Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

KAHIRAPAN, ANONG EPEKTO MO SA

TAO?
Introduction:
Nagagamot na ngayon ng modernong siyensiya ang malulubhang sakit
ng tao. Pero ang ordinaryong sakit ng lipunan - ang salot ng kahirapan
- hanggang ngayon ay hindi mahanapan ng lunas. Epidemya pa rin ang
proporsyon nito sa buong mundo.
Naglalakbay na ang tao sa kalawakan. Milyong milya ang iniabante ng
sibilisasyon mula nang gumagala pa ang mga sinaunang tao sa
kagubatan para sa kanyang pagkain. Pero kung titingnan ang
paghihikahos ng mayorya ng populasyon, parang hindi umusad, kahit
isang pulgada, ang kalidad ng buhay.
Kung kailan walang kaparis ang itinaas ng produksyon ng pagkain,
saka milyun-milyon ang namamatay sa gutom at nagkakasakit sa
malnutrisyon. Naglalakihan ang mga gusali at mansyon sa lungsod
pero walang matirahan ang daan-daang milyon sa mundo. Walang
kapantay ang pag-unlad ng industriya at teknolohiya pero tatlong
bilyon ang walang sapat at tiyak na trabaho. Iniligtas ang mga hayop
sa bingit ng pagkaubos. Pero pinababayaan ang bilyong taong
mistulang mga dagang nabubuhay sa mga estero at gusali ng
modernong lipunan.
Progresong panlipunan. Narito raw ang solusyon, ang pag-asa
makaahon sa kahirapan ang populasyon ng daigdig pero hindi pa ba
sapat ang isinulong ng progreso para mabuhay nang maginhawa ang
lahat?

Modernong industriya. Sa kamay ng mga manggagawa, ang mga


makinarya ay instrumento ng pag-unlad. Pero sino ang umuunlad?
Hindi ang mga nagpapatakbo ng makina kundi ang mga may-ari ng
makina - ang mga kapitalista!
Kagila-gilalas ang iniunlad ng makabagong lipunan sa nagdaang mga
siglo at dekada. Pero kalunos-lunos pa rin ang paghihikahos sa ating
paligid. Nasaan ang suliranin? Bakit sa kabila ng malubhang pagsulong
ng produktubidad ng lipunan ay malubha pa rin ang karukhaan? Bakit
sa kabila ng sobrang karangyan ng ilan ay terible pa rin ang
pagdarahop ng marami?
Sa inabot na karunungan ng tao, hindi pa ba natutuklasan ang lunas
sa epidemya ng kahirapan? Sa inabot na pag-unlad ng teknolohiya,
hindi pa ba nadidiskubre ang paraan para mabuhay ang lahat nang
sagana, panatag at may dignidad?
Kung ang sanhi ng kahirapan ay isang organismo o mikrobiyo, naka
matagal nang naimbento ang gamot sa ganitong epidemya. Ngunit ito
ay hindi isang sakit na maaaring silipin sa mikroskopyo o pag-aralan sa
laboratoryo. Ito ay hindi isang impeksyon o kalamidad na galing sa
kalikasan. Ang kalikasan nga ang nagbibigay sa tao ng mayamang
materyal para mapasagana ang kanyang buhay. Ngunit sino ang
sumasagana at nagpapasasa sa likas at likhang yaman ng daigdig at
lipunan?
Sobra-sobra ang yaman na galing sa kalikasan at sa Paggawa. Ang
problema, ang yaman na likha ng Paggawa at bunga ng kalikasan ay
inaari ng iilan upang alipinin ang nakararaming walang ari-arian. Ito
ang "mikrobiyo" ng kahirapan - ang pribadong pagmamay-ari ng mga
gamit sa produkto at yaman ng lipunan. Narito ang pinakaugat ng
kahirapan sa daigdig.
Matagal nang natuklasan at napaunlad ng tao ang solusyon sa
kahirapan sa mundo - ang modernong makinarya, ang modernong
industriya. Inabot na ng tao ang sapat na karunungan at kaularan
mapaginhawa ang buong sangkatauhan.

