Professional Documents
Culture Documents
Pananaliksik Sa Filipino 11
Pananaliksik Sa Filipino 11
Mga Mag-aaral ng
Lungsod ng Lapu-Lapu
TUNGO SA PANANALIKSIK
iii
PASASALAMAT
Pinasasalamatan din namin ang mga taong nagbigay ng kanilang mga ideya
upang mabuo at maorganisa ang tesis na ito. Taos pusong pasasalamat para
sa lahat ng miyembro ng grupo na tumulong para sa lahat ng miyembro ng
grupo na tumulong para maisagawa at matapos nang maayos ang proyekto.
iv
PAGHAHANDOG
TALAAN NG NILALAMAN
Pahina
Pamagat na Pahina
Dahon ng Pagpapatibay
ii
Pasasalamat
iii
Paghahandog
iv
Talaan ng Nilalaman
vii
Talaan ng Pigyur
viii
KABANATA I
ANG SULIRANIN AT ANG SAKLAW
Rasyonal na Pag-aaral
Teoritikal-Konseptwal na Balangkas
Pagpapahayag ng Suliranin
Kahalagahan ng Pag-aaral
Katuturan ng Talakay
11
KABANATA II
KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL
Kaugnay na Literatura
12
Kaugnay na Pag-aaral
15
KABANATA III
METODOLOHIYA
KABANATA IV
PAGLALAHAD AT PAGSUSURI NG MGA DATOS
KABANATA V
NATUKLASAN , KUNGKLOSYON AT REKOMENDASYON
vii
TALAAN NG MGA TALAHANAYAN
Pahina
Talahanayan 1 :
Talahanayan 2 :
vii
TALAAN NG MGA PIGYUR
Pahina
KABANATA I
ANG SULIRANIN AT ANG SAKLAW NITO
RASYONAL NA PAG-AARAL
Ayon kay Dr.Jose George Los Banos , isang psychiatrist , ang adiksyon ay
nagdudulot ng masamang epekto sa isang tao. Dagdag pa nito , naghahatid
ito ng di-mabuting impluwensiya para sa isipan ng isang tao na kasabay non
ay ang pagiging agresibo o biglaang pagbabago sa ugali nito. Bukod ditto ,
maari din itong makaapekto sa pisikal na kalusugan ng isang tao. At ang isa
sa mga pinakaaadikang kagamitan ng mga kabataan sa henerasyon ngayon
ay ang cellphone.
Isa sa mga patok na gamit ng cellphone ay ang text messaging. Sa
ngayon , ito ang pinakamabilis at pinakamura na option sa
pakikipagkomunikasyon , lalo na at nauuso na ngayon ang unlitext , sulitext ,
immortal text at kung anu-ano pa na inaalok ng mga telecommunication
company. Kadalasan pa sa mga kabataan ay iniipon ang kanilang pera at
minsan pa nga ay tinitiis nila ang hindi kumain upang matustusan lamang ang
kanilang pambayad para sa load araw-araw. Ngayon nga ay ginagamit na rin
sa panliligaw ang texting para sa mga makabagong kabataan. Para sa mga
nakatatanda , ang ganitong uri ng panliligaw ay hindi tama at maayos.
Ipinapakita lamang nito na hindi seryoso ang nanliligaw at may hidden
agenda lamang ito na nais isakatuparan sa kadahilanang takot
makipagkilala sa mismong magulang ng sinusuyuan. Ayon pa sa kanila , ang
mga kabataan daw ngayon ay napakawild at erotic kaya mahirap pasunurin
at ibang-iba sa noon.
May ilan din na gumagawa ng mga prank call o text bilang katawaan o
dahil sa kawalan ng magawa lamang. Kagaya na lamang sa false alarm na
ipinalabas di umano ng PHIVOLCS dahilan upang magsilikas ang mga
residente sa tatlong bayan sa Antique sa takot kasunod nang naganap sa 6.3
magnitude na lindol sa Indonesia. Ngunit ayon sa PHIVOLCS , wala silang
ipinalabas na tsunami alert kasunod na naganap na pagyanig kung saan ay
babae at may ilan din mula sa 20s at 30s na edad. Hindi mawawala sa mga
ebook ang mga adult genres at porns na pwedeng mabasa ng mga kabataan
at ma impluensyahan ang kanilang mga isipan na gumaya sa mga
pangunahing karakter ng kwento.
