Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Baoas, Emmanuel Nathan D.

P.I. 100 X2-C

Prof. Nilo S. Ocampo


2012-22713 BS Food Technology
Ika-15 ng Hulyo, 2015

Etikang Tagalog- Book Review

Nuong pumasok ako ng UP, akoy sadyang natuwa kasi kahit saan ako
tuminging kurikulum ay walang Rizal subject. Required daw sya sa batas,
pero akalain mo yun, wala dito sa UP! O sadyang kay laya!, banggit ko.
Pero akala ko lang talaga yun. Turns out, mayron at nakapangalan lamang
bilang PI 100.
Ito nga lang Midyear na ito ay napagdesisyunan kong kunin na ang
kursong ito, at dito marami akong natutunan- buhay ni rizal- lovelife nya,
balik tanaw sa dalawa nyang nobela, tapos bigla may isa pa pala. Oh talaga?
Wow! Plot twist!
Ang Etikang Tagalog- o syang pinangalan sa koleksyon ng mga
kabanata ng di-tapos na ikatlong nobela ni Rizal ay tinipon at isinalin ng
inyong lingkod, gaya ng kanyang pagpapakilala sa kanyang sarili na syang
propesor ng asignatura na si Dr. Nilo S. Ocampo. Ang nasabing libro ay
medyo maikli dahil di naman natapos at masasabi kong di pa talaga libro.
Kung ano man ito ay maituturing na draft lamangayon na nga rin sa mga
excerpt sa mga liham ng may-akda kay blumentritt, pero sa pagbabasa
malaon ay masasabing nagtatagpi tagpi ang mga ideya at ang kuwento ay
tumatalakay sa isang ispesifik na paksa.
Gaya ng sa Noli Me Tangere at sa El Filibusterismo, ang ikatlong nobela
na kilala rin bilang *Makamisa( isa ring kabanata ng aklat) ay nakasentro sa
praylokrasya ngunit sa puntong ito ay may pagdidiin sa isang spesifik na
1|Page

karakter. Di gaya sa dalawang nabanggit, ang tauhan ng partikular na


interes si Padre Agaton na Kura ng Bayan ng Pili ay isang kontradiksyon sa
normal na fray botod. Si Padre Agaton ay inilarawan bilang isang sobrang
lalaki, makisig, malinis sa katawan at banal sa paningin ng marami. Ang di
nya lang pinagkaiba, o kung mas ikinasahol pa ay ang kanyang sobrang
mapamili sa kanyang pagbebendisyon, pagkomunyon, at tratong
mapagmataas sa mga indio. Sa kanyang pamamalakad ay di sya
nagaatubiling magpakita ng dahas at lupit kung kinakailangan. Sa umpisa ng
kuwento ay nahihinata na na may kinatutuksuhan na syang isang dalagitasa katauhan ni Cecilia na anak ng isang kapitan (Panchong) at marahil may
kaugnayan kung bakit sya bilang nagalit. Ang kanyang pagkagalit ay syang
naging sentro ng paksa sa mga kabanata 2 hanggang 8.
Ang kabuuan ng di-tapos na manuscript ay hanggang 11 kabanata
lamang, na ang huling linya ng salin ay Lumapit ka nga rito iho, magiliw na
hagod ng Kura, akma nang mamimingot, na sya ring nakakapukaw ng
imahinasyon kung ano kaya ang mangyayari. Ang paunang kuwento ay
tungkol sa bayan ng Pili na malapit sa Maynila, may populasyon ng 25,000
mamamayan, ay, sa lahat ng pwedeng misa mayor (apat na misa sa isang
linggo) maraming nataranta at natuliro sa inasta ng kura sa partikular na
komunyon na sya mismo ang nagdaos. Bukod sa pagkagalit ng Kura,
maraming mga sidestory si Rizal sa nobela. Narito ang kuwento ng
katiwala ni Aleng Sebya at Kapitan Panchong na si Anday na hindi
napabensdisyunan ang anak kayat ikinagalit ng nauna at idinidiin ang
pagiging disgrasyada nito. Si Kapitan Panchong naman ay isang pulitiko na
nais tumakbong gobernadorsilyo at nais sumipsip sa kura upang muling
mahalal kaysa sa katunggaling si Kapitan (Don) Crispin. Muli ay may mga
nagaastang intelektuwal at may hangarin gaya nina Dr. Lopez at Don Paquito
na may malayang isip at kontra sa simbahan. May namumuong pag-ibig sa
mga kabataang sina Isagani at Cecilia, ngunit maaring maging masama ang
kahinatnan dahil sa banta ni Padre Agaton. Mulit muli ay may istoryang gaya
2|Page

