sanchez. Ang karapat-dapat para kay Ms. Sanchez ay si Koronel Roda.
Napag-usapan nila na kung talagang may utang na loob si Lino kina Ms. Sanchez, Aling Basilia
at Padre Amando ay siya na mismo ang lalayo kay Ms. Sanchez. Nagbalak ang apat na
kababaihan upang iparamdam kay Lino na hindi siya nararapat kay Ms. Sanchez. Binalak nila
na ipasabi na lang sa asawa ni Ligon na malapit rin kay Lino upang hindi ito masaktan.
Pansamantala, ang balak nila hindi pansinin si Lino at ituring na wala siya sa salu-salo upang
maramdaman nito na hindi siya nararapat doon. Napansin agad ni Lino ang ginagawang
paghamak sa kanya kung kayat napagdesisyunan niya na umalis na kaagad. Hindi na siya
nagpaalam kay Ms. Sanchez upang hindi ito maabala at tatakas na lang sana ngunit
nakasalubong niya sina Padre Amando sa tarangkahan. Nagpalusot si Lino na naiwan niya ang
kanyang armas na walang lisensya sa ibabaw ng kanyang baul. Maaring madisgrasya ito kung
hindi niya agad ito babalikan. Kapani-panilwala na ang istorya ni Lino kung hindi lang niya
sinabi na dadaan pa siya ng kumbento upang kina Padre ay magpaalam. Nagduda sa kanya
ang Padre ngunit hinayaan na rin niyang makaalis si Lino.
Chapter 14 Suyuan sa Saluysoy
Pagbalik ni Lino sa Maruhat ay naabutan niya roon ang kanyang kaibigan na si Albino. May
balitang dala ito mula kay Don Tito at sinabi na hindi masaya ang Don na siya na ang
nagmamay-ari ng lupa at siya ay magiging balakid sa mga plano ni Don Tito sa pagpapagawa
ng patubig para sa asyenda. Sinabi ni Lino na hindi niya maiiwan ang lupang iyon sapagkat
iyon ay pinagkaloob ni Padre Amando at balak niya ito palaguin. Sinabi ni Albino na siya man
ay gustong umalis sa poder ni Don Tito at hindi lang magawa dahil inaalala ang mga bakang
inaalagaan nito. Sinabi rin ni Albino na ang tunay na pakay niya kay Lino ay sabihin na
inaaalok siya ng Don na siya na ang mamahala ng asyenda nila dito sa Maruhat o kaya maging
lider ng bodyguard ng anak ni Don Tito na tatakbo sa halalan. Ayaw ni Lino tanggapin ang
kahit na anuman doon sa alok sapagkat gusto niyang mamuhay ng tahimik. Sinabi ni Albino
na ang sasabihin niya sa Don ay na hahanapan niya ng iba. Tumutol dito si Lino sapagkat wala
naman siyang balak na hanapan ng bodyguard ang anak ng Don ngunit ipinaliwanag ni Albino
na dapat niya itong gawin upang hindi pagtangkaan ang buhay niya. Ipinaliwanag ni Albino na
dapat muna sila makipaglaro sa Don upang hindi sila guluhin nito. Samantala, habang naguusap ang dalawa, si Bidong ay nagpunta sa saluysoy upang paliguan ang baka. Nakita niya si
Huli na nag-iigib ng tubig. Inisip ni Bidong na ito na ang kanyang pagkakataon upang
makausap niya si Huli. Nilapitan niya ito at nagpakilala at tinanong kung bakit ito umiiyak.
Sinabi ni Huli na masama na ang kalagayan ng kanyang ama at sila rin ay pinapaalis sa
kanilang lupa ni Don Tito. Inalok ni Bidong si Huli na tanggapin na ang limampung piso niya
mula kay Lino ngunit tinanggihan ito ng dalaga. Sinabi rin ni Bidong na maari silang lumipat sa
lupain nila Lino na hindi naman malayo sa lupa nila dati. Hindi ito mapapagpasiyahan ni Huli
kung kayat hindi rin ito nakasagot. Bago umalis is Huli ay ipinagtapat ni Bidong na iniibig niya
ang dalaga at tinanong niya kung siya rin ba ay iniibig ng dalaga. Ang naisagot lamang ng
dalaga ay hindi na dapat iyon sinasabi pa na lubhang ikinagalak naman ni Bidong.
Chapter 15 Naligaw na Landas
Mas nauna si Bidong ng kaunti kay Lino sa kanilang kubo nang maratnan niya ito na
nakamasid sa labas at pasipot-sipot pa na akala moy tumama sa huweteng. Biniro siya ni Lino
na mambalato naman ngunit hindi naman pala siya nanalo. Tinanong niya kay Lino kung ano
kaya ang nararamdaman sa kanya ni Huli sapagkat nang tinanong niya ito ay hindi siya
sinagot ng diretso. Ipinaliwanag ni Lino na ganun talaga ang mga dalagang Pilipina. Sumaya si
Bidong at ipinagpaalam din niya kung maaari bang makitira sa kanila si Huli kung sakali mang
paalisin sila sa kanilang tinitirahan ni Don Tito. Walang alinlangan na tinaggap ito ni Lino.
Hwebes ikapito ng gabi ito ang oras na isasalaysay na ni Didang ang kanyang buong
kahapon. Dito rin niya malalaman kung si Didang nga ang babae para sa kanya. Sa salas ng
munting tahanan ni Aling Huwana, ikinwento ni Didang ang pinagmulan ng kanyang ama at
ina. Sa Maynila na siya bininyagan at natapos ng primarya. Pagkatapos ay napilitan na silang
lumipat sa bayan ng kanyang ama sa baliwag. Naging kasawian nila ang pagkakaroon ng
amang manununggal at ang pagkamatay ng kanyang pinakamamahal na ina na nagturo sa
kanya kung paano maging matapang. Nag-asawa muli ang kanyang ama na si Tiya Nona

