Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

KABANATA-I EL FILIBUSTERISMO

Simoun
Donya Victorina
Don Tiburcio
Don Custudio
Ben Zayb
Padre Salvi
Padre Camorra
Kapitan

TAUHAN:
Padre Irene
Padre Sibyla
Labanderang naglalaba sa ilog
Mga mangingisda na naglalayag sa
ilog
Intsik&Indiyo
Mga Empleyado ng Pamahalaan

N: Umaga ng Disyembre ng magalayag ang Bapor Tabo,patungong Laguna,sakay


ng napakaraming pasahero,habang binabagtas ang paliku-likong Ilog Pasig.
Maituturing na ngang barko ng lahing Pilipino ang bapor tabo o mas kilala sa tawag
na daong ng pamahalaan dahil pinamumunuan ng mga Reverendos at Ilustrisimos.
Mabigat ang Bapor Tabo dahil sa dami ng mga kargamento. Puno rin ito ng mga
pasahero.
May hirarkiya ang mga pasahero sa Bapor Tabo bilang pagpapakita ng uri ng tao at
kapangyarihang umiiral sa sistema ng lipunan. Ang mga intsik at Indiyo ay nasa
ilalim ng kubyerta kasama ng mga kalakal at kargamento. Ang mga empleyado ng
pamahalaan,mga prayle,at mga manlalakbay na nakasuot ng Europeo na nanabako
habang tumitingin sa tanawin. Kasama na dito si Donya Victorina,ang tanging
ginang na nakikiumpok sa mga kalalakihan. Panay ang reklamo ng ginang tungkol
sa mga naglalayag na Bangka ng mga mangingisda,mga labanderang naglalaba sa
ilog at mga nagpipiknik na sa pakiwariy nyay labis na nakakaistorbo ang mga
taong iyon.
SCENE-I SA ITAAS NG KUBYERTA
TAUHAN: Donya Victorina
Don Tiburcio
Kapitan
Mainit ang ulo ni Donya Victorina at lalo iyong tumindi sa tuwing maririnig ang
sigaw ng kapitan na nag-uutos sa mga timonel na may hawak na ti-isang
tikin.Nakikialam pa ito sa kapitan at nagbibigay ng opinion.
Bakit gumagawi sa dakong iyon ang iyong hangal na timonel?-asik ni Donya
Victorina
Mababaw po sa bahaging iyon,ginang-tugon ng kapitan
abay bilisan naman ninyo! Kaunting tulin pa ng makina! Bakit hindi buong tulin?pahayag ng Donya
Marahan po ang patakbo dahil tayoy daraan sa palayanang iyan.Itinuro ng
Kapitan sa Donya ang bahagi ng ilog na tila palayanan.
N: Kilala si Donya Victorina dahil sa katarasan ng pananalita. Siya ang ginang na
asawa ng pekeng doctor na si Don Tiburcio de Espadanya. Dahil sa pagmamalabis
ng ginang ay hindi nakatiis si Don Tiburcio at nahambalos niya ang ginang.
Manahimik ka at nang mahimasmasan at tinakasan ang Donya.
SCENE 2
TAUHAN: Ben Zayb
Padre Salvi
Padre Sibyla

