Gay Lingo

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

TSAPTER I

INTRODUKSYON
A. Kaligiran ng Pag-aaral
Ang wika ay isang sistema ng arbitaryong tunog na pinagkasunduan ng isang
lipunan upang maging instrumento ng komunikasyon. Isang varayti ng wika ay ang
wikang ginagamit ng mga bakla na tinatawag na gay lingo.
"sekretong

lingo,"

o argot, na

hindi

maiintindihan

ng

mga

Ang gay lingo


hindi

bading

(Rubrico,2006).
Ayon sa mga linggwista, pigdin ang tawag sa uri ng wika na nabuo sa
kadahilanang may pangangailangan ang ilang grupo ng tao na makapag-usap gamit
ang lenggwaheng sila lamang ang nagkakaintindihan at may sinusunod na
alituntuning gramatika o balarilang sinusunod (Lim, 2009). Alinsunod dito, ang gay
lingo ay maituturing na isang pre-pigdin na wika sapagkat wala itong sinusunod na
anumang alituntunin. Wala ring makakapagsabi na mali ang balarila o ang
pagbigkas ng isang tao sa mga salitang sa gay lingo (Santos, 2007).
Ayon naman kay Renerio Alba, ang gay lingo ay isang jargon na ginagamit ng
Pilipinong bakla sa tuwing sila ay magkakaharap sa malalaking grupo ng mga tao
upang itago o ikubli ang kanilang mga usapan tungkol sa pakikipagtalik upang
maproteksyonan ang mga taong hindi sanay sa ganitong paksa (Alba, 2006).
Ang gay lingo ay maraming pagkakahawig sa Carabao English kung saan
nilalaro, pinapaikot at pinuputol ang pagbigkas at kahulugan ng mga salitang Ingles,
ayon kay Michael Tan (Ruth, 2008)

Isa namang anti-language ang turing ni Propesor Martin Montgomery sa gay


lingo. Ang anti-language ay ang kasukdulang bersyon ng wikang bayan na
umuusbong sa mga minorya o maliliit na grupo na maituturing na walang lugar o di
napapansin sa lipunan. Subalit binawi rin niya ito sapagkat ayon sa kanya, tanggap
na ito ng lipunan (Montgomery, 1986).
Ngunit sa pagdaan ng panahon mapapansin nating ang nooy lihim na wika ng
mga bakla ay madalas na ring gamitin sa radyo at telebisyon upang makapagbigay
aliw. Maging sa ibang mga lathalain tulad ng mga magazine at pahayagan ay
ginagamit na rin ang wikang ito sa kaparehong dahilan.
Sa ngayon hindi na lamang mga bakla ang gumagamit ng gay lingo. Maging ang
mga kababaihan, mga bata at ilang kalalakihan ay gumagamit na rin ng kakaibang
lenggwaheng ito.
Nagkaroon pa ng ibang pagtawag sa gay lingo, ang Bekimon. Ang terminong
bekimon ay nilikha ni Bern Josep Persia, isang aminadong bekimon sa sikat na
sikat na video sa website na YouTube. Ito ay ang ebolusyon ng dating swardspeak
at gay lingo, na matagal nang namamalasak sa lipunang Filipino (Evangelista,
2014).
Layon ng pag-aaral na ito na masukat ang epekto ng paggamit ng gay lingo ng
mga mag-aaral sa kanilang komunikasyon lalo na sa kanilang kasanayan sa
pagsasalita.

B. Paglalahad ng Suliranin
Sa pag-aaral na ito, sisikaping sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan:
1. Anu-ano ang mga nakaiimpluwensya sa mga mag-aaral na gumamit ng gay
lingo?
2. Sa anong mga pagkakataon madalas gamitin ng mga mag-aaral ang gay lingo?
3. Ano ang naidudulot ng paggamit ng gay lingo sa mga kasanayang
pangkomunikasyon ng mga mag-aaral?

C. Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay mahalaga sa mga sumusunod:
Mga mag-aaral ng gumagamit ng "Gay Lingo"
Malalaman nila ang mga epekto ng patuloy o palagiang paggamit ng
mga salita mula sa mga "Gay Lingo" sa kanilang mga kasanayang
pangkomunikasyon.
Mga homosekswal o mga bading
Maiintindihan ang kanilang paraan ng komunikasyon at magkakaroon ng
paggalang sa kanilang pagkatao ang mga taong nakapaligid sa kanila.
Mga guro
Maunawaan ang mga mag-aaral na gumagamit ng gay lingo at
matulungan sila na mapahusay ang kanilang paraan ng pakikipagkomukasyon.
Mga tao sa paligid ng mga mag-aaral

Maintindihan ang paraan ng komunikasyon ng mga mag-aaral at


magkaroon sila ng isang marespetong ugnayan.
Mga magulang
Malalaman ang maaring maging dulot ng paggamit ng 'gay lingo' sa
kanilang mga anak at magabayan sila ng tama.
Sa mga susunod na mananaliksik
Magsisilbing gabay ang pag-aaral na ito sa mga susunod pang
mananaliksik bilang isang gabay o reperensya sa kanilang pag-aaral na ito.

D. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral


Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pag-alam ng epekto ng paggamit ng gay
lingo sa kasanayang pangkomunikasyon ng mga mag-aaral sa taong panuruan
2014-2015.
Ang mga mag-aaral na kalahok sa pag-aaral na ito ay magmumula sa Kluster ng
General Education. Napili ng mga mananaliksik ang mga mag-aaral sa Gen.
Edcation Cluster sapagkat sila ang mga mag-aaral na mas madalas na gagamit ng
kasanayang pangkomunikasyon sa kanilang magiging propesyong pagtuturo.
Magsasagawa ng survey upang malaman kung sinu-sino ang mga mag-aaral na
gumagamit ng gay lingo. Sa oras na malaman kung sino ang mag-aaral, sila ay
magsasagot ng isa pang questionnaire. Susuriin ng mga mananaliksik ang mga ito
upang mabigyan ng nararapat na interpretasyon ang mga nalikom na datos.

E. Definisyon ng mga Termino


Argot. Isang wikang ginagamit ng isang partikular na uri o pangkat ng mga tao
Pigdin. Isang wika na nabuo mula sa isang halo ng iba't-ibang mga wika kapag
nagsasalita ng iba't ibang wika na kailangan upang makipag-usap sa isa't isa.
Swardspeak. Isang patagong wika o salitang balbal na nagmula sa Englog na
ginagamit ng ilang mga homoseksuwal sa Pilipinas.
Anti-language. Wika ng isang pangkat panlipunan na nabuo bilang paraan ng
pagpigil sa mga tao mula sa labas ng pangkat na pag-unawa ito. Maaari itong
gamitin

ang

parehong

bokabularyo

at

grammar,

ngunit

sa

isang

hindi

pangkaraniwang paraan.
Jargon. Ang wika na ginagamit para sa isang partikular na gawain ong isang
partikular na grupo ng mga tao
Namamalasak. Nangangahulugang sumisikat o lumalaganap.

TSAPTER II
METODOLOHIYA
Sa bahaging ito nakapaloob ang mahahalagang impormasyon patungkol sa
pagkakabuo at pagkakagawa ng plano sa pananaliksik upang matugunan at masagot
ang mga nakapaloob sa paksang, Isang Pag-aaral Ukol sa mga Naidudulot ng
Paggamit ng Gay Lingo sa Kasanayang Pangkomunikasyon ng mga Mag-aaral sa
Edukasyon ng Rogationist College

A. Disenyo ng Pananaliksik
Sa dahilang ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay malaman ang mga
maidudulot ng paggamit ng gay lingo sa mga mag-aaral ng Rogationist College,
minarapat ng mga kasalukuyang mananaliksik na gamitin ang deskriptibong metodo sa
kwalitatibng uri. Deskriptibo at kwaliitatibo dahil inilalarawan ng mga mananaliksik ang
mga pinagmumulan at naidudulot ng paggamit ng gay lingo sa mga mag-aaral ng
Rogationist College.