Sa pamamagitan sana ng modernong makinarya't industriya,


siyensiya't teknolohiya, ang masaganang materyal ng kalikasan ay
malilinang ng Paggawa para sa simplenmg kagamitan ng paggawa ng
tao para sa pangngangailangan ng lahat, ito ay nananatiling
instrumento ng pagsasamantala ng tao sa kanyang kapwa - ng mga
uring nagmamay-ari sa mga uring walang ari-arian. Ito ang kalikasan
ng lipunang ating ginagalawan. Ito rin ang kalikasan ng kahirapan ng
higit na nakararaming tao sa lipunan.

I. Layunin:
Makapagbigay ng bagong kaalamanan sa epekto
ng kahirapan
Makapanghikayat na mapagtulungang sugpuin
ang kahirapan
Makapagbigay ng payo upang hindi maranasan
ang kagipitan
Makapagbigay alam kung paano o saan
makakahingi ng tulong upang malutas ang
kahirapan
Makapagturo kung ano ang mga epekto ng
kahirapan sa pamumuhay ng tao
Makapag-bigay ng pag-asa sa mga taong
nawawalan ng pag-asa sa buhay
Manghikayat sa bawat Pilipino upang lalo pang
magsikap na makaahon sabuhay at makamit ang
tagumpay sa pamamagitan ng pagpapaalam sa
kanilakung ano ang susi ng tagumpay

Upang maipamahagi namin ang mga impormasyon


ukol sa kahirapan na nagmula sa aming kaalaman
mismo at sa ibat ibang maaaring pinagmulan ng
kaalaman gaya ng aklat at internet
Upang malaman ng bawat Pilipino kung ano ang
kahirapan, ang mgamaaaring dahilan ng
kahirapan, mga epekto nito at iba pa.
Upang mabigyang pansin ng iba kung sinu-sino
ang naghihirap na dapattulungan. Nang sa
ganun, mas lalo pang uunlad an gating bansa.
Upang masagot ang mga katanungan ng iba na:
Bakit kaya maymahirap? at Bakit di na lang
lahat ay mayaman?
II.

Pagpapakahulugan

Ang kahirapan ay nangangahulugang isang kakulangan


ngpangunahing pangangailangan ng tao katulad ng pananami,
kanlungan atpagkain. Ito ay maaaring dahil sa kawalan ng pera at
maaari ring dahil sahindi pagkapantay-pantay sa pamamahagi ng
kayamanan. Halos lahat ng taodito sa pilipinas ay naghihirap at
kaunti lamang ang nagawang pigilan ito.Ngunit, ano nga ba ang
pangunahing sanhi ng patuloy na pagtaas ng antas ng kahirapan?
Ano ba ang maaaring maging epekto ng kahirapan? Itoy ilan
lamang sa mga tanong na maaaring mabuo sa ating isipan.
Malalamanlamang natin ang mga sagot nito sa ibang bahagi ng
amgin pananaliksik.Ipagpatuloy muna natin kung ano ang
kahulugan ng kahirapan.Sa panahon ngayon, dapat nating
pagtuunan ng pansin an gatingkahirapan. Ito ay ang
pinakamalaking problema na dapat nating gawan ngaksyon upang

masolusyunan.Sa kasalukuyan, ng dahil sa kahirapan libu-libong


mga Pilipino angnangingibang-bansa upang humanap ng higit na
magandang pagkakataon.Hindi lamang sa amerika nagtungo ang
marami nating mga kababayan;maraming manggagawang Pilipino
ang nagtungo sa Saudi Arabia, euroapa,at sa iba pang bansa sa
kanluran kung saan malaki ang sahod.
Sadyang hndi maipagkakaila na ang bansa natin ay tuluyang
naghihirap sapagkat ang suliraning brain drain ay ganap na
laganap sa ating bansa. Ang ating mahuhusay na guro, doctor,
nars at iba pang mga propesyunal na sa halip nasa ting inang
bayan ialay ang kanilang talino , galing at husay
aynapakikinabangan ng ibang mga nasyon.
Ang sapilitang pangingibang bayan ng mga Pilipino upang
maghanap ng ikakabuhay ay naging parte na ngkultura. Ang
karamihan dito ay ang mga kababaihan. Dala ng labis nakahirapan
ay itoa ang naging siyang tugon upang ang mga Pilipino
aymakaraos sa araw-araw na pamumuhay.