ngunit di na nito mapigil ang pananakit sa kanya. Naisip ni Didang na umalis na sa Baliwag
ngunit hindi man lang siya hinanap ng kanyang ama. Sa Maynila, nagkaroon siya ng ibat
ibang trabaho at kasamahan. Pati pagiging katulong ay pinasok niya ngunit hindi siya masaya.
Sa kagandahang taglay ni Didang, hindi maiwasan na mapatingin sa kanya ang kanyang magamo na siya naming pinaseselosan ng asawa. Natiyempuhan ni Didang ang isang trabaho sa
isang Filipinang Mestisa. Mas pinili niya ito bilang amo dahil inakala niya na mas mabait sila
kaysa sa mga among Intsik. Siya ay si donya Geronima Villarte y Salumbides o Donya Memay.
Itinuring siyang parang anak nito at hindi isang utusan. Aniya pinangarap daw niya na
magkaroon ng anak kahit na isa dahilan sa hindi nakapag-asawa ang Donya. Nakilala ni
Didang doon ang iba pang utusan na sina Vilma na isang pipi at di naman bingi, Tiyang at ang
kanyang anak na si Sayas. Ipinakilala din ng Donya ang kanyang mga pamangkin na sina Bun,
chic, Lor at Pinay, at ipinakilala si Didang sa kanilang mundong ginagalawan.
Chapter 16 Binyag ng Buhay
Madalas na Makita sa bahay ni Didang ang isang ahente ng mga alahas na kinakausap ng
Donya at kung minsan ay sa silid pa sila nag-uusap. Akala ni Didang na kailangan maging
sikreto dahil sa pagkakaalam niyay bawal ang usura. Napapansin din niya ang pagkaawa na
tingin ni Vilma sa kanya na hindi pa niya maintindihan. Minsan ay lumabas sina Donya Memay,
si Didang at ang apat na pamangkin at nagyaya na magpapahangin lamang sa may Luneta.
Pagkarating ay huminto ang sinasakyan sa likod ng Manila Hotel. May sinalubong ng yakap at
halik si Lor na isang lalaki doon na naghatid sa kanila sa lantsang de-motor papunta sa
malaking bapor. Doon ay sinalubong sila ng mga Amerikano at isang mestisong bumbay. Ang
kapitan ng bapor ay si Ric na napaghalata na ni Didang na karelasyon ng Donya. Ipinakilala si
Didang doon. Nakakaintindi naman si didang ng Inggles ngunit hirap na magsalita dala na rin
siguro ng karalitaan. Sa bulwagan nagkaroon sila ng salu-salo at may drinks pang kasama.
Ipinakilala sa kanila si Mr. Bob Evans na halatang natitipuhan si Didang. Sa dami ng nainom,
nayaya siyang sumayaw. Hindi na nakatanggi si Didang sapagkat medyo nahihilo na siya.
Naramdaman niyang unti-unting nawawalan siya ng malay. Nagising siya ng kinaumagahan na
walang saplot na damit at nakahiga sa kama. Sinabi ng apat na ayos lang yan sapagkat
dumadaan ang lahat ng tao diyan. Doon nalaman ni Didang na pawang pagbabalat-kayo
lamang ang nakikita niya sa mga tao sa bahay. Ipinagtapat din ito sa kanya ni Chic. Sinabi ni
Lino na maaring ang pagkapipi ni Vilma ay dahil doon.
Chapter 17
Hatinggabi noon at naubos na halos higupin ni Didang at Lino ang tig-isang tasa nila ng kape.
Nang muli silang magharap ay ipinagpatuloy ni Didang ang kanyang kasaysayan kay Lino.
Ikinwento niya ang panghihikayat sa kanya ni Chic, isang kaibigan na sumama sa Pinay, Bun
at Lor upang maging mga hostess sa tatlong nightclub ni Ric, na isang kapitan din ng barko.
Inilahad ni Lina ang maaring maging karanasan nito roon. Maraming payo at mga kasabihan
ang sinabi ni Chic kay Didang upang lalo itong mahikayat maging isang hostess. Ayon kay
Chic, maari siyang masawi sa kanyang pagiging hostess ngunit ang ikasasawi niya ay nakadepende sa kanya pagkat ang kasawian ay gaya rin ng anumang kasawian maari mong
kabuliran saanman. Ani Chic, sa kabilang dako ay baka naman hindi kasawian, kundi
kapalaran pa nga ang maaring matagpuan ni Didang sapagkat siyay maganda kayat
mahahaling sa kanya ang mga taong mayayayaman. Binulag din ni Chic si Didang sa mga
materyalistikong bagay na maaari nitong mabili kung makaipon na siya ng pera at ang mga
bagay na iyon ang nakapanghikayat kay Didang na tanggapin ang trabaho. Nagsimulang
magtrabaho si Didang sa nightclub at naranasan niya ang buhay ng isang hostess. Tumagal
siya ng mahigit isang taon sa isang nightclub sa Dewey Boulevard na pag-aari ni Ric. Kumita
siya ng mahigit tatlong libong piso at nakuha niya ang lahat ng kaniyang gustuhin.
Nagpasiyang umuwi si Didang at dinahilan ang pagkakaroon ng isang Todos Los Santos
upang madalaw ang libingan ng kanyang ina sa Baliwag, ang kanyang lalawigan. Pagkauwiy
nabalitaan niyang wala na ang kaniyang ama roon at maging ang kanyang may bahay.
Madalas daw kasi mag-away ang dalawa kayat naghiwalay. Di kalaunan ay namatay ang
kanyang ama dahil sa isang sugat na hindi gumaling. Nanirahan na lamang si Didang sa isang
kaibigan at mabilis siyang naging popular sa mga tao roon dahil sa mga pinagpapautang niya.
Naging ninang siya sa mga sunud-sunod na kasalan at ang ilang pinautang ay hindi na
nagbabayad kayat minabuti na lamang niya na umalis na lamang doon at tumungo muli sa
Maynila, kanila Maring na isang matalik na kaibigan at kasama sa trabaho noon.

