Noli Me Tangere Deciphered-Kab021

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

KABANATA 21

KASAYSAYAN NG ISANG INA


Walang tiyak na palakad-lakad
Walang hinto sa kalilipad
Walang pahinga ni isang iglap.
            

Nagtatakbo si Sisa patungo sa kanyang bahay, na taglay ang


pagkalito na nangyayari sa tao kapag nasa gitna ng isang kasawian at
walang sukat lumingap sa atin at tinatakasan tayo ng pag-asa.  Kapag
nangyayari ang gayon ay parang nagdidilim ang lahat ng bagay sa
paligid natin, at kung makakita tayo ng isang munting ilaw na
nagniningning sa malayo ay tumatakbo tayong patungo sa kanya, siya
ay ating hinahabol nang di pinupuna kung sa gitna ng daan ay may
isang bangin.1 Nais na iligtas ng ina ang kanyang mga anak, ngunit
paano?  Ang mga ina ay hindi nagtatanong ng pamamaraan kapag ang
ang kanilang mga anak ay nasa panganib.2
Hangos na tumatakbo, habol ng mga pangamba at mga kakila-
kilabot na kutob ng loob.  Nadakip na kaya ang anak niyang si Basilio? 
Saan tumakas ang anak na si Crispin?3  Nang malapit na sa kanyang
bahay ay nakita ang mga capacete ng dalawang sundalo sa ibabaw ng
bakod ng kanyang taniman ng gulay.  Hindi masabi ang dumaan sa
kanyang puso; nalimot niya ang lahat.  Hindi lihim sa kanya ang
kawalang galang ng mga taong iyon na hindi nagpipitagan kahit sa
mayayaman sa bayan; ano ang mangyayari sa kanya at sa kanyang mga
anak na isinuplong sa pagnanakaw?  Ang mga guwardiya sibil ay hindi
mga lalaki, sila ay guwardiya sibil lamang:   hindi nakikinig sa paki-usap
at sanay makakita ng luha.4 Napatitig si Sisa sa langit at ang langit ay
nakangiting taglay ang kanyang hindi mailarawang liwanag:  ilang
maninipis na mapuputing ulap ang papaalis na nakalutang sa bughaw
na langit.  Huminto upang pigilin ang panginginig na nararamdaman
niya sa buo niyang katawan.
            Iniwan ng mga sundalo ang kanyang bahay at nasasalubong
niyang sila lamang:  walang nadakip sa bahay kundi ang manok na
1
Paglalarawan sa kalooban at pananaw ng taong naguguluhan ng isipan at
nawawalan ng pag-asa. Mapapansin sa bahaging ito na ang kakayahan ni
Rizal sa mahusay na paglalarawan ng emosyon ng isang tao ay katulad ng
kakayahan ng isang propesyonal na sikolohista.
2
Gagawin ng isang ina ang lahat ng bagay para sa kaligtasan ng kaniyang
anak, nagagawa ang mga bagay na hindi niya akalain na kaya niyang
magawa.
3
Sa bahaging ito ng kuwento ay naniniwala pa si Sisa na buhay pa si
Crispin at nakatakas lamang sa kumbento.
4
Ang mga guwardiya sibil ay hindi lalaki – ang mga tunay na lalaki ay
dumidinig ng pakiusap at lumalamig ang galit sa harap ng luha ng isang
babae.

