Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

Di Inaasahang Pag-amin

Ito na naman tong pusong to, kumakaba-kaba na naman kasi papalapit ka na,
ano ba gagawin ko liliko o didiretso at hindi ka papansinin? sabi ko sa sarili ko habang
naglalakad sa hallway ng paaralan namin, makakasalubong ko kasi yung taong matagal
ko ng gusto, yung taong alam kung kahit pumuti pa ang uwak ay hinding-hindi magiging
akin.
Ayan na malapit na talaga siya, ay teka bakit bako kinakabahan? Hindi niya
naman ako kilala. Kinakausap ko na naman ang sarili ko, halata masyado no? Kanina
pa ako salita nang salita dito, nga pala ako si Alyana Suarez isang simpleng babaeng
nagnanais na matupad ang mga pangarap kaya naisipang pumasok sa paaralang hindi
naman pala ako bagay. Kailan ba kasi babagay ang isang dukha, maralita at mahirap
na babae sa isang paaralang puro hari at reyna ang nag-aaral, exclusive school kasi ito.
Papasok na ako sa silid namin, at ang masaklap pa dito ay kaklase ko ang
lalaking kinahuhumalingan ko, pero alam niyo, simula nang pumasok ako dito sa
seksyong ito ay kailanmay hindi niya ako kina-usap o pinansin man lang. Sino ba
naman ako para kausapin niya? Paano niya naman ako mapapansin kung palaging
nakabuntot at nakapalibot sa kanya ang kanyang mga barkada? Diba ulats? Pero titiisin
ko nalang yon ilang buwan nalang ay magtatapos nako.
Andito ako ngayon sa paborito kong pwesto kapag wala pang oras o walang
pasok, sa ilalim ng isang puno, may upuan kasi rito at tahimik malayo sa
mapanghusgang mga mata ng mga tao.
Aray! Ang sakit, sino ba kasing hampaslupa ang maglalaro ng lata dito?,
Araaaaaay. Daing ko sabay haplos sa bahaging natamaan. Ang saklap naman, may
lumilipad pa lang mga lata rito?
Miss, sorry po, pasensya na po talaga. Sabi ng tao na nasa likod ko.
Pasensya mo mukha mo! Ikaw nga nanahimik dito tapos biglang natamaan ng
lata sa ulo, masisiyahan ka ba? Sabi ko sabay harap sa kumakausap sakin.

Miss pasensya na talaga, halika dalhin kita sa klinik. Wika niya.


Aah eeh, okay na po ako, okay lang po, hindi na po kailangan dalhin sa klinik.
Ulalam bakit sa dinami-rami ng makakatama sakin, e ang kaibigan pa talaga ni Dane
Dela Vega, ang lalaking gusto ko.
Par, bakit ang tagal mo? Sabi ng lalaking nasa likod at hindi ko makita ngunit
pamilyar ang boses.
Oo nga Louie, ano ba nangyari? Wika naman ng isang babae.
Louie halika na, pupunta pa tayo sa mall. Wika naman ng isa pang babae.
Brad, ang tagal niyo. San na si Louie? Sabi ng isang lalaking kakadadating
lang.
Teka nga, ano ba problema niyo? Sigaw ng lalaking nakatama sakin.
Ang tagal mo kasi. Taray, sabay talaga sila? Nag insayo.
Pasensya na may natamaan kasi dahil sa kakulitan nyo. Sagot niya.
Sino? At Nasan? Tanong naman ng isang kaibigan niyang babae.
Biglang umalis sa harapan ko si kuya, at yon, nakatingin silang lahat sa akin,
pati na rin si Dane. Oh lupa, lamunin moko, ngayon na.
OMG! Nagdudugo ang ulo niya. Dalhin na natin yan sa ospital. Sabi nong isa.
Dugo raw? Teka lang, dugo talaga? May phobia ako sa dugo
Miss. Miss. Miss. Okay ka lang? Ang tanging narinig ko.

Gising na siya. Ang narinig ko, sabay buka ng aking mga mata. Nasaan ako?
Bakit puti ang lahat?

