Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Banyagang Literatura

Karamihan sa mga bansa sa buong mundo ay may higit sa isang


plantang nukleyar na pinapagana sa kanilang bansa. Samantalang sa ating
bansa ang nag-iisa nating plantang nukleyar ay nanatiling mothballed o
hindi nagagamit pero nasa ilalim ng preserbasyon at naghihintay na lamang
na paganahin ito.

Ayon kay Michael Burgess, isang politician at artista sa Britanya, Paggamit ng nukleyar bilang pinagkukunan ng enerhiya ay makakatulong sa
pangangailangan natin sa kuryente, ito rin ay makakatulong sa pag-angat ng
ating ekonomiya ng hindi nagtataas ng emission . Itoy patunay na itoy
magandang pagkunan ng enerhiya.

Sang-ayon din sa plantang nukleyar ang pilosopikong si David J. C.


MacKay sinabi niya sa kanyang libro na Sustainable Energy , Hindi dapat
natin hayaan ang mga sarili nating matakot sa piligrong maaring dalhin ng
paggamit ng nukleyar. Ang enerhiyang nukleyar ay hindi habang buhay
delikado. Ito ay kasing delikado tulad ng mga coal mines, petrol repositories,
fossil-fuel burning at wind turbines. Dinagdagan pa ito ni Joe Barton isang
politiko sa Estados Unidos, sinabi niya sa isa niyang artikulo na kailanman ay

wala pang lubhang nagkasakit o namatay o kahit anong aksidente, gawa ng


nukleyar power plant.

Subalit hindi lahat ay sang-ayon sa plantang nukleyar, Ang usaping


tungkol sa pagtaas ng demand ng buong mundo sa pamamagitan ng
enerhiyang nukleyar ay walang saysay, saad ni Sigmar Gabriel isang
politiko sa Alemanya.

Ayon naman sa isang nobelista na si James Buchan sa nobela niyang


The Guardian,
Sa loob ng limampung taon, ang mga plantang nukleyar ay magreresulta ng
tatlong produktong bukod tanging mga tarantando lang ang may gusto :
bomb-explosive plutonium, lethal radioactive waste at elektrisadad na
iaabuloy. Iiwan nila sa mga susunod na henerasyon ang responsibilidad, at
lahat ng gastos sa paggawa ng ligtas na lugar para sa mga lugar na
naapektuhan ng polusyon gawa ng plantang nukleyar.

Lahat ng ito ay sinalungat ng siyentistang si James Lovelock sa


kanyang payahag na,

Yang mga kompanya ng langis ay nagbibigay

ng mga maling impormasyon sa mga tao tungkol sa plantang nukleyar dahil


alam nilang pag natuloy ang pagkakaroon nito, mababawasan ang kanilang
mga kita.

Banyagang Pag-aaral
Isang internasyonal na grupo sa Estados Unidos, mga siyentistang
galing Europa, National Union of Scientists (NUS) Corporation na
naginspeksyon sa ating plantang nukleyar. Ayon sa kanila sila ay nakahanap
na higit sa apat na libo (4,000) depektong teknikal. Kung saan ang Fortune
Magazine ay binansagan ang ating planta na failed project from a fraudulent loan.

Ayon sa isang inhinyerong mula sa Estados Unidos na si Engineer Robert Pollard, nang
siya ay gumawa ng kanyang sariling inspeksyon matapos ang insidenteng Three Mile Island,
kanyang napagtantong ang BNPP ay hindi ligtas sapagkat ito ay gawa sa lumang disenyong may
mga isyu sa kaligtasan na nagbibigay potensiyal sa maaring idulot nitong kapahamakan sa
kaligtasan at kalusugan ng publiko.

Ang BNPP ay nakatayo malapit sa Mt. Natib, na kalderang bulkan tulad ng Mt. Pinatubo,
hindi lang iyon marami pang faults na nakita sa Mt. Natib hanggang sa Morong, Bataan, ayon sa
siyentipikong pag-aaral ni Kelvin Rodolfo, isang sikat na heyologo at propersor sa University of
Illinois.

Taong 2008, nang muling puntahan at inspeksyunin ng International Atomic Energy


Agency o IAEA ang BNPP, ayon kay Akira Omoto, Director ng IAEAs Division of Nuclear
Power at lider ng misyon dito sa Pilipinas:

Sa kaso ng Bataan, ang planta ay natapos na lagpas dalawampung taon na. Ang misyon
naming sa pagbisita ng plantang ito ay para malaman at mai-reset ang kasalukuyang estado ng
planta, ang payo namin sa Pilipinas ay kumpletuhin ang mga papales at lisensiya. Kailangan
mai-modernize ang dalawang dekadang lumang teknolohiya at makapasa sa kasalukuyang
standards sa pagpapatakbo ng plantang nukleyar. Wala sa posisyon ang IAEA na ipahayag kung
ang planta ay maari bang gamitin o hindi, o magkano ang aabutin ng pagre-rehabilitate nito.

Source: http://www.yonip.com/is-the-bataan-nuclear-power-plant-safe-by-professor-roland-gsimbulan/
https://www.iaea.org/newscenter/news/iaea-advises-philippines-next-steps-mothballed-npp

You might also like