Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Si Ina

Ni Raul Almonte (Mr. A)

Tinig niya ang nagsisilbing musika sa aking tainga


Kausap niya ako na para bang kasing edad ko siya
Isinasayaw niya ako sa indayog ng pangaral niya
Kasabay ng aking pagtulog ang natatanging ligaya

"Magandang umaga" bati niya, ngiti ko'y pangpaganda ng simula


Pag-tangis ko'y malaking pangamba sakanya
Gatas na nagmumula sakanya ay laging handa
Halik ko ay pangalis problema at tinaguriang kakatwa

Paglaki ko'y kasabay ng pagtanda niya


Mailayo ako sa mga masasama ang tanging pithaya
Ngunit ang mundo'y kay daming nakahandang sigwa
Sabi niya "Huwag kang maalala dahil protektado kita"

Siya ngayo'y nanghihina na, ang babaeng aking musa


Balikat niya na dating gamit ko'y sakanya na ipinauubaya
Paglisan niya ang ikinatatakot kong hindi ko masansala
Daing ko sa may-likha "Huwag po muna sana".

You might also like