Professional Documents
Culture Documents
Epekto NG Batas Na"Implementing Health Reforms For Rapid Reduction of Maternal and Neonatal Mortality", Sa Aksesibilidad NG Maternal Na Serbisyong Pangkalusugan
Epekto NG Batas Na"Implementing Health Reforms For Rapid Reduction of Maternal and Neonatal Mortality", Sa Aksesibilidad NG Maternal Na Serbisyong Pangkalusugan
Talahanayan......2
Panimula ... 3
Pagsusuri ng mga Kaugnay na Literatura ...................................5
Analitikong Balangkas .......16
Metodolohiya .................. ........................19
Etika .. ......................21
Resulta ................................. .........................22
Diskusyon ................32
Konklusyon at Rekomendasyon ........34
Batis.. ................................................36
Mga Appendix ..........................................40
Appendix 1
Appendix 2
Letter with Free Prior and Informed Consent City Health Office
Appendix 3
Appendix 4
Appendix 5
Appendix 6
Panimula
Batid ng buong mundo ang kahalagahan ng papel ng kababaihan sa lipunan at
nararapat lamang na bigyang pansin ang bulnerableng populasyong ito. Bulnerable hindi
dahil sa silay mahina kundi dahil silay makiling o prone sa pang-aapi. Ang mga
Nagkakaisang mga Bansa, World Health Organization (WHO) at iba pang internasyonal na
organisasyon ay nagkakaisa sa pagsulong sa kanilang kapakanan at pag-unlad.
Ang Pilipinas ay lumikha ng mga batas at polisiya upang tumugon sa mga
pangangailangan at pagbibigay ng kapangyarihan sa mga kababaihan. Isa na dito ang
Administrative Order No. 2008-0029 Implementing Health Reforms for Rapid Reduction of
Maternal and Neonatal Mortality o estratehiyang Maternal, Neonatal and Child Health and
Nutrition (MNCHN) upang tugunan ang pagtaas ng mortalidad ng mga bata at nagdadalang
tao. Isa na sa pinaka-dahilan nito ay ang kawalan ng akses sa kalidad na maternal na
serbisyong pangkalusugan.
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matukoy kung napabuti nga ba ng nasabing
batas ang akses ng mga kababaihan sa maternal na serbisyong pangkalusugan na dapat
pagtuunan ng pansin dahil lagi itong kasama sa sampung pinakamadalas na dahilan ng
pagkamatay sa maraming bansa, partikular na sa papalagong mga bansa.
Susuriin din kung ang target ng batas ay angkop sa mga pangangailangan ng mga
kababaihan, at kung hindi lamang sa pisikal na pag-abot sa mga serbisyong ito pero maging
sa sosyal na dimensyon.
Panhunahing Tanong:
Napabuti ba ng Administrative Order No. 2008-0029 Implementing Health Reforms for Rapid
Reduction of Maternal and Neonatal Mortality o estratehiyang Material, Neonatal and Child
Health and Nutrition (MNCHN) ng Kagawaran ng Kalusugan ang aksesibilidad ng maternal
na serbisyong pangkalusugan?
Tiyak na mga Tanong:
1. Ano ang maternal health, maternal death, at aksesibilidad ng serbisyong
pangkalusugan para sa mga nagdadalang-tao?
3
Sa libro ni Capellan Arriola (1989), isinalaraawan kung paano binago ng mga Espaol
ang pagtingin sa kababaihan naging patriyarkal ang lipunan. Kung noon ay ang kakayahan
1 Kaninong mga mukha ang nasa likod ng mga numero? Ano ang kanilang kwento? Ano ang
kanilang mga pangarap? May mga anak at pamilya silang na-iwan. Nag-iwan din sila ng mga bakas
kung bakit maagang nalagot ang kanilang buhay. (Jean, 2001, p.1)
5
nilang magbuntis ay animoy unang kailangan bago magsama ang babaet lalaki, ngayon
nakikita ito bilang kahinaan at tanging gawain ng mga kababaihan. Mayroon ngang
paniniwala na ang mga babae ay hindi maaasahan sa ekonomiya dahil silay maaaring
magbuntis kaya mas hindi produktibo kaysa lalaki. Ngunit, walang konkretong patunay na
ang mga kababaihan, dahil lamang silay nakapagbubuntis, ay hindi kasing produktibo ng
mga kalalakihan. Ang panganganak ay normal at di nararapat na tignan bilang kahinaan.
Bagkus, itoy isang indikasyon ng kalusugan ng isang babae. Sa isang punto ng kanilang
buhay, karamihan ay nagnanais manganak ngunit may kaakibat itong panganib.
Ang pagsulong sa karapatan at katayuan ng mga kababaihan ang isa sa mga
pangunahing alalahanin ng United Nations (UN). Kasama ng WHO, isinama nila sa walong
Millenium Development Goals (MDGs) ang pagpapabuti ng maternal health na inaasahang
makamit sa taong 2015. Ang unang layunin ng MDGs ay pagpuksa sa matinding kahirapan at
gutom. Pangalawa, pagkamit ng panlahat na edukasyon. Pangatlo, isulong ang
pagkapantay-pantay maging sa kasarian at pagbibigay kapangyarihan sa kababaihan.
Ikaapat, pababain ang pagkamatay ng mga bata. Panglima naman ang pagpapahusay sa
maternal health. Susunod ay ang paglaban sa HIV/AIDS, malaria at iba pang laganap na
sakit. Tapos nito ay ang pagtitiyak sa sustenableng kapaligiran. Ang huli ay ang pagbuo ng
pandaigdigang pagkilos tungong kaunlaran.
Ang ikalimang MDG ay naglalayong pababain ang Maternal Mortality Ratio (MMR)2 na
430 maternal deaths sa 100,000 nanganganak noong 1990 sa 100:100,000 sa darating na
2015 at upang magkaroon ng daan ang lahat sa maayos na reproductive health. Ngunit sa
kabila nito, ayon sa ulat noong 2005, ang MMR ay mataas parin sa 56 na bansa kung saan
99% ng maternal deaths ay nagaganap, lalong-lalo na sa sub-Saharan Africa 3. Matapos ang
limang taong pag-iral ng MDGs, ang proporsyong 400:100,000 sa buong mundo ay
napakalayo sa inaasahan.
Isa pang panukat ng maternal mortality ay ang Maternal Mortality Rate (MMRate), ang
bilang ng maternal deaths sa populasyon na hinati sa bilang ng kababaihang nasa edad na
2 MMR ay ang bilang ng maternal deaths sa populasyon na hinati sa bilang ng nanganganak (WHO,
2010, p.5).
3 Kalahati ng naitalang maternal deaths ay sa sub-Saharan Africa at isangkatlo ay sa Timog Asya na
kung susumahin ay 85% ng maternal deaths na ang sa dalawang rehiyong ito (National Womens
Council of Uganda, 2011).
6
maaari nang magbuntis. Ipinakikita nito di lamang ang panganib ng pagkamatay habang
buntis kada panganganak kundi pati na rin ang pertilidad ng populasyon. Iba pa rito ang
maternal morbidity na ibig sabihin ay kahit anong pag-alis sa matinong kaisipan o
pisyolohikal na kalusugan habang nagbubuntis, matapos manganak hanggang isang taon
(Last, Dictionary of Epidemiology, 1995).
Mga Panganib Dulot ng Kawalan ng Access sa Kalidad na Serbisyong Kalusugan ng
mga Nagdadalang-tao
Bakit nga ba nagaganap ang pagkamatay tuwing buntis at ano ang magagawa upang
maiwasan ito? Itoy nagaganap dahil sa: (1) kawalan ng kaalaman sa mga tanda ng mga
komplikasyon sa pagbubuntis, (2) kawalan ng aksesibilidad sa serbisyong pangkalusugan,
(3) mababang kalidad ng mga kagamitan at serbisyong pangkalusugan (WHO, 2004, pp.1-2),
(4) kawalan ng buong saklaw na reproductive healthcare kasama ang impormasyon at
serbisyo ukol sa pagpaplano ng pamilya, (5) di sinasadyang pagbubuntis, (6) kawalan ng
aksyon at motibasyon ng gobyerno, (7) kawalan ng batas upang gawing pormal ang paguukol ng sapat na pondo para dito (Tulali, 2009, p.3).