Nakapagkuwentuhan ang dalawa at nalaman ni Didang na si Maring ay nadali ng isang Intsik


at nagkaanak. Tinulungan niyang makapasok si Didang sa tindahang pag-aari ng Intsik na
ama ng anak ni Miring. Mabilis napasok sa trabaho si Didang at may magandang suweldo.
Chapter 18
Tatlong magkakasunod na putok ng baril ang narinig ni Didang at Lino. Pawang sa lugar nila
Lino nanggaling ang mga putok kayat mabilis na sumakay si Lino sa kanyang kabayo at
mabilis na pinatakbo ito. Pagkarating ay hinanap kaagad si Bidong na nakasabi na mga taong
may galit sa kanilang dalawa ang mga nagpaputok ng baril. Buti na lamang na nakapunta si
Bidong sa kanilang dugout. Nagkakwentuhan ang dalawa at napagpasiyahan na si Bidong ay
pupunta sa Pinyahan upang siya ng maghatid ng mga nahuli nitong pugo. Si Lino naman ay
pupunta kila Aling Barang upang ialok ang parte ng kanilang lupa upang doon itayo muli ang
tahanan sapagkat pinaalis sila ni Don Tito sa kanilang lupain. Ikinagalak ito ni Bidong sapagkat
mas malalapit siya kay Huli. Nagpasalamat ng marami si Aling Baring kahit na hindi pa ito
sumasang-ayon sapagkat ipapaalam pa niya iyon sa kanyang asawa. Nagbalik si Lino kay
Bidong dahil siya muli ay tutungo sa bahay ni Didang. Pinaalalahanan ni Lino na patayin ni
Bidong ang ilaw kapag siya ay nakalabas na.
Chapter 19
Nang dumating si Lino sa tahanan ni Didang ay pinagminindal muna nito ang bisita bago
muling isalaysay ang kasaysayan ng kaniyang buhay. Ipinagpatuloy na ni Didang ang kanyang
kasaysayan sa tindahan ni Chan Lee, ang may-ari. Nasabi niyang noong mga nakailang araw
sa pagtratrabaho ay pinadadalhan siya ni Chan Lee ng mga mamahaling bagay. Simula noon
ay pamahal ng pamahal ang mga binigay nito kay Didang. Isang araw ay pauwi na siya ng
ipatawag ito sa kaniyang opisina. Nagpasama si Didang ng isang ka-trabaho ngunit ayaw
nitong sumama kayat mag-isa itong umakyat. Nakita ni Didang na may kainan sa isang sulok
ng opisina na pang-dalawahan lamang. Sinabi ni Chan Lee na gusto lamang niya na may
makasamang babae sa araw na iyon dahil ginugunita niya ang relasyon niya sa una niyang
kasintahan. Kumain si Didang kahit na busog pa ito at siyay nasarapan. Sumunod ay
ipinainom siya ng alak ngunit tinanggihan niya ito kayat pinalitan ng tsaa. Ininom niya iyon at
nakadama ng kakaiba sa kanyang katawan. Ninais niyang makalabas ng pintuan ngunit hindi
siya makalabas at napagsamantalahan na ni Chan Lee. Kinulong siya sa silid na iyon ng mga 2
linggo, estema ni Didang. Sinundo siya ni Miring at Mentang at siyay inuwi. Nais magsumbong
ni Didang ngunit pakiramdam niyang walang maniniwala sapagkat walang nakakita sa kanya.
Hindi kalaunay nalaman niyang siyay nagdadalantao at kasabay nitoy may balitang dala si
Ka Nga na umalis papuntang Amerika si Chan Lee at hindi nagsabi kung kailan babalik.
Iniwanan na laman ito ng sobre na naglalaman ng limang libong piso. Napagdesisyunan ni
Didang na bubuhayin niya ang bata sa kanyang sinapupunanat aalis sa lugar na iyon at hindi
na babalik. Sumakay ng bus na walang katiyakan kung saan pupunta. Napunta siya sa
bandang Luzon at nakitira sa isang kakilalang nakilala niya sa bus. Siya si Flora na may tatlo
pang kapatid. Ikinwento niya maging ang buhay ng mga iyon at sinabing nakitira siya sa
bunsong kapatid na si Lumeng, na may asawang tsuper. Sinasabing sila ang pinakamayaman
sa magkakapatid. Dun na niya ipinanganak ang kanyang anak na babae na napakaganda.
Ngunit ilang buwan lamang ay kinuha na siya ng Diyos kahit na ibinibigay niya lahat ng
kanyang pagmamahal dito. Ginawa niyang ninang si Lumeng kayat mag-kumare at kumpadre
ang kanilang turingan. Isang araw ay narinig ni Didang ang pag-uusap ng kanyang kumpadre
at si Lumeng. Narinig niyang gusto siya makasalo ng hepe sa trabaho ng kanyang kumpadre
at hindi raw ito makatanggi dahil sakanya nakasalalay ang kinabukasan nilang mag-anak.
Nagpaalam kinaumagahan si Didang kay Lumeng at sinabing babalik ito ng Maynila kahit hindi
naman. Sumakay siya ng bus paibaba at nakarating sa Nayon ng Maruhat, kung nasaan siya
ngayon. Doon niya nakilala si Tiya Huwana na kumupkop sa kanya dahil mag-isa rin ito sa
buhay. Nagkakilala sila ni Lino nang isang araw pagkatapos magpunta sa Pinyahan ay bumaba
sina ni Tiya Huwana sa tapat ng tahanan nito. Mula sa pangyayari sa buhay ni Didang na iyon
ay nalalaman na lahat ni Lino. Sa kabila ng kasaysayan ni Didang ay tinanggap pa rin ni Lino
si Didang at handang ibigay ang lahat ng kanyang pagmamahal. Binigyan pa ng kaunting
palugit ni Didang si Lino upang mag-isip sa magiging desisyon nito dahil akala nitoy naaawa
lamang ito sa kanya. Dapat ay ipagtatapat na ni Lino ang tungkol naman sa kanyang buhay
ngunit tila alam na lahat nito ni Didang at handa siyang tanggapin kung ano o sino man si
Lino.

