Professional Documents
Culture Documents
Piyesa Balagtasan
Piyesa Balagtasan
Lakandiwa:
Masayang pagbati, hatid sa naritong tanan
Mga giliw kong manonood higit na sa kabataan
Ngayon tutunghayan tagisan ng kaisipan
Magkasalungat na prinsipyo ating ngayong huhusgahan.
Paksang pagtatalunan ay produktong dayuhan
Nakatutulong ba o hindi sa pambansang kagalingan
Dalaga sa kanang panig, oo, sadyang nakatutulong
produktong dayuhan
Sa kaliwang banda naman, ay hindi, walang
katotohanan.
Kaya ngayon sisimulan na, paglalahad ng dalawang
panig
Pakinggan ang talim at bagsik ng kanilang tinig
Paggalang sa bawat isa, nararapat na manaig
Alay sa mga mutya, palakpakang walang patid.
Nakatutulong:
Marie Claire Singson po, mauuna sa talastasan
Sapagkat alam kong tama aking ipinaglalaban
Talagang nakatutulong mga produktong dayuhan
Binibigyang tugon, pangunahing pangangailangan.
Bilang patunay, gawing batayan ang ekonomiya
Produktong dayuhan sa bansa pangdagdag kita
Pati mga foreign investors sa atin nagpupunta
Kaakibat nito, pisoy tumataas ang halaga.
Kung uri, tibay at kalidad lang ang pag-uusapan
Aba! Tiyak, produktong dayuhan, pag-aagawan
Sa katunayan, modelo nga ito ng kagandahan
Masasabing suot ng iba dyan may pinaggayahan.
Wala naman sigurong masama kung tatangkilikin
Mga produktong states side at imported kung ituring
Bigyang pansin ang suot ko, hindi to galing sa atin
Sa hitsura pa lang, kagalang-galang na sa paningin.
Lakandiwa:
Salamat binibini sa iyong pananalita
Batid namin ang diwang nais parating sa madla
At ngayon naman saksihan, dalaga nyang kasagupa
Jennifer Arbolado, magtatanggol sa paniniwala.
Hindi Nakatutulong:
Lakandiwang mahal,pasasalamat koy tanggapin nyo
Sabi nga ni Manny Pacquiao, para sa inyo ang laban na
ito
Kung magsalita ang katunggali, parang di Pilipino
Maringal lang ang suot, kala mo na kung sino?
Ekonomiya ng bansa, tayo ang namamahala
Ating napagbubuti sa tulong ng lakas paggawa
Sa pag-unlad ng bansa, di kaylangang magmakaawa
Sa mga dayuhang sa atin ay nagpapakasasa.
Hindi Nakatutulong:
Kung nais ay bayanihan, bakit di mo simulan?
Nakatutulong:
Sa akin kasi kailangan ang produktong dayuhan.
Hindi Nakatutulong:
Na nagbibibgay sa atin ng dagdag kumpetensiya.
Nakatutulong:
Bakit, wala bang Pilipinong natutulungan ng dayuhang
kompanya?
Hindi Nakatutulong:
At sinong bang mas nakikinabang, tayo ba o sila?
Nakatutulong:
Di ba ang cellphone,computer ay mula sa ibang bansa.
Hindi Nakatutulong:
Ang imported na gamit pag nasira hindi na magawa.
Nakatutulong:
Ang mahalagay nakatulong.
Hindi Nakatutulong:
Hindi! Sa gastos lang tayo ibinaon.
Nakatutulong:
Nakatulong pa rin.
Hindi Nakatutulong:
Hindi!
Nakatutulong:
Oo!
Lakandiwa:
Tama na inyong pagtatalot maghunos-dili kayo
Ang inyong mga katwiran sagad hanggang buto
Kung makipaglaban daig pa si Gabriela Silang
Baka sa bagsik pagka-dalagang Pilipinay nalimutan.
Kaibigan kong marangal, batid namin nais mong ikintal
Nasa modernong panahon dayuhang produkto y
praktikal
Subalit, huwag limutin bansang sa iyo nagmahal
Di dapat maliitin bagkus ipagmalaki ating kalakal.
Binibini ..kay tapang mong ipaglaban ating bansa
Kapuri-puri ang pag - ibig sa produktong dito gawa
Ngunit pakaisipin din, gawang dayuhan ay kailangan
Na tunay na makatutulong para sating kaunlaran?
Kapamilya ,kapuso pagpiliy nasa inyong kamay
Payong kaibigan lang, ang pagtangkilik gawing pantay
Subalit ang huling pasya, sa inyo nakasalalay
Isipin ang mabuti para sa tatahakin ninyong buhay.