Professional Documents
Culture Documents
Ang Banal Na Aklat NG Mga Kumag Ni Allan Alberto N
Ang Banal Na Aklat NG Mga Kumag Ni Allan Alberto N
Ang Banal Na Aklat NG Mga Kumag Ni Allan Alberto N
Derain:
Isang Paggalugad
\
Ang nobelang Ang Banal na Aklat ng mga Kumag ni Allan Derain ay isang
halimbawa ng ganap na pagsasanib at pakikipaglaban ng mga di-pinahahalagahang buhay
sa daigdig, kumag, mga nabubuhay sa gilid-gilid mula sa kasuluksulukang bahagi ng ating
paligid at lipunan. Ang bibliya ng mga nagkukumag-kumagan, mala-kumag, mukhang
kumag at kumag sa kanilang isip, salita at gawa. Sa katunayan, maituturing ang
pamamaran na ito ay siya ring paghahatid ng mensahe. Kapansin-pansin na ang kakaibang
banal na aklat na ito ay nilikha para sa maliliit na nagbubuhat sa pagbuo ng isang sariling
mundo at uniberso ng mga nilalang na kumag. Kapansin-pansin ang impluwensya sa aklat
na ito ang sinaunang anyo ng panitikan partikular sa mga uri ng halimaw at mahiwagang
mga nilalang na kaniyang binigyang-buhay at anG maiikling pagsasalaysay ng henesis ng
mga manunubos at mga kumag para sa pagbuo ng isang mahabang kuwento na
nagbibigay-anyo sa paksang-diwa.
Paksang-Diwa
Tulad ng nakakasulasok na pagbuo sa mundong nilikha para sa mga kumag na binubuo ng
pinaghalo-halong sangkap gaya ng laway, kulangot at ihi na lumikha ng paksang-diwa ng
kuwento isang hindi nahihiwalay na kuwento ni Jojo, ni Amang, ang Manunubos ng mga
Kumag, sa kani-kanilang kuwento ng pagiging kumag.
Ang Ang Banal na Aklat ng mga Kumag ay higit na pahayag hinggil sa kalagayan
ng pagka kaysa pagiging ng kumag. Nakapaloob sa isang iglap na yaon ang relasyon ng
kumag sa kanilang Manunubos na parehong metapisikal at politikal. Metapisikal dahil
relasyon ito sa pagitan ng mga deboto (mga kumag) sa kanilang diyos. Politikal din dahil sa
inaasahan nilang balik o posibilidad na maaaring maialok o matanggap nila sa pakikiisa sa
diyos ng mga kumag.
Subalit sa mas lalong malalim na kahulugan ng kumag hinggil sa tunggalian ng uri at ang
antagonismong nagiging bunga nito na pinalawig sa mga taong inilagay sa gilid ng
kasaysayan ng kuwento gaya ng mga magsasakang inagawan ng lupa at sapilitang
pinagtrabaho ng pamahaalang Kastila noong panahon ng pananakop. Malakas ang
Balangkas
Sa Ang Banal na Aklat ng mga Kumag, ginamit ng may-akda ang isang estruktura
ng maiiksing salaysay ng henesis ng manunubos at ng mga kumag na pinag-ugnay-ugnay
upang makabuo ng isang mahabang kuwento. Nagsimula ang kuwento sa kung paano
nagsimula ang buhay ng manunubos ng mga kumag na nabiyayaan din naman ng isang
angkan, ng mga magulang at mga kapatid kung saan walang sinuman sa kanilang angkan
ang magiging kagay rin niya, isang kumag.
Ipinakilala sa kuwento ang manunubos ng mga kumag bilang nag-iisang anak ng isang
tandayag na kerida ng Diyos Ama at nakababatang kapatid ng tatlong lehitimong anak ng
kaniyang tatay. Marahil ang karakterisasyong ito ang dahilan ng maligalig na disposisyon ni
Jojo sa kaniyang pagiging diyos lalo pa ang ibinigay sa kaniya ng Diyos Ama ay maging
manunubos ng pinakamaliliit na nilalang sa daigdig na sa madaling salita ay yaong mga di
napapansin at pinapansin.
Sa kabanata kung saan itinoka ng Diyos Ama sa kaniyang tatlong lehitimong anak at isang
bastardong anak ang kanilang mga dapat gawin. Inilaan ng Diyos Ama kay Jojo na maging
tagatubos ng lahat ng malilit at mamuhay, unawain at maging katulad rin nila. Habang tila
naging espesyal naman ang tungkulin ng tatlong kapatid sa Diyos Ama ni Jojo.
Magkaalinsabay ang pagpasok ng mga kaisipang absurd at satire bilang bahagi ng
balangkas ng Ang Banal na Aklat ng mga Kumag. Ang pagpapakita ng may-akda ng
pagkakatulad ng kalagayan ng mga kumag sa kalagayang kinahaharap ng tao sa magkaibat
magkatulad na mundong kanilang ginagalawan. Ang pagtataglay ng pangalan ng mga
kumag ay pag-iral at katumbas ng kaligtasan. Mayroon silang inaasahan at hinihintay na
kaligtasan na magsasalba sa kanila. Ito ay mabibigyan ng linaw sa pagdating ng kanilang
manunubos na isang politikal at spiritwal na lider na bibinyagan din naman ng pangalan ng
kaniyang pamumunuang kumag.