ng sa kay Ibarra at Maria Clara sa tauhan nila Cristobal, isang kakabalik


lamang ng Europa at sa katipan na si Amelia. Ngunit kung di man may
pinakamasayang kuwento ay yuon ang kabanata 10: Tuktukan na tungkol
naman sa tuktukan ng itlog nina Ape, anak ni Kapitan Panchong at ni Silvino
na anak naman ni Kapitan Crispin na nauwi sa gulo sa araw pa man din ng
prusisyun at dahil dito ay maski ang kura ay napapunta sa bahay muli ni
Kapitan Panchong upang na rin magkadahilan na makita si Cecilia.
Sa pangkalahatan, akala ko talaga boring at normal lang ang Etikang
Tagalog. Marami akong inassume. Nagkamali ako. Maging sa nasabi ko sa
itaas na pangunahing tema ng akda- Praylokrasya, kung ito man ang
pangunahing namumutawi ay hindi. Ito ay dahil sinabi na rin sa Paunang
salita ng Tagasalin (Page 1-17) ang pangunahing layon ng may-akda. Sabi na
mismo ni Rizal kay Blumentritt, ang kanyang ikatlong nobela ay yaong
moderno ang pakahulugan ng kataga pero hindi magkakaroon ng malaking
puwang ang politika ;etika ang syang magiging pangunahing paksa- ang
mga gawit ugali lamang ng mga Plipino ang bibigyan ng pansin; dalawa
lang ang Espanyol- ang kurat Guardia Civil, kasama ang paghahangad na
maging masaya, mapanudyo at madalas, kasabay ng pagiging kwela at
nakakatuwa ng nasabing nobela sa pagitan ng mga luha at kapaitan na
maaring mangyare sa kwento at sa mga karakter nito.
Kung bakit pala Etikang Tagalog ang pangalan ng yaong di tapos na
libro ay halos ganun na rin ang sa dahilan ng tagasalin. Sitten und
Gebrauchen der Philipinen- ang lahad ni Rizal kay Blumentritt na ibig sabihn
ay gawit ugali ng mga Pilipino, ngunit pinili ni Rizal na gisingin ang
rehiyonalismo at/o provincialismo. Sa simula palang man din ay tubo sya ng
Calamba, kung gayon isang Tagalog. Taglay ang pagmamalaki sa tinubuan at
pinanggalingan. Overkowt ng tagasalin na etikang tagalog pagiging
tapat lamang kung sino ang may hawak ng pluma, ano ang inilarawan ng
kapanahunang sinaklawan, subalit walang pagkakailang kung kanino
patungkol , walang iba kungdi sa pagkabansang Pilipino.
3|Page

