Heograpiyang Pantao

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Heograpiyang pantao

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya

Heograpiyang Pantao (Ingles: Human Geography)


Ang disiplina ng Heograpiya ay nahahati sa dalawang sangay: ang Heograpiyang Pisikal
(Physical Geography) ang agham na tumatalakay sa mga natural na proseso ng mga
pagbabago sa kapaligiran; pinag-aaralan dito
ang Klima, Heolohiya (Geology), Biolohiya (Biology) at iba pang sangay ng aghampangkalikasan.
Ang ikalawang sangay ng heograpiya ay ang Heograpiyang Pantao (Human Geography) o
Heograpiyang Kultural (Cultural Geography), ito ay isang agham panlipunan na pinagaaralan ang paraan ng interaksyon ng tao sa kanyang kapaligiran; kung paano niya ito
binabago at kung paano din siya nababago o naaapektuhan ng kalikasan. Pinag-aaralan
dito ang relihiyon, wika, medisina, ekonomiya, politika, mga lungsod,populasyon, kultura at
iba pa.
Sinusuri nito kung paano naaapektuhan ng panlipunan, pangkultural, pampulitika at pangekonomiyang proseso ang espasyo (space) at lugar, sa pamamagitan ng pag-imbestiga sa
mga paksa tulad ng: mga rural at siyudad na komunidad; kalusugan at kapakanan;
sustanibilidad (sustainability); globalisasyon; terorismo at seguridad. Inaalam ng mga
heograpong pantao ang mga dahilan kung paano nababago ng tao ang kapaligiran, kung
paano siya nakakalikha ng panibagong lugar na may kahulugan, at kung paano nababago
ng kapaligiran ang paraan ng pamumuhay ng tao; ang interaksyong ito ang pangunahing
sinusuri sa Heograpiyang Pantao.

PABULA
Ang pabula[1] (Ingles fable, Kastila: fabula) ay isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan ang
mga hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at
daga, pagong at matsing, at lobo at kambing. May natatanging kaisipang mahahango mula sa mga
pabula, sapagkat nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga batang mambabasa. Tinatawag din
itong kathang kuwentong nagbibigay-aral.

You might also like