Chapter 7 - CAST - Filipino

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

FILIPINO DEPARTMENT

Chair: Dr. Grezaida Ledesma

Layunin:

1. Malinang ang mga estudyante tungo sa pagtatamo ng lokal at global na kahusayan sa


paggamit ng wikang pambansa sa mga makrong kasanayang pangwika sa aspektong ispiritwal
at sekular;
2. Mapaigting ang pagmamahal at pagpapahalaga sa wikang pambansa, panitikang rehiyonal at
panitikang pambansa;
3. Mapataas ang kalidad ng kaalaman at kasanayang pangwika, panliteratura at pampagtuturo ng
mga kumukuha ng kursong edukasyon para sa elementarya, sekondarya at tersyarya;
4. Makiisa at makisangkot sa mga lokal at nasyonal na programang pangwika na lalong
makalilinang ng Pilipinong pagkakakilanlan.

Mga Asignaturang Itinuturo :

Kowd at Bilang ng Kurso Pangkalahatang Kurso Yunit

FILI 111 Komunikasyon sa Akademikong Filipino 3


FILI 122 Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik 3
FILI 203 Masining na Pagpapahayag 3
FILI 210 Panitikan ng Pilipinas 3

Deskripsyon ng Pangkalahatang Kurso

FILI 111. Komunikasyon sa Akademikong Filipino (3 yunit)- Ang Filipino 1 ay isang metalinggwistik
na pag-aaral sa gamit ng akademikong Filipino sa iba’t ibang sitwasyon at larangan. Sa paraang
intedisiplinaryo at inter-aktibo, inaasahang mauunawaan at malilining sa mga estudyante ang mga
kailangang kaalaman at kasanayan sa paggamit ng Filipino sa lalong mataas na edukasyon.

FILI 122 Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik (3 yunit)- Ang Filipino 2 at pagpapalawak
ng mga kaalaman at kasanayan sa kritikal na pagbasa at lohikal na pagsulat tungo sa pagsasagawa ng
sariling pananaliksik.

FILI 203 Masining na Pagpapahayag (3 yunit)- Ito ay pag-aaral ng mga prinsipyo ng masining na
pagpapahayag sa Filipino. Nakatuon ito sa malayang pagtuklas at pagpapakita ng sariling kakayahan at
talino sa pasulat at pasalitang pagpapahayag at pagbabahagi ng mga ito sa komunidad, bansa at daigdig.

Mga Asignaturang Mejor para sa Kumukuha ng Kursong Edukasyon


at Deskripsyon ng mga ito:

FILI 210 Panitikan ng Pilipinas (3 yunit)- ay asignaturang tumatalakay sa kahulugan ng panitikan at


kasaysayan ng panitikan ng Pilipinas. Pinag-aaralan dito ang iba’t ibang uri ng panitikan simula sa panahon
ng pasalin-dila hanggang sa kasalukuyan. Inilalantad ang mga estudyante sa pagbabasa ng mahahalagang
uri ng panitikan upang mapahalagahan ang kagandahan at kasiningan ng akda ng mga Pilipino.

FILI 211 Panimulang Linggwistika (3 yunit)- Nakapaloob sa kursong ito ang pagtalakay sa kahulugan,
kasaysayan at pangunahing kaalaman sa linggwistika. Pag-aaralan dito ang mga katangian ng wikang
Filipino kaugnay ng ortograpiya, palatuldikan at palabigkasan, ponema, morpema at semantika. Susuriin
din ang pag-iiba-iba ng ibang wikain sa Pilipinas at ang ilang modelong panggramatika ng wika
FILI 212 Tanging Gamit ng Filipino (3 yunit)-Tinatalakay ang mga sanligang kaalaman sa mga wika ng
Pilipinas, mga layunin ng edukasyon at pagtuturo kaugnay ng wikang Filipino, pagsulat ng korespondensya
opisyal, bilinggwalismo, gamit ng Filipino sa pagbuo ng mga pagsusulit, panayam at paggawa ng modyul
at iba pa.

FILI 213 Istruktura ng Wikang Filipino (3 yunit)- Ang kursong ito ay para sa kumukuha ng
Edukasyong elementarya. Saklaw nito ang pag-aaral ng mga batayang kaalaman sa istruktura at
gramatikang Filipino, pag-aaral ng ponema, morpema— kayarian at mga katangian ng mga ito sa iba’t
ibang bahagi ng panalita; kayarian at mga katangian ng mga parirala, sugnay at pangungusap.

