Professional Documents
Culture Documents
Sanaysay
Sanaysay
Sanaysay
pagmamanukan, ang paghabi, na dati nilang ginagawa noong silay mga pagano pa
hanggang sa mga ilang taon pa pagkatapos ng pagsakop. Iyan ang naging bunga ng
tatlumput dalawang taon ng sapilitang paggawa na ipinataw sa mga Pilipino.
Ang pamahalaay walang dulot na pampasigla upang ang mga tao ay mahikayat na
gumawa. Pinatamlay ng mga Kastila ang pakikipagkalakalan sa mga bansang malaya, gaya
ng Siam, Cambodia, at Hapon, kayat humina ang pagluluwas ng mga produktong Pilipino at
ang industriya ay hindi umunlad. Ang Pilipinoy hindi maaaring gumawa sa kanilang bukid
kung walang pahintulot ng pamahalaan.
Bukod sa mga iyan, ang Pilipinoy hindi tumatanggap ng karampatang halaga sa kanilang
mga produkto. Sinabi ni Rizal na alinsunod sa istorya, matapos alipinin ng mga
encomendero ang mga Pilipino, silay pinagagawa para sa sarili nilang kapakinabangan, at
ang iba namay pinipilit na sa kanila ipagbili ang inaani o produkto sa maliit na halaga at
kung minsay wala pang bayad o kayay dinadaya sa pamamagitan ng mga maling
timbangan at takalan.
Alinsunod pa rin kay Rizal, ang lahat ng negosyoy sinasarili ng gobernador, at sa halip
pukawin ang mga Pilipino sa kanilang pagpapabaya, ang iniisip lamang niyay ang kanyang
kapakanan kayat sinusugpo ang ano mang makaaagaw niya sa mga pakinabang sa
pangangalakal.
Mga kung anu-anong kuskos-balungos sa pakikitungo sa pamahalaan, mga kakuwanan ng
pulitika, mga kinakailangang panunuyo at pakikisama, mga pagreregalo, at ang ganap na
pagwawalang-bahala sa kanilang kalagayan,- ang mga iyan ay naging pamatay-sigla sa
paggawang kapaki-pakinabang.
Nariyan pa ang halimbawang ipinamalas ng mga Kastila: pag-iwas sa pagpaparumi ng
kamay sa paggawa, pagkuha ng maraming utusan sa bahay, na para bang alangan sa
kanilang kalagayan ang magpatulo ng pawis, at ang pagkilos na animoy kung sinong
maginoo at panginoon na ipinaging palasak tuloy ng kasabihang para kang Kastila,- ang
lahat ng iyan ay nagpunla sa kalooban ng mga Pilipino ng binhi ng katamaran at pagtanggi o
pagkatakot sa mabibigat na gawain.
At ang wika pa ng mga Pilipino noon: Bakit gagawa pa? Ang sabi ng kura ay hindi raw
makapapasok sa kaharian ng langit ang taong mayaman.
Ang sugal ay binibigyan ng luwag, at itoy isa pa ring nagpapalala ng katamaran.
Ang Pilipinoy hindi binibigyan ng ano mang tulong na salapi o pautang upang maging
puhunan. Kung may salapi man ang isang Pilipinong magsasaka, ang natitira, matapos
bawasin ang buwis at iba pang impuwesto ay ipinambabayad naman niya sa kalmen,
kandila, nobena, at iba pa.
Kung ang mga pananim ay pinipinsala ng balang o ng bagyo, ang pamahalaan ay hindi
nagbibigay ng ano mang tulong sa mga magsasaka, kaya ang mga ito ay inaalihan ng
katamaran.
Walang pampasiglang ibinibigay sa pagpapakadalubhasa. May isang Pilipinong nag-aral ng
kimika sa Europa, ngunit hindi man lamang siya pinag-ukulan ng pansin.