B. Mga Kalahok sa Pag-aaral

Nilalayon ng pag-aaaral na ito na maipakita ang pananaw ng mga mag-aaral sa


paggamit ng gay lingo at mga pinagmumulan at naidudulot ng paggamit ng gay lingo.
Pinili ng mga mananaliksik ang mga mag-aaral mula sa Gen. Education Cluster.
Sila ay napili dahil sa ang mmga mag-aaral na ito mas madalas na gumagamit ng
kasanayan ng pagsasalita. Magkakaroon ng isang survey upang mapili ang mga magaaral na gumagamit ng gay lingo. Matapos mapili ang mga mag-aaral sila ay
magsasagot ng isang questionnaire upang makakuha ng kinakailangang datos para
magawa ang pag-aaral.

C. Paraan ng Pangangalap ng Datos


Gumamit ang mga mananaliksik ng mga questionnaire at survey upang
mangalap ng mahahalagang impormasyon na kinakailangan sa pagtugon sa mga
suliraning inihain ng pag-aaral na ito.
Ang mga impormasyon ay kinalap mula sa mga estudyante ng Edukasyon sa
paaralan ng Rogationist College. Ang mga mananaliksik ay nakipagugnayan sa mga
nasabing estudyante sa loob ng isang linggo at nakakuha ng 30 respondente.
Unang paraang ginamit ng mga mananaliksik ay ang pagsasagawa ng
kwestyoneyr o ang isa-isang pagtatanong para malaman ang pananaw ng bawat
respondente, sila ay isa-isang tinanong ng mga bagay patungkol sa gay lingo na
kinalaunay ginamit ng mga mananaliksik upang malaman ang epekto ng gay lingo sa
pakikipagkomunikasyon ng mga estudyante.

Isang mabisang paraan sa pangangalap ng datos ay ang pamamahagi ng


sagutang

papel

bilang

sarbey.

Sa

paraang

ito,

madaling

malalaman

ang

pangkalahatang epekto ng gay lingo pakikipagkomunikasyon ng mga estudyante.


Kabilang sa mga ibinahaging sagutang papel ang mga talatanungang pampersonal na
naglalaman ng pampersonal na impormasyon tungkol sa kanilang buhay
Matapos makalap ang mga datos sa lahat ng kalahok na respondente. Sinuri
itong mabuti ng mga mananaliksik upang matugunan at masagot ang mga suluranin na
nakapaloob sa pag-aaral na ito.

D. Instrumento ng Pananaliksik
Ang instrumentong ginamit upang malaman ang mga naidudulot ng paggamit ng
gay lingo sa mga mag-aaral ay isang questionnaire o isang sariling likhang
talatanungan ng mga mananaliksik.

TSAPTER 3
RESULTA AT DISKUSYON
Natuklasan sa pag-aaral ang mga sumusunod na dahilan at mga naidudulot ng
paggamit ng gay lingo sa mga mag-aaral ng edukasyon sa Rogationist College.

Suliranin Blg. 1 Anu-ano ang mga nakaiimpluwensya sa mga mag-aaral na gumamit


ng 'gay lingo'?
1. Mga lugar at pangyayari ung saan madalas makarinig o makabasa ang mga
mag-aaral ng gay lingo

Saan Nakakakuha ng 'Gay Lingo'

