Professional Documents
Culture Documents
SALAWIKAIN
SALAWIKAIN
SAWIKAIN
AHAS----TAKSIL; TRAIDOR
Halimbawa:
Sa kabila ng mga kabutihan niya sa kanyang pamangkin, si Gavina ay isa pa lang ahas.
ANAK-DALITA---MAHIRAP
Halimbawa:
Magsikap kang mag-aral kahit ikaw ay anak dalita.
ALILANG-KANIN---UTUSANG WALANG BATAD, PAKAIN LANG, PABAHAY AT PAKAIN NGUNIT WALANG
SUWELDO.
Halimbawa:
"Mga anak, huwag kayong masyadong maging masungit sa katulong natin. Alam naman ninyo na siya ay
alilang-kanin lang."
BALITANG-KUTSERO---BALITANG HINDI TOTOO O HINDI MAPANGHAHAWAKAN.
Halimbawa:
Huwag kayong magalala, hindi basta naniniwala ang Boss namin sa mga balitang-kutsero.
BALIK-HARAP---MABUTI ANG PAKIKITUNGO SA HARAP NGUNIT TAKSIL SA LIKURAN.
Halimbawa:
Mag-ingat sa mga taong balik-harap. Sila'y hindi magiging mabuting kaibigan.
BANTAY-SALAKAY---TAONG NAGBABAIT-BAITAN
Halimbawa:
Sa alinmang uri ng samahan, may mga taong bantay-salakay.
BASA ANG PAPEL---BISTADO NA
Halimbawa:
Huwag ka nang magsinungaling pa.Basa na ang papel mo sa ating prinsipal na si Ginang Matutina.
BUWAYA SA KATIHAN---USUSERA, NAGPAPAUTANG NA MALAKI ANG TUBO
Halimbawa:
Maging masinop ka sa buhay, mahirap na ang magipit. Alam mo bang maraming buwaya sa katihan na
lalong magpapahirap kaysa makatulong sa iyo?
BUKAL SA LOOB---TAOS PUSO TAPAT
Halimbawa:
Bukal sa loob ang anumang tulong na inihahandog ko sa mga nangangailangan.
BUSILAK ANG PUSO---MALINIS ANG KALOOBAN
Halimbawa:
Dahil busilak ang puso ng batang si Arnel, siya ay pinarangalan at binigyan ng medalya ng pamunuan ng
Cebu.
BUGTONG
KASABIHAN
Huwag kang magtiwala sa 'di mo kakilala.
Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan.
Walang mahirap na gawa 'pag dinaan sa tiyaga.
Ang kaginhawaan ay nasa kasiyahan, at wala sa kasaganaan.
Ang hindi magmahal sa kanyang wika ay mahigit pa sa hayop at malansang isda.
Ang tunay na pag-ibig sa bayan ay nasa pawis ng gawa.