Para sa pag-aaral na ito, ang pangalawa at pang-apat na rason ang bibigyang diin.
Sa buong mundo, walong milyong babae ang nagdurusa dahil sa komplikasyon sa
panganganak at 500,000 naman ang namamatay dahil sa mga rasong di maiiwasan 4. Sa
mga papalagong bansa, kabalintunaang mas maraming namamatay at nagkakaroon ng
komplikasyon sa panganganak ngayon kaysa sa nakaraang mga siglo sa kabila ng
pagkakaroon ng mataas na antas ng siyensya at teknolohiya.
Maraming bansa na may mabababang tala ng MMR ay dahil madami dito ay
nagaganap sa labas ng medical na pasilidad, mahirap matukoy kung ang pagkamatay ay
may tuwirang kaugnayan sa pagbubuntis o wala. Kaya para sa pag-aaral na ito, lahat ng
tuwiran at di-tuwirang maternal deaths ay isasaalang-alang.
Ayon sa WHO, 70% ng pagkamatay ay dahil sa tuwirang mga kadahilanan
(pagdurugo, impeksyon, di ligtas na pagpapalaglag, sakit sa puso at dugo o eclampsia at
pigil na panganganak) at di-tuwirang mga rason (HIV, malaria at anemia). Pansinin na halos
4 more than 80% of maternal deaths could be prevented or avoided through actions that are
proven to be effective and affordable, even in the poorer countries of the world (WHO, 2004, p.5)
7
lahat sa mga nasabing dahilan ay maiiwasan at ang mga pangontra dito ay abot-kaya kahit
sa mga papalagong bansa.
Ayon sa datos sa Rights, Empowerment and Development ni Dr. Nafis Sadik (1995),
mga 585,000 kababaihan sa buong mundo ay namamatay kada taon sa dahilang may
kinalaman sa pagbubuntis liban sa mga nagkasakit o nagkaroon ng kapansanan matapos
manganak. Sa 75 milyong pagbubuntis kada taon, 45 milyon ang nalalaglag (Guerrero, 1999,
p.4) nagpapakita ng bigat na nadarama ng kababaihan sa pag-iisip na di nila kayang
itaguyod ang buhay nilang mag-ina maging habang nagbubuntis pa lamang at hindi na sila
magiging malaya, di makapagtrabaho o matanggap sa trabaho, at mas malala pang pasanin
kung walang susuportang ama ng bata 5. May datos ding nagpapakita na noong 1977 sa 3 rd
World countries, ang pinakamabigat na problema ng mga kababaihan na nasa edad 15-44 ay
mga sakit kaugnay ng pagbubuntis habang ang mga STDs o mga karamdamang nakukuha
sa pakikipagtalik ay pumapangalawa. Noong 2008, 65% ng kabuuang bilang ng maternal
deaths ay sa United Republic of Tanzania.
Si Ginang Janet Museveni, ang Unang Ginang ng Uganda, ay nagudyok sa kongreso
na unahin ang maternal healthcare dahil 6,000 ang namamatay kada taon dahil sa
pagbubuntis at panganganak liban pa sa mga nagkaroon ng chronic debilitating injuries6 o
mga sakit at kapansanan matapos magbuntis. Dahil dito, inilaan ng gobyerno ang 15% ng
pambansang gugulin sa kalusugan, isinulong ang kalayaan ng pagpili na may sapat na
kaalaman at aksesibilidad, itaas ang kalidad ng serbisyong kalusugan (Uganda National
Reproductive Sexual and Reproductive Health Policy), ang edukasyong sekswal at
bokasyonal, at estratehiyang unibersal na pangunahing edukasyon. Ngunit, hindi parin ito
sapat sapagkat maraming nagdadalang-tao sa Africa ang nagsabi na kahit na sila na mismo
ang bumili ng kinakailangan para sa araw ng panganganak dahil nga kulang ang ospital ng
mga ganoon, hindi parin sila pinansin ng mga nars at wala ring mga libreng doctor. Naging
dahilan ito ng pagkamatay ng sanggol. Isang organisasyon ang nagpetisyon sa korte na
humihingi ng deklarasyong mula sa gobyerno na hindi nila nagampanan ang kanilang
5 Ang karaniwang gastos sa panganganak sa ospital sa Metro Manila ay P10,000 sa pampubliko at
P50,000-60,000 naman sa pribadong ospital. Liban pa rito ang pre-natal check-ups at mga bitamina
at gamot kung may mga komplikasyon man.
6 For every woman who dies in pregnancy and child birth, six others survive but with chronic
debilitating injuries and ill-health, sabi ni Museveni.
8
1990
2008
% Taunang
% Taunang
pagbabago
pagbabago sa
sa MMR mula
1990 at 2008
MMR
Maternal
MRR
deaths
WORLD TOTAL
MMR mula
1990 at 2008
Maternal
deaths
400
546 000
260
358 000
34
2.3
Developed regionsa
16
2000
14
1700
13
0.8
Countries of the
68
3200
40
1500
41
3.0
Commonwealth of
Independent States
9
(CIS)b
Developing regions
450
540 000
290
355 000
34
2.3
Africa
780
208 000
590
207 000
25
1.6
Northern Africac
230
8600
92
3400
59
5.0
Sub-Saharan Africa
870
199 000
640
204 000
26
1.7
Eastern Asia
110
29 000
41
7800
63
5.5
South Asia
590
234 000
280
109 000
53
4.2
South-Eastern Asia
380
46 000
160
18 000
57
4.7
Western Asia
140
6100
68
3300
52
4.0
Latin America at
140
17 000
85
9200
41
2.9
290
540
230
550
22
1.4
Caribbean
Oceania
Mula sa Trends in Maternal Mortality 1990-2008. WHO, UNICEF, UNFPA at World Bank.
(a) kasama ang Albania, Australia, Austria, Belgium, Bosnia and Herzegovina, Bulgaria, Canada, Croatia, Czech Republic,
Denmark, Estonia, Finland, France, Germany, Greece, Hungary, Iceland, Ireland, Italy, Japan, Latvia, Lithuania,
Luxembourg, Malta, Montenegro, Netherlands, New Zealand, Norway, Poland, Portugal, Romania, Serbia, Slovakia,
Slovenia, Spain, Sweden, Switzerland, The former Yugoslav Republic of Macedonia, the United Kingdom, and the United
States of America.
(b) The CIS countries are Armenia, Azerbaijan, Belarus, Georgia, Kazakhstan, Kyrgyzstan, Tajikistan, Turkmenistan, the
Republic of Moldova, the Russian Federation, Ukraine, and Uzbekistan.
(c) hindi kasama ang Sudan na kasama na sa sub-Saharan Africa
Sa ulat na inilabas ng WHO (2010), nahihirapan ang mga papalagong bansa na abutin
ang 2015 target. Sa Pilipinas, 209 ang namamatay kada 100,000 na panganganak, 110 sa
Thailand, 62 sa Malaysia at 14 naman sa Singapore (UNFPA, 2009). Ayon pa kay Henry
Plaza ng United Nations Population Fund (UNPFA) office sa bansa, sa bagal ng pagunlad,
ang MRR sa 2015 ay magiging 140 na malayong malayo kumpara sa 55 ng MDG. Ang
pagiging archipelago ng bansa ay isang malaking sanhi nito.
Kinakailangan pag-aralan ang estado ng kalusugan ng mga buntis upang mapabuti ito
sa pamamagitan ng mga programa at batas. Malalaman din ang epekto ng mga nakaraang
polisiya ukol sa maternal health gamit ang mga pag-aaral na ito.