III.

Saklaw at Limitasyon

Mahigit dalawang lingo ang sinikap ng manunulat o mananaliksik


upang mabuo at matapos itong pamanahunang papel na ito. Ang
pananaliksik na ito ay tumatalakay sa isang tiyak na tema
atmagkaugnay na paksa o ito ay nakasentro lamang sa isang

paksa at kung anoman ang napapaloob ditto ay pawing may


koneksyon din sa pinakapaksa. Sapananaliksik na ito, tinatalakay
ang kahulugan ng kahirapan, uri ngkahirapan, at ibang mga
elementong kailangan sa pagharap ng mga mag-aaralsa
mapaghamong buhay.Inaasahang sa pamamagitan nito ay
matamo ng bawat tao ang matibayna sandigan para sa
pangkalahatang kaunlaran at mabisang paglahok sa mgagawaing
panlipunan tungo sa isang maunlad na bansa.
Naway maging isang instrument ang papel na ito sa paghubog
ngmabubuting kabataang magiging pag-asa ng ating bayan.
Hangarin rin ngpananaliksik na ito na malinang ang kakayahan ng
mga mag-aaral sa mgakasanayan sa komunikasyon lalo na ang
pagbabasa. Isa itong napapanahongpapel na nagbibigay liwanag
at konteksto sa kasalukuyang kalagayan ng Pilipinas.Maingat na
sinuri at inayos ang papel na ito upang lalong mabigyanglinaw ang
isipan ng mga tao lalo na ang mga kabataang mag-aaral tungkol
sakalagayang hinaharap ngayon ng bawat tao sa Pilipinas.

IV.

Metology/Pagsusuri

Sa simulang pahina pa lamang n gaming pananaliksik, na ito ay


angpamagat, napag-isipan naming na gumawa o pumili ng
paksang nagtatanongupang mas lalong kaaya- aya,kahika-hikayat
at kaakit-akit sa mambabasa angaming pinag-aralang paksa.
Pagkatapos ay inilahad namin ang aming mgalayunin sa
pananaliksik upang makasigurado at malaman ng mga
mambabasakung bakit namin napili ang paksa na ito. Sa

pamamagitan ng paglalahad ngaming mga layunin ay nakatitiyak


ang mga mambabasa na ito ay maganda atkaakit-akit para sa
kanila na basahin. Sa simula naman ay ipinahayag naminang
kahalagahan at layunin ng aming pag-aaral. Inilahad din namin
dito ang paraan ng aming pagsasaliksik. Sa katawan o nilalaman
naman ay inilahadnaming ang natuklasan sa pananaliksik.
Ginamitan namin ito sapagpapaliwanag sa resulta sa natagpuan
sa pag-aaral at pananaliksik.Binigyan din naming ng kahulugan
ang mga salitang dapat na ipakahulugan. Minsan rin ay
gumagamit kami ng mga pangungusap na nagtatanong upangmas
lalo pang magpatuloy sa pagbabasa ang mambabasa. Nilaguman
namannamin ang aming pag-aaral sa paglalahat o pagbibigay
rekomendasyon kungano ang dapat gawin.
Maliban sa aming isipan na ginamit sa paglalahad at pagbibigay
ideyaukol sa paksa ay sumangguni din kami sa mahigit tatlong
aklat ukol sa pag-aaral naito. Mnsan din ay nanghingi kami ng
tulong sa internet upangmabigyang linaw ang mga salia,
pangungusap at impormasyon na mahirapintindihin.
Patuloy ang kahirapan sa pilipinas dahil marami sa mga tao ay
kulang saedukasyon. Ang pag-aaral tungkol sa problemang ito ay
nagpapakita ngkahalagahang relasyon sa pagitan ng edukasyon at
kita ng isang pamiya na dapatmayroon sila.Hindi pagkapantaypantay ng oportunidad ng bawat indibidwal ay sa isa samga
dahilan ng kahirapan. Kung ating obserbahan ang bilang ng mga
walangtrabaho ay mas marami kaysa sa mga taong may
trabaho.Kalamidad at kawalan ng pag-asa ay isa din sa mga
dahilan ng kahirapan.Katulad na lamang ng nangyari sa ating
kababayang naapektuhan ng bagyongondoy at iba pang bagyong
sumira sa pamumuhay ng ating mga kababayan. Angkanilang mga
ari-arian ay nawasak at nawala sa iglap dahil sa nasabing bagyo.
Dahil sa mga bunga ng mga pangyayaring ito na naging dulot ng
paghihirapng ilang tao, napagdesisyunan naming irekomenda at

