Panitikan Grade 8

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

PANITIKAN SA PANAHON NG KATUTUBO

Salawikain =Karaniwang patalinghaga ang salawikain na may kahulugang


nakatago. Ang salawikain ay karaniwang nasusulat ng may sukat at tugma kaya
masarap pakinggan kapag binibigkas.
Mga Halimbawa
Pag ang tubig ay magalaw
Ang ilog ay mababaw

Ang sakit ng kalingking


Damdam ng buong katawan

Sawikain = Ang pagsasawikain o pagtatambis ay isang paraan ng pagsasalita na hindi


gumagamit ng mararahas na salita upang maiwasan ang makasakit ng loob. Ang sawikain
o patambisa samakatuwid , ay masasabing mga salitang eupemistiko, patayutay o
idyomatiko na ginagamit upang maging magandaang paraan ng pagpapahayag.

Mga Halimbawa:
parang natuka ng ahas- natulala
malayo sa bituka- hindi malubha

itaga mo sa bato- pakatandaan


mahaba ang kamay- magnanakaw

Kasabihan = Ang kasabihan ay iba sa salawikain sa dahilang itoy hindi gumagamit ng


mga talinghaga. Payak ang kahulugan. Ang kilos , ugali, at gawi ng isang tao ay
masasalamin sa mga kasabihan.

Mga Halimbawa:
Tulak ng bibig,
Kabig ng dibdib.
Ubos-ubos biyaya, Bukas nakatunganga

Dalawang Uri ng Paghahambing


1.

Paghahambing na magkatulad= Ginagamit ito kung ang dalawan

pinaghahambing ay may patas na katangian. Ginagamitan ito ng mga panlaping


kasing, sing,magsing at magkasing o kaya ay ng mga salitang gaya,tulad,
paris, kapwa, at pareho.
2. Paghahambing na di-magkatulad= Ginagamit ito kung ang
pinaghahambing ay may magkaibang katangian.

May dalawang uri ito:


1. Pasahol- Kung ang pinaghahambing ay mas maliit, gumagamit itong mga
salitang tulad ng lalo, di-gaano, di-totoo, di-lubha, o di-gasino
2. Palamang - Kung ang hinahambing ay mas malaki o nakahihigit sa
pinaghahambingan,
gumagamit ito ng mga salitang higit, labis,
at di-hamak.

ALAMAT

= Ang alamat ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa


mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Ito ay mga kwento ng mga
mahiwagang pangyayari na nagpasalin-salin sa bibig ng mga taong-bayan kaya't
walang nagmamay-ari o masasabing may akda ito.
Ang alamat ay kuwento na kathang isip lamang na kinasasangkutan ng
kababalaghan o 'di pagkaraniwang pangyayari na naganap noong unang panahon.
Ang alamat ay karaniwang tumatalakay sa mga katutubong kultura, kaugalian o
kapaligiran. Eto ay tumatalakay din sa mga katangiang maganda, tulad ng pagiging
matapat, matapang, matulungin, at sa mga katangiang hindi maganda tulad ng
pagiging mapaghiganti, masakim, o mapanumpa, Nguni't sa bandang huli ang
kuwento ay kinapupulutan ng aral para sa ikabubuti ng iba. Ito ay sumasalamin sa
kultura ng bayang pinagmulan nito.
Talasalitaan Alamat ng ginto
Caao=Isang ritwal na nagpaparangal sa espiritu ng kanilang mga ninuno.
Anito =Isang santo o diyos ng mga sinaunang tao
Bathala=Diyos
Pantas =Dalubhasa
Sugo =May tungkuling iparating ang mga ipinag-uutos sa kanya

Pang-abay= Ang Pang-abay ay bahagi ng pananalitang nagbibigay turing sa


pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay.

Pang-abay na Pamanahon tumutukoy ito sa panahon kung kailan naganap ang


isinasaad na aksyon ng pandiwa.
Halimbawa:
1. Agad napalalambot ng musika ang isang matigas na kalooban
2. Hapon na nang tawagan niya ang kanyang pinakamamahal na pamilya.