245
inahing pinatataba ni Sisa.  Huminga at lumakas-lakas ang loob.
“Napakabuti ng kanilang puso!” ang bulong na halos umiiyak sa
katuwaan.  Kahit pa sunugin ng mga sundalo ang bahay, basta
pabayaan lamang ang kanyang mga anak ay bibiyan niya ang mga
sundalong ito ng bendisyon. Muling tumingin bilang pasasalamat sa
langit, na nagkataon na noon ay nililiparan ng isang kawan ng tagak,
iyang matutuling ulap sa langit ng Pilipinas, at, bumalik ang pag-asa sa
kanyang puso, nagpatuloy sa kanyang paglakad.5 Nang malapit na sa
mga nakakatakot na mga taong iyon ay nag-kunwaring walang paki-
alam, tumingin sa iba’t ibang lugar ako na nagkukunwaring hindi
nakikita ang kanyang inahing manok na sumisiyap sa paghingi ng
saklolo sa kanya.  Bahagya pa lamang nakararaan sa kanyang tabi ang
mga sundalo ay nagtangkang tumakbo, ngunit siya ay nagpigil. Hindi pa
siya nakalalayo nang kanyang madinig na siya ay painsultong
tinatawag.  Nangilabot siya ngunit nagwalang-bahala at nagpatuloy sa
paglakad.  Muli siyang tinawagan, ngunit may kasabay nang isang sigaw
at isang pagmumura.6 Lumingon siyang namumutla at nanginginig. 
Siya ay kinawayan ng isang sibil. Biglang lumapit si Sisa, na
nakakaramdam ng pang-uumid ng dila at sa takot ay nanunuyo ang
kanyang lalamunan.
“Magsabi ka sa amin ng totoo, at kung hindi ay itatali ka
namin sa punong iyon at bibigyan ka namin ng dalawang putok!” ang
sabi ng isa na ang boses ay nagbabala.7           
Tumanaw ang babae sa kinaroroonan ng puno.
          “Ikaw ba ang ina ng mga magnanakaw, ha?” ang tanong ng isa.
          “Ina ng mga magnanakaw!” ang sabing pabigla ni Sisa.
           “Nasaan ang salaping iniuwi sa iyo kagabi ng iyong mga anak?”
           “Ah, ang salapi…”
“Huwag mong ipagkaila, sasamain ka pang lalo!” dagdag ng isa. 
“Naparito kami upang arestuhin ang iyong mga anak at ang
pinakamalaki ay nakatakas sa amin; saan mo itinago ang maliit?”
           
5
Naipapadama ni Rizal na ang nakakapasong init ng araw ay nagpapatindi
ng kawalan ng pag-asa ng tao. Ang panloob na depresyon ay pinapalala ng
mainit na kinalalagyan.

Simbolismo ng Pagdaan ng Kawan ng Tagak


Ang pagdaan ng kawan ng tagak ay pumawi ng init ng araw at nagbigay ng
pag-asa sa kaniyang puso, subalit ang remedyong iyon ay panandalian
lamang. Katulad ng remedyo noon ng kolonyal na pamahalaan na sa mga
suliranin at paghihirap ng bayan - panandalian lamang.
6

Pag-uugali ng mga guardiya sibil – makikita rito na hindi na nila kailangang


pang turuan ng Mabuting Pag-uugali at Wastong Pamamaraan – dahil sa
masasayang lamang.
7
Sana naman wala ng iba pang ibig ipakahulugan si Rizal sa mga sinabing
ito ng mga guardia sibil kay Sisa na “kung hindi ay itatali ka namin sa
punong iyon at bibigyan ka namin ng dalawang putok!” – bakit parang gusto
nila na pareho silang magpaputok kay Sisa?

246
Nang madinig na nakatakas ang anak, si Sisa ay nakahinga ng
maluwag. “Ginoo!” ang sagot, “mahabang araw nang hindi ko nakikita si
Crispin; akala ko ay aking makikita ngayong umaga sa kumbento
nguni’t doon ay walang nasabi sa akin kundi…”
           Ang dalawang sundalo’y nagtinginan nang may kahulugan.
“Siya,” ang bulalas ng isa sa kanila, “ibigay mo sa amin ang salapi at
pababayaan ka namin.”8
           “Ginoo!” ang pakiusap ng kaawa-awang babae, “ang aking mga
anak ay hindi magnanakaw kahit sila nagugutom:  handa kaming
magtiiis ng gutom.  Walang inuwi ni isang kuwalta sa akin si Basilio;
halughugin ninyo ang buong bahay at kapag nakakuha kayo ng sikapat
(kalahating pera) man lamang ay gawin na ninyo sa amin ang inyong
gusto.  Kaming mahihirap ay hindi magnanakaw na lahat!”
           “Kung gayon,” ang madalang na sabi ng sundalo na nakatingin
sa mata ni Sisa, “ay sumama ka sa amin; bahala nang lumitaw ang
iyong mga anak at isauli ang salaping ninakaw.  Sumama ka sa amin!”9
8