Iba pa; 2%
S ocial Media; 12%
Internet; 11%

Telebis yon; 20%


Radyo; 12%

Parlor; 22%

Dyaryo; 1%
Text; 18%

Pigura 1: Pinagmumulan ng Gay


Lingo

Ayon sa grap sa itaas pinakamadalas makarinig ang mga respondente ng mga


gay lingo sa mga parlor na may 23%. Maiuugnay ito sa maraming bilang ng mga
bading na nagtatrabaho sa mga parlor. Sinundan ito ng telebisyon na may 20%, dahil
dito masasabi na ang mga personalodad sa telebisyon at mga myembro ng mass
media ay gumagamit ng gay lingo sa mga programa sa telebisyon. Sinundan ito ng text
na may 18%, radyo na may 13%, social media na may 12%, internet na may 11%, iba
pa na may 2% kasama dito ang pamilya at paaralan. Walang respondente ang
nakakakuha ng gay lingo sa mga magazine,patunay dito ang 0% ng kasagutan ng
mga respondente.
2. Mga dahilan sa paggamit ng mga mag-aaral ng gay lingo

10

Dahilan sa Paggamit ng 'Gay Lingo'

Iba pa; 22%

Para Maiba Lang; 13%

Mas ayang Gamitin; 50%

Para Makas abay s a mga Tao s a Paligid; 3%


Nakakadagdag ng Kulay s a Pags as alita; 13%

Pigura 2: Mga Dahilan ng Paggamit ng


Gay Lingo

Ipinapakita sa Pigura 2 ang mga dahilan kung bakit gumagamit ang mga
respondente ng gay lingo. 50% ng mga respondente ang nagsabing masayang gamitin
ang gay lingo. Sinundan ito ng iba pa na may 22 bahagdan ng sagot ng mga
respondente, halimbawa nito ay dahil sa pakikisama. Pinakamaunting bahagdan ng
mga respondente na may 3 bahagdan ang nagsabing gumagamit sila ng gay lingo
upang makasabay sa mga tao sa kanilang paligid.
Suliranin Blg. 2 Sa anong mga pagkakataon madalas gamitin ng mga mag-aaral ang
gay lingo?

11

Kailan Ginagamit ang 'Gay Lingo'

S a pagkikipagkwentuhan s a mga
kaibigan
S a mga s tatus at pos t s a S ocial
Media
S a pakikipag-text
S a pakikipag-us ap s a mga
kaibigan
S a pakikipag-us ap s a mga mas
nakakatanda
S a pakikipag-us ap s a mga taong
may mataas na katungkulan s a
paaralan

Iba pa; 4%
Sa pakikipag-text; 33%
Sa pagkikipagkwentuhan sa mga kaibigan; 52%
Sa mga status at post sa Social Media; 12%

S a pags agot s a mga pags us ulit


Iba pa

Pigura 3: Mga Sitwasyon Kung Kailan Ginagamit ang


Gay Lingo

3. Mga pagkakataon kung kailan ginagamit ng mga mag-aaral ang gay lingo
Batay sa pie graph, 52% ng mga respondente ang gumagamit ng gay lingo sa
pakikipag-usap sa kanilang mga kaibigan. 0% o wala sa mga respondente ang
gumagamit ng gay lingo sa pakikipag-usap sa mga magulang, mga nakakatanda, sa
mga may matataas na katungkulan sa paaralan at pagsagot sa mga pagsusulit.
Suliranin Blg. 3 Ano ang naidudulot ng paggamit ng 'gay lingo' sa mga kasanayang
pangkomunikasyon ng mga mag-aaral?

12

4. Paggamit ng gay lingo sa pakikipag-usap ng mga respondente sa kanilang


mga kasing-edad

Pakikipag-usap sa mga Kasing-edad

Iba pa; 7%
Wala lang; 20%
Naiinis; 7%

Nasisiyahan; 67%

Pigura 4: Paggamit ng Gay Lingo sa Pakikipag-usap sa mga Kasing-edad


ng mga Respondente

Batay sa mga datos na nakalap, pinakamataas ang mga nasisiyahan na may 66


na bahagdan at sinundan ng wala lang na may 20 bahagdan. Dahil ito sa pagkakaroon
ng magkatulad o magkalapit na edad ng mga respondente at henerasyong kanilang
kinabibilangan. Naiintindihan nila ang isat isa kaya madali nilang natatanggap at
nasasabayan ang gay lingo na ginagamit sa kanilang pag-uusap.
5. Paggamit ng gay lingo sa pakikipag-usap ng mga respondente sa kanilang
mga magulang