Maraming hiniram na estratehiya ang Pilipinas upang pababain ang MMR. Pinagtagnitagni ito sa MNCHN strategy na naglalayong desentralisahan ang mga tungkulin ng
Kagawaran ng Kalusugan sa iba pang sangay ng gobyerno lalo na sa mga Local
10
Government Units (LGUs) o local na pamahalaan. Ilan dito ay ang pagpokus sa pagsasanay
ng mga katulong sa panganganak o birth attendants katulong ang mga LGUs sa buong
bansa, pag-oorganisa ng mga proyektong pangkalusugan sa bawat barangay at pagbuo ng
Rural Health Units (RHUs), at pagkakaroon ng matibay ang malawak na network o kaakibat
na mga grupo at indibidwal na nakiki-isa sa layunin. Sa mga papaunlad na bansa, isa sa mga
pinaka-isinusulong ay ang paggamit ng contraceptives7.
Ang Cuba na isa rin sa mga 3rd World countries ay may sariling package tulad ng
MNCHN, at nahahati lamang sa tatlo: pagkakaroon ng policlinics, pakikipag-ugnayan sa mga
komunidad, at siyensya na may direktang tugon mula sa komunidad. Ang resulta ay MMR na
33/100,000 births noong 2000. Bagkus mahirap ding bansa ang Cuba, nagawa nilang
umangat ng husto pagdating sa kalagayang pangkalusugan na mas mataas pa o kapantay
ng ibang maunlad nang mga bansa tulad ng Canada. Ito ay dulot ng gobyerno nilang inaako
ang buong responsibilidad sa paghahatid ng pangangailangang pangkalusugan ng kanyang
mga mamamayan na tinatawag na National Health System (Harvard Public Health College,
2002). Noong 2005, 7.6% ng GDP ang nagastos ng Cuba sa sektor ng kalusugan na kung
saan 91% nito ay galing mismo sa gobyerno (WHO, 2008). Dahil din dito, maraming dayuhan
ang nagpupunta upang magpagamot sa murang halaga kaya nakatutulong ang kanilang
polisiya sa pag-angat din ng kanilang ekonomiya. Wala ding pribadong ospital o klinika, lahat
ay pinatatakbo ng gobyerno at may mga doktor din sa bawat komunidad na siyang unang
takbuhan ng mamamayan imbes na ospital o albularyo.
Sa mga industriyalisadong mga bansa naman, nangalahati ang MMR dahil sa pagunlad ng ambulatory midwifery at kagamitan sa mga ospital. Ngunit sa Congo na ang
estratehiya ay pagpapakalat ng mga ospital, walang pinagbago dahil hindi lamang
pagkakaroon ng ospital ang problema kundi ang pakikitungo at kasanayan din ng mga
kawani pangkalusugan. Sinabi na lahat ng estratehiyang itoy mababalewala kung hindi
gumagana ng maayos ang gobyerno. If one wants to tackle maternal mortality, investments
in health care will only be really worthwhile if they go along with an investment in the civil
societys capacity to build up pressure for accountability (De Brouwere and Lerberghe, 2001,
p.3). Nasa mga mamamayan din ang responsibilidad na ipaglaban ang kanilang mga
karapatan at itulak ang gobyerno na gawin ang kanilang tungkulin at tugunan ang kanilang
mga pangangailangan.
7 Ang contraceptives ay anumang kagamitan, gamot o kemikal na pumipigil sa pagbubuntis
11
14
15
ANALITIKONG BALANGKAS
Ang pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan lalo na sa mga kababaihan ay tungkulin
ng estado. Ayon sa Pambansang Konstitusyon (1987) sa Artikulo XIII Seksyon 11 na
nagsasabing dapat magsagawa ang Estado ng pinag-isa at komprehensibong lapit sa
pagpapaunlad ng kalusugan na magbibigay ng mga pangunahing pangangailangan, mga
lingkurang pangkalusugan at iba pang mga lingkurang panlipunan na makakayanan ng lahat
ng mga mamamayan. Dapat magkaroon ng priority para sa mga pangangailangan ng
mahihirap na maysakit, matatanda, may kapansanan, mga babae, at mga bata at
particular na ang kanilang tungkulin sa mga kababaihan sa Seksyon 14 na dapat
pangalagaan ng Estado ang mga kababaihang nagtatrabaho sa pamamagitan ng ligtas at
nakapagpapalusog na mga kalagayan sa pagtatrabaho, nagsasaalang-alang ng kanilang
mga gawain bilang ina ngunit maging ito ay di sapat dahil sa kawalan ng political will ng
mga opisyales. Marami ngang batas ngunit marami din ang di napapatupad ng maayos.
Sa napakaraming salik na maaaring maging dahilan ng mataas na MMR ang pagaaral na ito ay ungkatin ang ugat ng problema sa aksesibilidad ng serbisyong pangkalusugan
para sa mga nagdadalang-tao at kung natutugunan ba ito ng batas.
Isa sa mga layunin ng ipinasang batas ukol sa estratehiyang MNCHN ay upang
mapadali ang pag-abot ng serbisyong pangkalusugan para sa mga kababaihan partikular na
ang mga nagdadalang-tao na isa din sa mga maituturing na bulnerableng sektor sa lipunan.
Nakapaloob dito ang pagkakaroon ng mga ospital o klinika at mga gamot at materyales sa
bawat barangay na maaari nilang malapitan at magamit. Ang aksesibilidad ay di lamang sa
pisikal na aspeto ng pag-abot sa serbisyo na pagkakaroon ng kumpletong mga pangunahing
kagamitan, pasilidad at mga tauhang binubuo ng mga nars, doktor o lisensyadong
komadrona. Gaya nga ng nasabi sa artikulo ni Ma. Teresa Guia-Padilla (1998), hindi ito
natatapos sa pagkakaroon ng malapit na ospital o klinika. Naroon ang usapin ukol sa oras,
kakayanang pinansyal at tiwala ng mga nagdadalang-tao.
Kailangang isaalang-alang ang oras ng mga kababaihan para magpatingin sa
dalubhasa. Sa papaangat na mga bansa, marami sa mga kababaihan ay limitado sa bahay
upang magbantay o magtrabaho sa labas at pagkauwiy maraming gawaing bahay.
16
10 Impersonal at teknikal
17
18
METODOLOHIYA
Saklaw ng Pananaliksik
Dahil ito ay pananaliksik lamang sa isang health center sa isang barangay na pinili
batay sa ilang criteria, ang mga resulta ng pananaliksik na ito ay hindi pwedeng gamiting
pamantayan para sa ibang health centers at barangays. Ngunit ang mga resulta ng
pananaliksik na ito ay pwedeng gamitin sa pagbuo ng hepotesis at pandayan para sa mas
malawakang pag-aaral sa usaping aksesibilidad ng reproductive health services.
Pangangalap ng Datos
Upang makakalap ng impormasyon ukol sa tunay na kalagayan ng aksesibilidad ng
serbisyong kalusugan pang-maternal at bisa ng AO 2008-0029 o estratehiyang MNCHN,
hinati sa tatlong klase ang mga pagkukunan: mga kakapanayamin, obserbasyon, at literatura
o babasahin. Liban sa mga babasahin at mga websites, karamihan sa mga datos na ginamit
ay sa komunidad, partikular na sa San Andres Bukid, Paco Manila na kilalang may mataas
na batang populasyon at bilang ng anak-dalita. Ang San Andres ang pinakamaliit na distrito
ng Maynila ngunit pangalawa sa pinakapopulado sunod sa Tondo. Sa katunayan, karamihan
ng mga unang naninirahan dito ay galing ng Tondo. Residensyal itong lugar sa ilalim ng
ikalimang distrito ng Maynila. Hati ito sa dalawang sektor, ang kanluranin na binubuo ng
Singalong at ang silangang sektor na dating parte ng Paco at Sta. Ana. Dito iikot ang case
study upang makita kung tunay nga bang nakakarating sa mababang lebel ang
implementasyon ng nasabing batas.
Ang pangunahing pagkukunan ng impormasyon ay ang pakikipanayam sa mga
eksperto at mga taong sangkot sa pag-aaral, pagmamasid at pagsiyasat partikular na sa
barangay health center at mga interaksyon ng mga nars, doktor, barangay health workers o
mga boluntaryo at mga nagdadalang-tao.
