Pangatnig

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Pangatnig ang tawag sa mga katagang nag-uugnay sa

magkasunod na salita, parirala, o sugnay.


Dalawang pangkat ng Pangatnig:
1. nag-uugnay ng dalawang magkatimbang na salita, parirala,
o
sugnay na kapwa makatatayong mag-isa.
at, saka, o, pati, ni, maging, ngunit, subalit, datapwat,
pero, atb.
At, saka, pati ginagamit kung nais lamang nating idagdag
o isingit ang ikalawang salita o parirala o sugnay sa
nauuna.
Hal. Masustansyang pagkain ang prutas at gulay.
O, ni, at maging - tinatawag na mga pangatnig na
pamukod sa dahilang pinagbubukod nito ang mga
kaisipang ating pinag-uugnay
Hal. Ni saktan ni pagalitan ay hindi ko ginawa sayo.
Ngunit, subalit, datapwat, bagamat, at pero ay
tinatawag na mga pangatnig na panalungat. Sinasalungat
ng ikalawang kaisipan ang ipinahahayag ng nauuna.
Hal. Bata pa si Red subalit siyay responsible na.
2. nag-uugnay ng di-magkatimbang na salita, parirala, o
sugnay.
Kung, kapag, pag, dahil sa, sapagkat, palibhasa, kaya,
kung gayon, at sana
Kung, kapag, at pag pangatnig na panubali.
Hal. Uuwi ako kapag kasama ka.
Dahil sa, sapagkat, palibhasa nagpapakilala ng sanhi o dahilan;
Tinatawag na mga pangatnig na pananhi

Hal. Palibhasay matalino, hindi nag-aaral sa Ben.


Kaya, kung gayon at sana mga pangatnig na panlinaw;
0 ginagamit upang bigyang diin o linaw ang kaisipang
hatid ng
sugnay na di-makapag-iisa.
Hal. Kung nag-aral ako, hindi sana ako bumagsak

Ang pangatnig ay ang mga salita o lipon ng mga salita at kataga na ginagamit sa pag-uugnay ng isang
salita sa kapwa salita, ng isang parirala sa kapwa parirala, o ng isang pangungusap sa kapwa
pangungusap.
Mga Uri ng Pangatnig
1. Paninsay. Ito ay ginagamit sa pangungusap na ang dalawang isipan ay nagkakasalungatan.
Halimbawa:
Namatay si Mang Isko ngunit ang kanyang prinsipyo ay mananatiling buhay.
2. Pananhi. Ito ay ginagamit upang makatugon sa mga tanong na bakit o upang maipakilala ang mga
kadahilanan ng isang pangyayari at ng anumang iniisip o niloloob.
Halimbawa:
Ang kanyang prinsipyo ay mananatiling buhay sapagkat nariyan si Dong na magpapatuloy ng kanyang
naudlot na gawain.
3. Pamukod. Ito ay ginagamit upang ihiwalay, itangi, o itakwil ang isa sa ilang bagay o isipan.
Halimbawa:
Maging ang mga kasamahan niyay nagpupuyos ang kalooban.
4. Panlinaw. Ito ay ginagamit upang dagdagan o susugan ang kalinawan ng mga nasabi na.
Halimbawa:
Sumisigaw ang kanyang pusoat humihingi ng katarungan.
Pangatnig na panimbang din ang tawag sa at, ngunit, datapwat sapagkat nag-uugnayng mga salitang
magkakapantay; ng mga parirala, ng mga sugnay na pantulong, at ngmga sugnay na nakapag-iisa.
Panlinaw rin ang mga pangatnig na samakatuwid, kung gayon, kaya.
5. Panubali. Nagsasaad ito ng pagkukurong di-ganap at nangangailangan ng ibang diwa o pangungusap
upang mabuo ang kahulugan.
Halimbawa:
Sakaling hindi ibigay, magpapatuloy ang welga.
6. Panapos. Nagsasaad ito ng wakas ng pagsasalita.

Halimbawa:
At sa wakas naibigay rin ang kanilang sahod.
7. Panulad. Nagpapahayag ito ng paghahambing ng mga gawa o pangyayari.
Halimbawa:
Kung ano ang utang, siya ring kabayaran.

You might also like