Ang mga guardia sibil ay pababayaan si Sisa basta mapunta sa kanila ang
pera na inaakala nilang ninakaw ng magkapatid. ABA! NOON PA PALA ITO.
9
Isang paglalarawan sa nagaganap na paglabag ng karapatang pantao sa
Pilipinas sa kapanahunang iyon. Sa mga bansang Europeo at maging sa
mga kolonya nito ay hindi dinadakip ang magulang dahilan sa akusasyon
laban sa kaniyang anak. Ipinakikita rito ni Rizal ang kalagayan sa Pilipinas
ay kontra sa noon ay nagsisimulang maging pandaigdig na prinsipiyo ng
katarungan na ang napagbibintangan ay hindi ituturing na may kasalanan
hanggang hindi napapatunayan ng hukuman – sa kaso ng magkapatid na
Basilio at Crispin ay ipinapakita dito ang pagbibintang ay halos parang
isang kahatulan na.

247
           “Ako?  Sasama sa inyo?” ang bulong ng babae na napaurong at
gulat na nakatingin sa kasuotan ng mga sundalo.
           “At bakit hindi?”
           “Ah!  Maawa kayo sa akin!” pakiusap na halos paluhod.  Ako ay
labis na mahirap, wala akong ginto ni hiyas na maibibigay sa inyo, ang
tangi kong pag-aari ay inyo nang kinuha, ang inahing ipagbibili ko
sana…10 dalhin ninyo ang bawat matagpuan sa aking kubo, ngunit
pabayaan na lamang ninyo ako rito, bayaan ninyong dito ako mamatay!”
“Lakad, sasama ka, at pag hindi ka sumama ay tatalian ka
namin.”
Si Sisa’y humagulgol ng iyak.  Ang mga taong iyon ay hindi man
lamang nahabag. “Bayaan na lamang ninyo akong mauna nang kaunti
kaysa inyo!” ang pakiusap nang maramdamang siya ay walang
pakundangang sinunggaban at itinutulak.
            Ang dalawang sundalo ay naawa at mahinang nag-usap. “Siya,”
sabi ng isa, “mula rito hanggang sa sa bayan ay maari kang tumakbo,
kaya pumagitna ka sa amin.  Pag nasa bayan na ay maaari kang
magpauna nang mga dalawampung hakbang, ngunit ikaw ang bahala! 
Huwag kang papasok sa alinmang tindahan, ni huwag kang hihinto. 
Lakad, at matulin!”
            Walang nangyari sa mga pamanhik, mga pangangatwiran, mga
pangako.  Ang sabi ng mga sundalo ay labis na ang pagbibigay sa kanya
at sila ay nalalagay nang lubha sa panganib.
Nang siya ay mapagitna sa dalawa ay halos mamatay sa
kahihiyan.  Wala ngang naglalakad sa daan, nguni’t ang hangin at ang
liwanag ng araw?  Ang tunay na kahinhinan ay nakamamalas ng
tumitingin sa lahat ng dako. Tinakpan ng panyo ang kanyang mukha at
lumakad nang hindi tinitingnan ang nilalakaran at tahimik na lumuluha
sa kanyang pagkaaba.  Kilala niya ang kanyang kahirapan, batid niyang
pinababayaan siya ng lahat, pati na nang kanyang asawa, ngunit
hanggang sa mga sandaling iyon ay ipinapalagay niyang siya ay may
taglay na karangalan na dapat na lingapin:  hanggang sa mga sandaling
yaon ay kinakaawaan niya ang mga babaing masasagwa ang bihis at
tinatawag ng mga taong mga kerida ng sundalo.  Sa ngayon, sa akala
niya ay parang bumaba pa ang kalagayan niya kaysa mga babaing
nasabi.11
Nadinig niya ang yabag ng mga kabayo; iyon ay mga nagdadala ng
isda sa mga bayan-bayang nasa loob.  Naglalakbay sila na
magkakasabay ang mga lalake at babae, na nakasakay sa di mabuting
kabayo, sa pagitan ng dalawang batulang na nakasabit sa mga tagiliran
10
Kung si Sisa ay mayroong salapi ay maaring niyang aregluhin ang bintang
sa kaniyang mga anak. Pagpapakita ni Rizal na ang mga guardia sibil sa
kaniyang kapanahunan ay maaring tapalan ng salapi.
11
Nagawang mailarawan ni Rizal ang kahihiyan na inabot ni Sisa sa
paglalakad tungo sa kabayanan na may kasabay na sundalo sa dahilang
ang kaniyang sariling ina ay dumanas nang ganitong nakakahiyang
pangyayari.Bakit kaya nilikha ni Rizal si Sisa na mayroong dalawang anak
na lalaki na katulad ni Donya Teodora.