Chapter 20 Mga Kasunduan


Madaling araw na nang makarating si Didang at si Lino sa kubo. Nagpalakad-lakad lamang sila
sakay ng kabayo. Sila ay nagkwekwentuhan tungkol sa mga nangyari kay Didang sa kanyang
pagpunta sa Maynila. Ikinwento rin niya ang mga masasaya at mga masasalimuot na mga
pangyayayari sa kanyang pagpunta roon.
Chapter 21 Bidong
Sa kabanatang ito, inutusan ni Benigno Sityar si Bidong na patayin si Lino dahil sa mga lupain
na binigay sa kanya ni Amando. Noong una, inaya ni Benigno si Lino para maging bodyguard
niya ngunit humindi si Linot pinasa niya ang hikayat na ito kay Bidong. Sa mga panahong ito,
nangangampanya siya para maging gobernador ng kanilang lugar.
Chapter 22-25
Bago umalis sina Salina, Mina at Beba sa tahanan ni Ms. Sanchez, naipasya ng dalaga na
dumalaw sa gabi sa babo at ulila ng yumaong Gabriel Manalastas ng Maruhat. Nagpasama si
Miss Sanchez kay Ignacio at sinalubong sila ng isang may-bahay ng malayong kamag-anak ni
Manalastas. Nakatawag ng pansin si Huli kay Ms. Sanchez sa lubhang pagkabalisa nito.
Kinausap ni Ms Sanchez si Huli at nag-abot ng isang sobre at nakiusap kung pwede sila
dumalaw sa Pinyahan pagkatapos ng padasal. Nasabi ni Huli na si Lino ang gumagastos sa
lahat para sa kanila at matagal na rin nila itong di nakikita simula pa nung libing ng ama.
Tinanong din ni Ms. Sanchez kung nasan si Bidong at nasabi ni Huli na di na raw nila ito
nakikita sapagkat takot ito sa ina at nagtanggi raw itong maging bodyguard ni Sityar ngunit
gusto na niya magkaroon ng sariling hanapbuhay. Nagtaka si Ms Sanchez kung bakit napalapit
ang loob ni Lino kay Don Tito at baka ipagdamdam ng kanilang pari. Naratnan ni Ms Sanchez
si Amando at naibalita ang pagdalaw nito sa yumaong kapitbahay ni Lino sa Maruhat at
ibinalita rin ang mga nasabi ni Huli. Nagdamdam si Aling Basilia kay Lino sa nabalitaan dahil
bakit ang sarili niyang anak ay di mabisita. Naisip ni Ms Sanchez na pagpaaralin sina erni at
Ernesto sa Maynila upang magkolehiyo dahil may matinding hinanakit si Ernesto sa ama niya.
Nasabi ni Amando na may nahahalata siya kay Abogado Ligon dahil tuwing nasasabi niya ang
di pagdalaw ni Lino ay iniiwasan ang mga mata niya at naisip niya na balang araw, maaari
niyang maanyayahan si Ligon sa isang confecionarion at doon masasabi niya ang lahat. Nasabi
ni Amando na may kumalat raw na balita sa Maruhat na di umanoy nagpadala raw siya ng
malaking halagang panlimos sa mga dukha na ipinamudmod daw ni Bidong dahil hindi naman
daw ito totoo. Binabalak lang daw niya iyon gawin ngunit di pa niya nagagawa at wala siyang
balak na dalawin si Don Tito at si Lino lang ang makakapagpaliwanag sa kanya. Naalala ni Ms
Sanchez na may palatuntunan sa Aogsto 19 sa kaarawan ng yumaong pangulong Quezon sa
bibigkas si Ernesto ng malaking talumpati sa wikang tagalong at naisip na kung dalhan si Lino
ng sulat na paanyaya ay dumalo kaya ito upang marinig ang kanyang anak? Dito
magkakausap rin si Pari Amando at Lino. Sa tahanan ni Don Tito sa tanggapan ng brain trust
na lihim na tinaguriang Camara Negra ng Benog for Government Movement. Nasabi ni Benog
kay Bidong na kung gagawin niya ang lahat ng nais ni Benog ay bibigyan niya ito ng
mahiwagang susi na mahihingan niya ng lahat ng kanyang ibig at galing raw ang susi na ito sa
Amerika at kapag nahawak niya ito, makukuha ang lahat ng kailangan at parang lampara ni
Aladdin, ngunit nagtaka si Bidong sa susing ito at nasabi ni Benog na ang susing ito ay salapi
dahil ang salapi ang nakapagbibili ng lahat ng nais ng tao. Tinanong ni Bidong kung ano talaga
ang iuutos ni Benog sa kanya at ito naman ay kanyang ibinulong at binigyan ng 24 oras upang
mag-isip at pumanig ito. Dumating naman si Luisito ng brain trust na may dalang limang
sandatahang lalaki sa tanggapan ni Benog. Nasabi rito ni Benog na binigyan niya si Bidong ng
24 oras at ipinahanda kay Luisito ang plano at nasabi na di dapat mangyari ang anumang
mangyari kundi sa Pinyahan at pinaputol sa kanya ang anumang pagtatalastasan kanino man
dahil mapanganib na malaman ni Lino ang kanilang pinag-uusapan at sumang-ayon naman si
Luisito.
Chapter 26
Dinala bigla si Bidong sa isang silid na may rehas na bintana na bakal at mayroong siyang
dalawang kasama bilang tagabantay. Nagbalik si Benog at si Luisito sa tanggapan ng Brain