Sa pamamagitan ng Focus Group Discussion (FGD) nakapanayam ko ang mga 12 na
kababaihan na bumibisita sa center ukol sa aksesibilidad at kalidad ng serbisyong
pangkalusugan. Nakapanayam ang mga kababaihan na may anak na at mga nagdadalangtao pa lamang sa ukol sa mga serbisyong pangkalusugan sa kanilang lugar at mga pagunlad nito kung meron man. Nalaman ang mga pagbabago o pag-uswag (development) sa
19
nakaraang limang taon, partikular na noong 2008 kung kalian ipinatupad ang batas. Sa
diskusyon, dalawa hanggang apat na kababaihan ang naging FGD upang magkalakas loob
at di mahiyang sumagot at upang mas masinsinan din ang usapan dahil sa liit ng grupo. Ang
mga kinapanayam na mga kababaihan ay magmumula sa San Andres at may ilan na sa
ibang lugar sapagkat may mga kababaihang nagpupunta na galing pa sa Ermita, Paco atbp.
Criteria sampling ang ginamit. Dapat sa health center siya nagpapatingin, at maaaring siyay
ina na, nagdadalang-tao pa lamang o wala pang isang buwan matapos manganak.
Tinukoy ang mga pagbabago, ng mga pasilidad sa barangay health centers, kung
gaano kaabot-kaya ang mga singil nila, gaano karami ang lumalapit na mga nagdadalangtao, at iba pa na masasagot ng pamunuan sa mga klinikang pambarangay, mga Barangay
Health Teams o Womens Health Team, at BHWs o Barangay Health Workers ukol sa
kabuuuang sitwasyon ng mga kababaihan sa komunidad.
Sa impormasyon sa pondo naman, nakapanayam ang unang sekretarya ng barangay
at isang kagawad tungkol sa paglalaan nito para sa kalusugan ng komunidad at kung may
mga proyekto ba para sa mga kababaihan. Hindi na nakapanayam ang chairman dahil
marami daw ang gawain. Inalam din kung silay may sapat na karunungang pinansyal o kung
may sangay na dito lamang nakatutok.
Hinati sa ibat ibang kategorya ang lahat ng impormasyong nakalap at gumawa ng
literature review, FGDs at key informant interview (KII). Sinuri ang mga ito sa pamamagitan
ng triangulation by method at triangulation by data source.
Sa pag-aanalisa ng mga datos, ginamitan ng triangulation by method ang mga
impormasyon galing sa mga panayam sa mga opisyal sa barangay at punong tagapamahala
ng health center, mga istatistika, at babasahin ng nakasaad sa batas tungkol sa pagbabadyet
ng pondo upang malaman kung may pagkakaiba ba ang o wala.
Ang mga datos galing sa BHWs, mga kababaihan at tagapamahala ng health center
tungkol sa pagiging abot-kaya o aksesibilidad at kalidad ng maternal na serbisyong
pangkalusugan, mga dokumento, pagsusuri o reviews ukol sa AO 2008-0029 o MNCHN
strategy ng gobyerno ay inalisa gamit ang triangulation by data source upang makalap ang
mga ebidensyang kinakailangan sa pag-aaral.
20
Nakapanayam din ang isang doktor na eksperto sa maternal health care upang hingan
ng opinyon ukol sa kalidad ng nasabing health center. Ang iba pang datos na kinailangan ay
nanggaling sa DOH, City State Office at iba pang sangay ng gobyerno na may kinalaman sa
pagpapatupad ng nasabing batas ngunit hindi rumesponde ang DOH sa mga hiling kong
panayam. Ang pagbabasehan sa ngayon ay ang mga ulat at iba pang publikasyon sa
kanilang website.
Hahatiin sa ibat ibang kategorya ang lahat impormasyong nakalap at gagawa ng
literature review, FGDs at key informant interview (KII). Susuriin ang mga ito sa pamamagitan
ng triangulation by method at triangulation by data source ang mga impormasyon galing sa
mga panayam sa mga opisyal sa barangay at punong tagapamahala ng health center, mga
istatistika, at babasahin ng nakasaad sa batas tungkol sa pagbabadyet ng pondo upang
malaman kung may pagkakaiba ba ang o magbuo sa datos.
ETIKA
Ang pag-aaral na ito ay sinikap na sumunod sa lahat ng wastong konsiderasyon o
etika tulad ng paggalang sa pagtago ng pagkakalilanlan ng kinapanayam, pagiging
kompidensyal nito, at partikular na ang pagiging sensitibo sa kultura at kasarian o gender sa
lahat ng tanong at pakitungo sa kanila. Ginamitan ng audio recorder sa lahat ng panayam at
FGDs nang may permiso at iginalang ang mga kahilingan sa mga nasabing hindi nila nais
masipi o mabanggit sa pag-aaral. Kinumpleto din ang anumang mga kinailangang sulat,
patunay, impormasyon at kung ano pa na hiningi ng tagapamahala ng komunidad, mga
kababaihan at tagapamahala ng health center at sinagot din ang anumang mga katanungan
ukol sa pag-aaral kapalit ng permiso upang makagawa ng FGDs at mga pakikipanayam.
Magkakaroon po ng akses sa kinalabasan ng pag-aaral ang komunidad at sa audio
record at naitalang kabuuan ng panayam ang mga nakapanayam.
Naging sensitibo sa pakikitungo sa mga kababaihan na bulnerable dahil silay
nagdadalang-tao. Kung mangyari mang mabunyag ang identidad ng mga nakapanayam,
wala o maliit lamang na panganib (minimal risk) ang maaaring idulot nito sapagkat wala
namang nakakakompromisang impormasyong hiniling ang mananaliksik. Hindi rin nalantad
ang mga kinapanayam sa panganib dala ng mga paraan ng aking pananaliksik. Sinikap na
hindi makaapekto ang pananaliksik sa operasyon ng barangay health center.
21
Maternal Mortality
22
250
200
150
MMR
Target
100
50
0
19901991199219931994199519982006200820102015
Makikita sa Grap 1 na ang sa nakaraang mga taong 1990 hanggang taong 2008 na
maliit lamang ang pagbaba ng tala ng MMR ngunit ang target ay biglang bumaba sa 100
noong 2010 hanggang 52 sa darating na 2015. Ayon sa DOH, aabutin ito sa pamamagitan ng
mga programa sa ilalim ng AO. 2008-0029. Napag-alaman na ang mga maternal deaths sa
Pilipinas ay dahil sa apat na panganib o risks. Una, biglaan, wala sa panahon o di
sinasadyang pagbubuntis11. Pangalawa, ang pagbubuntis ay nangangailangan ng tamang
alaga sa ina at sa fetus. Pangatlo, panganganak nang walang presensya ng mahusay na
tagapanganak12 tulad ng mga mahusay na komadrona, nars, doctor at physicians pati na rin
ang kawalan ng akses sa emergency obstetric at neonatal care. Ang panghuli, ay dala ng
kawalan ng tamang postpartum at postnatal care.
Walang datos ng maternal mortality ang center dahil agad nilang ipinapasa sa ospital
ang mga high risk o mga delikadong pagbubuntis. Ayon sa mga lisensyadong komadrona,
ang mga ito ay base sa edad, tangkad, bilang ng anak, mga nakaraang komplikasyon sa
panganganak, at kung may mga sakit na urinary tract infection (UTI), tuberculosis (TB),
asthma, goiter, mga komplikasyon sa dugo o hindi normal na blood count at pressure, at
11 Ayon sa pag-aaral ng Guttmacher Institute, kalahati sa lampas tatlong milyong
pagbubuntis sa Pilipinas ay di sinasadya
12 Lampas kalahati ng panganganak ay nagaganap sa bahay at sangkatlo lamang dito
ang may gabay ng mahusay na tagapanganak (DevPulse, 2010)
23
kung may sakit sa puso. Kung nasa edad 17 pababa dahil hindi tiyak ang kahandaan ng
bahay-bata at cervix ng magiging ina at edad 36 pataas dahil sa panganib na dulot ng mga
sakit na karaniwan sa mga may edad na; kung may tangkad na 4.9 pababa dahil may
posibilidad na kakailanganing operahan dahil maliit din ang labasan ng sanggol; kung may
apat o higit pang mga anak dahil sa banta ng labis na pagdurugo; kung tatlong beses nang
nalaglagan; kung nagluwal na ng patay na sanggol; at kung cesarian na minsan.