13

Pakikipag-usap sa mga Magulang

Iba Pa; 13%


Wala lang; 10%

Nasisiyahan; 13%

Naiinis; 63%

Pigura 6: Paggamit ng Gay Lingo sa Pakikipag-usap sa mga Magulang


ng mga Respondente

Ipinapakita ng Pigura 5,ang nagiging reaksyon ng mga magulang ng mga


respondente. 64% ng mga respondente ang nagsabing naiinis ang kanilang mga
magulang kapag gumagamit sila ng gay lingo. Dahil sa hindi maintindihan ng kanilang
mga magulang ang kanilang mga sinasabi. May sampung bahagdan naman ng mga
magulang ng mga respondente ang wala lang reaksyon sa paggamit ng gay lingo.

6.

Paggamit ng gay lingo sa pakikipag-usap ng mga respondente sa kanilang


mga magulang

14

Pakikipag-usap sa mga May Mataas na Katungkulan sa Paaralan

Nasisiyahan; 3%

Iba Pa; 53%

Naiinis; 40%

Wala lang; 3%

Pigura 6: Paggamit ng Gay Lingo sa Pakikipag-usap sa mga May Mataas na


Katuungkulan sa Paaralan

Ipinapakita ng grap na ito ang reaksyon ng mga taong may mataas na


katungkulan sa paaralan sa paggamit ng mga mag-aaral ng gay lingo. 54 na bahagdan
ng mga mananaliksik ang sumagot ng iba pa. Ang iba pa ay nangangahulugang hindi
sila gumagamit ng gay lingo sa pakikipag-usap sa mga taong may mataas na
katungkulan sa paaralan. May tig-tatlong bahagdan naman ang nagsabing wala lang
reaksyon ang mga may mataas na katungkulan sa paaralan, gayundin naman ang
nasisiyahan sa minsanan paggamit mga respondente ng gay lingo sa pakikipag-usap
sa mga taong nabangit.

TSAPTER IV
BUOD, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON
15

A. Buod ng mga Kinalabasan


Sa pagsusurin ng mga datos, ang mga sumusunod ay mahalagang natulasan ng
pag-aaral.
Una, ang mga pangunahing nakakaimpluwensya sa mga repondente upang
gumamit ng gay lingo ay ang mga baklang naririnig nilang nagsasalita ng mga ito sa
mga parlor at dahil sa masaya itong gamitin sa pakikipag-usap.
Ikalawa, pinakamataas ang average ng mga respondente nagsabing ginagamit
nila ang gay lingo sa pakikipag-usap sa kanilang mga kaibigan.
Ikatlo, nagkakaroon ng iba-ibang pagtanggap ang mga taong kinakausap ng mga
respondente gamit ang gay. Ang mga kasing-edad ng mga respondente ay natutuwa,
ang mga magulang naman ay naiinis samantalang iniiwasan nilang kausapin ang mga
taong may mataas na katungkulan sa paaralan gamit ang gay lingo.

B. Kongklusyon
Batay sa mga kinalabasan ng pag-aaral na ito, nabuo ang mga sumusunod na
kongklusyon:
1. Mabilis na napapakalat ng mga homosekswal o mga bakla ang kanilang paraan
ng pakikipag-usap dahil sa mukha itong masayang gamitin para sa mga
respondente.
2. Pinakamadalas gamitin ng mga respondente ang gay lingo sa pakikipag-usap sa
mga taong kasing-edad nila.
3. Isinasaalang-alang ng mga respondente ang edad at katungkulan ng isang tao
sa paggamit ng gay lingo.
16

C. Rekomendasyon
Sa mga kongklusyong nabuo, ang mga sumusunod na taguilin o rekomendasyon
ay nabuo ng mga mananaliksik.
1. Iminumungkahing piliin ng mga mag-aaral ang mga salitang hihiramin sa gay
lingo at huwag basta gumamit ng mga salitang hindi nila alam ang kahulugan
dahil lamang sa sila ay natutuwang gamitin ito.
2. Iminumungkahing gumamit ng mga mas kapakipakinabang na paraan ng
pakikipagkomunikasyon upang mahasa ang kakayahan ng mga mag-aaral.
3. Iminumungkahing gumamit ang mga mag-aaral ng isang wikang unibersal o
naiintindiihan

ng

lahat

ng

edad

upang

maiwasan

ang

mga

hindi

pagkakaintindihan.

