Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Filipino

I.

Ponema ang pinakamaliit na unit ng makabuluhang tunog.


Suprasegmental ang pag-aaral ng diin, tono, haba, o hinto
1) Haba pagbibigkas nang mahaba sa patinig na bawat pantig
Eg. bu.kas susunod na araw
bukas hindi sara
2) Diin lakas ng pagbigkas sa isang pantig ng salitang binibigkas
Eg. BU:hay kapalaran ng tao
bu:HAY humihinga pa
3) Tono nagpapalinaw ng mensahe (pagkakabigkas: 1 mahaba, 2
katamtaman, 3 - malakas)
Eg. talaga - 213
talaga -231
4) Hinto saglit na pagtigil upang higit na maging malinaw ang mensahe
Eg. Hindi siya ang katabi ko. (hindi katabi)
Hindi, siya ang katabi ko. (katabi mo siya)

II.

Mga Pagbabagong Morpoponemiko may nagaganap na pagbabago sa


mga salita bunga ng impluwensya ng mga katabing ponema.
Morpema ang pinakamaliit na unit ng isang makabuluhang salita
Anyo:
1) Isang makabuluhang ponema ninong, ninang
2) Isang panlapi mayaman, umiinom
3) Isang salitang ugat
Uri:
1) Asimilasyon
a) Di ganap magkasi / pang pam
magkasi / pang pan
magkasi / pang pang

[kung (p), (b) ang simula]


[kung (d,l,r,s,t) ang simula]
[ang mga natitirang titik]

b) Ganap may kaltas din sa ponema


pang + sulat = pansulat = panulat
pang + bilang = pambilang = pamilang
pang + tawag = pantawag = panawag

Page 1 of 5

2) Maypalit o Gradasyon nagiging /u/ ang /o/ at /i/ ang /u/


takot + in = takutin
buo + in = buuin
laro + in = laruin
putol + in = putulin
3) Pagkakaltas ng ponema o Maykaltas
kuha + in = kuhanin = kunin
takip + an = takipan = takpan
4) Metatis o Maylipat
tanim + an = taniman = tamnan
in + luto = linuto = niluto
5) Pag aangkop
hintay + ka = teka tignan + mo = tamo
tayo + na = tena
hayaan + mo = hamo
III.

Wastong Gamit ng Salita


a) May kapag sinusundan ng pangngalan, panguri, pandiwa, pang-abay,
pahalip
Mayroon kaukulang palagyo: ako, ka, siya, tayo, kami, kayo
b) Ng nagpapakita ng pagmamayari (ng mga opisyal)
Nang paguugnay ng pandiwa at pang-abay (nang umalis)
c) Subukin to try (subukin natin tumalon)
Subukan to spy or to follow (subukan natin kung pumapasok siya)
d) Pahirin pag-aalis ng isang bagay (pahirin ang luha)
Pahiran lagyan ng isang bagay (pahiran ng palaman)
e) Iwan huwas isama o dalhin (iwan mo na siya)
Iwanan bigyan ng isang bagay bago lisanin (iwanan mo siya ng
pagkain)
f) Walisin tangayin ng walis ang dumi (walisin ang kalat
Walisan linisin ang isang lugar (walisin mo ang kwarto)
g) Bilhin bibili ng isang bagay (bilhin mo ang tinapay)
Bilhan bibiling isang bagay para sa / sa isang tao (bilhan mo siya ng
pagkain)
h) Kung if (kung aalis ka)
Kong ko + ng (ayaw kong kumain)
i) Pinto sinasara o binubuksan (nasaan na ang pinto)
Pintuan dinaraanan o labasan (tumayo ka sa pintuan)
j) Daw/din katinig maliban sa w at y (aalis daw kayo)
Raw/rin patinig at w at y (matanda na raw siya)

Page 2 of 5

IV.

Panitikan
A. Talumpati papapahayag sa paraang pasalita na tungkol sa isang paksa
Uri:
a)
b)
c)
d)

Biglaang Talumpati Impromptu


Isinaulong na talumpati Pinaghandaan
Talumpating Di-Handa 5-10 mins. Preparation
Manuskrito may skripto, seminar/programa

Bahagi:
a) Panimula
b) Katawan
c) Kongklusyon
Mga dapat sa talumpati:
a) Tamang pagtayo
b) Tamang ekspresyon ng mukha
c) Galaw
d) Kumpas
e) Tinig
B. Sanaysay kathang pampanitikan sa anyong talayan
Uri:
a) Pormal o Maayos maayos ang paglalahad ng kaisipan, piling salita at
paksa, may format
b) Di-Pormal hindi kailangan ng ayos at tugma, karaniwan ang
pananalita, may siglang himig o mapanduyo, pagkwekwento
Elemento:
a) Kaisahan ng ideya isang kaisipan, alisin ang mga hindi nakakatulong
sa paksa
b) Pagkakaugnay ng ideya maayos ang pagkakasunod-sunod, malinaw
ang kaugnayan
c) Pagbibigay pokus sa ideya emphasis
May Isang Ama, May Isang Ina