magpahayag ng ilangmaaaring solusyon ng kahirapan, ang


pagkakaroon ng alituntunin kung ano angmaaaring gawin. Isa na
dito ay ang pag-alis ng tinatawag na recession.
Makakatulong rin sa paglutas ng kahiapan ang pagkakaroon ng
programa sapagsasanay sa trabaho,pag-alis ng pagpili ng tao para
sa pagsasanay sa trabaho,pag-alok ng trabaho sa mga walang
trabaho, pagputol sa pagpapataw ng tax at ibapa,ngunit bilang
mga mag-aaral ang masasabi lang naming sa mga
kabataangPilipino at sa mga kapwa mag-aaral naming ay, tapusin
ninyo ang inyong pag-aaral para matapos na rin ang kahirapan at
para uunlad ang ating bayan.

V.

Kinalabasan ng Pagsusuri

Napagalamanan ng mananaliksik ang mga dahilan, epekto, at uri


ng kahirapan. Hayaan ninyo kaming ipakita ito upang
makapagbigay ng karagdagang impormasyon.

Mga kadahilanan ng kahirapan


Narito ang ilang matitinding dahilan ng kahirapan:
1. Korupsyon- Ito ay masasabing isa sa matinding dahilan ng
kahirapan dahil ito aypagnanakaw ng pera sa kaban ng bayan ng
mga tao sa gobyerno. Ito angpinakamalupit na dahilan ng
paghihirap ng bayan. Ang mga pera na par asana sakapakanan ng
taong bayan ay napupunta lang sa bulsa ng iilan ng mga
maykapangyarihan sa pamahalaan.
2. ImperyalismoIto- ay isang patakaran na kung saan ang ating
bansa ay nasa ilalim sa controlng ibang bansa. Ito ay nag-iwan at
nagdudulot ng masamang impluwensya atkultura sa bansa. Ang
pakikialam ng US sa ating pamahalaan ay isang pagpapaikot
upang ang ating gobyerno ay madiktahan. Sa pamamagitan nitoy
mapalakas nila ang kanilang pansariling layunin at tuluyan nilang
ibabaon ang Pilipinas sakahirapan.
3. PyudalismoIto- ay ang pagmamay-ari ng iilang mayayaman sa
mga lupaing sakahan.Dahilan na ang mga nagmamay-ari ng
malalaking lupaing sakahan, ngayon aypagmamay-ari na ng mga
makapangyarihan sa lipunan at gobyerno. Ito ay paraankung saan
ang lupang agrikultura ay ginagawang industriyal, bahayan at iba
pa nasa bandang huli ay ang pagkakaroon ng kakulangan ng
pangunahing local napagkain.
4.Lumalaking Populasyon- ayon sa Fighting Poverty in Asia and
the Pacific, isang website ng AsianDevelopment Bank (ADB),ang
paglaki ng bilang ng populasyon ay nakakadagdagsa dami ng
mahihirap na mamamayan.

Epekto ng kahirapan
Matinding gutom
Pangingibang-bansa
Pagnanakaw ng kayamanan ng iba
Gulo
Pagsasakit ng mga mahihirap, atbp
Itoy ilan lamang sa nga maaaring maging epekto ng kahirapan.
Dahil dito, wala ng katahimikan sa bawat isa sapagkat gulo na ang
mamamayani. Ito kasi ang dahilan ng pag-aaway at paghihiwalay
ng bawat pamilya. Maaaring ang ilan aymakakuha ng masaganang
buhay habang ang halos lahat ng tao ay kailangan
pangpagpakasakitan para sa kaligtasan ng buhay. Wala sanang
taong makakaranas ngmatinding gutom, kapwa kababayang
mangingibang-bansa, at maging pagnanakawng iba, gulo at
pagkakasakit ng mga mahihirap kung hindi dahil sa kahirapan. At
sigurado kami na uunlad ang lahat kung wala ang suliraning
ito.Ang kabataan ang higit na naapektuhan sa paghagupit ng
kahirapan sabansa.

