Isang Pagsusuri Ngtula

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Isang Pagsusuri ng Tula

Sampung Yungib ng Pastulan

Ni Teo S. Baylen

Ipinasa ni:
Delgado, Jahann Patrick G.

Iniharap kay:
G. Hilario

Setyembre 30, 2015

Talaan ng Nilalaman
A.
B.
C.
D.
E.

Panimula
Bayograpiya ng may Akda
Pagkakasulat ng akda ayon sa kaligirang pangkasaysayan
Kopya ng Tula
Pagsusuri
-Interpretasyon ng mga saknong/taludtod
-Pagsusuri ayon sa Teoryang Formalismo

-1
-2
-2
-3
-4

A. Panimula
Ang Panitikan na susuriin ay isang Tula. Ang Tula ay isang anyo ng panitikan na
nagpapahayag ng damdamin ng isang tao. Ito ay binubuo ng mga saknong at ang mga
saknong ay binubuo ng mga taludtod. Ito ay may sukat at tugma o malaya man ay
nararapat magtaglay ng magandang diwa at sining ng kariktan. Ang layunin ng
pagsusuring ito ay maipahayag kung ano ang ibig sabihin ng tulang Sampung Yungib
ng Pastulan ni Teo S. Baylen. Nais din na maisuri ang tula sa pormalistikang pananaw.

B. Bayograpiya ng May Akda


Isinilang noong Enero 24, 1904 sa Noveleta, Cavite, si Teo S. Baylen ay naging
pastor at empleyado ng US Navy. Ang Bawat Hukay ay ang kanyang unang nailimbag
na tula, na lumabas sa magasin na Sampaguita noong 1931. Ang kanyang ibang tula ay
lumabas din sa mga magasin na Liwayway, Ilang-Ilang, Paru-paro, at iba pa.
Yumao si Baylen noong Disyembre 5, 1990 sa edad na 89.

C. Pagkakasulat ng Akda ayon sa Kaligirang Pangkasaysayan


Ang akdang Sampung Yungib ng Pastulan ay naisulat sa panahon ng
pananakop ng mga Amerikano. Patunay dito ay ang kaalaman na ang may-akda ay
nagtrabaho mismo sa ilalim ng mga amerikano, at ito ay ang pagiging empleyado ni Teo
sa US Navy. Sa panahon ng mga Amerikano, kasabay na rin nito ang kilusang
Modernismo at Post-modernismo na kung saan ay nagkakaroon ng pagbabago sa lahat
ng bagay tulad ng panitikan, sining, arkitektura, at iba pa. Dahil dito, maituturing na
naimpluwensiyahan si Baylen dahil sa tema ng akdang ito na sumasalamin sa
pagkarahas at kaguluhan ng digmaan. Dahil sa pagiging pastor ni Teo, naisama na din
sa tula ang mga elementong madalas na ginagamit sa mga parabula at bibliya katulad
ng tupa, pastulan, at iba pa. Dahil sa dalawang karanasan na pagiging pastor at
namuhay sa panahon ng Amerikano, napagugnay niya ang mga ito upang magawa ang
mga akda tulad ng akdang ito.

D. Kopya ng Tula
Sampung Yungib ng Pastulan
Ni Teo S. Baylen
May banta ang araw sa kanyang paglubog
Kaya nagliliyab ang gilid ng gulod.
Ang kapal ng ulap na hindi mapugto
Ay dagat anaking ang alon ay dugo!
Sa aba ng ating kapatagang ito
At ng mga tupang naggala sa damo.
Pagkat ginigimbal ang dako paroon
Ng isang buhawing walang panginoon!
Nagbabagang karit ang talim ng kidlat
At ang madaanay pinagtatabas.
Pag kukulog namay parang binabayo
Ng masong mabigat ang dibdib ng mundo.
Nguniy pumanatag, mga tupang munti,
May Sampung Pastulan sa Sinay na lunti.
Sa kanlungang iyon ay may Sampung yungib,
Ang kapayapaan dooy di mayanig.
3

At iyon ang huling moog at kalakhan


Madudurog doon ang buhawing iyan!

E. Pagsusuri
-Interpretasyon ng Bawat saknong/taludtod
May banta ang araw sa kanyang paglubog
Kaya nagliliyab ang gilid ng gulod.

