Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 26

Pampamahalaang Pamantasan ng Mariano Marcos

KOLEHIYO NG EDUKASYONG PANGGURO


Lungsod ng Laoag

MODYU
L XI
PAGSUSURI SA AKDA BATAY SA
TEORYANG Post-istrukturalismo

TARA AT MAGLAKBAY!!!

Paggising ko pa lamang sa umaga ay inutusan na ako ng aking nanay upang maglinis sa aming
bodega. Agad-agad akong pumunta roon dahil papagalitan ako. Pagpasok ko pa lang sa bodega ay
binabahing ako sapagkat napakaalikabok at maagiw. Habang ako'y naglilinis, may narinig akong isang
tinig, "kumusta ka kaibigan?". Ako'y nabigla at namangha. Ako'y kinabahan at sumagot din, " May tao
bariyan?. Siya'y sumagot muli, " Gusto mo bang maglakbay?, tanong niya sa akin. Sino ka ba?, sagot
ko. Ako ang mahiwagang aklat, tugon niya.
Pumunta ako sa kinalalagyan niya. Napakaalikabok at nababalotan ng lumang tela. Inalis ko ang
tela at nakita ko ang mahiwagang aklat. Gusto mo bang maglakbay sa amin?, tanong niya. Tayo,
maglalakbay?, sagot ko na parang baliw. oo hawakan mo lang ako at buklatin ang aking mga pahina,
sagot niya. Hinawakan ko nga siya at binuklatan. Tara na!
Hawakan mo akong mabuti para hindi ka mawala
Kamusta ka kaibigan? Handang-handa ka na ba at sabik na sabik ka ng maglakbay. Ngunit bago
ang lahat kaibagan, may mga bagay muna akong nais ipabatid sa iyo bago natin simulan ang paglalakbay
sa mundo ng karunungan.
Inanyayahan kita rito upang maglakbay tungo sa karunungan. Naging kawili-wili ba ang nakaraan
mong mga paglalakbay? Mabuti naman. Natutuwa
akot lumalawak ang iyong kaalaman. Ngayon ay may panibago na namang aralin ang iyong pag-aaralan.
Natitiyak kong maiiibigan mo ito. Naghanda rin
ako ng ibat ibang gawaing sadyang kapaki-pakinabang at hahamon sa iyong kakayahan.
Naaalala mo pa ba ang isang napakagaling na makata? Siya ay tinaguriang MAKATA NG MGA
MANGGAGAWA sapagkat isa siyang pinuno ng mga Pilipinong manggagawa at sa kaniyang mga
pagpuna at pagsusuri sa mga kawalan ng katarungang naganap sa Pilipinas noong kaniyang kapanahunan.
Si Amado Vera Hernndez ay isang makata at manunulat sa wikang Tagalog. Ipinanganak siya noong
Setyembre 13, 1903 at namatay noong 24 Marso 1970.. Nakulong siya dahil sa pakikipagugnayan niya sa
mga kilusang makakomunista. Siya ang punong tauhan sa isang bukod-tanging kasong panghukuman na
tumagal ng 13 taon bago nagwakas.
Ipinanganak siya sa Sagrada Familia saHagonoy, Bulacan, ngunit lumaki sa Tondo, Maynila kung
saan nakapag-aral siya sa Mataas na Paaralan ng Maynila at sa Amerikanong Paaralan ng Pakikipagugnayan (American Correspondence School). Noong 1932, napangasawa niya ang Pilipinong aktres na
si Atang de la Rama. Siya ay batang ama at nag ka anak sa maagang idad. Ang mag-asawa ay kapwa
kinilala bilang mga Pambansang Alagad ng Sining si Hernandez para sa Panitikan, samantalang si de la
Rama para sa Tanghalan, Sayaw at Tugtugin.
Noong kaniyang kabinataan, nagsimula na siyang magsulat sa wikang Tagalog para sa
pahayagang Watawat (Flag). Nang lumaon ay nagsulat siya ng para sa mga Pagkakaisa at naging patnugot
ng Mabuhay. Napukaw ng kaniyang mga sulatin ang pansin ng mga dalubhasa sa wikang Tagalog at ilan sa
kaniyang mga salaysayin at tula ay napabilang sa mga antolohiya, katulad ng Parolang Ginto ni Clodualdo
del Mundo at ng Talaang Bughaw ni Alejandro Abadilla. Noong 1922, sa gulang na 19, naging kabahagi si
Hernandez ng samahan pampanitikan na Aklatang Bayan na kinabibilang ng mga kilalang manunulat sa
Tagalog na sina Lope K. Santos at Jose Corazon de Jesus.

Nakilala rin si Hernandez sa kanyang mga nobelang gaya ng "Ang Ibong Mandaragit", at "Luha ng
Buwaya". Ang ilan sa kanyang maikling kuwento ay natipon sa isang tomo na pinamagatang "Langaw sa
Isang Basong Tubig at Ibang Kuwento". Nagturo din siya sa Pamantasan ng Pilipinas. Kakikitaan ng
diwang makabayan ang marami niyang tula at nobela: lantad sa mga ito ang makatarungang poot sa
pagiging tila isang kolonya ng Estados Unidos ang kaniyang bansang Pilipinas. Naipakulong siya
ni Elpidio Quirino dahil sa bintang na pagiging mapanghimagsik.
Sinalaysay ni Hernandez sa kanyang mga akda ang pakikipagsapalaran at pakikibaka ng mga
manggagawang Pilipino. Minsan siyang napiit dahil sa salang sedisyon, at habang nasa loob ng kulungan,
naisulat niya ang "ISANG DIPANG LANGIT", ang isa sa mga mahahalaga niyang tula. Ito ang iyong
kikilalanin ngayon aking kaibigan.
Hindi nga bat napakahusay ni Hernandez? Kakikitaan ditto ang kaniyang isinulat na tulang
pinamagatang ISANG DIPANG LANGIT.
O, kaibigan, handa ka nab a sa iyong paglalakbay tungo sa karunungan? O sige, simulan mo na.