BIBLIOGRAPIYA
[1] Herrero. J.

17

APENDIKS
Mahal na mga Tagatugon,
Kami sina, Zrisdel Macaspac, Mark Jerzon Mendoza, John Kervin Parra, Paul John Punzalan at
John Carlo Villanueva, mga mag-aaral na nasa unang taon ng kursong Edukasyon ay kasalukuyang
nagsasagawa ng isang pananaliksik bilang pagtupad sa mga pangangailangan sa FIL12 (Pagbasa at
Pagsulat Tungo sa Pananaliksik na may pamagat na : Isang Pag-aaral Ukol sa mga Naidudulot ng
Paggamit ng Gay Lingo sa Kasanayang Pangkomunikasyon ng mga Mag-aaralsa Edukasyon ng
Rogationist College

18

Mangyari po lamang na nnyong sagutan ang ilang mga katanungang aming inihanda. Makakaasa
po kayo na ang mga kasagutan ay para sa mga mananaliksik lamang.
Maraming salamat po.
Ang mga Mananaliksik

Pangalan: (Opsyunal) ___________________

Petsa: ______________________________

Kurso at Seksyon: ______________________

Lagda: ______________________________

Instruksyon
Lagyan ng tsek ang patlang na tumutugma sa iyong kasagutan. Maaaring
magtsek ng higit sa isang patlang sa ilang katanungan.

1. Saan ka madalas makarinig o makabasa ng mga gay lingo?

Iba pa ________________________________

Telebisyon
Radyo
Magazine
Dyaryo

Text
Parlor
Internet
Social Media

2. Kailan mo ginagamit ang gay lingo?

Sa pakikipagkwentuhan sa mga

kaibigan
Sa pakikipag-usap sa mga

magulang
Sa pakikipag-usap sa mga mas

nakakatatanda
Sa pakikipag-usap sa mga taong
may mataas na posisyon sa

paaralan (hal. Mga guro,


propesor, pari)
Sa mga status at post sa Social

Media
Sa pakikipag-text
Sa pagsagot ng mga pagsusulit

(hal. Essay)
Iba pa
__________________________

3. Bakit ka gumagamit ng gay lingo?


19

Masaya siyang gamitin


Nakakadagdag ng kulay sa aking pagsasalita

Para makasabay sa mga tao sa paligid

Para maiba lang

Iba pa ____________________
4. Sa tuwing ikaw ay gumagamit ng gay lingo sa pakikipag-usap sa mga kasing

edad mo, ano ang kanilang reaksyon?

Nasisiyahan at bakit? _______________________________________________

Naiinis at bakit? ___________________________________________________

Wala lang at bakit? ________________________________________________

Iba pa ___________________________________________________________
5. Sa tuwing ikaw ay gumagamit ng gay lingo sa pakikipag-usap sa mga taong mas

matanda sa iyo, ano ang kanilang reaksyon?

Nasisiyahan at bakit? _______________________________________________

Naiinis at bakit? ___________________________________________________

Wala lang at bakit? ________________________________________________

Iba pa __________________________________________________________
6. Sa tuwing ikaw ay gumagamit ng gay lingo sa pakikipag-usap sa mga taong may
mataas na posisyon o katayuan sa paaralan, ano ang kanilang reaksyon?
Nasisiyahan at bakit? _______________________________________________
Naiinis at bakit? ___________________________________________________
Wala lang at bakit? ________________________________________________
Iba pa __________________________________________________________

20

21

You might also like