Professional Documents
Culture Documents
Ikaapat Na Markahang Pagsusulit
Ikaapat Na Markahang Pagsusulit
FILIPINO V
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong, pangungusap, talata, balita o kwento.
Isulat ang tamang sagot sa Sagutang Papel.
I. PAKIKINIG
Pakinggang mabuti ang kwento at ibigay ang buod pagkatapos mapakinggan.
Nag-field trip ang mga mag-aaral ng Sto. Nino sa malaking Krus sa Bataan noong
nakaraang Disyembre. Masayang Masaya sila sa byahe hanggang makarating sa
Bataan. Lalo pang natuwa at nasiyahan ang mga mag-aaral nang umakyat sila ng
Krus. Kitang-kita nila ang napaka-lawak na kapaligiran ng buong Bataan. Ang ilang
mag-aaral na sina Rita, Luz, Mar at Lito ay sabik pa na umakyat pa ng bundok at
napahiwalay sa grupo. Sa napuntahan nila ay lalong magandang tanawin. Siyangsiya ang apat nang biglang lumundag buhat sa isang puno ang unggoy at kinagat
sa braso si Mar. Napasigaw ang lahat at dumating kaagad ang Caretaker ng lugar na
iyon at dinala sa klinika si Mar. Noon naalala ni Mar ang bilin ng kanyang ina bago
umalis, Anak mag-iingat ka wag kang lalayo sa mga kasamahan.
Ang buong kagalakan at kasiyahan ay napalitan ng lungkot sa mga nagyari kay
Mar. Galit at pangamba naman ang naghari sa kalooban ng mga guro sapagkat
malaking pananagutan ito.
1. Ano ang nangyari sa naging kapabayaan ng guro?
a.
Nakagat ng unggoy si Mar nang silay mag-field trip sa Bataan
b.
Masayang-masaya ang mga mag-aaral ng Sto. Nino abang naglalakbay
patungong Bataan
c.
Pananagutan ng guro ang naganap na aksidente kay Mar sapagkat hindi nya
nasubaybayan
d.
Napalitan ng kalungkutan ang buong kasiglahan at kasiyahan ng ga mag-aaral
ng Sto.Nino sa isinasagawang Field Trip sa Krus ng Bataan noong Disyembre
nang makagat ng unggoy ang isang mag-aaral
2. Sinu-sinong mag-aaral ang nahiwalay sa grupo?
a.
Rufino, Jose, Melvin at Maria
b.
Rita, Luz Mar at Lito
c.
Lito, Liza, Melvin at Rufino
d.
Nita, Lina, Mario at Carlo
3. Alin ang pinakamalinaw ang detalye ng pangyayari?
a.
Nag field trip sa Krus ng Bataan ang mga mag-aaral
b.
Field sa Krus ng Bataan, dinaluhan ng mga mag-aaral ng Sto.Nino Elementary
School
c.
Nag Field trip sa krus ng Bataan ang mga mag-aaral ng Sto.Nino noong
nakaraang Disyembre
d.
Nag field trip ang mga mag-aaral ng Sto. Nino sa Bataan
4. Nais mong sumama sa field trip upang __________
a.
Makasakay sa Bus
b.
Magkaron ng maraming baon
c.
Makaligtas sa paggawa ng takdang aralin
d.
Mag-enjoy at marating ang mga pangarap na pook-pasyalan
5. Alin ang tagubilin ng ina ni Mar?
a.
Anak mag-ingat ka at huwag kang lalayo sa mga kasamahan
b.
Huwag kang maingay sa sasakyan
c.
Magdasal ka habang nasa daan
d.
Uwian mo kami
6. Sa bilang 5, alin ang pangungusap na negatibo?
7. Bakit kaya ganon ang tagubilin ng ina ni Mar sa anak bago ito umalis? Ibigay ang
pinakamabuting katwiran
a.
Malikot at pangaas si Mar
b.
Takot nab aka mawala ang anak
c.
Ngayon lamang mawawalay si Mar sa kanila
d.
Nararamdaman ng ina na maaarig mapahamak ang anak
8. Nasiraan ang bus ninyo nang pauwi na kayo mula sa field trip. Ubos na ang
pagkain mo at gutum na gutom ka na ngunit napakaraming baon ni Alfred. Alin sa
mga sumusunod ang pinaka mabuti mong gawin?
a.
Nanakawin mo ang baon ni Alfred
b.