ANG MGA MATUTUTUHAN MO SA IYONG PAGLALAKBAY!


Sa paglalakbay mo, matututunan mo kaibigan ang mga sumusunod;
1. Malaman ang mga elemento ng tula;
2. Tama at wastong pagsusuri ng isang tula gamit ang teoryang Post-Istrukturalismo;
3. Magamit nang wasto ang mga kohesibong ugnayan/cohesive device at uri ng paghahanapan ng
ugnayan; at
4.

Masagot nang wasto ang mga tiyak na katanungan tungkol sa akda.

SUNDIN MO AKO KAIBIGAN!


Halika at tutulungan kita kaibigan. Magiging maayos at epektibo ang iyong paglalakbay kung
susundin mo ang mga sumusunod na proseso sa iyong paglalakbay:
1. Sagutin mo ang panimulang pagtataya o Pre-test. Itoy gabay upang masukat ang lawak ng iyong
kaalaman sa paksa.
2. Sa tulong ni Mahiwagang Lapis (Susi ng pagwawasto), iwasto mo ang iyong sagot. Huwag kang
mag-alala kung magkakaroon ka man ng maling sagot sapagkat matutulungan ka naman ng mga
gawaing iyong madadaanan.
3. Basahin at unawain mong mabuti ang paksang-aralin at isagawa mo ang mga gawain
4. Gawin at sundin mo ang mga panuto.
5. Suriin mo kung nadaragdagan ba ang iyong kaalaman. Sagutin ang Pangwakas na Pagsusulit o
Post-test.
6. Iwasto mo ang iyong sagot sa tulong ni Mahiwagang Lapis (Susi ng Pagwawasto).
7. Kaibigan mo ako kung kayat gamitin mo nang wasto ang mga gawain mo sa paglalakbay. Sagutin
mo itong mabuti at sikaping hindi masulatan at walang punit ang bawat pahina.
8. Sa panghuli, gumamit ng papel na pagsasagutan.

PAALALA!

Maging tapat ka sa pagsagot at pagwasto ng iyong mga gawain kaibigan!

LAYUNIN

Pagkatapos mabasa ang akda, ikaw ay inaasahang;


1. Matukoy ang mga ginamit na uri ng mga Elemento ng tula;
2. Masuri nang wasto ang tula gamit ang Teoryang post-Istrukturalismo; at
3. Magamit at masuri ang tula gamit ang mga kohesibong ugnayan/cohesive device at uri ng
paghahanapan ng ugnayan.
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Sa iyong pagsusuri, narito ang mga Pamantayan:

Organisasyon-------------------- 30%
Pagkakagamit ng --------------- 30%
mga Simulain ng
Teoryang Post-Istrukturalismo
Gramatika------------------------- 25%
Istilo ng Pagsusulat-------------- 15%
100%
O, ano kaibigan, iyan ang magiging pamantayan mo sa pagsusuri. Huwag kang kabahan sa
iyong gagawing pagsusuri sapagkat may mga susundin kang mga tuntunin.
PAMANTAYAN SA PAGGANAP
Narito naman ang pamantayan mo sa gagawin mong tula.

Orgnasisasyon--------------------------25%

Kaangkupan ng
paggamit ng mga salita----------------30%
Mga ugnayan
(Pagsusuring Pandiskurso
At Katangiang Pang-istruktura)------30%
Nilalaman ng Tula--------------------- 15%
100%

PANIMULANG PAGTATAYA
PAGPIPILI: Bilugan ang titik ng wastong sagot.
1. Siya ayt tinaguriang MAKATA NG MGA MANGGAGAWA.
a. Jose Corazon de Jesus
c. Amado v. Hernandez
b. Alejandro G. Abadilla
d. Clodualdo del Mundo
2. Si Amado v. Hernandez ay lumaki sa __________.
a. Makati
c. Quezon
b. Manila
d. Tondo
3. Si Hernandez ay nag-aral sa Mataas na Paaralan ng Maynila at _____________.
a. Amerikanong Paaralan ng pakikipag-ugnayan
b. Philippine Normal University
c. Unibersidad ng Pilipinas
d. Unibersidad ng Santo Tomas
4. Sa anong pahayagan siya nagsimulang magsulat sa Wikang Tagalog?
a. Pahayagang Mabuhay
b. Pahayagang Mabuhay Ekstra

c. Pahayagang Watawat
d. Pahayagang Taliba

5. Sa taong ________ naging kabahagi siya ng samahang pampanitikan na Aklatang Bayan.


a. 1920
b. 1921

c. 1922
d. 1923

6. Habang nasa loob siya ng kulungan, naisulat niya ang tulang ____________________.
a.
b.
c.
d.

Isang Dipang Langit


Kung Tuyo na ang Luha Mo Aking Bayan
Luha ng Buwaya
Sariling Hardin

7. Sino ang nagpakulong sa kaniya sa bintang na mapanghimagsik?


a. Gloria Arroyo
b. Ferdinand Marcos

c. Manuel Quezon
d. Elpidio Quirino

8. Sino ang napangasawa ni Hernandez?


a. Ateng de la Rama
b. Atang de la Rama

c. Atang de la Rema
d. Atang de la Rima

9. Sa kanilang pagiging mahusay na mag-asawa, silang mag-asawa ay kinilalang ______________.


a. Pambansang Alagad ng Sining
b. Pambansang Alagad ng Politika
10. Sino ang kaniyang mga magulang?
a. Jun Hernandez at Clara Vera
b. Juan Hernandez at Clara Vera

c. Pambansang Alagad ng Literatura


d. Pambansang Alagad ng Edukasyon
c. Juan Hernandez at Claire Vera
d. Juny Hernandez at Claire Vera

