Red Ang Luha Ni Michael

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Red ang Luha ni Michael

by Jimmy I. Alcantara
After EDSA
Michael and I were meant to be together. Tumira sa iisang komunidad sa
Butuan, magkaeskuwela mula prep school hanggang kolehiyo, lumaki na
pareho ang barkada, nagsosyo sa bawat stick ng yosi at sa bawat piraso ng
french bread, pan de sal at pan de coo, at kung minsan sa bawat bilog, lapad
at cuatro cantos. Kaya walang nagulat nang isang mahalumigmig at
makulimlim na Agosto, magkasama kaming "lumaya" sa Agusan del Norte.
Limang libo, trancript of records at sense of adventure ang bulsa-bulsa
namin papuntang Maynila. Pagkatapos ng anim na taon ng iba't ibang
komedya, trahedya at melodrama, magkasama pa rin kami. Sa isang sulok
ng quezon City kami umupa ng apartment-dalawang kuwarto, three-five.
Hati na naman kami sa lahat: renta, pagkain, bayad sa tubig, ilaw, telepono.
Aking ang sala set, kanya ang kama; akin ang TV, kanya ang ref; akin ito,
kanya 'yun. At pag naghiwalay kami, siyempre naman, kanya-kanyang hula
ng gamit.
Malabo ang relasyon namin-magkaibigan, mag-asawa, magsyota,
magkakilala. Kaya siguro di kami nagpakasal at di rin kami nag-anak. Pero di
kami apektado kung di man ma-define ang relasyon namin.
Yuppy ang gimik ni Mike. Nagtatrabaho siya sa personnel department ng
isang ad agency sa Vito Cruz. Wala akong trabaho. Hindi, nawalan ako ng
trabaho. Huwag na na nating pag-usapan ang nangyari sa CCP. Di raw nila
kailangan ang "nahihibang" na production designer. Masisira raw ang mga
dula at musikal nila. Gago raw ang mga kulay at konsepto ko.
Kapag ganitong wala akong trabaho, solo ko siyempre ang mga gawaing
bahay. Linis, luto, laba, plantsa. Isang makulit at mainit na Lunes ng umaga,
sa harap ng pinagbuhusan ko ng atensiyon at pawis na omelet at bagong
pigang orange juice, nagbubuntung-hininga si Mike at, "sa init ngayon,
natutusta ang utak ko at maalala ko, kinakalawang na ang ref, pag may
bisita tayo, gusto kong magtago sa aparador."
Napangiti ako. Ito na ang pagkakataon para sorpresahin si Mike. No, di ako
bibili ng bagong ref. Babaguhin ko lang ang kulay! Marumihin ang puti, vile
naman ang brown. Pula! Tama, scarlet red. Magugustuhan niya. Madrama