Ang ilan sa mga kabataan ay nakaranas nang matulog sa dis-oras ng gabi
dahil sa pagbabasa ng ebook mula sa cellphone at kahit puyat na puyat at
masakit pa sa mata ang radiation na hatid ng screen sa cellphone mula sa
napakahabang oras na pagbababad ay hindi pa rin tumitigil hanggat hindi
natatapos. May ilan ding mga estudyante sa sekundarya ang nagbabasa ng
ebook habang nakasakay sa kinalulunarang sasakyan. Ang gawi na ito ay
hindi makakabuti para sa ating mga mata at baka magresulta ng
komplikasyon kung hindi bibigyang-pansin at paalala para sa mga kabataan.
Ang iba pa nga ay linilipasan na ng gutom dahil sa hindi nila magawang
isantabi muna ang pagbabasa sa cellphone. Maaaring makamatay ang
pagkaadik na ito dahil sa dehydration at matinding gutom.
Dahil sa pagkaadik ng mga kabataan sa cellphone ay nagresulta ito upang
mapasobra sila sa paggamit ng kagamitang ito o humigit na sa kanilang
limitasyon at umabot na sila sa retriksyon ayon sa paggamit nito na
naghudyat upang mapasama sila at tuluyang masira ang kinabukasan ng mga
kabataan.
Sa henerasyon natin ngayon, karamihan sa mga naaadik sa cellphone ay
ang mga kabataan na nasa edad 10 pa lamang hanggang pataas. May ilan
ding mga nasa edad 3 na marunong nang gumamit ng cellphone. Ayon sa mga
ekspert , mahalaga ang paggabay ng mga magulang at pagbibigay ng sapat
na atensiyon upang maiiwasang mga bata sa ganitong uri ng adiksyon.
TEORITIKAL-KONSEPTWAL NA BALANGKAS
PAGPAPAHAYAG NG SULIRANIN
1.1
1.2
1.3
1.4
1.5
Edukasyon
Ambisyon \ Pangarap
Kalusugan
Responsibilidad
Asal \ Moral
2.1 Magulang
2.2 Kaibigan
2.3 Guro
Kahalagahan ng Pag-aaral
Sa mga mag-aaral
Sa mga mag-aaral ang pananaliksik na ito ay makakatulong
sa mga mag-aaral upang malaman nila ang epekto nito sa
kanilang konsentrasyon lalong-lalo na sa pag-aaral at sa
pang araw-araw na gawain
Sa mga Magulang
Ang pananaliksik na ito ay mahalaga at makakatulong sa mga
magulang sa pag-alam ng mga epekto ng cellphone sa
konsentrasyon ng kanilang mga anak na estudyante o sa kanila
mismo.
Sa mga Guro
Ang pananaliksik na ito ay mahalaga sa mga guro sapagkat ito ay
makakatulong sa kanila na malaman ang epekto sa
konsentrasyon ng kanilang mag aaral o sa kanila mismo sa pag
aaral at sa pang araw-araw na buhay nila.
Sa mga Mananaliksik
Ang pananaliksik na kito ay mahalaga para sa mga mananaliksik
upang mapag-alaman ang mga epekto sa konsentrasyon ng
bawat tao na gumagamit ng cellphone.
KATUTURAN NG TALAKAY
Ang PAGKAADIK NG MGA ESTUDYANTE SA CELLPHONE ay isang dimabuting gawi. Lalo na kapag pababayaan lang at walang gagawing mga
hakbangin laban dito. Maaari itong resulta sa mas mabigat at malaking
problema kung makataon.
Layunin ng tesis na ito na alamin ang mga dahilan sa pagkaadik ng mga magaaral sa cellphone upang mabigyan ito ng kaukulang solusyon o hakbangin
ng kanilang mga magulang na hidi malaman-laman kung ano ba ang dapat
nilang gawin dahil sa katigasan ng ulo ng kanilang mga anak. Nais din ng
tesis na ito ang magbigay-hatid ng mga mahahalagang datos at impormasyon
ukol sa mga masasamang epekto na dala mula sa hindi wastong paggamit ng
cellphone.