II. Panuto: Hanapin sa mga bilog ang mga salitang kasingkahulugan ng salitang nasa paruparo.
Pagkatapos ay ihanay ito.

kulungan

11. ipiniit

mamatay

12.balasik

problema

13.marupok

ikinulong

14.piitan

mahina

15. mapigtal

III. IHANAY MO KAIBIGAN!!!

____16. Ito ay ang pag-uulit ng mga salita


____17. Paghahanap sa teksto ng mga ugnayan
sa mga bahagi ng teksto na di
nababasa.
____18. Nagtataglay ng aytem ngunit walang
paksa.
____19. Nagaganap ito sa magkakasunodsunod na pangungusap o sa loob ng
isang yunit ng pangungusap.
____20. Naghahanap ng ugnayan ng
kahulugan sa loob mismo ng teksto
____21. Nagtataglay ito ng topiko na
sinusundan ng enumerasyon ng mga
aytem.
____22. Nakikilala ito sa pamamagitan ng
pangalawang kayarian,kadalasan itoy

A. Aposisyon
B. Caption
C. Endoporik
D. Imbersyon
E. Katalog
F. Kataporik
G. Paglilipat o Shiftng
H. Pag-uuit na Istruktural
I. Pag-uulit na Leksikal
J. Pag-uulit na Ponolohikal
K. Substitusyon

pangngalan at modipikasyon na
nagbibigay katangian o paliwanag sa
unang istruktura.
____23. Ito ay ang pagbabago sa normal na
ayos ng salita sa loob ng
pangungusap.
____24. Tunog ang inuulit.
.
____25. Pagpapalit ng lugar o posisyon ng
dalawang salita sa loob ng
pangungusap kung nauuna ag paksa sa
panaguri
O, ano kaibigan, kumusta ang iyong pagsagot? Iwasto mo ang iyong mga sagot sa tulong ni
Mahiwagang Lapis (Susi ng Pagwawasto).
Nagging madali bas a iyo ang pagsusulit? Huwag kang mag-alala, panimula pa lamang
iyan. Sinusukat lamang ang taglay mong kaalaman tungkol sa paksa. Huwag kang mag-alala
kaibigan, tutulungan kita sa susunod mong paglalakbay.
ALAM MO BA NA ANG..
Halika kaibigan at tayoy maglalakbay na naman sa panibagong kaalaman. Kaalaman na
magbibigay sa iyo ng mga kasagutan.
Narinig o napag-aralan mo na ba ang Teoryang Post-Istrukturalismo? Marahil hindi pa. Ngayon, ito
ang iyong malalaman.
Ano nga ba ang Teoryang Post-Istrukturalismo?
Aon sa mga kritiko at mga iskolar, ang Post-Istrukturalismo ay nagmula sa Istrukturalismo. Ang
pinakamalawak na paghatak sa mga implikasyon ng Istrukturalismo. Ang paghilasaIstrukturalismosa
ekstrim nitong dulo. Ang reaksiyon at kritika ng Istrukturalismo.
Sa dekada animnapu, nagkaroon ng mga aklat sa sikolohiya, pilosopiya, kasaysayan at panunuring
pampanitikan na malinaw na naimpluwensiyahan ng teoryang signo ni Ferdinand de Saussure.
Ayon sa modelo ni Saussure, matatag ang signipikasyon (paglikha ng kahulugan) kapag ang
sinasagisag at ang tagapagsagisag ay nagtataglay ng kaisahan at kabuuan.

PANANAW NG POST-ISTRUKTURALISMO
Hindi naniniwala ang mga Post-Istrukturalista na defenitibo at matatag (stable) ang kahulugan.
Lohikal ang pagpasok ng pilosopiya.
Ang pilosopiya ay siyang makapagpapalitaw ng kahulugan ng mga blanko, espasyo, absent,
puwang na hindi inilantad sa panitikan.

Hindi buo ang teksto at ito ay walang sentro.


*aphasia- isang linggwistikong sakit

MGA KRITIKO
1. ROLAND BARTHES
- mula dekada animnapu hanggang pitumpu
-ayon sa kanya, ang panitikan ay isang mensaheng signipikasyon kung saan nakalilikha ng
kahulugan
"Ang pinakamalaking kasalanan ng isang manunulat ay magkunwari na ang wika ay isang
natural at malinaw na midyum kung saan makikita ng mambabasa ang isang buo, kongkreto at matatag na
realidad o katotohanan."
-Barthes
- Elements of Semiology(1967)
- ang diskursong Istrukturalismo ay maaaring ipaliwanag(object of explanation)
- The Death of an Author (isangsanaysay)
"ang awtor ang pinagmulan ng teksto at siyang tanging awtoridad sa pagbibigay rito ng
kahulugan."
- radikal ang pormulasyon niya
"ang awtor ay walang estadong metapisikal sapagkat isa lamang siyang lagusan, isang pook
o lunan na dinadaan-daanan ng lenggwahe, ang pinaghabilinan ng mga reperensiya, alingawngaw,
pagtuturing, at iba pa."
DALAWANG URI NG TEKSTO
1. READERLY (teksto para sa pagbasa)
-nagbibigay-daan sa mambabasa na siya lamang ang tagatanggap o tagakain ng mga permanenteng
kahulugan.
2. WR ITERLY (teksto para sa pagsulat)
- nagbibigay-daan sa mga mambabasa bilang tagagawa ng kahulugan.
2. JACQUES LACAN
- nagagamit at nalilinang din sa kaniyang mga isinulat ang teorya ni Saussure.
- ayon sa kanya, hindi mapasusubalian ang kahalagahan ng wika sapagkat kung tutuusin, higit itong
mahalaga kaysa tinatawag na subhektibidad.
DALAWANG URI NG ORDEN

