Kabanata 64

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

KABANATA 64: ANG NOCHE BUENA

TAGPUAN:

KAGUBATANG PAG-AARI NG MGA IBARRA

TAUHAN:

Sisa

Basilio

Sinang

Kapitan Basilio

Elias

MGA PANGYAYARI:

1. Noche Buena na ngunit puno pa din ng lungkot ang bayan ng San Diego.

2. Ang batang si Basilio ay kinupkop na ng isang mag-anak sa kabundukan.

3. Nagkita sila ni Kapitan Basilio at napag-alaman na ng batang nabaliw na ang


kanyang ina.

4. Samanatala nakatanggap ng liham si Sinang mula kay Maria Clara para kay
Ibarra ngunit natakot mabasa ang nilalaman nito.

5. Nakita ni Basilio ang kanyang inang si Sisa ngunit hindi siya nakilala ng baliw.

6. Sinundan ni Basilio ang kanyang ina ngunit tinakbuhan siya nito. Sa takot na
di niya na makita muli ang ina, hinabol ni Basilio si Sisa hanggang sa
magsugat-sugat na ang kanyang katawan.

7. Niyakap ni Basilio si Sisa. Nang makita ni Sisa ang pagdurugo ng noo ni


Basilio ay sandali niyang nakilala ito at dinala ang walang malay na bata sa
may sapa.

8. Nang magising si Basilio ay nakita niyang hindi na humihinga ang kanyang


ina.

9. May sugatang lalaking lumapit kay Basilio at binilinan itong hanapin ang
isang kayamanan sa loob ng kagubatan.

10.Binilin ng lalaki na mailibing sa tabi ng baliw na si Sisa at na gamitin ng


batang si Basilio ang matatagpuang kayamanan upang mag-aral.
ARAL:

Hindi dapat maging hadlang ang kahirapan sa pagtulong sa kapwa.

Sa iyong pagdiriwang makikingiti ang buong mundo, ngunit sa iyong pagluluksa ay


mananangis kang mag-isa.

KAUGNAYAN SA KASALUKUYAN:

Tulad ng sinabi ni Kapitan Basilio pasama na ng pasama ang mga tao; nakaliligtaan
na nila ang malasakit sa kapwa sa takot na baka sila ay mapasama. Madalas ay
habag na lamang ang naiuukol ng mga tao sa mga nalulupig.

Tulad din ni Sisa na tuluyang naging baliw hindi naging hadlang ito upang makilala
niya kahit panandalian ang kanyang anak na si Basilio.

You might also like