Padre Irene
Padre Camorra Don Custodio
Simoun

N:Sa kabilang dako,nakikipagtalo naman si Ben Zayb kay Padre Camorra. Nakisabat
na sa usapan si Padre Salvi na kanina lamang ay nakikinig Nakikilala mo ba ang
pantas ng agham,Ben Zayb?
Sa lalawigan ng Puente del Capricho ay may ginawang tulay ang isa naming
kapatid. Hindi iyon natapos dahil nkialam ang isang pantas ng agham. Nanawagan
sila sa pamamagitan ng kanilang teorya pinintasan ang tulay na ito na hindi
matatag at may kahinaan. Ngunit ang tulay ay nanatiling matatag sa pagdaan ng
panahon sa kabila ng mga unos gaya nga baha at lindol.-Ben Zayb
Iyan ang ibig kong sabihin,Padre Salvi.-Padre Camorra
N: Napangiti na lamang si Ben Zayb at wariy di malaman ang isasagot sa kabila ng
paniniwalang siya lamang ang taong may matalinong pag-iisip sa Pilipinas.
Muling nagsalita si Donya VictorinaMangyari pa kasing wala naming matinong
lawaq ditto sa Pilipinas.
Napakadali lamang solusyunan ng suliraning iyan,ni hindi kailangang gumasta nga
salapi
N: Napabaling ang atensyon ng lahat kay simoun,na nakasuot ng malaking salamin
sa mata,balbas-sarado,mataas na lalaki,at may maputing buhok na tila
nagpapataas sa kanyang sarili.
Humukay ng tuwid na kanal magbuhat sa bunganga ng ilog hanggang sa labasan
na daraanan patungong Maynila. Ang ibig kong sabihin ay magbukas ng panibagong
lagusan at sarhan ang dating lagusan na Ilog para sa paglalakbay- Simoun
N: Ang panukala ni Simoun ay nagbigay ng kalituhan sa mga nakikinig.
May isang naglakas-loob na nagsiwalat nga pagtutol,Ipagpaumanhin
ninyo,Ginoong Simoun,subalit ang inyong panukala ay nangangailangan ng
napakalaking halaga at nangangahulugan ng pagsira ng ilang kabayanan.-Don
Custudio
Ang pagsira ay maano?-Simoun
Ngunit paano ang kwartang gugugulin?-Padre Camorra
Gamitin ang mga bilanggo sa pagtatrabaho. Wag bayaran ang kanilang trabaho
nang sa gayon ay makamenos ang pamahalaan.-Simoun
Hindi ito sasapat-Padre Salvi
kung ganun ay gamitin pati matatanda at mga kabataan. Lahat ay pagawain at
utusang magdala ng kani-kanilang kasangkapan at pagkain. Huwag nating lokohin
an gating mga sarili,batid ninyong iyan ang tanging paraan.Ang taong mahina ay
nananatili sa kanilang kinalalagyan habang ang malakas ay mananatiling malakasSimoun
Ginoong Simoun,magbubunga ng kaguluhan ang ganyang paraan-Don Custudio
Kaguluhan? Nag-alsa ba ang bayan ng Ehipto? Nag-alsa ba ang mga bilanggong
hudyo laban kay Titus? Akala ko bay may nalalaman kayo sa kasaysayan-Simoun
Makailang ulit ng may naganap na paghihimagsik sa baying ito. Noong panahong
pinipilit pa silang maghakot ng malalaking kahoy para sa gagawing daungan ng
mga barko At kung hindi lamang dahil sa mga pari-Padre Sibyla
Matagal ng nangyari ang panahong iyon. Hindi na maghihimagsik ang pulong ito
kahit ibigay sa kanila ang maraming trabaho o patawan pa sila ng malaking buwis.
Hindi bat ipinagmamalaki ninyo Padre salvi ang pagkakagawa ng hospital ng Los
Banos. Hindi bat naipagawa ito sa sapilitang pagtatrabaho sa ilalim ng isang
uldog.-Simoun
Naghimagsik sila noon antes,. Ang nangyari noon ay maaaring mangyari ulitPadre Sibyla