Oy, gising na siya. Tiningnan ko naman kung sino ang nagsasalita, at bakit
ganito? nakapalibot silang lahat sakin.
Okay ka na ba Miss? Tanong ng Louie na parang naghihintay na may sabihin
ako.
Aah oo, okay na ako. Alyana pala.
Alyana, were very sorry for our childish act, yan tuloy nasugatan ka.
Nako po, okay lang po.
Okay lang daw, pero nahimatay. Wika ni Dane.
Dane stop it. Weve ask the doctor about this. At sabi niya baka may phobia sa
dugo si Alyana kaya nahimatay. Minor injury lang naman daw ang natamo niya.
Pasensya na talaga Alyana, hayaan mo babawi kami sayo sa nagawa namin.
Okay lang po yon, maliit lang po ito. Hindi nyo na po kailangang mag-alala o
bumawi.
Hindi nako nagpabebe pa, agad akong tumayo kahit na medyo masakit pa ang
ulo ko. Baka naabala ko na sila ng bonggang-bongga sa nangyari kanina, hindi ko pa
naman alam kung ano ang nangyari habang tulog ako. Mukhang mamahalin pa ang
ospital na pinagdalhan nila na sakin. Paano nato? Saan ako kukuha ng pambayad?
Salamat po sa ginawa nyo, pasensya na po sa abala, uuwi na po ako.
Nako Alyana, walang ano man, kami nga ang dapat humingi ng pasensya sayo
kasi nasaktan ka namin, nga pala ako si Mich, ang panganay sa barkada. Sabi ng
babaeng kanina pa humihingi ng pasensya.
Louie nga pala, natatandaan mo pa naman siguro ako? Sabi naman nong
lalaking lumapit sakin kanina.
Angela here. Ako naman ang bunso ng barkada. Atsaka wag mo ng alalahanin
ang bayarin dito, binayaran na namin. Wika naman ng isa pang babae.

Ako naman si Daryl, at yan ang kapatid kong si Dane. Sabi ni Daryl. Kilala ko
naman siya kasi nga kapatid niya ang taong gusto ko, pero hindi ko lang gaanong kilala
yung mga kaibigan niya kasi kalilipat lang nito sa school ngayong taon.
Maraming Salamat po talaga, sige po alis na po ako.
Simula nang araw na yon ay may konting pagbabagong nangyari, pinapansin
nako ng mga kaibigan ni Dane ngunit ang masaklap ay hindi niya pa rin ako
pinapansin. Minsan ngay umiiwas ako ng daan, kasi nahihiya ako kapag pinapansin
nila ako, sino ba naman kasi ako para pansinin nila? Isa din sa rason kung bakit ako
umiiwas ay dahil pinag-uusapan na ako ng ibang mga mag-aaral kasi nga kilalang-kilala
ang mag-barkadang yon, iwan ko ba kung saang lupalop ako nagtatago at talagang si
Daryl at Dane lang ang kilala ko sa kanila bago pa man sila nagpakilala sakin.
Lumipas ang buwan ay bumalik sa dati ang aking buhay, minsan ko nalang
makasalubong ang mag-barkada dahil sa pamamalagi ko sa silid-aklatan kapag wala
akong pasok, minsan naman ay doon sa may puno. Malapit na malapit na talagang
matapos ang pasukan, magkokolehiyo nako. Maghahanap na naman ako ng
unibersidad na magbibigay ng scholarship sa mga mahihirap na mag-aaral na kagaya
ko.
Walang pasok ngayon, at andito ako sa isang parke, nakikinig ng kanta habang
iniisip ang panibagong problema ng pamilya, nawalan ng trabaho si Mama, saan nako
kukuha ng baon ko sa araw-araw, at pati pambili ng mga materyales sa mga proyekto
ngayong nalalapit ang finals.
Ang lalim naman ng mga iniisip mo, nga pala, pwede bang tumabi? Mga
katagang narinig ko mula sa likod, hinintay kong pumunta siya sa harap ko bago ko siya
sinagot. Diyos ko po, si Dane.
Wala naman akong iniisip, wala naman akong kasama kaya pwede kang
umupo. Sabi ko sa kanya sabay ngiti, ito ang unang pagkakataon na kinausap niya
ako.
Kumusta ka? Hindi na kita masyadong nakikita sa school. Wika ni Dane.

Okay lang naman ako, masyado lang kayong abala, kaya hindi mo ako nakikita.
Siguro nga, abala kasi kami para sa huling JS Prom natin.
Ganon ba?, nga pala sino ang kasama mo?
Ako lang, nag-iikot-ikot kasi ako dito sa parke, tapos nakita kita na mukhang
problemado kaya ako lumapit.
Naging mahaba ang pag-uusap namin ni Dane, di na nga namin napansin ang
oras, nako naman ang lola nyo sobrang kinilig, at hinding-hindi ko kakalimutan ang
araw na ito kasi naman record breaking kaya yun, maka-usap mo ba naman ang hari ng
pinapasukan mong paaralan, oh diba haba ng buhok ko. Pero alam ko naman na
hanggang doon lang yon. Natapos ang pag-uusap naming nang magtext si mama at
kailangan ko na daw umuwi kasi pupunta daw siya kay tita. Kami lang kasi ni mama sa
bahay, wala na ang papa ko at wala rin akong kapatid, kaya ginagawa ko ang lahat
para matulungan si mama kahit ang makapagtapos man lang ng pag-aaral.
Ang bilis naman ng araw parang kahapon lang ay kakasimula pa lang ng klase,
bukas na pala ang JS Prom namin, ngunit di ko pa rin alam kong pupunta ba ako o
hindi, saan ba naman kasi ako kukuha ng pang-renta man lang ng susuotin kong damit
at sapatos? Kaya siguroy hindi na lang ako pupunta, para hindi na mamroblema si
mama sa gastos.
Nak diba sa sabado na ang JS Prom nyo?
Opo ma, bakit?
Anong bakit? Wala ka bang planong pumunta? Huling JS Prom mo na ngayon.
Ano naman ma kung huling JS Prom na?, tsaka gagastos lang tayo, ilalaan
nalang natin yung pera sa bayarin dito sa bahay.
Nak pasensya na ha, ang bata-bata mo pa pero ito na ang iniisip mo. Kung sana
nandito lang ang Papa mo.