Uri ng kahirapan
Hindi natin maipagkakaila na tayong mga Pilipino ay hindi
naghihirap.Sapagkat nararanasan na natin ito ngayon. Ito ay dulot
ng kapabayaan at kasamaanng ating gobyerno at maging sa ating
sarili. Ang ilan sa mga uri ng kahirapan nakadalasang nararanaan
ng mga tao ditto sa Pilipinas ay ang kahirapan pagdating
sapinansyal o pera at kahirapan pagdating sa kalusugan. Ating
saksihan kung ano angmga ibig sabihin ng mga salitang ito.
Marahil, madali lamang natin itong bigkasin ngunit mahirap gawan

ng solusyon. Maaaring nararanasan na ninyo ito ngayon kayat


basahing mabuti upang mas lalo pang maintindihan.
1. Ang kahirapang pinansyalKapag sinabing kahirapang pinansyal,
ito ay tungkol sa pera. Kapag ikaw ay kinakapos, marahil ikaw ay
mahirap. Kagaya na lang ng kakapusan sapananamit, pagkain,
pantustos sa pag-aaral at iba pa. Nagkakaroon ng
kahirapankagaya nito sapagkat ito ay dahil sa kulang tayo sa
kaalaman,walang mapapasukang trabaho,walang pinag-aralan at
iba pa. Ang pag-aaral tungkol saproblemang ito ay nagpapakita na
mahalaga talaga ang edukasyon at angrelasyon nito ukol sa kita
ng isang pamilya na dapat mayroon sila. Ang pagtatapos sa pagaaral ay isa sa mga magiging solusyon ng kahirapang sa
kaunlaran ng bansa.
2. Ang kahirapang pangkalusuganAng kahirapang ito ay
tumutukoy sa kalusugan ng isang tao. Madali langnating
malalaman kung ikaw ay naghihirap o hindi pagdating sa
kalusugan.Kapag sinasabing ikaw ay malusog marahil ikaw ay
mayaman. Kapagsinabing ikaw ay hindi malusog at madaling
magkasakit marahil ikaw aymahirap. Nagkakaroon ng kahirapan
kagaya nito sapagkat karamihan sa atinngayon ay hindi na alam
kung ano ang mga masustansyang pagkain na punong nutrisyon
na dapat kainin. May iba naman bumibili ng mga gulay atkarne at
pamilihan ng walang kaalam- alam na meron itong preserbatibo
atginagamitan ng mga chemical na pang-spray upang ito ay
mapreserba gayang mga gulay, na magiging dahilan ng
pagkakakasalit. Ng dahil rin sapagkasira ng kalikasan kaya
karamihan sa atin ngayon ay hindi na nakakainng masarap, presko
at masustansyang mga pagkain sapagkat wala nangmapipitas.
Ang iba naman ay dahil sa katamaran na magtanim ng mga
gulayat magbungkal sa lupa.

Marami pang mga uri ng kahirapan ang dapat nating pagtuunan


ngpansin. Ang nasa itaas at ang nabanggit kanina ay ilan lamang
sa mgahalimbawa ng kahirapan na kadalasang dinadanas ng mga
Pilipino ngayon.

VI.