Trust. Nadatnan nila si Pedrito at Abundio doon. Sinabi ni Abundio kay Benog na malapit na
ang halalan at kailangan na nila ng plataporma. Pinag-usapan din nila ang kanilang mga plano
para sa halalan. Hindi sila seryoso sa kanilang mga plano at ang gusto lamang nila ay ang
manalo. Magtatakipsilim na nang dumating si Ms. Sanchez sa kanilang tahanan mula sa
paaralan. Kasama niya sina Erni at Ernesto. Naratnan din nila si Aling Ambrosia na maghahatid
ng labada. Si Aling Basilia at si Ignacia ay di pa dumadating. Si Ms Sanchez at si Aling
Ambrosia ay walang tigil sa pagkukuwentuhan. Bago umalis ay may iniabot si Ms Sanchez kay
Aling Ambrosia na liham na may pangalang G. Lino Rivera sa labas. Ang liham na ito ay para
kay Lino. Nakasaad sa sulat ang isang liham ng pag-iimbita dahil magtatalumpati daw si
Ernesto sa wikang tagalog. Si Albino ang nagdala ng sulat na ito kay Lino. Nag-uusap din sila
tungkol dito ngunit agad na din umalis si Albino. Nang magpapahinga na si Ms Sanchez, tila
balisa siya at di makatulog. Nasa isip niya si Didang at ang paglayo ni Lino. Sinabi niya sa
sarili na tiyak na di rin matitiis ni Lino na huwag makita si Ernesto sa palatuntunan sa Biernes
ng hapon. Hatinggabi na ng nakatulog si Ms Sanchez at matamlay ang kanyang paggising sa
umaga.
Chapter 27
Patuloy ang pagkatamlay ni Ms Sanchez ng umagang iyon. Ngunit gumaan ang loob niya
kapag naiisip niya si Huli na talaga namang isang magiliw na bata. Ayon sa kanya, importante
ang pag-anyaya sa imbitasyon ni Ms Sanchez sa kanya. Nag-alala din siya na baka sumama
ang loob ni Didang sa hindi niya pagpunta sa handa niyang minindal. Hindi din natahimik ang
kalooban ni Lino dahil sa pagtakas ni Bidong na sadyang kahina-hinala. Napagpasiyahan niya
na dapat niyang unahin ang kapakanan ni Bidong sapagkat buhay at hindi puso ang nakataya
dito. Mag-iika-apat na ng hapon ng makarating si Lino sa Linggo ng Wika. Maraming tao doon
at lahat sila ay nag-uusap. Matapos ang ilang oras, dumating na ang oras ng pagpapakilala
kay Ernesto. Nabuhayan ang kanyang loob nang malaman niya na naroon ang kanyang ama.
Nagpatuloy na siya sa kanyang talumpati na talaga namang pinalakpakan ng mga tao. Sa
kabilang dako, si Lino ay iniisip pa rin si Bidong. Nakarinig siya ng isang putok ng baril na
pagkaraan ay sinundan pa. Kinabahan siya at agad bumaba ng kabayo. Nakita niya ang
bangkay ni Bidong.
Chapters 30-31
Nakatanaw sina Lino at Albino sa malaking liwanag sa dako ng bukid ni Lino sa Maruhat.