1. IMAGINARY
- isang estado na kung saan walang malinaw napagkakaiba ang subhekto sa obhekto
- walang kaalaman ang bata tungkol sa kaniyang kakanyahan o identidad, kaisahan at sarili
na kakaiba sa iba pa.
2. SIMBOLIKO
- ang kalipunan ng mga praktis o paggamit na may signipikasyon sa lipunan
- ang wika ang pinakamahalagang bahagi ng sistema ng pananasig
3. JACQUES DERRIDA
- isang haligi ng makabagong pananaw
- isang pilosopong Pranses
- sa kaniyang mga aklat tulad ng Of Grammatology (1967) at Positions (1981) tinalakay niya ang
argument niya laban sa kinaugaliang paraan ng pagbabasa at pag-unawa sa teksto
- naniniwala siya na kailangan ng tao ang ganitong pagsandig sa mga paniniwalang metapisikal
- sinikap niyang ipakita kung gaano kahirap na takasan ang pagkakaiba-iba ng sistema ng wika o
alisin ang sarili sa di-tiyak at masalimuot na pag-agos ng mga signipikasyon
4. MICHEL FOUCAULT
- isang pilosopo at historyador na Pranses
- mahalaga ang diskurso subalit hindi bilang isang unibersal na teksto, bilang signipikasyon.

MGA POSIBILIDAD SA PAGGAMIT NG POST-ISTRUKTURALISMO


Sa Pilipinas, lalo na sa disiplina ng kasaysayan, posibleng magamit ang teoryang ito. Maaaring
suriin ang kalipunan ng mga aklat pangkasaysayan na isinulat ng mga historyador na Amerikano at
Pilipino sa unang mga dekadang pamahalaang Amerikano sa bansa. Ang impluwensiya ng mga aspetong
kalakarang Post-Istrukturalismo sa kasalukuyang pag-aaral sa mga disiplina ay hindi parin gaanong
malawak.
Ang ginawang ilang mga kritiko ay sapat na patunay na makabuluhan ang Post-Istrukturalismo
kung gagamitan ito sa pagsusuri sa mga paraan at proseso kung papaanong namamayani ang lakas ng mga
partikular na diskurso sa panitikan, pilosopiya, kasaysayan at pangkalahatang kultura.

YUGTO NG PAGKATUTO

A.TUKLASIN
Gawain 1.

Nakikita mo ba ang larawan? Ano ang larawang iyan? Tama! Ito ay isang kulongan. Marahil ay
nakakita ka ng ganito, hindi hga ba o nakapunta na rin.
Sa iyong palagay, ano kaya ang buhay ng nasa kulungan?
Ngayon, maaari mo ng sagutin ang picture web na iyan.

A. BASAHIN MO
Isang Dipang Langit
Amado V. Hernandez
Ako'y ipiniit ng linsil na puno
hangad palibhasang diwa ko'y piitin,
katawang marupok, aniya'y pagsuko,
damdami'y supil na't mithiin ay supil.
Ikinulong ako sa kutang malupit:
bato, bakal, punlo, balasik ng bantay;
lubos na tiwalag sa buong daigdig
at inaring kahit buhay man ay patay.
Sa munting dungawan, tanging abot-malas
ay sandipang langit na puno ng luha,
maramot na birang ng pusong may sugat,
watawat ng aking pagkapariwara.
Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod,

sa pintong may susi't walang makalapit;


sigaw ng bilanggo sa katabing moog,
anaki'y atungal ng hayop sa yungib.
Ang maghapo'y tila isang tanikala
na kala-kaladkad ng paang madugo
ang buong magdamag ay kulambong luksa
ng kabaong waring lungga ng bilanggo.
Kung minsa'y magdaan ang payak na yabag,
kawil ng kadena ang kumakalanding;
sa maputlang araw saglit ibibilad,
sanlibong aninong iniluwa ng dilim.
Kung minsan, ang gabi'y biglang magulantang
sa hudyat - may takas! - at asod ng punlo;
kung minsa'y tumangis ang lumang batingaw,
sa bitayang moog, may naghihingalo.
At ito ang tanging daigdig ko ngayon bilangguang mandi'y libingan ng buhay;
sampu, dalawampu, at lahat ng taon
ng buong buhay ko'y dito mapipigtal.
Nguni't yaring diwa'y walang takot-hirap
at batis pa rin itong aking puso:
piita'y bahagi ng pakikilamas,
mapiit ay tanda ng di pagsuko.
Ang tao't Bathala ay di natutulog
at di habang araw ang api ay api,
tanang paniniil ay may pagtutuos,
habang may Bastilya'y may bayang gaganti.
At bukas, diyan din, aking matatanaw
sa sandipang langit na wala nang luha,
sisikat ang gintong araw ng tagumpay...
layang sasalubong ako sa paglaya!
B. LINANGIN
Batid ko kaibigan na malawak ang iyong kaalaman. Gayunpaman, narito ako upang tulungan kang
hasain pang lalo ang taglay mong kaalaman. At upang tayo ay magtagumpay, may ibabahagi akong mga
bagay namakakatulong sayo upang iyong masuri nang wasto ang isang akda batay sa teoryang PostIstrukturalismo.
Handa ka na ba kaibigan? Kung gayon, tayoy magsimula na.
ELEMENTO NG TULA