Ang katamaray pinalulubha pang lalo ng di mabuting sistema ng edukasyon. Ganito ang
wika ni Rizal:
Iminulat palibhasa sa halimbawa ng mapagbulay-bulay at tamad na pamumuhay ng mga
monghe, ang mga katutubo namay walang ginawa kundi iukol ang kanilang buhay sa
pagkakaloob ng kanilang salapi sa simbahan dahil sa inaasahang mga himala at iba pang
kataka-takang bagay. Ang kanilang kalooban ay nagayuma; buhat sa pagkabata ay wala
silang natutuhan kundi ang pagkilos na parang mga makina na hindi nalalaman ang buong
kabagayan. Kataka-taka bang ang ganitong maling pagmumulat sa isip at kalooban ng isang
bata ay magbunga ng kahambal-hambal na mga pagkakasalungatan? Iyang walang puknat
na pagtutunggali ng isip at ng tungkulin ay humantong sa pananamlay ng kanyang mga
pagsisikap, at sa tulong ng init panahon, ang kaniyang walang katapusang pag-aatubili, ang
kaniyang mga pag-aalinlangan ay siyang naging ugat ng kaniyang katamaran.
Ang sistema ng edukasyon, na isang kawil ng mga pagmamalupit, ay nagpatamlay sa halip
na magpasigla sa Pilipino. Siyay nagkaroon ng mababang pagkakilala sa sarili at
pagwawalang-bahala sa paggawa.
Ang isa pang nagpalala sa katamaran ng mga Pilipino ay ang kawalan nila ng damdamin
bilang isang bansa palibhasay pinagkaitan sila ng karapatang makapagtatag ng mga
samahan na magbibigay sa kanila ng pagkakataong magkaunawaan at magkaisang
damdamin.
Palibhasa ngay walang bansang kinaaaniban, ang mga Pilipinoy hindi nagkaroon ng
pagkabahala sa ano mang kahirapang dinaranas ng mga tao. Patay ang apoy ng kanilang
pagsisikap, at walang sukat makaganyak sa kanila na mag-ukol ng panahon at sigla alangalang sa kaunlaran at kasaganaan ng kanilang Bayan.
Ang sabi ni Rizal: Ang edukasyon ay siyang lupa, at ang kalayaan ay siyang araw, ng
sangkatauhan. Kung walang edukasyon at walang kalayaan, walang pagbabagong
maisasagawa, walang hakbang na makapagdudulot ng bungang ninanais.
ipagpatuloy ang iyong mga plano. Maaari mo ring isulat sa isang papel ang iyong mga natapos na o
mga accomplishments para magsilbing inspirasyon na ipagpatuloy din naman ang iyong mga
nasimulan. Sanaysay sa Filipino.
Kapag nasimulan na ang iyong mga balakin, ihanda ang iyong sarili sa anumang mga hadlang na
maaaring mangyari. Ang mga hadlang na ito, maging tao, bagay man o pangyayari ay maaaring
maging dahilan ng iyong pagsuko at kalungkutan. Kailangan mong isipin lagi ang iyong kagustuhang
magbago. Gagawin mong magbago kahit na ano ang mangyari. Isang magandang hakbang ang
pananatili sa magandang pananaw sa buhay upang maisakatuparan ang iyong mga kagustuhan na
walang natatapakan na sino man.
Isang Sanaysay sa Filipino Tungkol sa mga Nanay
ANAK KA NG INA MO
ni: J
Nanginginig na ang kaniyang mga pasmadong daliri. Tila giniginaw ang mga kamay. Mga kamay na
umaakay sa iyo noong mga unang araw ng iyong pagtuntong sa eskwela. Mga kamay na
pinagkukunan mo ng isang libot isang lakas upang mabuhay.
Nakakurba na ang kaniyang tindig. Tila kawayang nakayuko ang kanyang likod. Mga likod na
natutuyuan ng pawis sa paglalabada upang may mailaman ka sa iyong kumakalam na sikmura.
Nakakunot na ang noo niya kapag tumitingin sa iyo. Parang laging may inaaninag ang mga mata. Mga
matang laging nakatingin sa iyo habang ikaw ay natutulog sa banig. Mga matang nagmamasid at
nagbabantay sa iyo mula pagsilang hanggang sa iyong paglaki.