Hindi!tutol ni Simoun Ang nasabi koy nasabi ko na! At Padre Sibyla,itigil ninyo
ang pagsasalita ng Latin at mga kahangalan. Anong halaga ninyong mga prayle
kung magkakaroon ng himagsikan ang bayang ito?-Simoun (umalis at pumasok sa
loob ng kubyerta)
Isang mulatong amerikano-bulalas ni Don Custudio
Ah,Indiyong Ingles-pabulong naman na wika ni Ben Zayb
Isang amerikanong,hindi ko ba malalaman iyan?-Don custudio
Ang may kwento sa akin ay ang Kamahalan. Syay isang mag-aalahas na nakilala
ng Kamahalan sa Havana. Isang syang taong walang utang na loob na maghuhuthot
ng salapi ng mga indiyo at pagkatapos ay at tinapos ni Don Custodio ang
pahayag sa pamamagitan ng isang makahulugang kumpas.
N: Walang ibig makiayon kay Don Custodio sa takot na makabangga si Simoun dahil
parang ang Heneral na rin ang kanilang kinatalo. Mging si Ben Zayb ay
pinarunggitan ni Don Custodio samantalang napapangiti laman si Padre Irene.
sinasabi ko sa iyo Ben Zayb,ang hindi pagsanggunni sa taong matagal na ditto ay
ngdudulot ng suliranin-Don Custodio
marahil nga ay ganyan-Ben Zayb
Bago simulan ang Obras del Puerto,nagharap ako ng isang simple,matipid at
orihinal na panukala para linisin ang lawa ng Laguna. Ngunit hindi ito pinagtibay
dahil wala nito sa lawa-Don Custodio
maaari ba naming malaman kung ano iyon?-Padre Sibyla
Nakakita na ba kayo ng pato?Don Custodio
Namaril na kami nyan sa lawa-Ben Zayb
hindi patong bundok ang tinutukoy ko,kundi iyong maamong inaalagaan sa Pateros
at Pasig. Ano ba ang kanilang kinakain?-usisa ni Don Custodio
Mga susong maliliit. Hindi kailangang maging isang Indiyo para malaman ang
sagot. Kailangan lamang ang mga mata.-Padre Camorra
Tama! Mga susong maliliit! Alam ba ninyo kung saan nakukuha ang mga ito?- D.
Custodio
Ano ang kinalaman niyan sa inyong proyekto?-Ben Zayb
Kung mag-aalaga ng pato ang lahat ng bayang magkakanugnog ay mapapailalim
ang ilog sa panghuhuli ng susong ipapakain sa pato.-D.Custodio
Pumapayag ba kayong gumawa ako ng isang artikulo tungkol sa panukala ninyo?
Sapagkat ang baying ito ay bihira na ang nag-iisip-Ben Zayb
Pero Don Custodio Kung ang lahat ay mag-aalaga ng pato ay dadami ang balot
Ay,nkakadiri! Mabuti pay matabunan na nga ng buhangin!-D.Victorina
KABANATA 2-SA ILALIM NG KUBYERTA
TAUHAN: Basilio
Kapitan Basilio
Isagani
Simoun
Katulong
Padre Florentino
N:Masikip sa ilalim ng kubyerta dahil sa dami ng pasahero at mga kargamento.
Abala ang mga tao sa kanya-kanyang gawain at hindi inalintana ang ingay na dulot
ng ugong ng makina at malaking bulwak ng tubig na lumilikha nga alon.
May tatlong lalaking nag-uusap,si Basilio na nag-aaral ng medisina,si Isagani na
mas bata ay nag-aaral sa Ateneo at si Kapitan Basilio.
Si Kap. Basilio ay nagbuhat sa pamimili sa Maynila at nakasalubong nya si Basilio
kayat kinamusta nya dito ang kalagayan ng kaibigang si Kap. Tiago.