Ang mga high risk pregnancies ay isinasangguni na sa ospital kapag manganganak
na. Nakasaad sa pink card na ibinibigay sa mga nagdadalang-tao na unang beses palang
nagpapatingin ang mga kinakailangang itala sa kanilang medical records, nakasaad din dito
ang mga babala, simptomas ng mga delikadong panganganak at iba pang payo at tagubilin.
Ang Estratehiyang MNCHN
Ang mga panganib sa pagbubuntis ay sinabing maiiwasan o mababawasan sa
pamamagitan ng Fourmula One for Health (F1)13. Ang apat na pormula ay ang sumusunod:
health service delivery, health regulation, health financing at governance for health.
Una ay ang Healh Service Delivery o pagkakaroon ng mga pasilidad na nagbibigay ng
basic emergency obstetric and neonatal care (BEmONC)14, comprehensive emergency
obstetric and newborn care (CEmONC)15 o mga pasilidad na nakatutok sa pagpapa-anak
upang maiwasan ang panganganak sa bahay. May tatlong lebel ito upang tiyakin na may
malalapitan ang mga nagdadalang-tao:
bukas
24-oras,isang
physician,
isang
nars
at
lisensyadong
25
lamang, ang mga nars na dati ay sampu ngayon ay anim na lamang, at ang mga boluntaryo
ay walo na lamang mula sa pagiging labing-apat.
Pangatlo ay ang Health Financing o aplikasyon ng mga estratehiya sa paggastos sa
pinagsamang pondo ng DOH at LGUs, PhilHealth at iba pang panggagalingan ng badyet.
Inilabas ang Manual of Operations (MOP) para maging gabay sa mga LGUs at iba pang
kasama sa pagpapatupad ng batas. Kasama na sa manual na ito ang pagbabadyet
pagbabantay at ebalwasyon sa batas.
Ayon nga sa sekretarya ng barangay, wala silang natatanggap na pondo para sa
health center o para sa mga proyektong pangkababaihan. Ang pinag-uukulan kasi ng pansin
ng mga opisyal ay ang pagpapa-igting ng seguridad sa lugar dahil sa pataas na bilang ng
kriminalidad sa lugar. Nasabi ng sekretarya ng barangay na ang mga proyektong
pangkabuhayan nila ay kulang na kulang sa pondo at limitado sa mga negosyo sa kariton
tulad ng manga, singkamas, bagoong, fishballs, palamig at iba pa. At dahil nga mobile o
palipat-lipat ito, hindi ito napapakinabangan ng mga kababaihan na karamihan ay nasa
bahay upang mag-alaga ng mga anak, kapatid o ng matatanda.
Sinabing ang center ay direkta nang nakikipagugnayan sa DOH kundi man sa city health
office dahil ang sakop naman nitong barangay ang apatnaput apat at hindi lamang ang 803.
Wala din diumano silang pondo para sa serbisyong pangkalusugan sa lugar dahil may mga
medical missions naman na regular na nagaganap mula sa pamahalaan at NGOs o civil
society groups. Sinabi din ng mga tagapamahala sa center na walang dumarating na pera sa
kanila kundi puro mga materyales lamang kada buwan. Ang ginagamit na panggastos sa
pagpapanatili at pagpapaunlad ng pasilidad at pagbili ng mga kagamitang kulang ay mula sa
mga donasyon o pagso-solicit. Hindi rin nakararating sa center ang MOP.
Panghuli ay ang Governance for Health o pagbuo ng mga mekanismo sa pamamahala na
sisiguro sa pagtutupad ng mga pangako, tungkulin o pananagutan (commitment at
accountability). Isinasaalang-alang dito ang partisipasyon ng ibat ibang uri ng mamamayan,
non-partisan leadership at pagpapanatili ng popular na suporta upang mapagpatuloy ang
mga proyekto/programa mabago man ang politikal, ekonomiko at socio-cultural na
kondisyon.
26
2003 (%)
TARGET sa
35.9*
70
2015 (%)
60
80
antenatal checkups
Pagdami ng mahusay na tagapanganak (skilled birth
40
80
attendants)
Pagdami ng nabakunahang bata
70
95
Ayon sa batas, masasabing matagumpay ito kung naabot ang mga target na makikita sa
itaas (Talahangayan 2).
Kaalaman sa Batas
Mapunta naman sa lokal kaalaman tungkol sa batas na A.O. 2008-0029 o
estratehiyang MNCHN, sabi sa city health office, hindi alam ng mga barangay health centers
ang tungkol sa batas dahil sila na mismo ang nagbibigay ng mga direksyon, programa at
mga gawain sa ibaba na may kinalaman sa batas. Ayon pa sa tagapamahala, ang kanilang
gawain lamang na natatanggap mula sa city health office ay implementasyon ng kung
anumang programang may kinalaman sa batas kaya hindi sila ganoon ka-alam sa mga
nilalaman nito. Ngunit, napag-alaman ng mananaliksik na tanging mga regular o dati nang
mga gawain ang dumarating na utos mula sa nakatataas na sangay ng gobyerno ayon sa
punong tagapamahala ng center. Mga gawain tungkol pagsusulong sa breastfeeding,
27
feeding
programs,
bakuna,
tumutulong
magpamahagi
ng
condom,
at
pagkakalat
impormasyon ukol sa family planning ang iniikutan ng mga misyong pangkababaihan. Maski
ang barangay 803 kung saan sakop ang nasabing health center ay hindi pamilyar sa batas.
Malinaw na nakasaad sa batas ang pagkakaroon ng mga pulong sa pagitan ng mga LGUs,
NGOs, DOH at piling mga sangay ng pamahalaan 16 ngunit wala namang nagaganap na
pagpupulong ayon sa tagapamahala ng center at ng sekretarya ng barangay tungkol sa
maternal health care. Pamilyar naman ang punong boluntaryo sa batas dahil sa mga pantasaral na dinadaluhan niya ngunit mga programa lamang din ito ukol sa pagpapasuso, bakuna
at iba pa.
Sa katunayan, ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang mas
pinagtutuunan ng pansin sapagkat may pagpupulong na nagaganap ukol dito at may isang
tauhan sa center na ang gawain ay nakatuon lamang doon.
28
2009 lamang napakabit at mula pa ito sa mga donasyon. Bagamat anim lamang ang higaan,
hindi naman nagkakaroon ng pagkakataong kulang ito.
Pangalawa ang pagiging abot-kaya ng mga singil. Libre ang lahat ng serbisyo sa
health center ngunit wala silang lab tests kundi yung mga batayang pag-iksamen lamang
tulad ng blood pressure, nutrition, sa dugo at iba pa. Dahil sa batas, may newborn screening
na sila na nagkakahalagang P600.00. liban dito, ang pagpapaturok ng anti-tetanus,
pamimigay ng bitamina para sa dugo (perosulfate with folic acid) at pagpapatingin ay libre at
ang donasyong hinihiling ay hindi sapilitan. Ayon sa mga nakapanayam na kababaihan, ilan
sa kanila ay noon lamang naturukan ng anti-tetanus toxiod at natutuwa sila sa mga libreng
bitamina at gamot. Itong salik na ito ay kaakibat ng pagkakaroon ng pinansyal na kapasidad
ng mga kababaihan. Hindi magagawan ng paraan ng center kundi ng iba pang sangay ng
pamahalaan.