Mahina na ang kaniyang pandinig. Parang baradong lababo ang kaniyang mga tainga. Mga taingang
dumirinig sa iyong pagngawa kung inaagrabiyado ng iyong mga kalaro. Mga taingang handang
makinig sa iyong mga daing dahil sa kabiguan.
Mabagal na ang kaniyang paghakbang. Sa wariy binibilang ng mga binti at paa ang bawat minutong
lumilipas. Mga binti at paang ginagamit niya upang masaklolohan ka sa mga panganib na sinusuong
mo noong iyong kabataan. Mga binti at paang inaasahan niya upang makaraos kayo sa araw-araw.
Kulubot na ang kaniyang balat. Parang chicharong bulaklak sa platong losa ang kabuuan ng kanyang
mukha. Mukha na pilit niyang pinakapal upang lumapit at umutang sa kaniyang mga kaibigan at
kakilala sa panahong ang enrolment ay malapit na. Mukhang pinakakapal ng katwirang gagawin ang
lahat para sa iyo.
Luyloy na ang kaniyang mga dibdib. Nilipasan na ng panahon ang kaniyang mga suso. Mga susong
datiy pinagkukunan mo ng matimyas na kalusugan. Mga susong nagbigay sa iyo ng lakas at tibay ng
katawan sa pagsagupa sa mga karamdaman.
Binura na ng kulay puti ang mga itim sa kaniyang tuktok. Tila abo ang kulay ng kaniyang buhok. Mga
buhok na malasutlang hinahawakan mo kapag ikaw ay kanyang pinatutulog. Mga buhok na sagisag ng
mga taon at panahong ginugol niya sa pag-aaruga at pagkalinga sa iyo. Mga Sanaysay sa Filipino
2011.
Mahina na ang kanyang boses. Tila garalgal ng radyong walang signal ang kanyang tinig. Mga tinig na
pinagbuhatan ng maraming magagandang aral ng buhay na ibig niyang maging gabay mo sa iyong
pagkatao. Tinig na puno ng pangaral na magagamit mo sa iyong pagtahak sa sariling lakbayin sa
daigdig.
Lupasay ang kanyang katawang mortal. Sa iyo napunta ang kanyang lakas. Sapagkat pinagpala ka
niya. Nagtingala siya ngayon sa iyo. patuloy kang inaaruga at matiyagang naghihitay. Sapagkat
siya sa kanyang pagiging ina. ay marubdob na nagnanais na matapunan din ng kahit kaunting
pagkalinga Mahalin natin ang ating mga ina!
Kaya, kasama sa paglaki ng bata na kahit ang pinakamaliit na problemang kasing liit ng butiki ay hindi
kayang masolusyunan dahil lagot ka, kayang-kaya ka ng lizard.
Sa hapunan, hindi pwedeng hindi mo uubusin ang pagkain. Mabubulag ka. Kahit magkandasuka ka sa
pagsubo, ubusin mo. Hindi dahil sayang ang inihanda sa mesa. Kung hindi bahala ka, mabubulag ka.
Isasama pa ba natin dito ang mga kasinungalingan tungkol kay Santa Claus, ang tatlong hari, ang
mga pamahiin ni Lolo at Lola, ang pagiging disente (daw) ni Rizal, nakakabungang-araw ang pagkain
ng sobra ng mangga at ang tungkol sa mga alamat ng pinya at Olongapo? Huwag na. Ayoko nang
dagdagan ang mga kasinungalingan dito.
Lumalaki ang bata sa kasinungalingan. At sa kaniyang pagtanda, pag-aasawa at pagkakaroon ng
sariling mga anak, uulitin niyang muli ang istoryang ito ng mga kasinungalingan. Mga Sanaysay sa
Filipino 2011.
Halimbawa ng Sanaysay
Global Warming sa Pilipinas (Sulating Pormal)
Maraming isyu ang kinakaharap ng ating bansa sa kasalukuyan. Ngunit kung akoy bibigyan ng
pagkakataon na maging bahagi ng mga isyung ito, ang una kong pagtutuunan ng pansin ay ang isyu
tungkol sa ating kapaligiran. Ginawa ko ang sanaysay na ito upang mailahad ko ang mga bagay na
aking naiisip na kaakibat ng ating kapaligiran sa kasalukuyang panahon.