Ma. Celeste del Rosario Aguila

about stuff na taxi driver

Ang Kadakilaan ng Diyos

Marcelo H. Del Pilar

Mga magagandang gawa ng


diyos

Ang Sukatan ng Taumpay

Hindi lang sa yaman


nagtatagumpay

Page 3 of 5

C. Tula uri ng sining na may wikang nagsasaad ng higit pa kaysa sa


ordinaryong pamamahayag, pinayayabong ang anyo nito sa pamamagitan
ng gamit ng talinhaga
Anyo:
a) Malayang taludturan
b) May tiyak na sukat at tugma
Bugtong
Salawikain
Tanaga
Oyayi
Tulang Naratibo
Tulang Pantanghalan
Tulang Naratibo tulang nagsasalaysay (epiko, awit, korido, at pasyon)

FLORANTE AT LAURA
Sa simula ng awit ay makikita ang isang binatang nakagapos sa isang puno ng higera sa gitna
ng malawak na gubat sa labas ng kahariang Albanya na pinamumugaran ng mababangis na hayop,
nakalulunos na huni ng mga ibon, naglalakihang mga punong-kahoy na may masasangsang na amoy.
Ang binatang ito ay si Florante, anak ng mag-asawang Duke Briseo at Prinsesa Floresca na kapwa
taga-Albanya.
Nagkataon namang sa gubat ding yaon ay napadako ang isang Morong taga-Persya na anak ni
Sultan Ali-Adab na dahil sa sama ng loob sa kanyang ama sa pagkakaagaw sa pag-ibig ng kanyang
kasintahan ay umalis sa sariling bayan. Ang mga panaghoy ng nakagapos ay tungkol sa mga
kasamaang nangyari sa kanyang bayan, ang pagkawala ng kanilang mga karapatan, ang
pangingibabaw ng katiwalian laban sa kabutihan, ang akala niyang pagtataksil ni Laura, ang
pagkapatay sa hari at mga kabig nito kasama na ang kanyang ama ay narinig na lahat ni Aladin kaya
tinunton niya ang boses na pinanggalingan ng pananaghoy at gaano ang pagkamangha niya nang
makitang sisilain na lamang ng 2 leon ang binata. Hindi siya nagdalawang-isip bagamat magkaaway
ang kanilang bayan at hindi sila magkarelihiyon. Hindi siya nangatubiling patayin ang 2 leon sa
nakaambang silain si Florante. Pagkatapos na mailigtas niya ang binata ay kinalagan niya ito ng gapos
at pinagyamanan sa buong magdamag.
Kinabukasan hiniling ni Aladin kay Florante na nais niyang malaman kung bakit siya napapunta
sa gubat. Hindi naman nag-atubili ang una kayat isinalaysay niya kung taga-saan siya, ang
mahahalagang pangyayari noong siyay bata pa at nang siyay 11 taong gulang na ay ipinadala sa
Atenas upang mag-aral. Dito niya nakilala ang kababayang si Adolfo, anak ni Konde Sileno ay
tampulan ng paghanga ng kanyang mga guro, sampu ng kanyang mga kamag-aral dahil sa
katalinuhan ay kagandahang-asal. Subalit sa loob ng 6 na taong pagkakapag-aral ni Florante ay
nahigitan niya si Adolfo at dito na nahubdan ng balatkayo at lumabas ang tunay na pagkatao nito.
Lalo itong nahalata nang minsang magtanghal sila ng dula at sa halip na sundin ang iskrip ay tinutoo
ni Adolfo na ulusin ng taga si Florante, salamat na lamang at nailigtas siya ni Menandro, ang
pamangkin ng gurong si Antenor. Kinabukasan ay pinauwi na si Adolfo sa Albanya.
Samantala, namalagi pa si Florante ng 1 taon sa Atenas hanggang tumanggap siya ng sulat
buhat sa ama na nagbabalitang namatay ang kanyang mahal na ina. Laking sama ng loob ang idinulot