Pang-abay na Panlunan tumutukoy ito sa pook na pinagganapan ng aksyong


isinasaad ng

pandiwa. Sumasagot ito sa tanong na saan.

Halimbawa:
1. Tahimik niyang nilinis ang likod-bahay nila.
2. Nagluluto ang kanyang ina ng masarap na hapunan sa kusina.

Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Epiko Ang epiko ay isang uri ng Panitikan na


nagsasalaysay tungkol sa kabayanihan at pakikipagtunggali ng pangunahing tauhan laban
sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil ang mga tagpuan ay pawang
kababalaghan at di-kapani-paniwala. Isang kuwento ito na punong-puno ng kagila-gilalas
na mga pangyayari. Bawat pangkatin ng mga Pilipino ay may maipagmamalaking epiko.Ang
salitang epiko ay mula sa salitang Griyegong "epos" na nangangahulugang salawikain o
awit. Isa itong mahabang salaysay na anyong patula na maaaring awitin o isatono. Hango ito
sa pasalin-dilang tradisyon tungkol sa mga pangyayaring mahiwaga o kabayanihan ng mga
tauhan. Layunin nitong pukawin ang isipan ng mga mambabasa sa pamamagitan ng
nakapaloob na mga paniniwala, kaugalian at mithiin ng mga tauhan. May nagsasabing ang
epiko daw ay hango sa pangalang Kur, isang lalaki na kinuhang manunulat ng mga Espaol
sa kanilang kapanahunan dahil sa kaniyang likas na pagiging malikhain at matalino. Lahat
ng kaniyang isinulat ay tinawag niyang epikus, na di kalaunan ay tinawag ng mga Espaol
na epiko na ang ibig sabihin ay dakilang likha.
Ang epiko ay mahabang salaysay. Ito ay karaniwang inaawit o binibigkas nang patula.
Kadalasan itong salaysay tungkol sa mahiwagang pangyayari o kabayanihang
kinapapalooban ng mga paniniwala, mga kaugalian, at mga huwaran sa buhay ng mga
sinaunang mamamayan ng isang bayan. Sa Pilipinas, popular ang tinatawag na epikong
bayan o folk epic. Ayon sa mga mananaliksik ng katutubong panitikan, may kani-kaniyang
matatanda at mahahabang salaysay na patula ang ibat ibang pangkating etniko sa Pilipinas.
Sa labas ng Katagalugan, mayroong mga popular na tulang pambayan, o mga tulang epiko,
bago pa man dumating sa bansa ang mga banyaga.
Kilala sa mga Iloko ang epikong Biag ni Lam-ang (Buhay ni Lam-ang). Ito ay isinulat
ng makatang si Pedro Bukaneg na sininop at pinag-aaralan pa rin hanggang sa kasalukuyan.
Sa Bicol naman ay tanyag ang epikong Ibalon na ang orihinal na sipi sa wikang Bicolano ay
iningatan ni Padre Jose Castao noong ika-19 dantaon. Gayundin ang epikong Handiong ng
mga Bicolano na batay naman sa mga bagong pananaliksik ay likha ng isang paring
Espaol at hindi sa bibig ng mga katutubo.Sa Visayas naman nagmula ang epikong
Maragtas, at sa Mindanao ang pinakamahabang epiko sa Pilipinas na Darangan. Nakapaloob
sa Darangan ang kilalang mga epikong Prinsipe Bantugan, Indarapatra at Sulayman at
Bidasari. Ang mga kapatid naman natin sa CAR (Cordillera Administrative Region) partikular
sa Ifugao ay may ipinagmamalaki namang Hudhud at Alim.
Talasalitaan Tuwaang: Epiko ng Manobo
Patung= Isang mahabang bakal na ginagamit sa pakikipaglaban at ito ay nagbubuga ng
apoy
Sinaunang gong= Instrumentong pangmusika
Gintong salumpuwit= Upuan na ginto
nganga= Ang ginagawang nganga ay ang bunga ng ( Areca palm o betel palm) isang
tropikal na halaman na tumutubo sa Pasipiko

ANG PANG-ABAY NA PAMARAAN


Ang pang-abay na pamaraan = ay naglalarawan kung paano naganap,
nagaganap o magaganap ang kilos na ipinapahayag ng pandiwa. Sumasagot
sa tanong na Paano?