Ang mga sumusunod ay mga sangkapat element ng tula:


1. SUKAT- ito ang bilang ng pantig sa bawat taludtod ng tula. Ang karaniwang bilang ng pantig sa
bawat taludtod ng tulang may sukat ay wawaluhin, lalabindalawahin, lalabing-animin at lalabingwaluhin.
2. TUGMA- ito ang pagkakatulad o pagkakapare-pareho ng huling tunog o ng mga huling salita sa
bawat taludtud ng tula. May dalawang uri ng tugma: (a). karaniwan at (b). ganap.
Halimbawa ng karaniwan:
Sintalim ng kidlat ang mga mata ng tanod
sa pintong may susit walang makalapit;
sigaw ng bilanggo sa katabing muog,
anakiy atungal ng hayop sa yungib.
Hlimbawa ng ganap;
Kaliluhat sama ng uloy nakatayo
at ang kabaitay kimit nakayuko
santong katwiray lugami at hapo
at luha na lamang ang pinatutulo.
3. TAYUTAY O MATATALINGHAGANG SALITA
Ang ilang mga halimbawa ng tayutay na ginagamit sa tula ay ang mga sumusunod:
a. PAGTUTULAD O SIMILE- itoy tuwirang paghahambing ng dalawang magkaibang bagay na
ginagamitan ng salitang tulad, para, gaya, tila, wari, anaki, wangis, kagaya at iba pa.
Halimbawa:
Kung tatanawin mo sa malayong pook
Akoy tila isang nakadipang krus
b. PAGMAMALABIS O HAYPERBOLI- itoy pagbibigay ng labis-labis na kakayahan o
katangian ng isang tao o bagay.
Halimbawa:
Ang bundokminsay nakatayong langit inaabot minsay nakadapangdagat
niyayapos.
c. PAGTATAO O PERSONIPIKASYON- itoy pagbibigay katangian , o kaya ay tumutukoy sa
gawi, kilos o gawain ng tao sa isang bagay, may buhay man o wala.
Halimbawa:
Ang mga halaman kung iyong malasin
sa katahimikan ay nananalangin.
d. PAGWAWANGIS- itoy paggamit ng pahiwatig na paghahambing.
Halimbawa:
Ang buhay ay guryon: marupok, malikot
dagitit dumagit saan man sumuot
4. LARAWANG-DIWA- tinatawag itong imagery sa Ingles. Tumutukoy ito sa mga salitang kapag
binabanggit sa tula ay nag-iiwan ng kahulugan sa mapanuring isipan ng mambabasa.
Halimbawa:
May paambun-ambon, may tika-tikatik
na sinasabayan ng kulog at lintik
may unos at bagyong nakatitigatig
sa lalong payapat matimping dibdib.
5. SIMBOLISMO- tinatawag itong poetic symbol sa Ingles. Ito ang mga salitang kapag binabanggit
sa tula ay nag-iiwan ng kahulugan sa mapanuring isipan ng mambabasa.

Halimbawa:
araw o liwanag- pag-asa
dilim o takipsilim-suliranin o kalungkutan
puti- kumakatawan sa kalinisan o kawagasan
krus-pagtukoy sa relihiyon o diyos
asul- kapayapaan
pula- katapangan o kaguluhan
Naunawaan mo ba ang aralin kaibigan? NGAYON, KUNG TAGALAng naunawaan mo nang
mabuti ang teksto, sagutin mo ang mga susunod na Gawain. Magsimula ka na!

GAWAIN 1. TUKUYIN MO!


Panuto: Tukuyin ang isinasaad ng bawat bilang. Hanapin ang sagot sa kahon.

pagtatao o personipikasyon
simbolismo
tugma

pagwawangis

pagmamalabis o hayperboli

larawang-diwa
pagtutulad o simile
sukat

1. Ito ang pagkakatulad o pagkakapare-pareho ng huling tunog o ng mga huling salita sa bawat
taludtud ng tula.
2. Tinatawag itong poetic symbol sa Ingles. Ito ang mga salitang kapag binabanggit sa tula ay nagiiwan ng kahulugan sa mapanuring isipan ng mambabasa.
3. Tinatawag itong imagery sa Ingles. Tumutukoy ito sa mga salitang kapag binabanggit sa tula ay
nag-iiwan ng kahulugan sa mapanuring isipan ng mambabasa.
4. Itoy paggamit ng pahiwatig na paghahambing.
5. Itoy pagbibigay katangian , o kaya ay tumutukoy sa gawi, kilos o gawain ng tao sa isang
bagay, may buhay man o wala.
6. Itoy pagbibigay ng labis-labis na kakayahan o katangian ng isang tao o bagay.
7. Itoy tuwirang paghahambing ng dalawang magkaibang bagay na ginagamitan ng salitang tulad,
para, gaya, tila, wari, anaki, wangis, kagaya at iba pa.
8. Ito ang bilang ng pantig sa bawat taludtod ng tula. Ang karaniwang bilang ng pantig sa bawat
taludtod ng tulang may sukat ay wawaluhin, lalabindalawahin, lalabing-animin at lalabingwaluhin.

