Si Pandagan ay isang tauhan sa mitolohiyang Bisaya.
Ang mito niya ay kaugnay ng konsepto ng
kamatayan, at may ilang bersiyon ng salaysay ukol sa kaniya. Sa isang kuwento, si Pandaguan ang isa sa mga anak nina Sicalac at Sicabay, na maituturing na Adan at Eba. Asawa niya si Lupluban, at may isa silng anak, si Anoranor. Bilang matalino at malikhain, nakagawa si Pandaguan ng unang lambat o panghli ng isda sa kasaysayan. Ang una niya kaagad nahli ay isang malaking pating. Iniahon niya ito sa galak, ngunit bilang isang isda, namatay ang hayop. Ito ang sinasabing unang kamatayan sa daigdig, at si Pandaguan ang tagapagdulot nit. Nang napag-alaman ito ni Kaptan, ang bathala ng kalangitan, sa galit ay naghagis siy ng kidlat kay Pandaguan. Namatay si Pandaguan at siy ang unang tong nakaabot sa Kabilang-Buhay. Hbang nagluluksa, inalo si Lupluban ng lalaking si Marancoyang (o Maracoyrun), at sa hul ay summa dito bilang asawa. Nanatili naman si Pandaguan ng tatlumpung araw sa Kabilang-Buhay, at pagkatapos nit ay ipinadalng muli ni Kaptan sa daigdig. Pagdating sa lupa, ipinadal ni Pandaguan ang anak na si Anorinor upang sunduin ang asawa. Si Lupluban naman noon ay nagpipista kasma ang bagong asawang si Marancoyang. Sa isang bersiyon ng salaysay, hindi naniwala si Lupluban na nabuhay muli si Pandaguan, at nang ipinaalam ito ni Anorinor, naghinagpis si Pandaguan at bumalik na lmang sa Kabilang-Buhay. Sa isa namang bersiyon, naghinagpis na kaagad si Pandaguan pagkalaam na nag-asawang muli si Lupluban, at kusang bumalik sa Kabilang-Buhay. Sa isa namang bersiyon, pagkahli ni Pandaguan ng pating, inutusan siy ni Kaptan na ibalik kaagad ito sa dagat. Hindi siy sumunod, dahil na rin sa pakiramdam na kung kinya niyang mahli ang malaking pating ay kya rin niyang tanggihan ang mga bathala. Nagalit si Kaptan at pinatamaan ng kidlat si Pandaguan. Hindi namatay si Pandaguan; bagkus ay nahimlay lmang ng tatlumpung araw sa lupa bago bumangong muli. Sinunog ng kidlat ang kaniyang katawan, at lahat ng kaniyang inapo ay itim ang balt.