Konklusyon

Sa kabuuang pananaliksik na ito pagkatapos ng mga masusing pagaaral naaming ginawa, masasabi namin na ang kahirapan ay isang
napakalaking probleman gating bansa ngayon. Ito ay nagdudulot ng
mga mararaming masasamang epekto.Ngunit kagaya ng sinabi namin,
ito rin ay may kaakibat na solusyun. Ang kulanglamang ay gawa.Ang
problemang ito ay dapat nating pagtuunan ng pansin lalo na sa
mgakabataang Pilipino na siyang may malaking tungkuling gampanan
ito. Dapat natingpanindigan ang mga panulat ni rizal katulad na lang
ng panulat nyang ito, ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan. Tayo
ay dapat naniwala na kung gaano kalawak ang daigdig ay ganoon din
kalawak ang pag-asang matatamo ang mgamihiin sa buhay. Laging
tandaan na di tayo lagging nasa ilalim. Lagi nating isaisip na mag-aral
tayong mabuti upang di tayo laging kakain ng lugaw. Ang kahirapanay
gawin nating mga mithiin natin sa buhay.Ang kahirapan ay hindi
hadlang sa pag-aaral.
Ang kailangan lamang ay ibayong kasipagan. Ito ang dapat nating
inihasik sa ating sariling kaisipan upangmaging katiyak-tiyak na
magkaroon ng magandaag kinabukasan. Ito ay dapat nating ipunla sa
ating puso.

Gawin natin ang lahat ng ating magagawa para sa ating bansa. Bilang
mag-aaral, alam natin kung ano ang ating magagawa para sa araw ng
bukas, tayo rin ay makatulong sa kagalingan. Pero,bakitkaya may mga
mahihirap? Bakit di nalang lahat ay mayaman? Totoong lahat tayo ay
yumaman sa buhay. Kaya lang, nananaig pa rin sa ang kaparaanan.
Angpagyaman ay suwerteng dumarating sa tulong ng sikap,sipag at
tiyaga. Medaling makamit ang yaman magtiyaga, magsipag ka
lamang;madali ang yaman,angmahalaga ay nagpapakabuti

VII.

Rekomendasyon

Mahalaga ang papel ng edukasyon para sa mga Pilipino. Ang


edukasyon ang isang mabisang paraan para maiahon ang sarili at
ang pamilya sa mas mabutingkalagayan. Sa pamamagitan ng
edukasyon, nakakatapos ang tao ng sang propesyonat maaaring
magkaroon ng isang magandang trabaho. Maraming kabutihan
angisang taong may edukasyon sa pilipinas. Nagkakaroon siya ng
pagkakataon namaghanapbuhay at magamit ang wastong
kaalaman hinggil sa kanyang natutunanAng pagkakaroon ng sapat
na edukasyon ay lubhang napakahalaga para salahat.
Ang edukasyon ay maituturing na isang karapatan ng isang
indibidwal.Kadalasan,nasusukat ang kaunlaran ng isang bansa sa
dami ng kanyangmamamayang may kakayahang magbasa at
sumulat.Nagbabago ang patakaran ng mga bansa hinggil sa
edukasyon. Ito ay upangumangkop sa mga pagbabagong

nagaganap saan mang panig ng daigdig angedukasyon ay may


napakalaking implikasyon sa potensyal ng isang bansa upangito
ay yumabong at sumulong.
Ang edukasyon ay isang napakahalagang salik sa pag-unlad ng
isangindibidwal at ng bansang kanyang kinabibilangan. Maaari na
ngang sabihing angkaunlaran ng isang bansa ay nakabatay sa
kalidad ng edukasyon kanyangipinamalas. Dahil sa katotohanang
ito, ang lahat halos ng mga bansang asyano ay nagbibigay ng
malaking importansya sa edukasyon ng kanilang mamamayan.Ang
bahagdan ng populasyong marunong bumasa at sumulat ay
maymalaking implikasyon sa kaunlaran ng bansa. Kahit pa
sabihing mahirap angkalagayan sa ating bansa kung ang isang
indibidwal naman nakapag-aral ng sapat, malaki ang kanyang
pag-asang umunlad at makaahon sa buhay.

VIII.

References

http://4dagohoyonline.tripod.com/dagohoystudentsnotebook/kahirapan.ht
ml
http://wenn-pamanahongpapel.blogspot.com/

http://www.scribd.com/doc/28679164/Pamagat-ng-PamanahongPapel#scribd
http://www.scribd.com/doc/131588294/research-paper-forkahirapan#scribd

TERM PAPER SA
FILIPINO II

IPINASA NI:
MARINEAH P. GILBERO
I BSA

IPINASA KAY:
Bb. ALCALDE

You might also like