248
ng hayop.  Ilan sa kanila, sa pagdaan sa harap ng kanyang kubo ay
nakiinom sa kanya at siya ay binibigyan ng ilang isda.  Ngayon, sa
pagdaraan sa kanyang tabi na parang sa palagay niya, siya ang
sinasagasa at niyuyurakan at ang mga tinging paawa o pawalang-bahala
ay lumulusot sa kanyang panyo at pumapako sa kanyang mukha.
Nakaraan din ang mga naglalakbay at si Sisa ay nagbuntung-hininga. 
Inilayo sandali ang panyo upang tingnan kung sila’y malayo na sa
bayan.  Ilang poste pa ng telegrapo ang nalalabi bago niya marating ang
bantayan.12  Sa pagkakataong iyon ang layo sa pagitan ng mga posteng
iyon ay naging napakahabang lakarin.
           
Sa tabi ng daan ay may malagong kawayanan na sa lilim ay
sumisilong siya noong mga nakaraang panahon.   Doon ay narinig niya
ang matatamis na salita ng kanyang kasintahan; tinutulungan siya sa
pagdadala ng bakol ng mga prutas at mga gulay;   ay!  Ang panahong
iyon ay nagdaang parang isang pangarap; ang kasintahan ay naging
asawa at ang asawa ay ginawang cabeza, at mula na noon ay pumasok
na ang kasawian sa kanyang pintuan.13
            Sa dahilang ang araw ay lubhang mainit ay itinanong sa kanya
ng mga sundalo kung ibig niyang magpahinga. “Salamat!” ang sagot
niyang puno ng lagim.

12
Poste ng telegrapo – sa mga bayan-bayan sa Pilipinas noong panahon ng
Espanya ay mayroon ng mga poste na nasa tabi ng mga pangunahing bayan
na hindi para sa linya ng koryente (na wala pa noon), kundi para sa kawad
ng telegrama. Katunayan nito ay ang bayaw ni Rizal na si Silvestre Ubaldo
(asawa ni Olympia Rizal) ay nagtrabaho bilang operator ng telegrapo.
Makikita na sa kapanahunan ni Rizal na hindi naman nahuli ang Pilipinas
sa larangan ng telekomunikasyon.
13
Dito ay mapupuna na si Pedro na asawa ni Sisa ay naging cabeza de
barangay – isang posisyon na maningil ng buwis at nagpapaluwal kung
sakaling mayroong hindi makabayad. Sapagkat ang listahan ng mga tao sa
barangay ay malimit puno nang pangalan ng mga taong matagal ng
namatay o umalis sa kanilang lugar (hindi pinababawasan ng kura ang
listahan dahilan sa ito ang basehan ng kaniyang allowance na natatanggap
sa pamahalaan). Sa ganitong panyayari si Pedro ang nagpapaluwal at
humihingi ng pera kay Sisa, at sa bandang huli ay nagumon at palaging
natatalo sa sugal.

