Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Kakapusan - ay tumutukoy sa pagkakaroon ng limitasyon sa mga pinagkukunang-yaman na ginagamit sa paglikha ng mga produkto.

Ito
ay isang kalagayan na kaakibat ng buhay ng tao na naglalarawan ng pagtutunggalian sa paggamit ng yaman ng bansa upang matugunan
ang mga pangangailangan.Dahilan ito ng paghahanap ng ibat ibang paraan upang matamo ang lubos na kapakinabangan sa paggamit
ng mga yaman ng bansa.
Halimbawa
Ang artipisyal na kakulangan ngbigas sapamilihan na nagaganapkapag itinatago ngmganegosyante ang produktoupanghintayin ang
pagtaas ngpresyo, o tinatawag na hoarding.
Ang hoarding ay pagtatagong mga supply na ginagawang mga kasapi ng rice cartelna nagiging dahilanngpagkukulang ng bigas
sapamilihan.
Kartel ay pangkat ng mgamalalaking negosyanteng taonakumokontrol atnagmamanipula ngdistribusyon, pagbili, atpagpepresyo ng mga
Ang kakapusan ang pangunahing dahilanng pagkakaroon ng mga suliranin pang-ekonomiya.
Dahil sa suliraning kakapusan,mahalagana pag-isipan ng isang bansa kung anongprodukto at serbisyo ang gagawin atgaano karami.
Mahalaga din na tukuyinkung para kanino gagawin at paanoipapamahagi.
Ang bawat bansa ay may mga layuning pangkabuhayan nanais makamit. Sa pamamagitanng pagsasaalang-alang sa mgakatanungan na
nauukol sa produksiyon at distribusyon, ito ay mabibigyan ng pansin.
Ano ang Gagawin?Sa isang ekonomiya,mahalagang mabatid ang mga produkto at serbisyo na kinokonsumo ng mga tao. Importanteng malaman
ang mga pangangailangan ng tao nabinibigyan ng higit napagpapahalaga.
Mas pinahahalagahan ng tao ang pagkain ng kanin kaysa sa mais, kaya mas pipiliin ang paglikha ng maraming bigas kaysa sa mais. Ang
ganitong sitwasyon ng pagpili ng produktong gagawin ay naiuugnay sa konsepto ng Production Possibilities-Frontier ng paglikha ng
ibat ibang produkto mula sa tiyak nadami ng pinagkukunang-yaman sa isang takdang panahon.
Ang paglikha ng mas maraming bigas ay nangangahulugang higit na malawak na lupain ang pagtataniman nito kaysa mais.Ang pagpili sa
produktong lilikhain ay ibinabatay sa pangangailangan ng nakararaming kasapi ng lipunan.
Paano Ito Gagawin?Sa paglikha ng mga produkto ay may proseso na sinusunod. Isinasaalang-alang ang mga bagay na gagamitin sa pagbuo ng
mga produkto. Ang bansa ba ay may sapat na salik ng produksiyon upang makalikha ng mga produkto na kailangan ng ekonomiya?Sa paggamit ng
mas maramingmanggagawakaysa sa makinarya?Makakamura ba angbansa sa paglikha ngbigas? Ito aymahalagang isaisip kung paanogagawin
angisang produkto.
Gaano Karami ang Gagawin?Ang dami ng produkto na gagawin aypagsasaalang-alang ng yaman ng bansa at bilang ng mga mamamayan na
makikinabang sa produktong gagawin.Kapag may nagawang produkto ang ekonomiya, dapat itong ipamahagi sa mga mamamayan. Ang
distribusyon ay kakambal ng produksyon. Ito ang pamamahagi ng mga bagay-bagay sa lahat ng sektor ng ekonomiya.
Sinasabing ang produksiyon ay nagigingmakabuluhan kung ito ay maipapamahagi salahat ng mamamayan na nangangailanganng mga
produkto upang pantay-pantay namatamo ang kasiyahan atkapakinabangan sa buhay. At kapag anglahat ng tao ay nakakabahagi sa
mganilikhang produkto ng bansa, ibig sabihinepisyenteng nagamit ang mga likas nayaman.
Para Kanino Gagawin?Isinasaalang-alang ang mga mamamayan na gagamit at makikinabang sa mga lilikhaing produkto upang maging epektibo
ang mga pamamahaging mga nasabing produkto.
Paano Ipamamahagi ang Produkto?Ang maging epektibo sa pamamahagi ng mga nagawang produkto ay isang layunin ng pamahalaan, kaya
isinasagawa nito ang ibat ibang pamamaraan upang makarating sa kinauukulan ang mga nalikhang produkto. Ang kalakalang lokal at
mgapamilihan ay mga mekanismo na makakatulong sa pamamahagi ng mga produkto.
Ang aralin na ito ay kung papaano matutugunan ng isang ekonomiya ang mga suliranin ng kanilang pinagkukunang-yaman.
Kung saan ang ating mga pinagkukunang-yaman ay may limitasyon at ang iba ay pansamantalalang kung kulangin at ang iba ayang
kakapusan nito .
May mga salik na dapat isaalang-alang kung gusto ng isang bansa na umunlad ang isang ekonomiya.
Kailangan din ng kooperasyon ng mga mamamayan ng isang bansa kung susundin ang mga salik na natukoy, dahil kahit nagawa na ang
mga nasabi ay wala itong silbi kung ang mga mamamayan mismo ay walang kooperasyon at tiwala na makakamit nila ang kaunlaran.
Ang Production Possibilities Frontier o PPF ay isang modelo na nagpapakita ng mga estratehiya sa paggamit ng mga salik upang makalikha ng
mga produkto. Nailarawan din sa pamamagitan nito ang konsepto ng choices, trade-off, opportunity cost, at kakapusan. Mahalaga ito sa
pagpapakita ng mga choices na mayroon ang komunidad at ang limitasyon ng mga ito.
INEFFICIENCY hindi paggamit ng lubos sa mga salik ng produksyon.

You might also like