Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

IKALAWANG MARKAHAN

FILIPINO 8
Panggitnang Pagsusulit
Pangalan: _____________________________________________

Baitang at Pangkata: __________

Katotohanan o Opinyon
Isulat sa patlang ang titik K kung ang pangungusap ay nagsasaad ng katotohanan. Isulat ang O kung ito ay isang
opinyon.
_________ 1. Ang pambansang watawat ng Pilipinas ay may kulay bughaw, pula, puti, at dilaw.
_________ 2. Si Benigno S. Aquino III ay mas magaling na pangulo kaysa kay Gloria Macapagal-Arroyo.
_________ 3. Ang sigarilyo ay may tar, nikotina, at ibat ibang kemikal na nakasasama sa kalusugan.
_________ 4. Ang mga taong naninigarilyo ay masasama.
_________ 5. May pitong araw sa isang linggo.
_________ 6. Mas masarap manirahan sa pamayanang rural.
_________ 7. Mas maraming gusali sa pamayanang urban.
_________ 8. Bibilis ang pag-unlad ng ating bansa dahil sa pagbaba ng presyo ng gasolina at diesel.
_________ 9. Ang mga prutas ay may ibat ibang bitamina at mineral.
_________ 10. Bumisita sa Pilipinas si Pope Francis noong Enero 2015.
Kaantasan ng Pang-uri
Isulat sa patlang ang titik L kung ang pang-uring may salungguhit ay nasa lantay na antas, PH kung ito ay nasa
pahambing na antas, at PS kung ito ay nasa pasukdol na antas.
_____ 1. Napakaganda ng mga palamuti sa mga bahay tuwing Pista ng Pahiyas!
_____ 2. Magandang asal ang paggamit ng po at opo sa pakikipag-usap sa mga nakatatanda sa iyo.
_____ 3. Ang buhok ni Katrina ay mas mahaba sa buhok ni Sarah.
_____ 4. Di-gaanong mabigat ang dalang bag ni Joshua.
_____ 5. Ang galing-galing ng mga mananayaw na napanood namin!
_____ 6. Huwag kayong pumunta sa lugar na mapanganib.
_____ 7. Ubod ng hirap ang trabaho ng isang manggagawa sa pabrikang ito.
_____ 8. Magsintanda ang lolo ni Jose at lolo ni Pedro.
_____ 9. Ang pamayanan sa tabing-dagat ay payapa.
_____ 10. Si Jason ang pinakamatangkad na anak ni Ginang Rosario.
_____ 11. Ibigay mo ang makapal na aklat kay Ginoong Reyes.
_____ 12. Ang dalawang sanggol ay magkatimbang.
_____ 13. Kay bait-bait ng mga kasambahay ni Ginang Raymundo!
_____ 14. Si Juan ay singkupad ng pagong.
_____ 15. Bukod-tangi ang talento ni Juan Luna.
Kayarian ng pang-uri
Panuto: Isulat ang titik P sa patlang kung ang pang-uri ay payak, M kung ito ay maylapi, I kung ito ay inuulit, at T kung
ito ay tambalan.
____________ 1. Ang gusaling iyon ay kasintaas ng bundok!
____________ 2. Nakita ko sa labas ang basahan na pira-piraso.
____________ 3. Nais niyang tumira sa bayan na payapa.
____________ 4. Abot-kaya na ngayon ang mga paninda niya.
____________ 5. Humingi ng tulong sa kanyang kaibigan ang babaeng litung-lito.
____________ 6. Nakahanda na ba ang mga dadalhin mo sa paaralan?
____________ 7. Hindi nakikipag-away si Regina dahil pusong-mamon siya.
____________ 8. Totoo ang mga sinabi niya sa iyo.
____________ 9. Malayung-malayo ang bayan ng San Felipe mula dito.
____________ 10. Ang talento niya ay bukod-tangi kaya may mga humahanga sa kanya.
____________ 11. Ang mga isdang binebenta riyan ay sariwa.
____________ 12. Ang anak ni Ginang Ramos ay mapagbigay.
____________ 13. Libu-libong mamamayan ang nasasalanta ng mga bagyo.
____________ 14. Pantay-balikat ang baha sa Mindanao dahil sa bagyo.
____________ 15. Umiinom siya ng bitamina dahil sakitin siya.

You might also like