Naging madali ba ang Gawain sa iyo? Ngayon, bibigyan pa kita ng isang Gawain upang
mas lalo mong maunawaan ang aralin. Iwasto mo muna ang iyong sagot.
GAWAIN 2.
PANUTO: Sabihin kung anong uri ng tayutay ang mga sumusunod:
a. kung minsay tumatangis ang lumang batingaw
b. sa maputlang araw saglit ibibilad
sanlibong aninoy iniluwa ng dilim

c. sigaw ng bilanggo sa katabing muog


anakiy atungal ng hayop sa yungib

d. sa munting durungawan, tanging abot-malas


ay sandipang langit na puno ng luha

Nalaman mo na ba ang mga gamit ng tayutay? Siguro naman ay oo sapagkat nasagot mo lahat ang
mga gawain. Iwasto mo gamit ang Mahiwagang lapis.
Ngayon naman, may ibabahagi akong kaalaman na magiging gabay mo sa pagsusuring gagawin.

KOHESIBONG UGNAYAN/COHESIVE DEVICE

1. Kohesyong Reperensyal
--nagtuturo ito upang Makita ang ugnayan ng kahulugan sa ibat ibang bahagi ng teksto
Hal. Dumating si Nena kahapon
Dala-dala niya ang kanyang aklat.

Uri ng Paghahanapan ng Ugnayan

a. Endoporik
- Naghahanap ng ugnayan ng kahulugan sa loob mismo ng teksto
Uri:
A.1 ANAPORIK
-sa loob naghahanap ng mga kohesibong ugnayan ng mga kahulugan, maaaring balikan ang
pagbabasa ng mga naunang bahagi ng teksto.
A.2 KATAPORIK
-paghahanap sa teksto ng mga ugnayan sa mga bahagi ng teksto na di nababasa.

b. EKSOPORIK
- Naghahanap ng ugnayan ng kahulugan sa labas ng teksto
Hal. Mga babasahin/ karanasan
2. SUBSTITUSYON
-maaaring napapalitan ang parirala, sugnay o salita at ang maaaring ipakita ay ibang
parirala, sugnay o salita.
Hal. Bumili siya ng bagong Celeste sapagkat nakakita siya ng magandang modelo ng
sasakyan.

3. ELIPSIS
- Salita, parirala o sugnay na inaalis o kinakaltas upang magkaroon ng malapit na ugnayan ng
mga pahayag.
Hal. T: nauunawaan ba ninyo ang leksiyon?
S: oo, ()
4. PANGATNIG
-walang nawawalang bahagi ng pangungusap bagkus may nakikitang pagdaragdag.
Hal. Pumunta ako sa palengke, upang bumili ng ulam ngunit nakalimutan ko pala ang
aking wallet.
Naintindihan mo ba, kaibigan? Kung gayon, atin ng ipagpatuloy an gating talakayan.
Ang una ay ang Pagsusuring Pandiskurso. Ang pangalawa ay ang Katangiang Pang-istruktura. Ang
pokus naman nito ay ang mga sumusunod:
1. PAGLILIPAT O SHIFTING
-pagbabago sa normal na ayos ng salita sa loob ng pangungusap.
Hal.

Di ba tayoy narito
Upang maging Malaya

2. IMBERSYON
-pagpapalit ng lugar o posisyon ng dalawang salita sa loob ng pangungusap kung nauuna ang paksa
sa panaguri.

Hal.

Ang pag-ibig natin


Ay walang hanggang paalam

3. ELLIPSIS/OMISYON
-isa o higit pang salita
4. SUBSTITUSYON
- Nagaganap ito sa magkakasunod-sunod na pangungusap o sa loob ng isang yunit ng
pangungusap
PARALELISMO
a. Repitisyon o pag-uulit na ponolohikaltunog
b. Pag-uulit na istrukturalpare-parehong istruktura(pandiwa,pangaguri)
c. Pag-uulit na leksikalpag-uulit ng mga salita
Hal. Ang pag-ibig natin
Ay walang hanggang paalam
KATALOG
-nagtataglay ng topiko na sinusundan ng enumerasyon ng mga aytem
Hal. Siyay isang batang may asul na titig
Ang kanyang kilos
Ang kanyang pagsasalita
Ang kanyang pananalita
CAPTION
-nagtataglay ng aytem ngunit walang paksa
Hal.

Pagsasanib ng kaisipan
Pagsusuri ng wastong pananaw
Pangangalap ng mga impormasyon

APOSISYON
- Nakikilala ito sa pamamagitan ng pangalawang kayarian, kadalasan itoy pangngalan at
modipikasyon na nagbibigay katangian o paliwanag sa unang istruktura.
Hal.

At iguguhit ng aking pluma


Ilaw na maningning kahapon at ngayon

Pag-uulit sa Paksa
-repitisyon ng paksa-panghalip
Hal.

A) Pilipinas,bayang itong minamahal


B) Subalit ang buwan wala siyang kaalam-alam sa nakaraan.

Nasundan mo ba ang lahat ng ating tinalakay kaibigan? Hindi ka ba nalito? Nauunawaan mo na ba


ang lahat? Kung ganoon, nay inihanda akong mga gawain para sa iyo na susukat kung nauunawaan mo nga
ba talaga ang ating tinalakay kanina.

GAWAIN 3. LOOK IT!


