Uri NG Liham Sample

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Liham Pangkaibigan

Malinis St. San Jose


Mandaluyong City
Nobyembre 26 2012

Mahal kong Ryella,


Kamusta ka na? Sana ay nasa mabuti kang kalagayan. Sumulat
ako sayo dahil gusto kong kamustahin ka. Alam mo talagang nalungkot
ako nang lumipat ako ng paaralan at lalawigan. Naalala ko pa noong
mag kaklase pa tayo ay sabay sabay tayong kumakain ng ating
kaibigan. At dinarasal ko na magkita tayong muli
Hanggang dito na lamang.

Nagmamahal,
Zaires Ann

Liham Pasasalamat
1726 Leveriza
Pasay, Metro Manila
Hunyo 18, 2012
Mahal kong Maritess,
Labis akong nagpapasalamat sa ipinadala mong bagong damit
noong magtatapos ako sa Mababang Paaralan.
Ang sabi ng nanay ko ay bagay na bagay raw sa akin ang kulay
ng tela at yari niyon. Lalo raw akong nagmukhang dalagita.
Hustong-husto iyon sa akin. Ang sabi nga ng kapatid ko ay para
raw isinukat. Talagang tuwang-tuwa ako at gandang-ganda sa iyong
regalo.
Salamat na muli.

Nagmamahal,
Zaires Ann Peril

Liham Paanyaya
Poblacion, Bacon District
Sorsogon City
Ika-2 ng Marso, 2011
Mahal kong tita Ana,
Inaanyahan ko po kayong pumunta sa aking graduation na magaganap
sa April 6 alas 8 ng umaga. Alam ko pong matutuwa kayo para sa akin
dahil magtatapos ako ng elementarya na may sertipiko at diplomang
matatanggap.
Inaasahan ko po ang inyong pagdating.

Nagmamahal,
Zaires Ann

Liham Ng Paghingi
Ng Paumanhin
Paaralang Sentral ng Mataasnakahoy
Mataasnakahoy, Batangas
Marso 12, 2012

Mahal kung Guro,


Magandang araw po sa inyo Gng. Elsie Esmedilla. Ako po ay humihingi
ng paumanhin sa aking pagliban sa klase,sa kadahilanan pong ako po
ay nagkaroon ng sakit ng trangkaso. Akin pong hinihingi ang inyong
malawak na pang-unawa.
Maraming salamat po.

Ang inyong estudyante,


Zaires Ann Peril

You might also like