Ano Ang Katotohanan at Opinyon

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ano ang katotohanan at opinyon?

Ang katotohanan ay isang pahayag na nagsasaad ng ideya o pangyayaring napatunayan at tanggap ng lahat na
totoo at hindi mapapasubalian kahit sa ibang lugar. Hindi ito nagbabago at maaaring i-verify ang
pagkamakatotohanan nito sa ibang sanggunian tulad ng mga babasahin at mga taong nakasaksi nito.
Ang opinyon naman ay isang pananaw ng isang tao o pangkat na maaaring totoo pero puwedeng pasubalian ng iba.
Ito rin ay isang paniniwala na mas malakas pa sa impresyon, mas mahina sa positibong kaalaman na batay sa
obserbasyon at eksperimento.
Sa medaling salita, ang katotohanan ay mga pahayag na maaaring mapatunayan ng mga ebidensya samantalang
ang opinyon ay mga pahayag na batay sa sariling paniniwala lamang.
Tandaang, bagamat itoy isang paniniwala o punto ng sumulat lamang, mainam na ang paghabi ng opinyon ay
nakasalig sa kanyang karanasan at o mga nabasang prinsipyo o kaisipan.
Sa pagpapahayag ng katotohanan at opinyon, maaaring gumamit ng mga sumusunod na pananda:
Katotohanan batay sa resulta, pinatutunayan ni, mula kay, sang-ayon sa, tinutukoy ng, mababasa sa
Opinyon sa aking palagay, sa tingin ko, sa nakikita ko, sa pakiwari ko, kung ako ang tatanungin, para sa akin, sa
ganang akin
Positibong Opinyon totoo, tunay, talaga, ganoon nga, mangyari pa, sadya
Negatibong Opinyon ngunit, subalit, habang at samantala
1.
KATOTOHANAN:
Batay sa resulta ng DNA test, si Daniel ay tunay na anak ni Rogel at Marietta
OPINYON:
Sa tingin ko anak ni Rogel at Marietta si Daniel dahil may hawig ito sa kanila

2.KATOTOHANAN:
Sang-ayon kay Governor umali, wala daw pasok bukas dahil sa parating na bagyo
OPINYON:
Sa palagay ko idideklara ni Governor Umali na walang pasok bukas

2.KATOTOHANAN:

Mababasa mula sa Biblia sa Efeso 5:23 na ang Iglesia ang ililigtas ni Cristo.
OPINYON:
Sa pakiwari ng iba, kapag nagging mabait ay maliligtas na sila.

You might also like