Pangatlo, ang pagiging bukas nito sa oras na hindi hadlang sa mga kababaihang
naghahanapbuhay. Mayorya ng mga buntis na nagpapatingin sa center ay maybahay at wala
rin sariling pinagkukunan ng panggastos kaya para sa kanila, walang problema kung hapon
lamang sa loob ng tatlong araw kada linggo 17 ang naka-iskedyul na pagpapatingin. Isa
lamang sa kababaihan ang may sariling hanapbuhay na pagtitinda ang nakapanayam at para
sa kanya, hindi naman malaking kawalan ang oras na ipinupunta niya sa doktor dahil saglit
lang naman ito. Sa obserbasyong ng mananaliksik, wala pang tatlumpung minuto ang
pagpapatingin kahit na unang check-up pa ito. At sinabi din naman ng mga BHWs na kahit sa
umaga pa sila pumunta o hindi pa nila panahon ng check-up tinatanggap naman ng mga
doktor ang mga buntis.
Pang-apat, ang pagkakaroon ng tiwala ng mga kababaihan sa mga doktor at iba pang
tauhan ng center. Wala namang naging problema sa salik na ito sapagkat may regular na
pagpupulong o seminars ang mga doktor, boluntaryo at nars ukol sa pakikitungo sa mga
pasyente. Malaking kabutihan din ang dulot ng mga regular na paglabas at pagha-house-tohouse nila sa kani-kanilang barangay at minsan ay sa iba pang 43 na barangay na sakop ng
center. Napansin din ng mananaliksik na kilala ng mga tauhan ang halos lahat ng kanilang
pasyente kahit unang araw palamang nilang magpapatingin sa doktor at may peer
17 Lunes, Miyerkules (para sa mga unang beses palang magpapatingin sa doktor), at Biyernes.
29
ang mga pantas-aral at pagsasanay nila. Isa nang pinakamabigat na dahilan kung bakit
walang nagnanais na dumagdag sa serbisyo ay dahil sa kawalan ng kaunlaran sa mga
natatanggap na allowance at iba pang insentibo. May mga tradisyonal na tagapag-anak din
na ipinapasa ng center sa sangay na magsasanay sa kanila upang magkaroon ng lisensya at
ngunit hindi pa rin sapat ang bilang ng mga tauhan.
Sa mga serbisyo naman, may PhilHealth na ngayon at libreng anti-tetanus toxoid dahil
ibinalik na ulit ito ni Mayor Lim matapos ipagbawal ng nakaraan mayor, may Tuberculin
Skin Test (TST) test na noong 2009 at ang newborn screening test (NST). Ang Newborn
Screening Law (RA9288) ng 2004 at ang Breastfeeding Act (RA7600) ng 1992 na kaugnay
ng batas ay mas pina-igting pa ang pagpapatupad at promosyon.
Walang nagbago sa pagpopondo mula sa pamahalaan, at pakikipag-ugnayan sa mga
sangay ng pamahalaan at iba pang sektor ukol sa A.O. 2008-0029.
Nang
tanungin
kung
sa
antas
na
isa
(pinakamababa)
hanggang
sampu
(pinakamataas), nasaan ang kalidad ng naturang barangay health center, ayon sa opisyal ng
barangay at tagapamahala ng center ay nasa 9 ito, sa mga kababaihan naman ay 8 ang
karaniwang sinasabi. Ayon naman sa isang nakapanayam na doktor ng probadong klinika,
bagamat may mga kapansin-pansing kakulangan, hindi maipagkakaila na mahuhusay ang
mga tauhan sa center at hindi naman nakakakompromisa sa klinika niya sapagkat doon din
nirerekomenda ng center ang ibang pasyente kung magpapa-lab test.
Mga Hadlang sa Tagumpay ng Estratehiyang MNCHN at mga Posibleng Solusyon
Para sa mga mga opisyales ng barangay at tauhan ng center, malaking hadlang sa
nasabing batas ang korapsyon dahil sa kabila ng malaking pondong inilaan at nalikom para
dito, walang nakararating sa kanila. Dagdag pa, kahit anong sabi sa kinauukulan ay wala din
naman daw nangyayari. Ayon sa mga opisyal ng barangay, ang problema sa pagpopondo ay
matagal na at nariyan kahit saan kaya ang dapat daw pagtuunan ng pansin ay kung ano ang
magagawa mismo ng mga tao sa komunidad. Dagdag pa, kulang umano sa disiplina at
kooperasyon sa kabila ng pagsisikap ng mga tauhan ng center at ng mga opisyales sa
barangay na turuan sila ukol sa pagpaplano ng pamilya at mga payo tuwing nagbubuntis,
hindi lahat ay sumusunod. Ika nga ng sekretarya ng barangay, matitigas ang ulo ng mga
31
tao sa lugar kahit ilang beses pang pagsabihanhindi rin naman sila gagastos para sa
condomkaya maganda nga yung RH Bill
Ayon pa sa mga boluntaryo, ang mga hadlang sa tagumpay ng batas ay kawalan ng
mga sapat insentibo at sobrang baba ng allowance. Kailangan kasi daw talaga ng mga
tauhan dahil sa sobrang dami din ng gawain. Kinakailangan din ang tunay na kooperasyon
ng mga kababaihan sa komunidad.
Ayon naman sa tagapamahala ng center, ang pinansyal na kapasidad ng mga
kababaihan ang dapat pagtuunan ng gobyerno dahil kahit libre ang mga serbisyo sa kanila,
hindi naman lahat ng pangangailangan ay nasasagot nila tulad na lamang ng mga lab tests
na kailangan pang gastusan ng mga nagdadalang-tao. Ang pinakamalapit nga daw na mura
kundi libreng ospital na mayroon ng kinakailangang pagsusuri ay sa San Lazaro na may
kalayuan din. Sa kabila ng pagiging mababa ng singil kaysa sa mga pribadong klinika o
ospital, hindi parin nakapupunta ang mga kababaihan dahil wala umano silang pamasahe
upang magpabalik-balik doon at kung meron man, mahaba ang pila kaya umaabot ng buong
araw ang paghihintay kung minsan. Kaya naman nirerekomenda na rin nila sa pasyente ang
pagpunta sa mga pribadong klinika/ospital.
Malayo ang mga pinganggagalingan ng ibang kababaihan at nakakaabot pa nga sa
Cavite ngunit dahil may kamag-anak na sakop ng center, napapakinabangan nila ang
serbisyo. Nagkakaisa sila sa paniniwalang dekalidad ang serbisyo ng center ngunit di
maiiwasan ang mga kakulangan sa lab tests. Maging ganoon man, mabilis ang pagtitingin ng
mga doktor at pag-asista ng mga boluntaryo. Sa kabuuuan, nasisiyahan sila sa serbisyo sa
center ang iba nga sa kanila ay naisasama din sa mga pantas-aral tungkol sa maternal
health care at sa pagbubuntis.
DISKUSYON
Makikita na walang dagdag sa pondo, pag-unlad ng kagamitan at pasilidad na may
kinalaman sa nasabing batas ang naganap. Nabawasan pa ang bilang ng mga tauhan
bagamat nadagdagan ang kasanayan ng mga nananatili, ngunit nagkakaroon naman ng
Philhealth na parte ng nasabing batas kasabay ng pagpapaigting at promosyon ng mga
nakaraang batas ukol sa maternal health care. Ayon sa mga nakalap na impormasyon,
bagamat hindi kumpleto ang kagamitan at kasanayan upang tumugon sa mga delikadong
32
pagbubuntis, maayos naman ang pagpapasa ng pasyente sa ospital. Kaya, masasabing ang
aksesibilidad ng maternal na serbisyong pangkalusugan ay sapat lang ngunit maliit lamang
ang naiambag ng batas ukol dito. Sa limang na aspeto ng aksesibilidad, dalawa lamang ang
napaunlad ng nasabing batas ang unang aspeto sa pagkakaroon ng malapit na
matatakbuhan para sa maternal na serbisyong pangkalusugan at panglimang aspeto na
pagkakaroon ng maayos na referral system. Sa katunayan, lumalabas sa pag-aaral na ang
inisyatibo at pagsisikap ng mga tauhan sa center ang dahilan ng satisfactory o kasiyasiyang
serbisyo para sa mga kababaihan. Bago pa man napatupad ang batas, nasakop na ng
barangay health center ang limang aspeto ng aksesibilidad ayon sa unang lebel.