ang pula, may landi. Minsan morbid pero kadalasan, romantic. Masisiyahan
siya. Ako na rin ang magpipinta. Gagawin kong isang obra-maestra ang ref.
Sa isang tindahan sa Cubao bumili ako ng malaking lata ng Scarlet Aluminum
Paint. Di ko alam kung pwede 'yun sa ref, pero kinuha ko na rin. At isinama
ko na rin ang isang brush na katamtaman ang laki para kontrolado ang
pagpahid. Kaya pagpasok ni Mike sa trabaho ng Biyernes na iyon, hinarap ko
na ang ref. Binakbak ko ang lumang balat nito. Binuksan ko ang lata ng
pintura at hinalo ang parang likido ayon sa direksyon. At binanatan ko na.
Ang ganda ng kinalabsan. Perfect ang first coatinh. Bagay na bagay ang
kulay. At natakpan ang dumi at iba pang lumang pinturang di natanggal sa
ref. Naaliw ako ng husto sa aginawa ko, kaya di ko na hinitay na matuyo ang
unang coating bago pahiran uli. At para makasiguro na di mababakbak ang
pintura, pinahiran ko pa ng isa.
At ngayon ko na-realize na dry ang itsura ng kusina, walang dating.
Sinimulan kong pasadahan ang mga cupboards. Kaya lang, natuluan ang
lababo, itinuloy ko na rin ang pagpinta rito. Ilang pahiran lang, bagung-bago
na ang mukha ng kusina-intense. Di na ako nakapagpigil. Nang mapuno ang
sahig ng kusina ng mga pulang polka dots, napagpasiyahan kong gawing
maliliit na puso ang mga ito. To relieve the monotonous squareness of the
tiles kung baga.
Tutal narumihan na ang kamay ko at bukas na ang lata, naggalugad ako sa
loob ng bahay ng puwede pang mapinturahan. dali-dali kong hinarap ang
nangungupas na lampshade, ang miniature na modelo ng Eiffel Tower, ang
frame ng isang pekeng Monet, ang mga paso at dahon ng palmera, airpot,
pati na ang tsinelas ni Mike sa loob ng bahay.
Naa-addict na ako sa ginagawa ko pero nang makita ko ang itsura ng pinto
ng bahay, di ko napaglabanan ang tukso. Kulay dilaw na brown na puti ang
kulay ng pinto. Ilang pahiran lang at nawala ang ambiguity nito.
Pagkatapos ng pinto, naisip ko: "Ayoko na, tama na." Pero di siguro
magandang tingnan na isang picture frame lang ng bahay ang kulay pala,
kaya pinintahan ko ang lahat. Ilang minuto ako sa ceiling fan. Ang dutsa sa
kubeta at ang mga gripo, nag-improve mula sa walang kalatuy-latoy na
silver. Habang pinapasadahan ko ang gilid ng TV, nahulog ang brush sa
kaliwang sapatos kong de-goma. Itinuloy ko na rin ang pagpipinta sa
sapatos-sa isang paa lang. Parang si Tom Hanks sa Man with One Red Shoe.

Pagkatapos ng konting pahiran sa radyo, determinado akong huminto-sa


sandaling lagyan ng glamour ang mga throw pillows. Kaya lang, natilamsikan
ang rug. I'm sure, masisiyahan kayong malaman na maganda ang pagkakaabsorb ng rug sa pintura. Di ko alam kung iyon ay dahil sa kalidad ng pintura
o ng rug.
Pumanhik ako sa kuwarto at hinarap ang mga aparador. Binuksan ang isa.
Pinasadahan ko ang mga bag at sinturon ni Mike at ilan sa mga attach
cases ko. Bumaba ako at lumabas sa garden at piniturahan ko ang mga paso,
ang mga dahon ng san francisco at gumawa ng kauna-unahang pulang
sampaguita.
Nasa kalagitnaan ako ng pagpipinta sa telepono nang may kumatok. Si Mike!
Binuksan ko ang pinto. Di si Mike. "Sulat galing sa Butuan. Sino si Mike
Fernan? Galing sa isang Joan." Inabot ko ang sulat. Maputla ang kulay ng
kartero, kulang sa buhay. Pinahiran ko ang mukha niya ng konting pintura
para di naman siya mukhang anemic. Di yata naintindihan ng mama ang
gusto kong palabasin at nagtatakbo itong humihiyaw.
Habang pinipintahan ko ang dingding ng sala para ibagay sa bagong
personalidad ng bahay, bumukas ang pinto ng bumulaga si Mike.
"Ipagpaumanhin ninyo," sabi niya, "nagkamali ako. Akala ko'y ito ang bahay
ko at ikaw ang Ricky ko." Hinawakan niya ang pulang doorknob at lalabas na
sana nang pigilan ko siya. "Mike, ako ang Ricky mo. Di ka ba nasorpresa, ref
mo'y iba na?"
Di lang siya nasorpresa, nagulantang pa siya. Doon na raw muna siya sa
kaibigan niya sa Fairview. Iiwan na raw niya sa akin ang ref niya, ang kama
niya, ang ito niya, ang iyon niya. Aalis na raw siya at di sigurado kug babalikpero di pa siya makaalis kasi'y basa pa ng pintura ang mga maleta niya.
Di malaman ang gagawin, bumigay ang tear ducts niya. "Totoo ngang
nababaliw ka na. Sabi mo'y matino ka na. Ibabalik uli kita sa basement.
Sana'y gumaling ka na. Ayoko kasing mag-isa." Wala akong nasabi at sa
isang mahinay na unday, pinintahan ko ang mga luha niya ng pula.
Naubos ang laman ng lata.

You might also like