Bagamat kawing-kawing ang mga salaysay ay nakatulong naman ito upang maging
matatag ang pagpapaigting sa kuwento mula sa simula hanggang sa wakas ng indayog ng
mga salita at pangungusap.
Ang wakas ng kuwento ay pagwawakas din ng mahaba-habang lakaran at paglalakbay ng
pagtitipon, pakikisalamuha, at pakikipamuhay kapiling ang mga kumag.
Upang mabigyan din ng sturktura ang kabuuan ng nobela ay gumamit ang manunulat ng
pangkalahatng imahen ng manunubos na naglalakbay. Kapansin-pansin ang paggamit niya
ng mga salitang pag-alis, paglalakbay, pagpapatuloy, pagdating bilang mga panandang
naratibo. Bilang isang panginoon ay bahagi na ng kaniyang layunin ang paglalakbay at
paglilipat-lipat ng mga lugar upang doon ay makilala, matagpuan at makasalamuha niya
ang lahing nakatakda sa kaniyang pagliligtas.
2.
3.
Mula sa maruming lunggang ito ang siya namang pagsulputan ang mga kaunaunahang diyos at halimaw mula sa pinakadambuhala hanggang sa pinakamaliit.
4.
5.
Maaaring pagkatiwalaan ng mga diyos ang mga halimaw at ituring silang isang
mabuting alaga o kaibigan. Subalit maaari rin naman silang maging matinding mga
kaaway na nakahandang tumuklaw sa mga diyos na naging kaniyang tagapag-alaga.
6.
Makikita rin ang pagpapakita ng takot ng mga anak sa kayang gawin sa kanila ng
kanilang mga magulang at ang hindi inaasahang magagawa ng magulang sa kanilang
anak.
7.
8.
9.
10.
11.
12.
Ang pagkakaroon ng mga desipulo ng Manunubos ng mga Kumag ang tuko, ang
katyaw at ang asong gala.
13.
14.
15.
16.
17.
18.
Madaling nasisilaw ang mga tao sa mga pangakong dala ng relihiyon. Halimbawa,
ang pangako ng mga paring tuturuang magsulat, magbasa, magdasal at magkaroon ng
urbanidad at tamang-asal na tulad ng mga Kastila ang mga kadalagahan.
19.
20.
Pananagisag
Nabigyang-kaganapan din sa nobela ang nangibabaw na mga sagisag at panandang
ginamit na nagpasidhi sa paikpik na bisa ng nobela.
Ang kumag bilang pangkalahatang pagtukoy sa maliliit na hayop na nasa paligid at lipunan
na nagsilbing daluyan ng kaisipan ng manunulat upang maiparating niya ang kaniyang mga
niloloob partikular sa pagkahumaling sa kamatayan at pang-uuyam sa relihiyon.
Ginamit din ang mga kumag bilang mga desipulo na handang sumunod sa kanilang
manunubos bilang bahagi usaping metapisikal at politikal. Metapisikal dahil may
namamagitan na relasyon sa pamamagitan ng magkakatulad na uri (kumag) ng mga deboto
sa kanilang diyos at politikal dahil sa inaasahan nilang posibleng kapalit ng kanilang
pagpayag na makianib sa kanilang panginoon.
Ang pangunahing karakter na si Jojo ang nagtataglay ng panunudyo at kiliti sa tagiliran
partikular sa pagtalakay sa relihiyong Kristiyanismo. Bukod pa rito ang kaniyang malaking
Kabuluhan
Maituturing na marahil na isang malaking ambag sa panitikan ang akdang ito ni
Derain dahil sa malikhaing kaisipang ito na ipinakita sa kaniyang panulat. Lumikha siya ng
aklat para sa maliliit hindi lamang para sa mga asong askal, kundi pati iba pang uri ng
maliliit na nilalang gaya ng mga maya, tuko, palaka, gagamba, alupihan at iba pa bilang
mga kumag na naghahangad ng isang bagong kaayusan para sa kanilang bagong mundo. At
ang paglikha ng isang panginoon na siyang magdadala sa inaasam-asam na katiwasayan ng
mga kumag sa kanilang buhay.
Ang Manunubos ng mga Kumag ay naglalayong tubusin ang totoong maliliit hindi lamang
dahil sa kanilang pagiging maliit kundi dahil sa mali ang kanilang inaatabayanan at
pinaglalagakan ng kanilang pag-asa.
Sa panghuling pagsusuri, lumalabas na ang mga kumag ay may halaga at sa kaniyang sarili
lamang, habambuhay, at ito ay kasinghalaga ng mga pangyayari kaniyang matutunghayan
sa kanilang pagtitiwala na ang Manunubos ng mga Kumag ang siyang magliligtas at
magpapanumbalik ng karapatan nilang mga kumag kagaya ng nasusulat sa Banal na Aklat
ng mga Kumag.
Mga Tala:
Allan Alberto N. Derain. Ang banal na aklat ng mga kumag. Tesis Masteral para sa
Digring MA Filipino, Malikhaing Pagsulat. Lungsod Quezon: Unibersidad ng Pilipinas. 2009.