Ang katotohanan, si Pedro ay minsang naging mabuting asawa kay Sisa:


Pansinin ang pagkakasunod-sunod ng mga salita:
Sa tabi ng daan ay may malagong kawayanan na sa lilim ay sumisilong siya
noong mga nakaraang panahon.
Doon ay narinig niya ang matatamis na salita ng kanyang kasintahan;
tinutulungan siya sa pagdadala ng bakol ng mga prutas at mga gulay;
ay! Ang panahong iyon ay nagdaang parang isang pangarap;
ang kasintahan ay naging asawa (mapagmahal at responsible)
at ang asawa ay ginawang cabeza, at mula na noon ay pumasok na ang
kasawian sa kanyang pintuan.

249
            Subalit pumasok ang tunay sumindak sa kanya nang malapit na
sila sa bayan.  Napuno ng pagkamuhi ang kaniyang kalooban na
tumanaw sa paligid:  malalapad na palayan, isang maliit na kanal ng
patubig, mga payat na punongkahoy:  wala isa mang bangin ni isang
talampas na matatalunan!  Pinagsisihan niya ang pagsama sa mga
sundalo hanggang doon; nanghihinayang na doon ay walang malalim na
ilog na dumadaan sa malapit sa kanyang kubo, na ang mataas na
pampang, na nakakalatan ng matutulis bato na naghahain ng matamis
na kamatayan!  Nguni’t dahil sa pag-aalala sa kanyang mga anak, kay
Crispin, na hindi pa niya nalalaman kung napaano, na tumanglaw sa
kanya nang kinagabihang yaon, ay nagbulong din siya ng: “Pagkatapos…
pagkatapos ay maninirahan na kami sa pusod ng kagubatan!”14
Pinahid niya ang kanyang mga mata, pinilit niya na siya ay mag-
anyong tiwasay at sinabing marahan sa mga sundalo na: “Nasa bayan na
tayo!”
           Hindi mawari ang kanyang tinig; waring daing, waring pagsisisi,
waring taghoy:  iyon ay isang malungkot na taginting, iyon ay ang buong
sakit na naging tunog. Ang mga sundalo, na nangaawa, ay tumugon sa
kanya ng isang tango.  Si Sisa ay dali-daling nagpauna at nagpumilit na
mag-anyong kalmado.
        Sa sandaling iyon ay nirerepike ang mga kampana na naghahayag
na natapos na ang misa-mayor.  Binilisan ni Sisa ang kanyang lakad
upang di makasalubong ang mga lumalabas mula sa misa.  Datapwat
walang napala, hindi maiwasang masalubong ang mga taong nagkataon
na palabas sa simbahan. Binati, na taglay ang mapait na ngiti, ang
dalawa niyang kakilala na nagtanong sa kanya sa pamamagitan lamang
ng tingin, at pagkatapos, upang maiwasan ang gayong sakit ng loob, ay
tumungo at ang lupa na lamang ang kanyang tiningnan, nguni’t kataka-
taka, natatalisod niya ang mga bato sa lansangan. Ang mga tao ay
napapahintong sandali pagkakita sa kanya, nagusap-usapan at siya ay
pinagmamasdan:  ang lahat ng ito ay kanyang nakikita kanyang
nararamdaman kahit na lagi siyang nakatungo.           
Nakarinig siya ng isang walang pitagang tinig babae na
nagtatanong nang halos pasigaw sa kanyang likuran: “Saan ninyo
nahuli?  At ang salapi?”
            Ang nagtatanong ay isang babaing walang tapis, ang saya ay
dilaw at luntian at ang baro ay bughaw na madalang; napagkikilala sa
kasuutan na siya ay kerida ng mga sundalo.
            Ang pakiramdam ni Sisa ay may sumampal sa kanya: 
hinubaran siya ng babaing iyon sa gitna ng karamihan.  Itinaas
sumandali ang kanyang mata upang magsawa sa pagkutya at pag-iring: 
natanaw niyang ang mga tao ay malayo, lubhang malayo sa kanya,
ngunit gayon pa man ay nararamdaman niya ang kalamigan ng kanilang
mga tingin at nadidinig niya ang kanilang bulung-bulungan.  Ang

14
Sa panahon ng pamahalaang kolonyal, ang kagubatan ang nagsisilbing
kanlungan ng mga inaapi. Kaya pala kinakalbo ng mga mapagsamantalang
uri, para wala ng makanlungan ang mga api.