Patuloy na nasisira ang ating kapaligiran, dahilan upang magkaroon ng negatibong pagbabago hindi
lamang dito sa ating bansa bagkus pati na rin sa buong sadaigdig. Ang lumalalang sitwasyon ay
nagiging dahilan upang magkaroon ng pangyayari na tinatawag na global warming. Ang global
warming ay ang pagtaas ng temperature ng ating mga karagatan at atmosphere at ang patuloy na
paglala nito. Sinasabi ng mga scientist at mga eksperto na ang dahilan nito ay ang pagsusunog ng
mga fossil fuels na nagiging sanhi ng pagkasira ng ozone layer n gating atmosphere. At dahil untiunting nabubutas ang ozone layer, ang init na galing sa araw o itong tinatawag na suns rays na
mapanganib sa ating kapaligiran kung itoy direktang makapapasok ay siya na ngang nagyayari sa
kasalukuyang panahon. Ang ozone layer ang siyang nagsisilbing taga-sala nito o filter upang hindi ang
mga mabubuting sinag lamang ang makapasok sa ating atmosphere.
Sa isyu ng global warming, napakahalaga na pagtuunan ng pansin ang mga bagay na nagiging dahilan
ng ganitong pangyayari. Alamin, sa abot ng makakaya, ang mga sanhi ng global warming. Sa
ganitong paraan, malalaman natin ang mga dahilan ng pagkasira ng ating atmosphere at magagawan
natin ng paraan. Maiiwasan natin ang mga gawaing nakapagdudulot ng unti-unting pagkabutas ng
ating ozone layer gaya ng pagsusunod ng mga fossil fuels.
Hindi lamang sa ating henerasyon maaaring makaapekto ang global warming. Higit na mararamdaman
ito ng ating mga anak at kanilang mga pamilya kung hindi natin maaagapan ang pagkasira n gating
kapaligiran. Marapat lamang na hanggang maaga ay kumilos tayo upang hindi na lumala pa ang
sitwasyon. Kailangan lamang na magkaisa tayo upang masolusyunan natin ang problemang
kinakaharap. Malaki ang ambag ng bawat isa sa pagkakaroon ng mabuti at malinis na kapaligiran.
Huwag n asana tayong dumagdag pa sa mga taong patuloy ang pagsira sa ating kapaligiran. 2011
Sanaysay sa Filipino.
Istorya ng Pinto
ni: J
Nagdaan ang Araw ng mga Puso. Kumita ng malaki ang mga tindahan ng bulaklak, tindahan ng
kapote at tindahan ng balot sa kanto. Malaki rin halos ang kinita ng mga sinehan, restawran at mga
motel maging ang mga pabrika ng tsokolate at stationary. Ang ligayang dulot ng Valentines Day ay
binalot sa mga regalong pinagsumikapang ipunin upang mabigyan ng kahit kaunting saya ang
pagbibigyan. Hindi mahalaga ang regalo. Mas mahalaga ang pag-aalala ng nagbigay sa binigyan. At
ang kilig na naramdaman sa piling ng iyong pinakamamahal ay nakamit sa pamamagitan ng PDA at
PMS o kahit sa simpleng HHWW ng magsing-irog. Ang mahalagay tumitibok ang puso ng bawat isa.
And love is in the air.
Kagaya ng mga nagdaang umaga, nagising ako kasabay ng tilaok ng mga manok sa kapitbahay.
Sinalubong ako ng lamig na dulot ng hanging amihan paglabas ko ng bahay. Madilim-dilim pa at siguro
ay ako pa lamang ang gising sa hanay ng mga bahay sa lugar na ito.
Wala pa kaming isang taon na nakalipat dito sa lugar na ito. Iba ito sa lugar na kung saan ko hinasa
ang aking tari at kalyo. Sa lugar na kinamulatan ko, hindi natutulog ang oras. Laging maingay. Laging
magulo. Libangan ng tao ang makipag-away sa kapitbahay.
