Panitikan Sa Panahon NG Hapon

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Panitikan sa Panahon ng mga Hapon

Pangkat Apat

1. Ang lahat ng pahayagan ay pinatigil ang paglalathala at natigil ang panitikang Ingles maliban sa mga pahayagang
Tribune, Philippine Review, Pillars, Free Philippines at Filipina.
2. Ayon sa mga hapon, ang wikang Ingles ay hindi dapat gamitin.
3. Sinunog ang mga aklat na nasusulat sa Ingles para makasiguro na hindi mababahiran ang linilikhang panitikan.
4. Ang panahong ito ay isang malaking oportunidad para sa mga manunulat sa wikang Filipino.
5. Ang mga paksa sa mga pahayagan ay patungkol sa mga lalawigan.
6. Napasara ang mga sinehan at itoy ginawa na lamang tanghalan .
Mga Dula sa Panahon ng mga Hapon
Ang mga dula sa panahon ng mga Hapon ay bawal lumabag sa kanilang mga regulasyon at dapat hindi nito kinakalaban
ang mga hapon. May dalawang uri ng dula sa panahong ito, ito ang legitimate at illegitimate. Subalit, ito ay base sa
pagtataya ng mga tradisyunal. Ang legitimate ay binubuo ng mga dulang sumusunod sa kumbensyon ng pagsusulat at
pagtatanghal samantala illegitimate naman pabilang ang mga stageshows. Maraming mga revue companies ang itinatag
noong panahon na iyon, katulad ng:
Star Revue Company , Associated Artists, Filipino Players Show, Radio Variety Revue Company, Place Variety Revue,
Artists' Guild Show Company, Roque Stage Review, United Artists,Thelma Stageshow, Philippine Artists League, Silos
Follies, Sampaguita Revue and Filipinas Revue.
Mga Panulaan sa Panahon ng mga Hapon
Dalawa ang mga uri ng panulaan, ito ay karaniwan at malaya ngunit dahil sa impluwensya ng mga hapon nagkaroon din
ng interes ang mga makata sa haiku at tanaga. Ang haiku ay binubuo ng 3 talutdod at may bilang ng pantig na 5-7-5 sa
bawat taludtod samantala ang tanaga ay binubuo ng apat na taludtod at may bilang na7-7-7-7 sa bawat taludtod.
Mga Mahahalagang Pangyayari sa Panitikan sa Panahon ng Hapon
Mga Maikling Kwento sa Panahon ng Hapon
Mga Nobela sa Panahon ng mga Hapon
Nagkaroon ng krisis sa mga papel noong panahon ng mga Hapon, kaya kaunti lamang ang mga nagawang mga nobela.
May apat na naging sikat na nobela noong panahon ng mga Hapon, katulad ng:
a. Sa Pula, Sa Puti ni Francisco Soc Rodrigo
b. Tatlong Maria ni Jose Esperanza Cruz
c. Sa Lundo ng Pangarap ni Gervacio Santiago
d. Lumubog ang Bitwin ni Isidro Castillo
Naging maunlad ang sangay ng maikling kwento sa panitikan sa panahon ng mga Hapon. Marami ang gumawa ng mga
iba't ibang mga maiikling kwento katulad ng:
Lupang Tinubuan ni Narcisco Reyes, Dugo at Utak ni Cornelio Reyes, Mga Diyos ni Justiniano del Rosario at marami
pang iba.

You might also like