Page 4 of 5

nito sa kanya. Pagkalipas ng 2 buwan ay isang sulat ang kaniyang tinanggap na nagsasaad na umuwi
na sa Albanya.
Nagkataon naman nang umuwi si Florante ay nanghihingi ng saklolo ang hari ng Krotona na
nuno niya sapagkat ang bayan nila ay sinasalakay ng hukbo ng Persyanong si Heneral Osmalik.
Ipinakilala ni Duke Briseo si Florante kay Haring Linceo at sa pagpupulong ng mga pinuno ay
nagpagpasiyahang si Florante ang namumuno sa hukbong magtatanggol sa Krotona.
Samantalang nasa palasyo si Florante, ay nakilala at naakit siya sa kagandahan ni Laura, anak
ng Hari at hindi tumugot hanggat hindi niya naipagtapat ang kanyang niloloob at bago siya
nakipagdigma ay nagkaroon naman ng liwanag ang kanyang niluluhog.
Naglaban si Florante at Heneral Osmalik at sa loob ng 5 oras na paglalaban ay nagapi niya ito.
5 buwan pa siyang nanatili sa Krotona. Nais niyang bumalik agad sa kanyang bayan sapagkat sabik na
sabik na siyang makita si Laura. Pagdating niya sa Albanya ay namangha siya sapagkat ang bandilang
nakawagayway sa kanilang bayan ay bandila ng mga moro at lalo siyang nagulat nang magpasino niya
ang babaeng pupugutan na lamang ng ulo. Nabawi niya ang Albanya sa pamumuno ni Aladin,
nailigtas niya ang nasa bilangguang sina Hari Linceo, Duke Briseo at Adolfo.
Muling sinalakay ng pangkat ni Miramolin ang Albanya ay nagaping muli ni Florante ang mga
kalaban. 17 hari lahat ang napasuko ng binata.
Isang araw samantalang nasa Etolya si Florante ay tumanggap siya ng sulat mula sa hari na
nagsasaad ng madaling pagbalik niya sa Albanya. Hindi niya akalain na pagdating niya ay dinakip
agad ng 30,000 sandatahan ay dali-daling ikinulong sa bilangguan. Ang lahat pala ng naganap sa
palasyo, ang pagpatay sa hari at Duke Briseo ay pakana ni Adolfo. Ikinulong si Florante ng 18 araw ay
pagkatapos ay ipinag-utos na igapos sa loob ng gubat upang doon kainin ng mga mababangis na
hayop. 2 araw na siya sa gubat nang matagpuan siya ni Aladin.
Pagkatapos ni Florante ay si Aladin naman ang nagsalaysay ng kaniyang buhay. Anak siya ni
Sultan Ali-Adab ng Persiya ay kaya siya napadpad sa gubat na iyon ay dahil sa sama ng loob sa
kanyang ama na umagaw sa kanyang kasintahang si Flerida. Upang masarili ng Sultan ang dalaga ay
humanap ito ng buyas upang siya ay maparusahan. Ginawang dahilan nito ang pagkaiwan ni Aladin sa
hukbo at sa pagbawi ni Florante sa Albanya. Hinatulan ng sultan ang sariling anak na pugutan ng ulo.
Subalit hindi natuloy ito sapagkat nang gabing iton ay pinatapon siya sa malayong lugar ay
pinagbilinang kung nais pa niyang mabuhay ay huwag na siyang magbalik sa Persya kailanman. Kaya
simula noon ay 6 na taon na siyang naglalagalag.
Habang nagkukuwentuhan sina Florante at Aladin ay may narining silang nag-uusap na 2
babae. Ang sabi ng isa, nang malaman niyang papupugutan ang kanyang kasintahang nasa
bilangguan ay pumayag siyang pakasal sa Sultan. Pinawalan naman ito, subalit nang gabi ring iton ay
nagbalatkayo siyang gerero at tumakas. Marami na ring taong siyang naglilibot hanggang magtagpo
silang 2 sa gubat.
Anong laking tuwa nina Florante at Aladin nang malamang ang nagsisipag-usap pala ay sina
Laura at Flerida.

Keyterms

Albanya Kaharian nila Florante


Florante - anak nina Duke Briseo at Prinsesa Floresca
Aladin anak ni Ali-Adab
2 leon - ang pinatay ni Aladin para iligtas si florante
11 taong gulang nag-aral si florante
Atenas pinag-aralan ni Florante
Adolfo Anak ni Konde Sileno
6 na taon nahigitan ni Florante si Adolfo
Antenor guro sa atenas
Menandro pamangkin ni Antenor, nagligtas kay florante
Kahariang Krotona nanghingi ng saklolo kay florante
Haring Linceo hari ng krotona

Heneral Osmalik sumasalakay sa krotona na galing


persya
5 oras naglaban si Osmalik at Florante ( nagwagi)
Miramolin salakay albanya
17 hari napasuko ni Florante
Nasa etolya dinakip florante ng 30,000 sandatahan
18 araw kinulong si florante
Pugot ulo hatol ni Ali-Adab kay Aladin
Laura kasintahan ni Florante
Flerida kasintahan ni Aladin
Gerero suot ni Flerida sa pagtakas

Page 5 of 5

You might also like