250
kahabag-habag na babae ay lumalakad na hindi nararamdaman ang
tinutuntungan.
            “Eh, dito!” ang sigaw ng isang sundalo.  
           Parang isang automata15 na nasiraan ng mekanismo na
nagpapagalaw sa kanya ay bigla siyang umikit.  At walang nakikita,
walang isip-isip, nagtatakbong nagkanlong; nakatanaw ng isang pintong
may bantay, nagtangkang pumasok doon, nguni’t isa pang boses, na lalo
pa manding walang galang, ang nagpalayo sa kanya sa pinupuntahan. 
Pasuling-suling na tinungo ang pinagmulan ng boses, naramdamang
itinutulak siya sa balikat, ipinikit ang mga mata, humakbang ng
dalawang hakbang at sa dahilang wala na siyang lakas, ay nahandusay
sa lupa, napaluhod muna at pagkatapos ay napaupo.  Isang panaghoy
na walang luha, walang sigaw, walang hinagpis ang nagpapanginig sa
kanya.
          Iyon ang kuwartel.  Doon ay may mga sundalo, mga babae, mga
baboy at mga inahing manok.  Ang ilan sa mga sundalo ay nananahi
ng kanilang mga damit samantalang ang kerida ay nakahiga sa
ibabaw ng bangko, na ang inuunan ay ang hita ng lalaki, humihitit
ng sigarilyo at inip na tinatanaw ang bubungan.16  Ang ibang babae
ay tumutulong sa mga lalaki sa paglilinis ng mga kasuotan, ng mga
sandata, atbpa.17 at mahinang nag-aawitan ng mga kantahing
malalaswa.18
         “Tila naka-alpas ang mga tandang!  Wala kayong dala kundi
ang inahin!” sabi ng isang babae sa mga bagong dating:   hindi na
naunawa kung si Sisa ang kanyang tinutukoy o ang inahing manok
na patuloy sa pagsiyap.19            

15
Ang ginamit ni Rizal ay automata/automaton upang maipakita ang
nakakahabag na kalagayan ni Sisa. Panahon pa man ni Rizal ay uso na ang
mga laruan na may mekanismo.
16
Grabe naman ang babae ng sundalo, nakahiga na sa bangko, inuunan pa
ang hita ng lalaki at saka naninigarilyo – walang masamang ibig ilarawan
dito si Rizal, kasi iyong babae ay nakatingin sa bubungan, hindi
nakangudngod sa harapan.
17

Mukhang mayroong ibig ipakahulugan dito si Rizal - Ang ibang babae ay


tumutulong sa mga lalaki sa paglilinis ng mga kasuotan, mga sandata,
atbpa. Papaano ba nililinis ang kasuotan? Siyempre hinuhubad. Yong
sandata, paano kaya nililinis? Bahala na kayo kung paano ninyo nililinis
ang inyong mga itinatagong sandata!

18
] Ano kaya ang tono at nilalaman ng awiting malalaswa noon?
Bakit kaya walang ginagawang pag-aaral ang ating mga historian sa
larangan ng musika ukol sa pinagmulan ng mga malalaswang awitin?
Huwag sana nating tingnan sa puntos ng kabastusan, kundi sa puntos na
pang-akademiya upang masuysoy natin pinagmulan at katuturana ng
malaswang awitin bilang isang anyo ng lihim o pailalim na protesta sa
ipinasusubong moralidad noon sa mga Pilipino.
19
Sa pamamagitan ng hanay ng pananalitang ito ay makikita natin na