Para sa akin, magandang karanasan na basahin ang Etikang Tagalog


at tunay ngang nakakagalak kung natuloy ito. Iba ito sa Noli at Fili dahil kahit
may ipinapahayag na kaseryosohan ang pagkakasulat, sa lahat ng mga
kuwento ay nakahalo o sadyang mapaglaro ang mga salita na nagsasabing
patawa o insulto itong parating sa mga prayle at mga nagaastang
intelektwal nuong panahong iyon. Nahahalo ang humor sapagkat maraming
karakter, kung di man ignorante at mapagmataas ay bata ang pag-iisip.
Isa pang nakakaintriga sa ikatlong nobela na ito ay ang di na nating
malalamang mga sagot sa tanong na Ano ang kaungyan kaya nito sa Noli at
Fili? at kung mayroon man, coincidence nga lang ba na may
pagkakaparehas ng pangalan ng ilang karakter, gaya ni Isagani at maassume
ba na nangyari ito matapos ang El Fili? Ano naman kaya ang magiging
kahihinatnan ng mga nabanggit sa kalaunan ng istorya? Magtatagumpay
kaya si Padre Agaton sa kanyang maitim na balak kay Cecilia, o mananaig
ang pagiibigan nila Cecilia at Isagani? Kung sa akin lang eh ay mananais
kong sana kung natapos ito ay naging nakakatawa pa lalo ang kalaunang
kabanata at hindi naman sawi ang katapusan gaya ng kay Ibarra at Maria
Clara.
Bilang konklusyon, ang Etikang Tagalog ay isang hindi natapos na obra
maestra. Salamin ito ng ating kasaysayan at ng praylokrasya, opresyon sa
ating inang bayan nung kapanahunan ni Rizal. Kaugnay sa kurso (P.I. 100),
para sa mga estudyanteng nagbasa nito ay malaki itong tulong sa pagunawa
at mas lalong pagkilala sa pambansang bayani, di lamang sa kung ano ang
pinaglalaban nya kungdi pati rin sa pagunlad sa pagmamahal sa inang
bayan. Kung natuloy man ay siguro ito rin ay magiging isang inspirasyon
para sa nasyonalismong Pilipino. Gaya ng Mi ultimo Adios, na wala ring
pormal na pamagat na banggit, isa ito sa huling mga pamana ni Rizal sa
ating kabataan ( sa kasalukuyan at susunod na henerasyon) na marapat
lamang basahin, unawain, at kunan ng aral kaya naman sanay mas mabasa
at mapagtungkulan ng pansin na nararapat lamang para rito.
4|Page

V. Dagdag Tanong- Sagot


A.) Sino itong Britisin na manlalakbay na pumansin sa kagarbuhan ng
praylokrasya, binaggit din ni Coates sa kanyang aklat kay Rizal?
- John Bowring
B.) Mga sayaw na nabanggit sa aklat
Waltz- p.67; Terak (sayaw kapampangan)
C. Ano ang reaksyon ninyo sa sumusunodna pangungusap: Matatagpuan
ang Pili sa malapit sa isang patay na bulkan. Hint: geological

5|Page

-Mula sa pangungusap mahihinuha natin na malaki ang posibilidad na ang


Bayan ng Pili ay malapit sa Bulkang Taal- Laguna o Batangas, na mas
masasabing ang nahuli, sapagkat Tagalog ang sinsalita at pangkat etniko sa
lugar na ito. Kaugnay rin ito sa layon ng may-akda na ipakita at ilarawan ang
etika, ugali at kaugalian ng mga tao rito.
D. Formulang matematikal sa pagkakautang ni Anday
-Php 70 (utang ni Anday)/Php3.88 (sweldo kada taon) = 18 taon pa ng
paninilbihan. Naging Php 74.50 / Php 3.88= di hihigit ng 19 taon at kalahati
(Kabanata 6 p.74).

E. Saan-saang bahagi ng nobela nagkaroon ng kalihisan sa pananamit?


-Kabanata 10, Tukutukan kung saan nahubaran si Kapitan Panchong sa
rambulan ng mga anak nila at nila mismo ni Kapitan Crispin. Nang makita ito
ng kanyang asawa hinablot nito ang tapis
at panyuwelo at nagtangkang manaplot at sinabing nakakahiya ito.

6|Page

You might also like