Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

SCHOOLS DIVISION OF PARAAQUE CITY

Paraaque District IV
PARAAQUE ELEMENTARY SCHOOL UNIT II

IKA-APAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT SA CHARACTER EDUCATION V


SY. 2014- 2015
Pangalan :______________________________________
Iskor:____________
Section: _______________________
Petsa: ___________
Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Si Marvin ay pangulo ng kanilang pangkat. Sa kanilang pulong ang mga miyembro ay
nagbibigay ng ibat-ibang mungkahi, anoang dapat gawin ni Marvin?
A. Pakinggan ang bawat mungkahi ng mga kasamahan.
B. Bigyang halaga ang mungkahi ng bawat isa.
C. Talakaiyin ang bingay na opinion ng bawat isa.
D. Lahat ng nabanggit.
2. Sa pulong ng mga batang mag-aaral ukol sa darating na field trip tatlo ang hindi
intresado at ang mga natira ay interesado, kung ikaw ang lider, ano ang gagawin mo sa
mga hindi intresado?
A. Palabasin ang mga ito.
C. Isumbong ito sa guro.
B. Papaliwanagan ang mga ito.
D. Huwag na lamang silang pansinin.
3. Napagkasunduan ng inyong grupo na kayo ay magkaroon ng Clean-up Activity sa araw ng
Linggo , ngunit ikaw ang lider ay nais mong gawin ito sa araw ng Sabado, ano ang
gagawin mo?
A. Pagbigyan ang opinion ng nakakarami
C. Sumalungat sa opinion ng
nakakarami.
B. Huwag siputin ang Clean-UP Activity
D. Tumawag ng isa pang
pagpupulong.
4. Kayong magkapatid ay nanood ng TV, dalawa sa iyong mga kapatid ay nais manood ng
cartoons, gusto mo sanang manood ng basketball ano ang gagawin mo?
A. Palalabasin ang mga kapatid
C. Pagbigyan na lamang ang mga kapatid.
B. Papatayin na lamang ang TV.
D. Isumbong ang mga ito sa magulang.
5. Ang inyong barangay ay may curfew hanggang sa ika-10 ng gabi lamang maaring
lumabas ang mga bata,ngunit may kasunduan kayong magkakaibigan na maglalaro
ngunit lalampas ito sa curfew, ano ang gagawin mo?
A. Magtatago sa mga tanod na nagbabantay
C. Magdadahilan na lamang sa mga
tanod.
B. Sundin ang curfew.
D. Awayin ang mga nanghuhuli.
6.

Upang laging tumahimik ang klase, may mga napagkasunduang kaparusahan sa


mahuhuling mag-iingay. Ayaw mo sa patakarang ito dahil alam mong maingay ka, ano
ang mabuting gawin?
A. Susundin ang napagkasunduan ng klase.
C. Kalabanin ang maglilista ng
maingay.
B. Pakiusapan ang maglilista.
D. Bigyan ng libreng pagkain ang
maglilista.

7. Ayaw mo ng gawaing itinakda sa iyo ng lider ninyo sa klase para sa proyektong Pasko
saLumang Dyaryo. Ayaw mong maging tagahakot ng mga lumang dyaryo.Ano ang
mabuti mong gawin.
A. Lumiban sa klase upang hindi makahakot .
C. Awayin ang lider.
B. Makisama sa klase at gawin ang itinakda
D. Walang dapat gawin.
8.

Nais ng mga kapangkat mo ng magtanghal ng sayaw. Ang gusto mo ay awit. Alam mo na


may karapatan ka na magsalita at magbigay ng mungkahi, ano ang gagawin mo?
A. Ibigay ang iyong mungkahi sa mahinahon na paraan.
B. Itago na lamang ang iyong nararamdaman.
C. Huwag na lamang sumali.
D. Awayin ang mga pumili ng sayaw.

9. Si Aljon ay naatasang ng kanilang guro na magsaliksik ng magandang dula na itatanghal


ng buong klase. Dalawa ang nakuha ni Aljon. Pareho niyang gusto ang mga ito,ngunit
may napili ang klase, ano ang mabuting gawin?
A. Makiayon sa napili ng klase.
C. Kausapin ang nakararami na
gawing dalawa ang dula
B. Humanap ng kakampi sa klase.
D. Wala sa nabanggit.
10.Alin sa mga sumusunod ang programang pangkabuhayan ng pamahalaan ang dapat
lahukan ng isang bata kagaya mo?
A. Programa laban sa katiwalian ng gobyerno. C. Programang pang kalikasan at
pangkalinisan
B. Pagkaing sapat para sa lahat.
D. Programang bantay presyo
11.Nais ng pangkat na magkaroon ng proyekto. Ano ang dapat gawin?
A. Tumawag ng pulong at magtalakayan
B. Pabayaan ang pangulo na mag-isip ng paraan.
C. Sumunod na lamang sa kagustuhan ng karamihan
D. Makipagdaldalan habang nagpaliwanag an glider.
12.Tumawag ng pulong ang pangulo. Ano ang gagawin mo?
A. Makinig sa talakayan at magbigay ng mungkahi kung kinakailangan.
B. Sumali sa talakayan at salungatin ang mga mungkahi ng kapwa miyembro.
C. Matulog at sundin na lamang ang pangulo
D. Palitan ang pangulo.
13.Habang nagtatalakayan ang pangkat, may ibang hindi sang-ayon. Ano ang gagawin?
A. Magpaliwanag nang mahinahon
B. Makinig at manatiling tahimik
C. Makipagsigawan
D. Palabasinang hidi sasang-ayon.
14.May palatuntunan sa inyong paaralan at ang inyong pangkat ang mamumuno. Ano ang
iyong gagawin
A. Pababayaan sila
B. Sumali at makipagtulungan sa kasapi
C. Sumali ngunit limitahan ang pagtulong
D. Iutos sa ibang tao ang gawing nakaatang sa iyo.
15.Nais mong sumali sa paligsahan sa pagtula. Ano ang gagawin mo?
A. Lalapit sa namumuno at magpapalista