251
“Siya nga, kailanman ay mabuti na ang inahin kay sa mga
tandang!” sagot din sa sarili ng nagsalita nang makitang ang mga
sundalo ay hindi umiimik.
“Nasaan ang sarhento?” tanong na masama ang loob ng isa sa
mga sundalo.  “Nagbigay-alam na ba sa alperes?”20
           Mga pagkikibit balikat ang naging kasagutan:  walang
nagagambala sa pagsisiyasat tungkol sa kapalaran ng kaawa-awang
babae. Dalawang oras na siya ay tumagal na parang walang kaisipan,
nakasiksik sa isang sulok, nakatago ang ulo sa mga kamay, ang buhok
ay gulung-gulo.  Nang katanghalian ay nalaman ng alperes, at ang
unang ginawa ay ang hindi paniwalaan ang sumbong ng kura.
           “Bah!  Kagagawan ng kuripot na kura!” sabi at ipinag-utos na
pakawalan ang babae at ang sinuman ay huwag manghimasok sa bagay
na iyon.21 “Kung ibig makuha ang nawala, “ ang dugtong, “ay hingin sa
kanyang San Antonio22 o maghabol siya sa nuncio!23 Layas24
      Dahil dito ay ipinagtabuyan si Sisa sa kuwartel nang halos
ipagtulakan sapagkat ayaw kumilos. Nang siya ay makarating sa gitna
ng daan ay lumakad na patungo sa kanyang bahay, matulin, walang

talagang sinasadya ni Rizal na magkaroon ng dalawa o marami pang


pagpapakahulugan sa kaniyang sinusulat.
20
Gusto nang nakadakip na ipagparangalan ang pagkakahuli niya sa ina ng
mga batang pinaghihinalaang magnanakaw. Ang guardia sibil ay
naghahanap ng credit sa ginawa niyang pagkakaaresto sa isang tao. Katulad
lang yan ng mga alagad ng batas ngayon na magpa photo-op sa tabi ng
kanilang naarestong pinaghihinalaang mga kriminal. Alam na ninyo kung
saan galing ang ugaling ito.
21
Talagang hindi magkasundo ang alperes at si Padre Salvi, mababakas ang
makataong pagtrato ng alperes kay Sisa.
22
Nang-aasar si Rizal sa pamamagitan ng alperes – bakit kailangan pa ng
kura paroko na magsumbong sa mga guwardiya sibil kung may nawawala
sa kanya – samantalang kanilang itinuturo nila na ang isang
kapangyarihan ni San Antonio de Padua ay makita ang mga bagay na
nawawala. Si Padre Salvi ay katulad ng isang napakahusay na manghuhula,
na lumapit sa pulis para makilala ang nagnakaw sa kaniyang bahay.
23

Papal Nuncio – kinatawan o embahador ng papa, sa isang bansa.


Bakit ipinasabi ni Rizal na maghabol sa nuncio?
Ang nuncio bilang kinatawan ng papa ay tumatanggap ng mga sumbong at
paghahabol o apela ng mga pari ukol sa simbahan upang maiparating sa
Roma. Dahilan sa kinikilala ng mga prayle ang kapangyarihang
pansimbahan at minamaliit ang sa pamahalaan, kung ganoon ay dapat
doon sila magsumbong. Mahahalata sa bahagyang pananalitang ito na si
Rizal ay mayroon ng nalalaman sa pakiki-alam ng simbahan sa pulitikang
pandaigdig na tinatawag ng iba na Vatican Imperialism.
24
Sino kaya ang pinalalayas dito ni Rizal – si Sisa mula sa kuwartel o ang
papal nuncio. Mapapansin na si Rizal ay itinatago ang kaniyang mga
gustong sabihin sa pagitan ng punctuation mark. Subalit napakalapit
naman sa gusto niyang patungkulan.