Mahihinuha din na kontento na ang mga kababaihan sa serbisyo ng health center. Wala
din silang sinabing maaaring gawin pa ng pamahalaan, ng barangay o ng center sa
pagpapataas ng aksesibilidad ng maternal na serbisyong pangkalusugan. Isang malaking
dahilan nito ay ang kawalang-malay sa batas at sa mga karapatan nila, at dahil na rin hindi
sila sanay na magpunta sa pribadong mga ospital o klinika kung saan makikita ang kaibahan
ng serbisyo at pasilidad.
Ang apat na pormula ng estratehiya ay hindi nasusunod ng maayos. Ito ang pinakamalaking kahinaan ng batas. Hindi epektibo ang patuloy na mga pagsasanay ng mga tauhan
kung wala namang dagdag na insentibo. Ang mga programang dapat pinaplano ay wala din
pondo ngunit normal na para sa barangay at sa health center ang kakulangang ito kaya sa
tao nalang dumedepende para sa kaunlaran. Gaya nga ng nasabi, walang perang napupunta
sa kanila at kung mayroon man hindi naman nabigay ang MOP kaya balewala din ang
nakasaad sa batas na mahusay na pagba-badyet. Hindi namamaksima ang pondo
(economic efficiency19) sa ibat ibang pangangailangan ng sector ng kalusugan upang kahit
na maliit lamang sana ang pondo ay mas maraming mamamayan ang mabibigyang serbisyo.
Walang ding nangyayaring pagbabantay sa batas dahil una sa lahat, hindi naman nila gamay
ang nakasaad sa batas. Natabunan na rin ng ibang mga prayoridad at proyekto ng
kasalukuyang administrasyon ang pagpapatupad sa naturang batas.
19Ang konsepto ng economic efficiency ay ang pagmamaksima sa pondo kung saan inilalaan ang
kapital sa mga alternatibong paraan o bagay na magreresulta sa mas malaking output sa parehong
halaga.
33
gagastos para lang sa condom kaya umaasa sila sa libreng pamimigay nito.
Makikita sa mga sakit ang kalagayang pinansyal ng mga nagdadalang-tao. Madalas ang
malnutrisyon at UTI dahil sa pagkain ng mga maaalat tulad ng tsitsirya, tuyo, delata at iba pa
na hindi masustansiya lalo na kapag palagiang kinakain. Ayon din sa DOH pataas ng pataas
ang dami ng kaso ng malnutrisyon sa mga buntis kaya nagpasagawa sila ng feeding
programs sa center. Isa nanamang pansamantalang solusyon sa kahirapan.
34
pagmomobolisa,
pakikipag-ugnayan
sa
pribadong
sektor,
pagpupulong,
36
Batis
Rogan, Shanna Elaine, and Ma. Virginia Olvea. Factors Affecting Maternal Health
Utilization in the Philippines. Manila: National Convention on Statistics, 2004. Print.
"ANG 1987 KONSTITUSYON NG REPUBLIKA NG PILIPINAS." SEAsite - SE Asian
Languages and Cultures. N.p., n.d. Web. 3 Sept. 2011.
<http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/ang_1987_konstitusyon_ng_republi.htm>.
Arriola, Fe Capellan. "Buntis." Si Maria, Nena, Gabriela Atbp.: Kwentong Kasaysayan ng
Kababaihan. Manila: GABRIELA and Institute of Women's Studies, St. Scholastica,
1989. 59-63. Print.
Bautista, Faye, and Marymell Martillian. Correlation Between Maternal and Child Health
Services and Mortality. Manila: National Convention on Statistics (NCS), 2007. Print.
Berg, Cynthia Jean. Strategies to reduce pregnancy-related deaths from identification and
review to action. Atlanta, [Ga.: Centers for Disease Control and Prevention, 2001.
Print.
Beyond the numbers: reviewing maternal deaths and complications to make pregnancy
safer.. Geneva: Dept. of Reproductive Health and Research, World Health
Organization, 2004. Print.
Boulvain, M.. "Maternal morbidity." Geneva Foundation for Medical Education and Research.
Department of Obstetrics and Gynecology Geneva University Hospital, 4 Sept. 2008.
Web. 26 July 2011. <http://www.gfmer.ch/Endo/Lectures_08/maternal_morbidity.htm>.
Briones, Leonor Magtolis, and Gwendolyn Valdez. Institutionalizing Gender-Responsive
Budgeting in the Philippines: The Beginning. Quezon City: Uneversity of the
Philippines Diliman, 2004. Print.
Bugembe, Anthony. "Prioritise Maternal Healthcare, First Lady Tells Policy Makers." The New
Vision [Uganda] 24 Nov. 2008: n. pag. Partners in Population and Development Africa
Regional Office. Web. 23 July 2011.
Chapman, Jane Roberts. Economic independence for women: the foundation for equal
rights. 1976. Reprint. Beverly Hills, Calif.: Sage Publications, 1999. Print.
37
<http://www.hsph.harvard.edu/review/review_summer_02/txt677cuba.html>.
Illo, Jeanne Frances I.. Women in the Philippines . Manila: Asian Development Bank, 1997.
Print.
Joint review of the maternal and child survival strategy in China . Beijing: UNICEF, 2006.
Print.
"Making Pregnancy Safer." World Health Organization. N.p., n.d. Web. 22 July 2011.
<www.who.int/making_pregnancy_safer/topics/mdg/en/index.html>.
"Maternal Health." World Health Organization. N.p., n.d. Web. 22 July 2011.
<www.who.int/topics/maternal_health/en/>.
Meyer, Renaud. "Speech: Advocacy Forum on the Gender and Development (GAD) Budget."
UNDP in the Philippines :: Welcome to the United Nations Development Programme .
United Nations Development Programme, 1 Mar. 2011. Web. 27 July 2011.
<http://www.undp.org.ph/?link=speeches&id=55&speaker=&act=fullspeech&page=4>.
Michael, Wambi. "Uganda: Rights-Group - Government Needs to Prioritise Maternal Health."
allAfrica.com: Home. N.p., 15 June 2011. Web. 25 July 2011.
<http://allafrica.com/stories/201106160829.html>.
Michael, Wambi. "Government Needs to Prioritise Maternal Health." Inter Press Service
[Kampala] 15 June 2011, sec. Uganda: n. pag. IPS: The Story Underneath. Web. 23
July 2011.
Monea, Emily, and Adam Thomas. "Unintended Pregnancy and Taxpayer Spending."
Perspectives on Sexual and Reproductive Health June 2011: 88-93. Guttmacher
Institute. Web. 25 July 2011.
Nasreen, Hashima-e, Syed Masud Ahmed, Housne Ara Begum, and Kaosar Afsana.
"Maternal, Neonatal and Child Health Programmes in Bangladesh." BRAC Research.
, Institute of Health Economics, University of Dhaka, n.d. Web. 3 Sept. 2011.
<www.bracresearch.org/monographs/Monograph_32.pdf>.
Navaneetham, K., and A. Dharmalingam. Utilization of maternal health care services in South
India . Thiruvananthapuram [Kerala, India: Centre for Development Studies, 2000.
Print.
39
Piccoli, Giorgina, and Scott Karakas. "Paula Modersohn-Becker, the challenges of pregnancy
and the weight of tradition." Philosophy, Ethics, and Humanities in Medicine Jan.
2011: 1-7. Philosophy, Ethics, and Humanities in Medicine. Web. 26 July 2011.
Trends in maternal mortality 1990 to 2008 : estimates. Geneva: World Helath Organization,
2010. Print.
Tulali, Carlos O.. "Philippine Government Policies in Reducing Maternal Mortality." Scribd.
Philippine Legislators Committee on Population and Development Foundation,
Inc., n.d. Web. 27 July 2011. <http://www.scribd.com/doc/26659193/PhilippineGovernment-Policies-in-Reducing-Maternal-Mortality>.