Madaling tumakbo ang dalawa at nakita nila na nasunog na ang mga kubo nila pati na rin ang
kay Huli. Tumigil sila sa may dalawang kilometrong layo mula sa mga kubo. Iniwan ni Lino si
Albino sa isang tabi at binigyan niya ito ng baril. Siguradong-sigurado siya na doon dadaan
ang kanilang mga kalaban. Muling nangabayo si Lino hanggang nakita niya ang kanyang
kalabaw na may nakasakay na isang lalaki. Pinaputukan ito ni Lino at nakita niyang nahulog
ito. May tatlong lalaki pang dumating at silay binaril din ni Lino. Narinig din niyang
nagpaputok si Albino. Mayamaya ay dumating na rin si Albino sa kanyang tabi. Nilapitan niya
ang lalaki at tinapatan siya ng flashlight. Ngunit sinabi ni Albino na mas ligtas kung
maghihintay sila ng umaga.Nang sumunod na umaga, dumating si Albino kasama ang pangulo
ng Maruhat. Muli nilang nilapitan ang lalaking nahulog mula sa kalabaw ni Lino. Ito ay
namukhaan ng kanilang pangulo at sinabi na ang lalaking iyon ay ang pinuno ng Hukbalahap.
Ipinaliwanag ng kanilang pangulo na matagal na nilang sinusubukan hulihin ito ngunit hindi
nila magawa. Mayamaya ay dumating sina Amando at Ligon. Agad naman silang nilapitan nina
Albino at Lino. Sumama sila kay Ligon at kanilang tinalakay ang mga kaso ng Hukbalahap.
Sinabi ng abogado na walang kaso na ipapataw kina Lino at Albino at sila ay pinasasalamatan
ng maraming tao sa pagpatay ng mga Hukbalahap. Mahigit na isang lingo bago dumating muli
sina Lino at Albino sa Maruhat. Kasabay nito ang balita na nabawasan ng isang kagawad si
Benigno Sityar, pagkat may apat na araw nang patay si Luisito dahil ito raw ay naubusan ng
dugo.Nang pumunta si Lino kay Aling Barang, nabalitaan nito na may sakit si Ms. Sanchez.
Napatungo si Lino ng saglit. At kanyang nakita si Huli na anak ni Aling Barang na nagmumunimuni. Nag-usap silang dalawa. Ipinaliwanag ni Lino na mahalaga si Huli kay Bidong na siyang
kasintahan ng dalaga. Ipinakiusap ni Huli kay Lino na laging dalawin si Ms. Sanchez. Mayamayay umalis na ang mag-ina upang pumunta sa Pinyahan at alagaan ang may sakit na
dalaga.Matapos ng pagpaalam si Lino, pinuntahan naman niya si Aling Huwana, ina ni Didang.
Malayo pa lang ay nakita na siya ni Lino. Kanyang sinabi na umalis si Didang noong umaga
matapos na hintayin si Lino ng pagkatagal-tagal. Agad-agad naman itong sinundan ni Lino

patungo sa may bayan.Samantalang sa Pinyahan, palubha na ng palubha ang sitwasyon ni Ms


