Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Ang Pitong Huling Salita ni Jesus

Ngayon ay ang araw kung saan ating inaalala ang pagkapako ni Jesus sa krus at ang
kanyang pag kamatay dito. Naway ating pagnilayaan ang huling pitong salita ng
ating panginoon ng sya ay ipako sa krus.
Ang aming naging tagapag salita ay sina Ptr. Joel at Ptr. Tyrone. Sa kanilang mga
sinabi, ito marami akong natutunan at gusto kong ibahagi ito sa inyo sa panahon na
ito upang ating maisip kung gaano kahirap ang dinanas ng panginoon para lang sa
ating kaligtasan.
Ang unang wika:
1. "Ama, Patawarin mo sila, sapagka't hindi nila
nalalaman ang kanilang ginagawa." (Lukas 233-34)
Nang dumating sila sa dakong tinatawag na Bungo(ito ang Golgotha o mas kilala sa
tawag na Calvary), ipinako nila sa krus si Jesus. Ipinako rin ang dalawang salarin, isa
sa gawing kanan at isa sa gawing kaliwa. Sinabi ni Jesus Ama, Patawarin mo sila,
sapagka't hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa.
Ano ang gustong iparating nito?
Pagpapatawad at Pagtubos sa ating mga kasalanan.
Ang ikalawang wika:
2. "Katotohanang sinasabi ko sa iyo, ngayon
ay kakasamahin kita sa Paraiso. "(Luke 23:43)
Tinuya siya ng isa sa mga salaring nakabitin, at ang sabi, "Hindi ba ikaw ang
Mesias? Iligtas mo ang iyong sarili, pati na kami!" Ngunit pinagsabihan siya ng
kanyang kasama, "Hindi ka ba natatakot sa Diyos? Ikaw ma'y pinarurusahang tulad
niya! Matuwid lamang na tayo'y parusahan nang ganito dahil sa ating mga ginawa;
ngunit ang taong ito'y walang ginawang masama." At sinabi niya, "Jesus, alalahanin
mo ako kapag naghahari ka na." Sumagot si Jesus, "Katotohanang Sinasabi ko sa
iyo: ngayon ay kakasamahin kita sa Paraiso."
Ano ang gustong iparating nito?
Ang
Ang
Ang
Ang

salitang Pagligtas
kaligtasan ay hindi nagmumula sa bautismo o pagsapi sa isang iglesiya.
kaligtasan ay hindi nagmumula sa paggawa ng mabuti. (Efeso 2:8-9)
kaligtasan ay nagmumula kay Cristo lamang. (Juan 3:16; Juan 14:6)

Ang ikatlong wika:


3. Babae, Narito ang iyong anak!

Narito, ang iyong Ina! (Juan 19:26-27)


Nakatayo sa tabi ng krus ni Jesus ang kanyang ina at ang kapatid na babae nitong si
Maria, na asawa ni Cleopas. Naroon din si Maria Magdalena. Nang makita ni Jesus
ang kanyang ina, at ang minamahal niyang alagad sa tabi nito, kanyang sinabi,
"Babae, Narito ang iyong anak!" At sinabi sa alagad, "Narito, ang iyong Ina!" Mula
noon, siya'y pinatira ng alagad na ito sa kanyang bahay.
Ano ang gustong iparating nito?
Ang
Ang
Ang
Ang

salitang Pagkalinga
pagkalinga ng ina sa anak.
pagkalinga ng anak sa ina.
pagkalinga ni Cristo sa atin bilang mga Cristiano

Ang ika-apat na wika:


4. Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan? (Mateo 27:46-47)
Mula sa tanghaling tapat hanggang sa ikatlo ng hapon ay nagdilim sa buong lupain.
Nang mag-iikatlo ng hapon, sumigaw si Jesus, "Eli, Eli, lama sabachthani?" ibig
sabihi'y "Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?"
Ano ang gustong iparating nito?
Ang salitang Pagdadalamhati
Ang kanyang mga alagad ay tumakas at siya ay pinabayaan.
Ang kanyang mga kaibigan ay nagtago at siya ay pinabayaan.
Ang kanyang mga kaaway ay nagkaisa upang siya ay mahatulan ng kamatayan at
pinabayaang mapako sa krus.
At ang pinakamatindi sa lahat....ang kanyang Ama na nasa langit...siya ay
pinabayaang magdalamhating mag-isa.
Isaias 53:5-6 Dahil sa ating mga kasalanan kaya siya nasugatan; siya ay binugbog
dahil sa ating kasamaan. Tayo ay gumaling dahil sa pahirap na tinamo niya at sa
mga hampas na kanyang tinanggap. Tayong lahat ay parang mga tupang naligaw;
nagkanya-kanya tayo ng lakad. Ngunit inibig ni Yahweh na sa kanya ipataw ang
parusang tayo ang dapat tumanggap.
2 Corinto 5:21 Hindi nagkasala si Cristo, ngunit dahil sa atin, siya'y ibinilang na
makasalanan upang makipag-isa tayo sa kanya at mapabanal sa harapan ng Diyos
sa pamamagitan niya.
Galacia 3:13 Tinubos tayo ni Cristo sa sumpa ng Kautusan nang siya'y magdusa
na parang isang sinumpa. Sapagkat nasasaad sa Kasulatan, "Sinumpa ang bawat
ibinitin sa punongkahoy."