Ang kapal ng ulap na hindi mapugto


Ay dagat anaking ang alon ay dugo!
Sa unang dalawang saknong may inilalahad na parang may paparating daw na
kaguluhan na hudyat ng kalikasan.
Sa aba ng ating kapatagang ito
At ng mga tupang naggala sa damo.
Sa lugar na sinabi kung saan dadating ang isang kaguluhan, nandito ang mga
tupa. Ang mga tupa ay sumisimbolo sa ating mga tao na mapayapang nagala sa damo
at wala man lang kaalaman tungkol sa paparating na kaguluhan. Isa pang maaaring
interpretasyon dito ay tulad ni Adan at Eba na mapayapang nasa hardin ng Eden.
Pagkat ginigimbal ang dako paroon
Ng isang buhawing walang panginoon!

Nagbabagang karit ang talim ng kidlat


At ang madaanay pinagtatabas
4

Sa dalawang saknong na ito ay dumating na ang kaguluhan na nahudyat sa mga


unang saknong at walang awa nitong pinagtatabas ang mga madaanan. Ibig sabihin ay
sinira nito ang lupain ng mga tupa kayat hindi nila ito napapakinabangan. Sinisimbolo
nito ang pagkakasala ni Adan at Eba. Ibig sabihin nito ay pinalayas sila ng Diyos sa
hardin at inalis ng Diyos ang biyaya sa kanila, kung kayat patuloy na kasamaan ang
napupunta sa kanilang buhay.
. Pag kukulog namay parang binabayo
Ng masong mabigat ang dibdib ng mundo.
Pinakita lamang sa sumunod na saknong ang pagpapatuloy ng paghasik ng
lagim. Sumisimbolo ito sa pagpasa sa atin nila Adan at Eba ng maituturing natin na
wounded nature kung saan ang lahat ng mga henerasyon na sumunod sa kanila ay
hindi makakaiwas sa kasalanan.
Nguniy pumanatag, mga tupang munti,
May Sampung Pastulan sa Sinay na lunti.
Sa kanlungang iyon ay may Sampung yungib,
Ang kapayapaan dooy di mayanig.
Ang sinisimbolo nitong dalawang saknong na ito ay ang pagdating ng Sampung
utos ng Diyos. Sinasabi dito na ang kapayapaan ay hindi mawawala dito sa Sampung
utos ng Diyos.
At iyon ang huling moog at kalakhan
Madudurog doon ang buhawing iyan!
Sa huling saknong sinasabi na nandoon sa Sampung Yungib ang pag-asa na
lumalaban sa kasamaan sa mundo. At sa pamamagitan din ng Sampung utos, kapag
sinunod natin ito, hindi tayo mapapahamak sa buhawing humahagupit sa atin.

-Pagsusuri ayon sa Teoryang Formalismo


Pinagtutuunan ng pansin sa teoryang ito ay ang mga istruktura o pagkabuo nito.
Isa sa mga tinitignan ay ang kabisaang ng pagkakagamit ng matatalinhagang pahayag.
Kabilang din dito ang sukat sa tula na nagpapakita ng bilang ng pantig sa Bawat
taludtud. Maari itong labindalawahin, lalabin-anim at iba pa. Ang tugmaan naman ay
ang pagkakahawig ng mga tunog ng mga huling salita sa bawat taludtud. Kariktan
naman kapag gumagamit ng maririkit na salita upang mapukaw ang damdamin at
kawilihan ng mambabasa dahil may adhikaing gawing objektibo ang Pagsusuri.
Sa pagbasa ng akda, makikita nating sumunod si Ginoong baylen dahil may
sukat ang tula at mayroon ding tugma. Nangangahulugan na ang akdang ito ay ginawa
ni Ginoong Baylen sa tradisyunal na paraan at hindi niya itong ginawa na malaya ang
bilang o free verse. Sa nilalaman naman ito, ang tema ng tula ay maituturing na din na
pagbigay halaga sa pagsunod sa utos, pwede ring maging tema nito ay pag-asa. Isang
ebidensya din na ang akdang ito ay nailathala sa panahon ng modernismo at
Amerikano ay may mga elemento o bagay sa tula na makikita rin sa imahe ng digmaan
Napakahusay ng pagkagawa sa akdang ito dahil napagugnay ni Ginoong Baylen ang
mga bagay na ito.
Sanggunian:
http://cr0xxavenzare.blogspot.com/2013/01/teoryang-pormalismo.html
http://tagaloglang.com/Philippine-Literature/Filipino-Poets/teo-baylen.html
6

http://fil.wikipilipinas.org/index.php/Teo_S._Baylen
http://www.takdangaralin.com/filipino/mga-tula-filipino/tula-sampung-yungib-na-pastulan/

You might also like