PANUTO: Hanapin sa mga isda ang tamang sagot.
____1. Ito ay ang pag-uulit ng mga salita
____2. Paghahanap sa teksto ng mga ugnayan
sa mga bahagi ng teksto na di
nababasa.
____3. Nagtataglay ng aytem ngunit walang
paksa.
____4. Nagaganap ito sa magkakasunodsunod na pangungusap o sa loob ng
isang yunit ng pangungusap.
____5. Naghahanap ng ugnayan ng
kahulugan sa loob mismo ng teksto
____6. Nagtataglay ito ng topiko na
sinusundan ng enumerasyon ng mga
aytem.
____7. Nakikilala ito sa pamamagitan ng
pangalawang kayarian,kadalasan itoy
pangngalan at modipikasyon na
nagbibigay katangian o paliwanag sa
unang istruktura.
____8. Ito ay ang pagbabago sa normal na
ayos ng salita sa loob ng
pangungusap.
____9. Tunog ang inuulit.
.
____10. Pagpapalit ng lugar o posisyon ng
dalawang salita sa loob ng
pangungusap kung nauuna ag paksa sa
panaguri

Pag-uulit
na
leksikal

Substitusyon

O, kumusta ang iyong pagsagot? Nagustuhan mo ba


Paglilipatmo ba lahat? Nakawiwili,
ang gawain? Nasagot
Endoporik hindi
o Shiftng
nga ba? Ngayon naman, upang mas lalo mong
maunawaan ang akda, gawin mo ang susunod na
Gawain na maiuugnay sa sariling buhay.
Pag-uuit
na
GAWAINIstruktural
4. GAWIN MO!

Katalog

PANUTO: Ilagay sa lumang papel na nasa ibaba ang


mga solusyon sa bawat sitwasyong ibibigay. Pagbutihin
Pag-uulit na
Imbersyon
ang pagsagot.
Ponolohikal
1. Pinagbintangan ka ng iyong kamag-aaral na
ikawAposisyon
ang kumuha

sa

Caption
kaniyang

aklat.

Isinumbong ka niya sa inyong guro.

Kataporik

2. Nakita mo ang iyong kamag-aral na nandadaya sa pagsusulit. Mayroon siyang kodigo. Tinakot ka
niya na huwag magsusumbong sa guro.

3. Nawawala ang pitaka sa bag mo. May hinala ka na ang iyong kamag-aaral na katabi mo ang
kumuha.

Napakahusay mong sumagot sa lahat ng mga sitwasyon. Madali ba ang iyong gawain? Binabati
kita kaibigan at nasasagot mo lahat ang mga gawain.
Ditto sa gawaing susunod kaibigan, paghusayan mong sagutin sapagkat ditto natin alamin kung
naunawaan mo ba talaga ang aralin. Gawin mo ang susunod na gawain. Paghusayan mo.
GAWAIN 5. SUBUKAN MO!
PANUTO: Suriing mabuti ang mga piling sipi sa tulang BARTOLINA ni Amado V. Hernandez. Ang
pagkakaugnay ng bawat taludtod at saknong. Gamitin ang napag-aralan.
BARTOLINA
Maraming araw nang buhay ko'y ganito:
sa mundo'y tiwalag at ang tanging mundo
ay apat na taklob ng muog na bato . . .
taglamig, nievera, tag-init ay hurno.
Ang sariwang hangin ay di nalalanghap
liban sa malapot na may lasong gaas,
habulan ang luksang maghapo't magdamag,
guhit sa noo ko'y siyang tanging bakas.

O, kaibigan, sinubukan mo ngang suriin ang akda. Napakahusay!

PAGNILAYAN AT UNAWAIN
GAWAIN 6. Buuin mo!
Bumuo ng isang islogan o kawikaang kaugnay ng kaisipang
napapaloob sa tulang Isang Dipang Langit. Isulat ito sa loob ng
kahong hinahawakan ng lalaki.

Nasiyahan ka bas a iyong ginawa kaibigan? Marami ka na bang natutunan? Siguro namay marami
na. Kung mayroon kang katanungan, huwag kang mahiyang lumapit sa aking mga kaibigan. Nariyan sila
upang alalayan ka sa pagsasagot.

ILIPAT
Sabahaging ito, susubukan mong gamitin ang mga natutunan mo sa mga unang aralin. Sikapin
mong gawin lahat ang mga nakasaad sa bawat gawain, ha? Sa gawaing ito, susulat ka ng sarili mong tula
na may kaugnayan pa rin sa aralin. Handa ka nab a? Natityak kong handa ka na kaya maaari mo na itong
umpisahan. Pagbutihin!
GAWAIN 7. SULAT...SULAT...GO...!
Panuto: Sumulat ng isang tula na may kaugnayan sa araling tinalakay batay sa mga tiyak na pamantayan
gaya ng sumusunod:
a. Limang saknong lamang
b. Bawat saknong ay may apat na taludtod
c. May tugma

Nahirapan ka ba sa paglikha ng iyong sariling tula? Kung gayon, naging madali sa iyo ang
paggawa ng isang tula. Binabati kita kaibigan!
Ngayon naman kaibigan, oras mo na para magsuri ng isang akda. Pero ba iyan, paalala
dapat na sundin ang mga proseso at gabay sa iyong pagsusuri, maliwanag? Kung handa ka na, marahil ay
uwee mo nang umpisahan.
GAWAIN 8. KILATISIN

MO!

Suriin mo ang akdang Isang Dipang Langit ni Amado v. Hernandez gamit ang Teoryang PostIstrukturalismo. Simulan muna para matapos na. Paghusayan!
Isang Dipang Langit
Amado V. Hernandez
Ako'y ipiniit ng linsil na puno
hangad palibhasang diwa ko'y piitin,
katawang marupok, aniya'y pagsuko,
damdami'y supil na't mithiin ay supil.
Ikinulong ako sa kutang malupit:
bato, bakal, punlo, balasik ng bantay;
lubos na tiwalag sa buong daigdig
at inaring kahit buhay man ay patay.
Sa munting dungawan, tanging abot-malas
ay sandipang langit na puno ng luha,
maramot na birang ng pusong may sugat,
watawat ng aking pagkapariwara.
Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod,
sa pintong may susi't walang makalapit;
sigaw ng bilanggo sa katabing moog,

anaki'y atungal ng hayop sa yungib.