Si Jesus ang nagsilbing kabayaran ng ating kamatayan (Roma 6:23). Siya ay


pinabayaan ng Diyos upang tayo na mananampalataya sa kanyang Anak ay hindi
mapabayaang magdusa sa dagat dagatang apoy habang panahon.
Ang ika-limang wika:
5. "Nauuhaw ako!" (Juan 19:28-29)
Pagkatapos nito, alam ni Jesus na naganap na ang lahat ng bagay; at bilang
katuparan ng Kasulatan ay sinabi niya, "Nauuhaw ako!" May isang mangkok doon
na puno ng maasim na alak. Itinubog nila rito ang isang espongha, ikinabit sa sanga
ng isopo at idiniit sa kanyang bibig.
Ano ang gustong iparating nito?
Ang salita ng Pagkaganap
Batid ni Jesus na naganap na ang lahat ng bagay
Juan 29a - Pagkatapos nito, alam ni Jesus na naganap na ang lahat ng bagay.
Alam ni Jesus na ang huling yugto ng kanyang pagdurusa ay natapos na.
Alam ni Jesus na siya bilang kabayaran sa ating mga kasalanan ay naganap na.
Batid ni Jesus na natupad na ang Kasulatan (Scriptures)
Juan 29b - at bilang katuparan ng Kasulatan ay sinabi niya, "Nauuhaw ako!"
Nakikita ni Juan ang matinding pagkauhaw ni Jesus Awit 22:15 - Itong aking
lalamuna'y tuyong abo ang kapara, ang dila ko'y dumidikit sa bubong ng
ngalangala, sa alabok, halos patay na ako ay iniwan na.
Batid ni Jesus na kailangang matighaw ang kanyang pagkauhaw
Juan 19:29 - May isang mangkok doon na puno ng maasim na alak. Itinubog nila rito
ang isang espongha, ikinabit sa sanga ng isopo at idiniit sa kanyang bibig.
Si Jesus ay nanghingi ng maiinom upang matighaw ang kanyang pagkauhaw.
Si Jesus ay nangangailangan ng panibagong lakas upang ipagsigawan ang kanyang
tagumpay sa ibabaw ng krus.
Ang ika-anim na wika:
6. "Naganap na!" (Juan 190)
Juan 190 Nang masipsip ni Jesus ang alak ay kanyang sinabi, "Naganap na!"
Iniyukayok niya ang kanyang ulo at nalagot ang kanyang hininga.
Ano ang gustong iparating nito?
Ang salita ng Pagwawagi
Ang hiyaw ng tagumpay
Bilang ating kahalili (substitute),

Bilang ating katawan (representative)


Si Jesus ang pumalit sa dapat nating paglagyan na hindi natin kayang gawin.

Ang hiyaw ng kaganapan


Tinapos ni Jesus ang kanyang tungkulin sa lupa.
Tinupad ni Jesus ang kanyang tungkulin at wala ng dapat idagdag pa.
Gawa 2: 22 "Mga Israelita, pakinggan ninyo ito! Si Jesus na taga-Nazaret ay sinugo
ng Diyos. Pinatutunayan ito ng mga himala, mga kababalaghan, at mga tandang
ginawa ng Diyos sa pamamagitan niya. Alam ninyo ito sapagkat lahat ay naganap
sa gitna ninyo.
Roma 6:10 Nang siya'y mamatay, namatay siya nang minsanan para sa
kasalanan, at ang buhay niya ngayo'y para sa Diyos.
Ang ika-pitong wika:
7. "Ama, sa mga kamay mo'y ipinagtatagubilin ko ang aking espiritu!" (Lucas 23:46)
Sumigaw nang malakas si Jesus, "Ama, sa mga kamay mo'y ipinagtatagubilin ko ang
aking espiritu!" At pagkasabi nito, nalagot ang kanyang hininga.
Ano ang gustong iparating nito?
Ang salita ng Pagtitiwala
Sinabi niya ang salitang ito bilang pagsunod sa Kasulatan
Awit 31:5 Kupkupin mo ako at iyong ingatan, ang pagliligtas mo sa aki'y
pakamtan; ikaw ang aking Diyos, na tapat at tunay.
Sinabi niya ang salitang ito bilang paggalang sa Diyos
Nang siya ay nananalangin para sa atin - "Ama, patawarin mo sila, sapagkat hindi
nila nalalaman ang kanilang ginagawa."
Nang siya ay pinabayaang mag-isa - "Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?"
Nang siya ay malalagutan ng hininga para sa ating mga kasalanan - "Ama, sa mga
kamay mo'y ipinagtatagubilin ko ang aking espiritu!"
Sinabi niya ang salitang ito bilang ating Tagapamagitan (Mediator)
Isaias 53: 10 - Sinabi ni Yahweh, "Ang kanyang paghihirap ay kalooban ko;
inihandog niya ang sarili upang sa pamamagitan noon ay magkaroon ng
kapatawaran. Dahil dito'y mabubuhay siya nang matagal, makikita ang lahing
susunod sa kanya. At sa pamamagitan niya'y maisasagawa ang aking panukala.
Mateo 20:28 - tulad ng Anak ng Tao na naparito, hindi upang paglingkuran kundi
upang maglingkod at ialay ang kanyang buhay upang matubos ang marami."

You might also like