B. Magpapalista pero aayaw sa oras ng labanan


C. Huwag sumali at itoy sagabal lamang
D. Hikayatin ang iba na huwag sumali.
16.Ang pamilya ni Ben ay namasyal sa Luneta Park.Alin kaya sa mga sumusunod ang hindi
nila dapat gawin?
A. Umiwas maglaro sa mga halamanan.
C. Magtapon ng kalat sa kung saansaan.
B. Maglakad sa tamang daanan.
D. Sumunod sa mga babala.
17.Niyaya ka ng mga kaibigan mo na magsulat ng sa pader dahil walang taong
nakakakita.Ano ang gagawin mo?
A. Maki-ayon sa mga kaibigan.
C. Bantayan ang mga kaibigan upang hindi
mahuhuli.
B. Magtago kung mahuhuli ang mga kaibigan. D. Pagsabihan ang mga kaibigan na
mali ang gagawin
18.Bawal ang dumura sa kung saan-saan,ngunit ang kaibigan mo ay nagkatuwaang gagawin
ito. Ano ang gagawin?
A. Kausapin at ipaliwanag na mali ang gagawin C. Itanggi na sila ay mga kaibigan
mo.
B. Ipahuli sa mga pulis ang mga kaibigan
D. Tawagin ang mga magulang ng
mga kaibigan.
19.Piliin ang hindi tamang gawin sa mga pampublikong lugar gaya ng parke.
A. Pagtapon ng basura sa tamang basurahan
C. Pagsunod sa mga babala.
B. Pag-ihi sa mga gilid ng pader.
D. Paglalaro sa tamang lugar
palaruan.
20.Alin ang hind tamang gawin sa lugar gaya ng simbahan?
A. Pagsuot ng tamang kasuotan.
C. Paglalagay ng chewing gum sa
mga upuan.
B. Tahimik na makikinig sa pari.
D. Paggalang sa lugar sambahan
21. 25 Alin sa mga sumusunod na letra ang mga gawaing nakatutulong sa pangangalagang
kalinisan at kaayusan sa mga pook pampubliko.
A. Sumunod si Vergel sa mga nakapaskil na babala sa parke.
B. Umiwas sa pagkakalat sa lansangan ang batang si Katya.
C. Sinasabi ni Donna sa mga bata kung anong mga babasahin at susundin kung nasa loob
ng simbahan.
D. Pinipilas ni Luisito ang mga pahina ng aklat sa pampublikong aklatan.
E. Pinababayaan ni Noel ang mga maliliit na bata sa paglalaro at magtatapon ng kalat sa
kalye.
F. Si Grace ay tumulong sa paggawa ng mga babala para sa kalye.
G. Sumunod si Erica sa mga umiiral na batas na ngangalaga sa mga pampublikong lugar.
26. 30. Sinu sino sa mga sumusunod na bata ang isinasaalangalang ang kalusugan ng kapwa
sa pagpapasya tungkol sa kalusugan? Isulat ang letra sa sagutang papel.
A. Ang magkakaibigang Jerome at A-jay ay nagpasyang sa dagat na lamang maliligo kaysa sa
sapang pinagkukunan ng tubig sa kanilang lugar.
B. Niyaya ng kanyang ina si Sofia na sa bahay na lamang maglalaba at hindi sa balong
pinakukunan ng tubig.
C. Naligo sa balong pinagkuhanan ng inumin ng kanilang lugar sina Mel at Mike.