Manghihingi ka sa kanya
c.
Titiisin mo ang gutom
d.
Iiyak ka
9. Nasira mo ang bisikletang hiniram mo sa iyong pinsan. Paano
magpapaliwanag sa kanya?
a.
Sori pinsan nasira ko yung bike mo ipagagawa ko na lang
b.
Nung kuhanin ko ang bike mo talagang sira na pinsan
c.
Sori pinsan di ko talaga sinasadya, mahina ang klase ng bike mo
d.
Talagang ako lang ang inabutan ng pagkasira
ka
10. Nakita mong dinudukutan ang kasakay mo sa jeep. Ano ang iyong gagawin?
a.
Magsasawalang kibo na lang
b.
Ipapahiya mo ang mandurukot
c.
Sesenyasan mo yung dinudukutan para malaman nya na siyay dinudukutan
d.
Gugulatin mo yung mandurukot
11. Gustung-gustong sumama ni John sa Bicol ngunit di nya maiwan ang kanyang
mga magulang dahil may sakit. Sabihin mo kung ito ay nagpapahayag ng ideyang:
a.
Magkatulad
b.
Magkasalungat
c.
Magkakaugnay
d.
Lahat
II. PAGSASALITA
12-15. Isulat ang angkop na pangatnig sa patlang:
( a. sapagkatb. samantalac. ngunit
d. upang)
12. Kailangan natin magkaisa at magtulungan __________ kahirapan ay mapigilan.
13. Nagbenta ng ari-arian si tatay __________ mabayaran niya ang mga
pagkakautang.
14. Sumunod nga sa utos si Pol __________ padabog syang umalis.
15. Umawit si Noel __________ tumutugtog naman ng gitara si Peter.
16-18. Isulat ang tamang pang-ukol sa patlang:
(a. para kay b. kay c. para sa
d. para kina)
16. Bumili ako ng bagong cellphone __________ aking anak na magdaraos ng
kaarawan.
17. __________ ate at kuya ang uwi kong pansit.
18. Itinayo ang bagong palaruan __________ gagawing liga ng basketball sa
Barangay.
19-23. Alin ang tamang pang-angkop sa patlang:
(a. g b. ng c. na d. nang)
19. Tumalon sa jeep ang bata __________ may kapansanan sa pag-iisip.
20. Mabagal __________ sasakyan ang amng nasakyan kaya kami nahuli sa klase
21. Nagdala ng luto __________ ulam sa pagpasok sa paaralan si Joy para makatipid
22. Mahirap __________ pamilya ang tumama sa lotto noong nakaraang linggo.
23. Mabuti __________kaibigan ang dapat samahan upang di ka mapahamak
(a. 40%
b. 5%
c. 15%
d. 15%
e. 25%)
37. Ilang porsyento ang swelo ni Bb. Perez ang inuukol nya sa kanyang mga damit
at matrikula?
38. Ilang porsyento ang ipon?
39. Ilang porsyento ang sa libangan?
40. Ilang porsyento ang sa pagkain?
41. Ilang porsyento ang sa pamasahe?
42. Ano ang katayuan sa buhay ni Bb. Perez sa badget na kayang kinalalagyan?
43-45. Tukuyin ang uri ng kard catalog na kinabibilangan ng mga sumusunod:
a. Kard ng paksa
b. Kard ng may-akda
c. Kard ng pamagat
d. Lahat ng nabanggit
43. 709.10 Alamat
5571P Cruz, Arnold P.
Kalipunan ng mga Panitikang Pilipino
Mla AVL 1998
112d.
44. 5571P Kalipunan ng mga Panitikang Pilipino
709.10 Cruz Arnold P.
Mla AVL 1998
112d.
43. 709.10 Cruz, Arnold P.
5571P Kalipunan ng mga Panitikang Pilipino
Mla AVL 1998
112d.
Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari sa pamamagitan ng paglalagay ng bilang 15. Isulat ito sa patlang na nakalaan.
46. __________ Pinaplano nyang patayuan ito ng isang gusali
47. __________ Bumili si Mang Jose ng isang ektaryang lupa sa Mindanao
48. __________ Maraming ipon nap era si Mang Jose sa bangko
49. __________ Hindi nagtagal ay isang mall ang ipinatayo sa Mindoro.
50. __________ Dahil nasa gitna ito ng kabayanan maraming tao ang dumarayo dito
upang bumili.
Inihanda ni:
MARINA DC. DELA CRUZ