Ayaw nyang magpagamot. Inutusan niya akong magtungo sa San Diego para
tingnan ang mga paupahan niyang bahay. Ngunit sa aking palagay kaya nya ako
pinaalis ay upang Malaya syang makahithit ng Opyo.-Basilio
Ang salot na opyo. Ginamit ito ng mga tao noon na walang halong pang-aabuso sa
katawan. Itinuturing itong isang gamot. Subalit alam ba ninyo na ang nagmalabis ng
paggamit nito ay ang mga Tsino?-Kap. Basilio Kumusta ang inyong mungkahing
magkaroon ng Akademya ng Wikang Kastila? Sa aking palagay ay mahirap
maisakatuparan ang isang iyan?-tanong pa ni Kap. Basilio
Matutuloy po ito sapagkat ang hinihintay na lamang namin ay ang permiso
matapos makipagkita ni Padre Irene sa Kapitan Heneral. Niregaluhan naming ang
pari ng dalawang kabayong kastanyo at syay nangako sa amin ng tulong-Isagani
Tutol si Padre Sibyla kayat balewala rin iyan-Kap. Basilio
Tutol nga po kaya sya narito ay upang makipagharap din sa Kapitan Heneral sa Los
Banos.-Isagani
Naiintindihan ko,subalit kahit bigyan pa kayo ng permiso ay saan kayo kukuha ng
pondo?-Kap. Basilio
Sa ambagan po. Maging ang mga guro ay hati sa Pilipino at Kastila-Basilio
Kaninong bahay ang gagamitin ninyo?-Kap. Basilio
Sa mayamang si Makaraig po. Ihahandog nya ang isa sa kanyang mga bahay.Basilio
Hindi masama ang inyong nais na mangyari. Kung hindi matuto ng Wikang Latin ay
maano namang matuto ng Wikang Kastila kahit paano. Ang panahon ngayon ay
paurong na. Noong panahon namin,kamiy nag-aaral kahit paano ng Wikang Latin
sapagkat an gaming mga aklat ay nasusulat sa Wikang Latin. Nasa Wikang Kastila
ang mga libro ninyo subalit hindi itinuturo ang wikang ito sa inyo. Mas masama ang
panahong ito kaysa panahon ng ating mga magulang.- Kap. Basilio
N: Pagkasabi nitoy naglakad palayo si Kap. Basilio na animoy emperador na
Romano kayat nagkangitian ang dalawang estudyante.
Ang mahirap sa mga matanda sa una ang pag-iisip ng mga bagay na hadlang
kaysa sa kabutihang naiisip ng taong nakaisip nito. Ibig lamang ay makuha ang
pakinabang na walang kahirap-hirap.-Isagani
Maiba ako,anong sabi ng tiyo mo tungkol kay Paulita?-Basilio
Sinermunan ako sa pagpili ng mapapangasawa. Kako,wala naman siyang
maipipintas kay Paulita. Maganda,mayaman,bagamat isang ulila-Isagani
Siyang tunay! Napakayaman,marangal,magiliw,at walang kapintasan liban lamang
sa isang bagay-pagkuway nagpakawala si Basilio ng tawa
Natawa rin si Isagani.Ang kanyang tita. Alam mo bang hiniling sa akin ni Donya
Victorina na hanapin ko si Don Tiburcio.-Isagani
Sigurado akong nangako ka dahil ayaw mong mawalan ng nobyanakatawa pa ring
wika ni Basilio
Oo. Ang problemay sa amin mismo nagtatago ang kanyang asawa-Isagani
Sabay na bumulalas ng pagtawa ang dalawang binate.
Iyon ang dahilan kung bakit ayaw ng aking tiyo na umakyat ng kubyerta.
Siguradong uusisain sya ni Donya Victorina tungkol kay Don Tiburcio. Hindi nya
alam ang kanyang isasagot-Isagani
N: Samantala ay nagtungo sa ilalim ng kubyerta si Simoun at dinatnan ang
dalawang binate habang nagkukwentuhan.
Narito ka pala,Basilio. Ikaw bay magbabakasyon na? napatingin din si Simoun kay
Isagani.kababayan mo ba sya?-Simoun

N: Ipinakilala ni Basilio si Isagani sa mag-aalaha na si Siomun. Sinuri ni Simoun si