Virola, Romulo. "The MDGs: Will the Philippines make it?." National Statistical Coordination
Board. N.p., 6 Jan. 2006. Web. 24 July 2011.
<www.nscb.gov.ph/headlines/StatsSpeak/010906_rav_mdg.asp>.
World Health Organization. Beyond the numbers: reviewing maternal deaths and
complications to make pregnancy safer.. Geneva: Dept. of Reproductive Health and
Research, World Health Organization, 2004. Print.
40
APPENDICES
Appendix 1: Free Prior and Informed Consent - pangkalahatan
University of the Philippines Manila
Padre Faura St. Ermita, Manila
maaaring maging daan ang pag-aaral na ito upang mapabuti pa ang nasabing batas at mag-ganyak din
ng pagkilos upang tugunan ang mga pangangailangang sa pangangalaga sa mga nagdadalang-tao.
Naniniwala akong ang inyong kaalaman at opinyon ay kritikal sa tagumpay ng nasabing pagaaral. Pinahahalagahan ko po ang inyong pagpayag na makapanayam sa loob ng isang oras kung kalian
maluwag ang inyong iskedyul.
Maraming salamat po!
Lubos na gumagalang,
_____________________
Erika Mae U. Gumabol
UP Manila Student
Major in BA Political Science
ichikiamae@gmail.com
0915-149-1206
42
maaaring maging daan ang pag-aaral na ito upang mapabuti pa ang nasabing batas at mag-ganyak din
ng pagkilos upang tugunan ang mga pangangailangang sa pangangalaga sa mga nagdadalang-tao.
Kaya naman nais ko pong humingi ng permiso upang lehitimong makapanayam ang mga
tauhan sa nasabing health center at pati na ang pagkuha ng mga dokumentong kinakailangan sa aking
pananaliksik.
Maraming salamat po!
Lubos na gumagalang,
_____________________
Erika Mae U. Gumabol
UP Manila Student
Major in BA Political Science
ichikiamae@gmail.com
0915-149-1206
44
46
c. pondo
d. dami ng mga gawain
e. pagmamaksima sa ibat ibang porma ng media
14. Sa usaping budget, may kaukulang ibinibigay ba ang pamahalaan para sa serbisyong
pangkalusugan lamang o sa partikular na programang MNCHN?
a. Kung wala, paano ninyo hinahati ang pondo para sa barangay? Ilang porsyento
bawat alalahanin (kalusugan, kaligtasan/kaayusan, kalinisan, kabuhayan,
selebrasyon atbp.)
b. Sapat ba ito?
15. Ano kaya ang maaaring solusyon dito?
a. sa parte ng pamahalaan (DOH, LGUs atbp.)
b. sa parte ng center
c. sa parte ng komunidad
16. Sa inyong palagay, ang mga pagbabago bang nabanggit ay sapat na upang sabihing
umunlad ang aksesibilidad ng mga kababaihan sa maternal na serbisyong
pangkalusugan?
a. Masasabi mo bang mabababa, katamtaman o mataas ang kalidad ng maternal
na serbisyong pangkalusugan dito?
17. Masasabi bang ang kakulangan sa pondo ay ang pinakamabigat na problema sa
pagkamit ng aksesibilidad sa maternal na serbisyong pangkalusugan?
Pagtatapos:
May mga katanungan pa po ba kayo ukol sa mga napag-usapan?
May mga dapat pa po ba akong malaman o kakilalang maaari kong malapitan ukol sa
pag-aaral na ito?
Maraming salamat po sa inyong oras at kaalaman. Kung may mga karagdagang opinyon
o katanungan po kayo, maaari ninyo akong makausap sa numerong ito 09151491206.
Muli, ako po si Erika at maraming salamat po.
48
52
Administrative Order No. 2008-0029 Implementing Health Reforms for Rapid Reduction of
Maternal and Neonatal Mortality o estratehiyang Maternal, Neonatal and Child Health and
Nutrition (MNCHN) upang tugunan ang pagtaas ng mortalidad ng mga bata at nagdadalang
tao. Isa na sa mga dahilan nito ay ang kawalan ng akses sa kalidad na maternal na
serbisyong pangkalusugan.
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matukoy kung napabuti nga ba ng nasabing batas ang
akses ng mga kababaihan sa maternal na serbisyong pangkalusugan.
Susuriin din kung ang target ng batas ay husto sa mga pangangailangan ng mga
kababaihan, at kung hindi lamang sa pisikal na pag-abot sa mga serbisyong ito pero maging
sa sosyal na dimensyon.
Ang barangay health center ng San Andres po ang napili para sa masusing pag-aaral
ukol sa nabanggit. Naniniwala ang mananaliksik na ang inyong kaalaman sa mga nabanggit
na isyu ay mahalaga sa pagpapayaman ng pag-aaral na ito.
Alituntunin
Malaya po kayong magsalita kahit na hindi tinatawag upang maghayag ng opinyon sa
kung anon mang sinasabi ng kasama. Magsabi lamang po kung hindi naunawaang maigi ang
tanong. Maging Malaya po kayong magsalita ng katotohanan sapagkat sinisiguro naman ang
kompidensyalidad ng inyong salaysay at identidad.
Huwag din po sanang magagalit kung inabala ko kayo sa pagsasalita dahil isa lamang poi
tong paraan upang makuha ang mga impormasyon at pagtingin ng lahat.
Gagamit po ng voice recorder para lamang epektibong makuha lahat ng napag-usapan.
Wala pong makakarinig ng recording liban sa tagapagsaliksik at mga kasali.
Magsimula na po tayo. Kilalanin po muna natin ang isat isa. Sabihin lamang po ang
unang pangalan, trabaho o iba pang pinagkukunan ng panggastos, at kung bakit po sila
naging BHW. Sisimulan ko nap o ang pagpapakilala
IV. Diskusyon
A. Kalagayan ng mga kababaihan sa komunidad
Kalusugan
i. Kadalasang dahilan ng pagkakaroon ng komplikasyon o kamatayan dahil
sa pagbubuntis
ii. Maternal mortality
54
Edad
pangkalusugan
Papel ng komunidad, pamahalaan at BHS o center
55
56
57
tao. Isa na sa mga dahilan nito ay ang kawalan ng akses sa kalidad na maternal na
serbisyong pangkalusugan.
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matukoy kung napabuti nga ba ng nasabing batas ang
akses ng mga kababaihan sa maternal na serbisyong pangkalusugan.
Susuriin din kung ang target ng batas ay husto sa mga pangangailangan ng mga
kababaihan, at kung hindi lamang sa pisikal na pag-abot sa mga serbisyong ito pero maging
sa sosyal na dimensyon.
Alituntunin
Malaya po kayong magsalita kahit na hindi tinatawag upang maghayag ng opinyon sa
kung anon mang sinasabi ng kasama. Magsabi lamang po kung hindi naunawaang maigi ang
tanong. Maging Malaya po kayong magsalita ng katotohanan sapagkat sinisiguro naman ang
kompidensyalidad ng inyong salaysay at identidad.
Huwag din po sanang magagalit kung inabala ko kayo sa pagsasalita dahil isa lamang po
itong paraan upang makuha ang mga impormasyon at pagtingin ng lahat.
Gagamit po ng voice recorder para lamang epektibong makuha lahat ng napag-usapan.
Wala pong makakarinig ng recording liban sa tagapagsaliksik at mga kasali.
Magsimula na po tayo. Kilalanin po muna natin ang isat isa. Sabihin lamang po ang
unang pangalan, trabaho o pinagkukunan ng panggastos, address, edad at kung ilan na po
ang anak nila. Ako na po ang magsisimula
VII.
Diskusyon
F. Kalagayan ng mga kababaihan sa komunidad
Kalusugan
i. Mga iniindang karamdaman tuwing buntis at isang buwan matapos
manganak
ii. Pagpapatingin sa obstetrician o physician
Pinagkukunan ng panggastos o trabaho
edad
59