Sanchez. Ayaw niyang kumain, magpatulong kung kanino lang, tumanggap ng bisita o
magpagamot. Tuluyan na siyang nawawalan ng pag-asa. Isang araw dumating si Amando sa
bahay niya. Ito ay dahil napagpasiyahan nila na kunin si Ernesto at dalhin sa isang kolehiyo sa
Maynila. Noong una ay ayaw pumayag si Ernestina ngunit siya ay pinilit ni Ernesto kung kayat
pumayag na siya. Nang ihatid ni Padre Amando ang mga bata sa Maynila, nagdala siya ng
isang mahusay na doctor sa Pinyahan. Napansin ng doctor na ayaw magpagaling si Ms
Sanchez. Natuklas niya ang sakit: coronary thrombosis at angina pectoris. Nagulat si Padre
Amando sa kanyang narinig. Agad niyang pinuntahan si Ligon at ipinakiusap na hanapin si
Lino. Ilang araw niyang hinanap si Lino hanggang matagpuan niya itong nagtratrabaho sa
Grace Park sa may Kalookan. Ipinaliwanag ni Lino ang pagkawala ni Didang at ng ilang araw
niya itong hinanap. Nalibot na niya ang buong Maynila hanggang sa Dewey Boulevard, sa
Pasay, sa Polo, sa Quezon City. Ipinaliwanag naman ng abogado ang nangyari kay Ms Sanchez.
Tumungo silang dalawa sa Pinyahan. Pagkarating nila sa kumbento, nakita nila si Felix na
isang sacristan. Sinabi ni Felix na si Padre Amando ay nasa bahay ni Ms Sanchez. Nang nakita
ni Felix na madumi si Lino, pinahiram niya ito ng damit at agad-agad silang pumunta sa bahay
ni Ms Sanchez. Laking tuwa ni Amando nang dumating si Lino. Inutusan niya itong pumasok
sa kuwarto ni Ms Sanchez. Nag-usap silang matagal ni Lino. Silay humingi ng patawad sa isat
isa, sa lahat ng kakulangan na hindi nila naibigay, o sa mga salitang hindi nila nasabi. Silay
nagpasalamat din sa maraming pangyayari na nakaukit sa kanilang mga puso. At pagpatong
ng ika-walo ng gabi ibinigay ni Ms Sanchez ang huling hibla ng kanyang buhay.

ISMONG PAMPANITIKAN

REALISTIKO

Ang mga kaganapan ay nangyayari sa tunay na buhay.


Naipakita sa nobela ang patuloy na pakikipaglaban ng tao sa mga pagsubok ng buhay
Si Lino simbolo lamang ng tunay na mga mamamayang humihingi ng katarungan at
pagkakapantay-pantay noong panahong iyon.
HUMANISTIKO
Maituturing din ang nobela na isang humanistikong nobela dahil ipinakita rito ang
kahalagahan at kahusayan ng tao.
Sa pamamagitan ni Pari Amando, binigyang-diin ang paggalang sa karapatang pangtao at implimentasyon ng mga ito.
Tinuligsa ng may-akda ang diskriminasyon sa mga mahihirap sa pamamagitan ng
pagpapakita ng masasamang gawain ng mga taong sakim na tulad nina Don Tito at Dr.
Benigno Sityar.

SOSYOLOHIKAL
Mahalaga para sa isang tao ang magkaroon ng mga kaibigan. Ipinakita sa nobela ang
matibay na relasyon nina Bidong at Lino at kung paano nito nabago ang kanilang mga
buhay.
Masasabi ring may mga tao pa ring likas na mabuti. Ang mga taong tulad ni Lino, na
handang tumulong sa iba, kahit na sa hindi kakilala, ay maituturing na isang
magandang huwaran para sa lahat.

GAMIT NG WIKA

Ang nobelang Daluyong ay may mga wikang Pambansa, Panglalawigan,


Pampanitikan, at Pabalbal.
Pambansa - Gumamit ng mga salita at diyalogong karaniwang ginagamit ng mga
mamamayan at madaling intindihin
Panlalawigan - Dahil sa lalawigan naganap ang buong nobela, gumamit ang mga
tauhan ng ilang salitang ginagamit lamang sa mga lalawigan ng Pilipinas. Ang mga
salitang ito ang minsan pang nagsisilbing pagkakakilanlan ng isang partikular na lugar
sa Pilipinas.
Pampanitikan Pinalalim ng may-akda ang nobela sa pamamagitan ng paggamit ng
malalalim na salita at kaisipang mas nakapagbigay ng kulay sa kwento.
Pabalbal Gumamit din ang ilang tauhan, tulad nina Dr. Benog at Bidong, ng ilang
salitang madalas na ring gamitin ng mga karaniwang tao.
MGA TAUHAN
Lino Rivera

Ama ni Ernesto, matalik na kaibigan ni Bidong


Binigyan ng kapirasong lupa ni Padre Echevarria
May prinsipyo at paninindigan
Magaling makisalamuha sa iba at laging handang tumulong sa
nangangailangan
Tumatanaw ng utang ng loob sa mga taong naging parte ng kanyang buhay
(Ms. Sanchez, Pari Amando)
Lihim na umiibig kay Ms. Sanchez
Itinuturing na kaaway ng kampo nina Don Tito.

Ms. Loreto Sanchez

Nag-iisang anak ni Aling Basilia, pamangkin ni Padre Amando


May pagtingin kay Lino

Maganda, matalino, at mapagkumbaba


Itinuturing na ina nina Ernesto at Ernestina
Namatay dahil sa labis na kalungkutan.

Bidong

Estrangherong itinuring ni Lino na isang kapatid.


Iniibig si Huli
Mabuting kaibigan- tinanggihan niya ang utos ni Don Tito at Benog na
ipahamak si Lino
Tapat sa kaibigan at masipag

Don Tito

Ang nagmamay-ari ng karamihan sa mga lupa ng Maruhat


Nais niyang makuha ang lupa ni Lino sa Maruhat upang magamit niya para sa
kanyang bakahan.
Sakim at mapang-abuso sa mahihina

Dr. Benigno Sityar/ Benog

Anak ni Don Tito


Nakapag-aral sa Amerika ng Medisina at nais makapasok sa pulitika
May colonial mentality.