Isagani na tila may kasamang paghahamon.
Kumusta ang probinsya?-usisa ni Simoun kay Basilio
Hindi po ba ninyo alam?-Basilio
Hindi pa ako nkakapunta sa lugar na iyon lalot wala naming mamimili ng alahas.
Marahil ay mahihirap ang mga tao doon.-Simoun
Sumabad si Isagani.Hindi kami bumibili ng isang bagay na hindi namin kailangan.Isagani
Pilit na ngumiti si Simoun.Huwag kang magalit binata,dahil wala akong masamang
ibig sabihin. May isang nkapagsabi sa akin na ang mga parokya dito ay hawak ng
isang klerigong Indiyo. At kapag ang isang bayan ay hawak ng isang paring Indiyo
ay tiyak na mahirap ang baying ito. Ang mabuti pay uminom na lamang tayo ng
serbesa para sa ikauunlad ng iyong lalawigan.-Simoun Mabuti sa katawan ang
serbesa. Ika nga ni Padre Camorra ay kapansin-pansin ang kawalang sigla ng
bayang ito dahil sa dami ng tubig na naiinom.
Sabihin niyo kay Padre Camorra na marahil kung tubig lamang ang kanilang
iniinom ay wala silang usap-usapang maririnig.-Basilio
Ang tubig ay nakakapatay ng apoy. Ang tubig ay maaring makapuksa ng
sangkatauhan o lumunod ng mundo kapag naging dagat.-Isagani
Napakainam ng iyong sagot ngunit baka pagtawanan lamang ni Padre Camorra
ang iyong pahayag- at tuluyan nang iniwan ni Simoun ang dalawa
Bakit yata palaban ka ngayon,kaibigan?-Basilio
Hindi ko alam kung bakit pero nakakatakot ang lalaking iyon.-Isagani
Panay ang siko ko sayo. Hindi mo ba alam na siya ang tinatawag na Kardinal
Moreno? Minumura sya kapag nkatalikod subalit pinupuri kung nakaharap.-Basilio
Dumadalaw ba siya kay Kapitan Tiago?-Isagani
Mula pa ng siyay dumating.-Basilio
N:Lumapit ang isang katulong para sabihing hinahanap si Isagani ng kanyang
tiyong si Padre Florentino.
Hinahanap po kayo ng inyong Tiyuhin-Katulong
N: Nakita ng kapitan ang pari at itoy kanyang inanyayahan sa kubyerta. Napilitan
ang pari na pagbigyan ang kahilingan ng kapitan kayat ipinatawag si Isagani para
sabihing iwasang makita ang Kapitan upang hindi maanyayahan sa kubyerta.
Baka akalain ng iba na inaabuso natin ang kagandahang-loob ng kapitan.-Padre
Florentino
N:Napangiti at nailing na lamang si Isagani sa sinabi ny tiyuhin. Sa loob-loob nyay
nagdadahilan lamang ang pari ngunit ang totooy ayaw nitong makausap niya si
Donya Victorina.
KABANATA 3- ANG MGA ALAMAT
TAUHAN: Don Custodio
Simoun

Kapitan
Padre Sibyla
Padre Salvi

N:Wala na ang init ng pagtatalo nagng umakyat si Padre Florentino sa kubyerta. Sa


halip ay nagkakasiyahan na ang umpukan ng mga parit mahalagang tao sa lipunan
na may hawak na mga kopita,kasama pa rin sina Don Custodi at Ben Zayb.
Mula sa hagdanan ay lumitaw ang ulo ni Simoun na umaakyat galling sa ilalim
ng kubyerta.
Saan ba kayo galling? Hindi tuloy ninyo nakitang pinakamagandang bahagi ng
paglalakbay na ito?-Don Custodio
Marami rin akong nakitang magandang tanawin at ilog,subalit ang higit na kawiliwili sa akin ay ang pag-alala sa mga alamat.-Simoun
Kung alamat ang pag-uusapan ay marami niyan ditto sa Ilog Pasig. Ang Alamat ng
Malapad na Bato. May isa pang alamat na alam naman ni Padre Florentino,ang
Alamat ni Donya Geronima.-Kapitan
Alam na ng lahat iyan.-Padre Sibyla
N: Ngunit hindi pa batid nina Simoun,Ben Zayb,Padre Irene at Padre Camorra ang
alamat kayat hiniling na ikwento iyon ni Padre Florentino.
Ayon sa kwento, si Donya Geronima ay isang estudyanteng kasintahan ng
isang binatang nagpari sa kabila ng pangakong pakakasalan siya. Naghintay ito na
tuparin ang pangako hanggang sa tumaba at tumandang dalaga. Dahil hindi
maaaring pakasalan ng pari ang babae,itinira niya ito sa kweba. Dito na
nanirahan,namatay at namatay at napalibing ang babae. Wala pang dalawampung
taon ang nakakaraan,ang ilog ay umurong at naglaho ang kweba tulad ng paglalaho
ni Donya Geronima sa memorya ng mga Indiyo.
Napakagandang alamat! Gusto kong gawan ng isang artikulo.-Ben Zayb
Sa inyong palagay,Padre Salvi? Hindi kaya mas mabuting ipinasok ng arsobispo si
Donya Geronima sa isang beateryo kaysa sa kweba siya tumira.-Simoun sapagkat
para sa akin ay hindi naging makatarungan iyon.
Hindi ko mahuhusgahan ang ginawa ng arsobispo-Padre salvi
Bilang isang gobernador eklesiyastiko,kung kayo ang nasa posisyon nh
arsobispo,ano ang inyong gagawin?-Simoun

You might also like