D. Nilinis ng mag-amang Jose at Joshua ang kanal sa harapan ng kanilang bahay.


E. Nililinis araw-araw ng pamilya Santos ang kulungan ng manok sa kanilang bahay.
F. Gumawa ng Compost pit na malayo sa bahay ang pamilya ni Sarah.
31.- 35 Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng katapatan sa paggawa?
A. Tinatapos ang Gawain kahit walang nakatingin o nagbabantay.
B. Mabilis na tinapos ang gawaing inaatas.
C. Lumahok sa anumang Gawain na walang reklamo.
D. Kusang loob na tutulong sa mga gawaing bahay.
E. Hindi naghihintay ng kapalit ang ginagawang tulong.
F. Kumilos habang may nagbabantay at pagkaalis ng nagbabantay ay itigil ang ginagawa.
36. Ang iyong kapatid ay nagyayang lumabas kahit na inuutusan siya ng nanay na tapusin ang
paglilinis habang wala siya.Ano ang gagawin mo kung ikaw ang kanyang nakakatandang
kapatid?
A. Hikayatin mo siyang maging tapat sa lahat ng Gawain
C. Sasamahan mo siya.
B. Pagalitan ito.
D. Isusumbong ito.
37. Ano ang mabuting payo sa mga kabataang gaya ninyo upang maging matagumpay sa
anumang Gawain.
A. Maging matapat paminsan-minsan
C. Hikayatin ang kapwa na maging
matapat
B. Maging mapaghangad ng kapalit sa lahat ng nagawa.
D. Maging tahimik na lamang.
38. Nagtatalo ang inyong pangkat dahil wala itong napagkasunduan.Bilang lider, ano ang
gagawin mo?
A. Tawagin ang guro upang matigil ito.
C. Ipaliwanag sa grupo na mahalaga
ang pagkakaisa
B. Mag quit na lang sa pagiging lider.
D. Walang dapat gawin.
39. Inani na ng tatay mo ang palay sa inyong bukid.
A. Pagpapahingahin ko ang tatay ko.
B. Imumungkahi ko na taniman naming ng ibang halaman ang bukid.
C. Gagawin kong palaruan ang bukid.
D. Pahahalagahan ang pinagkukunan ng ikinabubuhay ng pamilya.
40. . Wala kayong bakanteng lupa sa paligid ng bahay.
A. Maghapon akong manonood ng telebisyon.
gulay sa paso o basyong lata.
B. Makikipaglaro ako sa labas ng bahay.
ibang lupa.

C. Magtatanim ako ng halamang


D. Pagtrabahuin ang magulang sa

41. Pinagtatanim kayo sa paaralan ng mga gulay.


A. Hahanap ako ng mga buto para itanim.
C. Bumili sa palengke ng tanim.
B. Magdadahilan akong wala kaming mga buto ng gulay. D. Hindi ko papansinin ang utos ng
guro.
42. Ang mga gulay sa likod ng bahay ninyo ay maari nang anihin.
A. Kukunin ko na at itatago para iluto.
C. Ipapaani ito sa kapitbahay.
B. Hahayaan kong makalimutan ni tatay ang mga ito.
paglalaruan ko

D. Kukunin ko ang mga gulay at

43. May natutuhan akong paraan sa pagpaparami ng pagkain sa programa sa radyo.


A. Wala akong pakialam dahil hindi naman ako magsasaka.
B. Ibabahagi ko sa aking mga kamag-aaral at guro ang natutuhan ko.
C. Hindi ko gagawin ang anumang narinig ko dahil imposible ito
D. Pag-aralan ito at ibahagi ngunit may kapalit na kabayaran.
44. May bakanteng lote sa bakuran ng pamamahay ni Aling Ester,Ano ang mainam nilang gawin
upang mapakinabangan ito?
A. Linisin at gawin itong bakuran.
C. Linisin at gawing palaruan.
B. Linisin at taniman ng gulay.
D. Lahat ng nabanggit.
45. Alin sa mga halamang ito ang mabuting itanim sa bakanteng lote upang makatulong sa
kabuhayan?
A. Magagandang bulaklak
C. Palay
B. Ibat ibang gulay
D. lahat ng nabanggit
46. Sa panonood ng programa sa telebisyon, mas gusto mong panoorin ang ...
A. Mga palabas ng ibang bansa
C.Talakayan ukol sa kalutasan ng kahirapan ng
bansa
B. Mga cartoons lang
D. Mga palabas na nagbibigay ng saloobing Amerikano.
47. Ang mga laruang binibili kong babasahin sa tindahan ay ..
A. Ang mga nagbibigay-aral
C. Ang mga mamahalin
B. Ang mga gawa sa ibang bansa
D . Nagbibigay kaalaman tungkol sa kabuhayan.
48. Kailangan mo ng bagong bag, alin sa mga ito ang bibilhin mo?
A. Alinman sa mga gawa sa bansa
C. Iyong may tatak na imported
B. Iyong usong suot ng mga taga ibang bansa
D. Mula sa materyales na recycled.
49. Ano ang masasabi mo sa ating mga gawang Pinoy na damit?
A. Mahirap isuot.
C. Magandang isuot dahil sa tibay.
B. Hindi magandang pakinggan
D. Walang maitulong sa kaunlaran ng ating bansa.
50. Kung akoy bibigyan ng perang pambili ng kagamitan,itoy nararapat mula sa materyales na
A. Hindi nakakasira ng kalikasan
C. Mula sa mamahaling materyales
B. Mula sa ibang bansa.
D. May kamahalan.

You might also like