Pari Amado Echevarria

Kura Paroko ng Pinyahan


Matulungin binigyan niya si Lino ng pagkakataong magkaroon ng mas magandang
buhay.

May malasakit sa mga kasama sa kanyang asyenda.

Representasyon ng Simbahan sa nobela


Didang

Dating taga-Maynila na kinupkop ni Aling Huwana.


Iniibig si Lino.

Biktima ng pang-aabuso at pagmamalupit.

Mapagtiis at may busilak na kalooban.


Ernesto

Nag-iisang anak ni Lino.


Mapagmahal at mauunawaing anak.
Huli

Anak nina Aling Barang at Mang Abeng.


Sinsabing sila ay naghirap dahil sa pag-aaral ng kaniyang nakatatandang kapatid.

Iniibig ni Bidong.

Mapagmahal na anak at mapagtiis.

Simbolo ng isang mahinhin at mabuting dalagang Pilipina


Aling Barang

Ina ni Huli.
Hindi hinahayaang makipagkita si Huli kay Bidong.

Madasalin at marunong tumanaw ng utang na loob.

May pagtatangi para sa anak na lalaking si Tirso.

Aling Basilia

Ina ni Ms. Sanchez.


Itinuring si Lino na sariling kapamilya.

May mabuting kalooban.

Aling Huwana

Ang kumupkop kay Didang.


Relihiyosa at mabait.
Albino

Mabuting kaibigan ni Lino.


Nagtrabaho sa bakahan ni Don Tito.

Nagsilbing mata at tainga ni Lino sa mga plano at pangyayari sa tahanan ng


mga Sityar.

Abogado Marcelo Ligon

Nakakatulong ni Pari Amando sa mga gawain sa kumbento.

Naghanap kay Lino upang anyayahan itong bumalik sa Pinyahan at pagalingin si Ms.
Sanchez

Kumausap kay Lino upang iwasan si Ms. Sanchez.

Ernestina

Batang kinupkop na rin ni Ms. Sanchez.


Ulilang lubos na.
Kalaro ni Ernesto.
Mabait at mapagmahal na bata.

MGA TAGPUAN
Maruhat

dito naganap ang karamihan sa mga pangyayari sa nobela.

narito ang lupang natanggap ni Lino.

sinasabi na ang kalakhan ng Maruhat ay dating pagmamay-ari ng nuno ni Huli at


inagaw lamang ni Don Tito.

ayon kay Bidong, ito ang pook kung saan makakatagpo ng maraming magagandang
dalaga.
Nayon ng Pinyahan

dito nakatira sina Ms. Sanchez at Padre Amando.


dito nagwakas ang kwento (Pagkamatay ni Ms. Sanchez)

sa simabahan nito nagpamisa si Pari Amando at pagkatapos ay pinapirma na


ang kanyang mga kasama ng kasunduan.

may mahigit-kumulang tatlong oras na biyahe patungong Maruhat.

Kumbento

dito madalas na naglalagi sina Pari Amando at Abogado Ligon, dala ng kanilang
trabaho.
dito nagpupunta si Lino tuwing araw ng Linggo upang pag-usapan nila ni Pari Amando
ang ilang bagay tungkol sa relihiyon, paksang-aralin, at iba pa.
dito unang dinala ni Lino ang bangkay ni Bidong matapos ang awtopsiya upang
mabasbasan na ni Pari Amando.

Sa tahanan nina Ms. Sanchez

Dito tumitira si Ernesto, kasama si Ms. Sanchez.


Dito rin madalas na pumupunta si Lino pagkatapos niyang dumaan sa kumbento.
Pinagdausan ng pagdiriwang ng kaarawan ni Ms. Sanchez, kung saan ipinahiwatig nina
Mina, Salina, at Beba (mga kaibigan ni Ms. Sanchez), ang kanilang pangmamaliit kay
Lino.
Pansamantalang namalagi rito ang mag-inang Barang at Huli matapos mamatay si
Mang Abeng.

Tahanan ni Aling Huwana

Dito tumira si Didang, matapos siyang kupkupin ni Aling Huwana.


Madalas dalawin ni Lino si Didang dito upang silay makapag-usap at mas
magkakilala.

Hindi malayo mula sa tinutuluyang kubo at bukid ni Lino.

Tahanan ni Don Tito


Kung saan madalas na namamalagi si Albino.
Dito nagpupulong ang mga miyembro ng brain trust ni Benog upang pag-usapan ang
kanilang mga plano para sa eleksyon.
Pansamantalang tinirahan ni Bidong noong siyay ibigay ni Lino kay Don Tito upang
maging badigard ni Benog.

PAKSANG-DIWA

Ang mga daluyong sa buhay ay mga pagsubok lamang na naglalayong patibayin ang
loob at bigyan ng aral ang isang tao.
Ang tunay na pag-ibig ay laging handang magsakripisyo at magparaya.
Pagsisikap at determinasyon ang mga susi upang mapaunlad ang buhay ng isang tao.
Ang pagkatao ng isang tao ay nahuhubog din ng kanyang relasyon sa kanyang
pamilya at mga kaibigan.

You might also like