Ang maghapo'y tila isang tanikala
na kala-kaladkad ng paang madugo
ang buong magdamag ay kulambong luksa
ng kabaong waring lungga ng bilanggo.
Kung minsa'y magdaan ang payak na yabag,
kawil ng kadena ang kumakalanding;
sa maputlang araw saglit ibibilad,
sanlibong aninong iniluwa ng dilim.
Kung minsan, ang gabi'y biglang magulantang
sa hudyat - may takas! - at asod ng punlo;
kung minsa'y tumangis ang lumang batingaw,
sa bitayang moog, may naghihingalo.
At ito ang tanging daigdig ko ngayon bilangguang mandi'y libingan ng buhay;
sampu, dalawampu, at lahat ng taon
ng buong buhay ko'y dito mapipigtal.
Nguni't yaring diwa'y walang takot-hirap
at batis pa rin itong aking puso:
piita'y bahagi ng pakikilamas,
mapiit ay tanda ng di pagsuko.
Ang tao't Bathala ay di natutulog
at di habang araw ang api ay api,
tanang paniniil ay may pagtutuos,
habang may Bastilya'y may bayang gaganti.
At bukas, diyan din, aking matatanaw
sa sandipang langit na wala nang luha,
sisikat ang gintong araw ng tagumpay...
layang sasalubong ako sa paglaya!

Gaano ka na kahusay?
PAGPIPILI: Bilugan ang titik ng wastong sagot.
1. Siya ayt tinaguriang MAKATA NG MGA MANGGAGAWA.
a. Jose Corazon de Jesus
c. Amado v. Hernandez
b. Alejandro G. Abadilla
d. Clodualdo del Mundo
2. Si Amado v. Hernandez ay lumaki sa __________.
a. Makati
b. Manila

c. Quezon
d. Tondo

3. Si Hernandez ay nag-aral sa Mataas na Paaralan ng Maynila at _____________.


a. Amerikanong Paaralan ng pakikipag-ugnayan

b. Philippine Normal University


c. Unibersidad ng Pilipinas
d. Unibersidad ng Santo Tomas
4. Sa anong pahayagan siya nagsimulang magsulat sa Wikang Tagalog?
a. Pahayagang Mabuhay
b. Pahayagang Mabuhay Ekstra

c. Pahayagang Watawat
d. Pahayagang Taliba

5. Sa taong ________ naging kabahagi siya ng samahang pampanitikan na Aklatang Bayan.


a. 1920
b. 1921

c. 1922
d. 1923

6. Habang nasa loob siya ng kulungan, naisulat niya ang tulang ____________________.
a.
b.
c.
d.

Isang Dipang Langit


Kung Tuyo na ang Luha Mo Aking Bayan
Luha ng Buwaya
Sariling Hardin

7. Sino ang nagpakulong sa kaniya sa bintang na mapanghimagsik?


a. Gloria Arroyo
b. Ferdinand Marcos

c. Manuel Quezon
d. Elpidio Quirino

8. Sino ang napangasawa ni Hernandez?


a. Ateng de la Rama
b. Atang de la Rama

c. Atang de la Rema
d. Atang de la Rima

9. Sa kanilang pagiging mahusay na mag-asawa, silang mag-asawa ay kinilalang


______________.
a. Pambansang Alagad ng Sining
b. Pambansang Alagad ng Politika
10. Sino ang kaniyang mga magulang?
a. Jun Hernandez at Clara Vera
b. Juan Hernandez at Clara Vera

c. Pambansang Alagad ng Literatura


d. Pambansang Alagad ng Edukasyon
c. Juan Hernandez at ClaireVera
d. Juny Hernandez at ClaireVera

II. Panuto: Hanapin sa mga bilog ang mga salitang kasingkahulugan ng salitang nasa paruparo.
Pagkatapos ay ihanay ito.

kulungan

mamatay

problema

ikinulong

mahina

11. ipiniit

12.balasik

13.marupok

14.piitan

15.mapigtal

III. Panuto: Sagutin ang katanungan. Isulat ito sa graphic organizer.


Anong kaisipan ang nilinang ng tula? Ibigay ang mga detalyeng sumsuporta sa mga
kaisipang ito.

KAISIPAN

Sumusuportang
detalye

Sumusuportang
detalye

Sumusuportang
detalye

Sumusuportang
detalye

Sumusuportang
detalye

PANIMULANG PAGTATAYA
1. C
2. D
3. A
4. C
5. C
6. A
7. D
8. B
9. A
10. B
11. Ikinulong
12. Problema
13. Mahina
14. Kulongan
15. Mamatay

GAANO KA NA KAHUSAY?
1. C
2. D
3. A
4. C
5. C
6. A
7. D
8. B
9. A
10. B
11. Ikinulong
12. Problema
13. Mahina
14. Kulongan
15. Mamatay

Ano kaibigan, nagustuhan mo ba ang ating


paglalakbay? Marami ka bang natutunan? Dito na
nagtatapos ang iyong paglalakbay. Ihahatid na kita sa
iyong bahay.
Sa aking paglilinis sa aming bodega, naidlip ako
roon sa may upuan.
Ngayon, akoy tinawag na ng aking nanay upang
mananghalian.

Hanggang sa muli!

You might also like