FILI Dulaang Filipino (3 yunit)-Nakapokus ang kursong ito sa pag-aaral ng kasaysayan ng dulang
Filipino, sa mga iisahing yugtong mga dulang panteatro, panradyo, pelikula at pantelebisyon. Mag-aaral at
magsusuri rin ng mga piling dulang nagwagi sa ilang pantimpalak at bibigyan ang mga estudyante ng
pagkakataong magtanghal ng isang dulang kanilang ginawa at inihanda.

FILI 222 Maunlad na Filipino (3 yunit) -Saklaw ng kurso ang masinsinang pag-aaral ng kasaysayan ng
wikang Filipino at ng malalim na pag-aaral at pagsusuri ng panloob na katangiang panggramatika ng
wikang ito. Tunguhin nito ang pagpapatamo sa mga estudyante ng maagham na kaalaman sa mga kayarian
ng salita, parirala, sugnay at pangungusap at sa masusing pagkilala at pagsusuri sa mga bahagi ng panalita
at wastong paggamit ng mga ito.

FILI 223 Sining ng Pagsasaling-wika (3 yunit) -Ang pahapyaw na pagtalakay sa kasaysayan ng


pagsasaling-wika sa buong daigdig at sa Pilipinas ay bahagi ng kursong ito. Nakapaloob din dito ang pag-
aaral ng mga prinsipyo ng pagsasalin, katangiang dapat taglayin ng tagasalin at iba’t ibang pananaw sa
pagsasalin. Bibigyang pagsasanay ang mga estudyante na magsalin sa Filipino ng iba’t ibang genre ng
literatura na nakasulat sa wikang Ingles at sa ilang wikain sa Pilipinas.

FILI 224 Panitikang Pambata (3 yunit)- Pinag-aaralan sa kursong ito ang kasaysayan ng panitikang
pambata,, uri at mga katangiang taglay nito. Kasama sa pag-aaral ang mga mga pamamaraan ng pagsulat na
maglulundo sa pagbuo ng kalipunan ng mga kwentong pambata.

FILI 310 Pagtuturo ng Filipino Bilang Pangalawang Wika (3 yunit)- Tatalakayin sa kursong ito ang
mga prinsipyong sikolohikal at pedagohikal , mga metodo, estratehiya at mga kahandaang kinakailangan
sa pagtuturo ng pangalawang wika at iaaplay ang mga iyon sa pagtuturo ng wikang Filipino. Sa kurso ring
ito bibigyan ng pagkakataon ang mga estudyante na magturo ng Filipino sa mga hindi Filipino ang unang
wika.

FILI 312 Pampaaralang Pamamahayag (3 yunit)- Sinasaklaw ng kurso ang pagtalakay ng layunin at
tungkulin ng pahayagang pangkampus, ang pag-aaral ng mga bahagi nito, mga hakbang at mekanismo sa
pagsulat ng bawat bahagi at mga kailangang kasanayan sa pagbuo nito tungo sa paglalathala ng isang
pahayagang pangkampus. Tatalakayin din dito ang etika sa pamamahayag.

FILI 313 Maikling Kwentong Filipino (3 yunit) Ang kursong ito ay nagtataglay ng pag-aaral ng mga
kasaysayan, katangian, uri, at elemento ng maikling kwento. Lilinangin sa kursong ito ang kakayahan ng
mga estudyante na magsuri at magsulat ng iba’t ibang uri ng maikling kwento. Bibigyan din sila ng mga
karanasang magkwento sa klase.

FILI 321 Panulaang Filipino (3 yunit) Ang kasaysayan ng panulaang Filipino, kahulugan, uri, at mga
pamamaraan ng pagsulat gayundin ng pagsusuri ng tula ang laman ng kursong ito. Sasanayin ang mga
estudyante sa pagsulat at pagbigkas ng mga tula.

FILI 322 Paghahanda ng Mga Kagamitang Pampagtuturo (3 yunit)- Ang kursong ito ang maglalantad
sa mga estudyante sa kahalagahan, kaalaman at kasanayan sa paggawa ng mga kagamitang pampagtuturo
tulad ng tsart,modyul, mga larawan at iba pa, gayundin ng paggamit ng mga multi-media sa pagtuturo at
ang pag-aangkop ng mga ito sa paksa upang higit na mapabuti ang pagtuturo at pagkatuto.
FILI 323 Sining ng Pagtuturo (3yunit)-
Taglay ng kursong ito ang pagtalakay ng mga kaalaman sa likas ng estudyante, katangian ng titser,
mga prinsipyo, pamamaraan at estratehiya ng pagkatuto at pagtuturo ng wika. Bibigyang pansin din ang
mga pamamaraan ng pamamahala sa klasrum na dapat gawin upang maging matagumpay sa pagtuturo ng
wika. Ang mga estudyante sa kursong ito ay bibigyan ng karanasang magturo sa klasrum.

You might also like