Ngunit sa kabila ng maingay at makulit na kapaligiran nito, natutunan kong mahalin ang lugar na iyon
kasama ng pagyakap ko sa mga taong nakakasalamuha ko sa araw-araw. Naroon nga ang ingay at
gulo ngunit naroon din ang sayat ligaya na dulot ng pagsasamahan. Laging masigla ang buhay.
Gigising kang masaya at matutulog na may ngiti sa mga labi habang sinasanay ang sarili sa
pagtanggap sa mga aberya.
Narito kami ngayon. Lugar na kahit sa panaginip ay hindi naglaro kahit sandali. Tangay sa paligid ang
katahimikan at sa umagay gigising kang kapiling ang halumigmig ng simoy ng hangin. Okay na rin
kahit paano. Dito ko naranasan ang katahimikan na hindi naitaguyod ng ingay ng Maynila. Narito ako
ngayon sa isang lugar na payapang namumuhay ang mga tao. Wala sa pusod ng laging
nagmamadaling lungsod.
Sa kalaunan ay hinahalagahan ko na rin ang lugar na ito. Marapat lamang marahil. Hindi dahil sa wala
akong pagpipilian kundi dahil siguro karapat-dapat lamang siyang mahalin. Matamis mamuhay sa
isang lugar na ang musika sa katanghalian ay huni ng mga ibon sa kalapit na punongkahoy. Masarap
sa pakiramdam na ang kaniig mo sa gabi ay ang ilaw ng mga alitaptap at liwanag ng buwan sa
kabukiran. Ang anag-ag ng kumukititap na mga bituin sa langit ay parang bonus na lamang sa buong
magdamag.
Okay na rin ang buhay. Malayo na sa mga bisyong sumira nang unti-unti sa buhay na maraming
pangarap. Malayo sa daigdig na kahalubilo ang libo-libong tukso sa pagkatao. Okay na rin kahit paano.
Masasanay din akoNasasanay na rin ako
Naisipan ko nang pumasok ng bahay. Hindi ko kaya ang lamig ng hangin. Tumatayo ang lahat ng
balahibo ko sa katawan. Pinihit ko ang seradura ng pinto ngunit sa laki ng aking pagkamangha ay
hindi siya sumang-ayon. Naka-lock sa loob! Siguro, nang lumabas ako kanina, nakapindot sa loob ng
hatakin ko pasara. Laking katangahan!
Kumatok ako at pinagbuksan ng pupungas-pungas kong ina.
recycling center na malapit sa kanyang lugar. Maaari silang magpadala ng mga lalagyan ng
mga basura na maaari pang mai-recycle upang mabawasan ang basura sa mga landfills. Ang mga
lalagyang ito na tinatawag ding recycle bins ay maaaring pagtapunan at paglagyan ng mga papel,
basyo ng bote at mga plastics upang mairecycle na muli. Kung araw-araw natin itong gagawin,
ihihiwalay ang mga basurang maaari pang pakinabangan, mababawasan ang problema sa basura at
magiging maayos ang sistema ng ating kapaligiran.
sa
mga
ganitong
kawanggawa
at
maraming
ahensiya
ng
pamahalaan
ang
nangangalaga sa mga taong kapus-palad. Laging isaisip na ang pagbibigay ng mga lumang damit na
hindi mo na gagagamitin ay isang uri rin ng paraan na mai-recycle ang mga materials na ganito. Hindi
na ito magiging dagdag pa sa mga basurang kailangang itapon at magagamit ng iba upang maging
kapaki-pakinabang na bagay. Nakatulong ka na sa kalikasan, nakatulong ka pa sa mga mahihirap na
kababayan.
Pangatlo, ibalot ng maayos ang mga ido-donate at gawing presentable ang mga ito kapag dadalhin na
sa taong pagbibigyan. Sabihin na ang mga damit na ito ay bigay lamang upang mapakinabangan nila.
Laging isaisip na ang mga gamit na iyo sanang itatapon at itinuturing na basura ay laging maaaring irecycle upang mapakinabangan ng ibang tao. Maiiwasan natin na dumami ang mga basura sa ating
kapaligiran kung lagi nating isasaisip ang reuse, reduce at recycle na panuntunan sa buhay.