Dalawa ang panandang ginagamit sa pang-abay na pamaraan:


(1) ang panandang nang at
(2) ang na/ng.
Narito ang mga halimbawa:
Kinamayan niya ako nang mahigpit
Natulog siya nang patagilid.
Bakit siya umalis na umiiyak?
Lumapit ditong tumatakbo ang bata
Naluluha siya nang nagpasalamat.

Mga Dulang Pantanghalan sa Panahon ng Espaol


Doctrina Cristiana - Ito ang kauna una unahang aklat na nailimbag sa Pilipinas noong
1593 na naglalaman ng mga aral at turo ng Kristiyanismo.
Pasyon - ang pasyon ay awit para sa Mahal na Araw, tungkol sa paghihirap at pagkabuhay
ni Kristo
Senakulo Pagsasadula sa pangyayari sa pagpapasakait ni
Hesus
Urbana at Feliza sinulat ni
Modesto Castro na pumapaksa sa kagandahang-asal
Karagatan - kuwento ng nawawalang singsing ng isang dalaga na pakakasalan ang
binatang makakukuha nito. Duplo may tauhang bilyako at bilyaka, walang iisang paksa,
isang madulang debate kung saan ang isa ay magbibintang ng krimen sa isa pa na
magtatanggol sa kanyang sarili.
Panunuluyan
dulang paghahanap ng matutuluyan nina Maria at Jose sa Bethlehem
Tibag Paghahanap sa krus na kinamatayan ni Hesus
Karilyo - dula-dulaang gumagamit ng ginupit na papel tulad ng puppet show
Komedya o Moro- moro dulang tungkol sa labanan ng mga muslim at Kristiyano na
laging kristiyano ang nagtatagumpay. Isang uri ito ng maikling dula na may dramatikong
elemento na nakasulat sa orihinal na Kastila na may elemtong panrelihiyon, may sukat na
pito o walo okaya sa labing-apat na pantig.

EUPEMISTIKONG PAGPAPAHAYAG

Ang pagsasalita ay isa sa likas na


gawain ng tao. Naipakikilala mo ang iyong sarili sa pamamagitan ng mga salitang iyong
ginagamit. Sa layuning hindi makasakit sa damdamin ng iba, sinisikap nating gumamit ng
magagandang pahayag.
Ang Eupemistikong pahayag ay paggamit ng magagandang salita o pahayag na
naglalayong pahalagahan ang damdamin ng iba.
Sa halip na sabihing:
1. patay
2.nadudumi
3. iniwan ng asawa
4. katulong

Gumagamit ng:
sumakabilang buhay
tawag ng kalikasa
sumakabilang bahay
kasambahay

Tula
Ang tradisyunal na tula ay mga pahayag na kadalasang nagtataglay ng sukat at tugma
sa bawat taludtod, o ang mga salita at paraan ng pagbuo ng pahayag ay piling-pili,
matayutay, at masining bukod sa pagiging madamdamin.
Ang sukat ay bilang ng mga pantig sa bawat taludtod, samantalang ang tugma ay
pagkakasintunugan ng mga huling pantig sa bawat taludtod ng saknong.
May aliw-iw at indayog kung bigkasin ang tulang Tagalog dahil sa tinataglay nitong
katutubong tugma. Magkakasintunog ang huling salita ng taludturan. Karaniwan nang
gamitin ang wawaluhin at lalabindalawahing pantig ang sukat
Mahalagang maipahayag natin nang malinaw at maayos ang ating damdamin at saloobin
upang maunawaan tayo ng ating kapwa. Sa pagpapahayag ng ating emosyon o damdamin,
makatutulong ang paggamit ng mga pandiwang naglalarawan ng ating nadarama.
Ang mga pandiwang nagpapahayag ng damdamin ay may aspekto o panahunan.
May mga pandiwa rin na magagamit sa pagpapahayag ng damdamin .

Talasalitaan Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio

Isinisiwalat

Sakbibi

Itigis

Tatalikdan

Lumiyag

Ikinakalat
-

Puno
Ibuhos

Tatalikuran
Umibig

You might also like