252
takip sa ulo, ang buhok ay gulo at ang tingin ay nakatitig sa malayo. 
Ang araw ay nag-aapoy sa kanyang tuktok at wala isa mang ulap na
nakatakip sa kanyang nakakasilaw na bilog; pinagagalaw na marahan
ng hangin ang mga dahon ng kahoy, ang daan ay tuyung-tuyo halos,
wala isa mang ibong nangangahas na iwanan ang lilim ng mga sanga.
            Narating din ni Sisa ang kanyang bahay.  Walang imik na
pumasok, tahimik; nilibot, lumabas, lumakad-lakad sa lahat ng sulok. 
Pagkatapos ay tumakbo sa bahay ng Matandang Tasyo, tumawag sa
pinto, ngunit wala sa sandaling iyon ang matanda.  Ang kaawa-awa ay
bumalik sa kanyang bahay at tumawag nang pasigaw ng “Basilio! 
Crispin!”  Humihinto at nakikimatyag.  Inuulit ng echo ang kanyang
sigaw, ang masarap na lagaslas ng tubig ng kalapit na ilog, ang tugtugin
ng mga dahon ng kawayan ay siyang mga tanging tinig ng katahimikan. 
Tatawag na muli, aakyat sa isang pook na mataas, bababa sa isang libis,
mananaog sa ilog; ang kanyang mga mata ay kakila-kilabot na pasuling-
suling, maminsan-minsan ay nagniningning, pagkatapos ay nanlalabo,
gaya ng langit kung gabing may bagyo, waring ang ilaw ng pag-iisip ay
kukuti-kutitap at malapit-lapit nang mamatay.
            Muling umakyat sa bahay, umupo sa banig na kanyang
hinigaan nang gabing nakaraan, itinaas ang tanaw at nakakita ng isang
pilas na baro ni Basilio sa dulo ng isang kawayan ng dingding na nasa
dako ng bangin.  Tumindig siya, kinuha ang pilas at pinagmasdan sa
liwanag ng araw:  ang pilas ay may bahid ng dugo.   Datapwat hindi
marahil nakikita iyon ni Sisa sapagkat pumanaog at patuloy din sa
pagsisiyasat sa tela na itinataas pa sa gitna ng nakapapasong sinag:   at
parang nagdidilim sa kanya ang lahat ng bagay at kinukulang siya ng
liwanag; ay tinitigan ng matang dilat na dilat ang araw.
            Nagpatuloy sa paglalakad sa lahat ng lugar, sumisigaw o
umuungol sa hindi maunawaang tinig; marahil ay matatakot ang
makakadinig sa kanya:  ang kanyang boses ay may kakaibang tunog,
gaya ng di-karaniwang bigkasin ng lalamunan ng tao.  Katulad sa gabi,
kung ang bagyo ay umuungal at ang hanging lumilipad nang labis na
matulin, na pinapagaspas ng kanyang pakpak ang isang makapal na
dilim na humahabol sa kanya, kung kayo ay nasa isang malaking bahay
na sira at walang kalapit, ay makakadinig kayo ng isang hinagpis, ilang
buntunghininga na aakalain ninyong pagsagi ng hangin sa matataas na
tore o mga durog na muog, ngunit nakapangingilabot sa inyo at
nakapipilit na kayo ay manginig nang di-mapigilan, ay gayon ang tinig
ng inang iyon, tinig na mapanglaw pa kaysa mga di-kilalang taghoy na
iyon sa mga gabing madilim kung humahampas ang bagyo.
Sa gayong ayos siya inabot ng gabi.  Marahil ay pinagkalooban
siya ng kalangitan ng ilang sandaling pagkakahimbing, na samantalang
nangyayari ay pinawi ang kanyang pag-iisip ng pakpak ng isang anghel
na di-nakikita, sa pagsagi sa kanyang namumutlang mukha; pag-iisip
na pawang sakit na lamang ang taglay; marahil ang gayon karaming
paghihirap ay hindi kaya ng mahinang lakas ng tao at sa gayon ay
namagitan ang Inang Tadhana sa pamamagitan ng matamis na
panlunas, na mawalan ng alaala, ngunit anuman ang nangyari, ang
katotohanan ay nang kinabukasan, ay nagpalibut-libot si Sisa na
nakangiti, umaawit at kinakausap ang tanang nilikha.

253
254

You might also like