Ma naman. Okay lang po yun, sino pa ba ang magtutulungan kundi tayong


dalawa lang. Ma masaya na si Papa kung nasaan man siya ngayon. Hayaan mo Ma
pag ako natapos sa pag-aaral at nakapag-trabaho, sa una kong sweldo aalis tayo at
mamimili ng gamit sa bahay, o di kaya ay mag-shopping.
Aasahan ko yan nak. O, wala ka bang pasok bakit parang hindi ka yata
nagmamadali?
Syempre naman ma, gagawin natin yon soon. May school fair kasi ngayon ma,
kaya ayos lang kahit anong oras ka pumunta ng school.
Sige nak, iwan mo nalang yung mga pinggan dyan at huhugasan ko nalang
pag-uwi ko mamaya. Papasok nako.
Nako ma hindi na, ako na ang maghuhugas total maya-maya pa naman ako
aalis, ingat po kayo. Bye ma.
Sige nak,ingat ka rin mamaya. Bye, yung bahay i-lock mo.
Opoooooo.
Ako na naman mag-isa sa bahay, isipin nyo kung gaano kalungkot yung alam
mong wala kang gigisingin at kukulitin na kapatid, ang lungkot promise, pero dahil
sanay nako kaya normal na tong ganito. Buti nalang talaga at natanggap agad si
mama sa pinasukan niyang trabaho, di na kami gaanong mahihirapan sa gastos.
Nasa school nako ngayon, ang husay talagang mag-organize nina Dane, mas
pinapaganda pa nila dahil nga huling school fair nato. Naglilibot-libot ako ngayon.
Alllleeeeeeeyyyyy!
Grabe naman makasigaw, sino kaya yung tinatawag?
Allleeeeeyyyy, lumingon ka naman.
Kung sino man yung Allleeeyy na yan, lumingon ka na, kasi maingay na si
Araaay, ano na naman yon? Flying shoes? Nilingon ko agad ang direksyon kung saan

nanggaling yung sapatos, at talagang sa grupo ni Dane, ang laki ng tawa ng mga
kutong lupa nato, ang sakit kaya ng sapatos.
Hi Alayana. Si Dane at mga kaibigan niya.
Hi din sa inyo, trip niyo ba talagang tamaan o batuhin ako ng mga bagay?
Sooooorrrryyyy pooo!!! sabi nila habang ginagawa yung bow ni Chichay.
Kasi naman, ang tagal mong lumingon, kanina pa kaya kami tawag nang tawag
sayo. Wika ni Angel.
Malay ko bang ako pala si Allleeeeyy, hello Alyana kaya pangalan ko.
Sorry naman, masyadong excited ang mga boys na makasama ka, kasi di ka
naming nakikita. Wika naman ni Mich.
Hoy anong mga boys? Kayo kayang dalawa ang gustong makasama si Aly, este
Alyana. Sabi naman ni Dane.
Hep hep hep, baka mag-away pa kayo, bakit nyo ba kasi tinawag? Tingnan nyo
yung tinginan ng ibang estudyante oh, parang kakain ng tao sa sama ng tingin sakin
kasi kinaka-usap nyo ko. At kaya hindi nyo nako nakikita kasi umiiwas ako sa inyo,
pasensya na, ayaw ko lang mapag-usapan ng buong school.
Okaaaaaaayy. Sshhhh. Tama na ang drama, hinahanap ka naming kasi ngayon
na naming gagawin ang #OperationPagbawikayAly. Sagot ni Daryl.
#OperationPagbawikayAly? Bakit? Ano ba ginawa ko?
Remember nong natamaan ka ng lata sa ulo? sabi ni Louie.
Oo, ano naman ang kinalaman non?
Diba sinabi naming na babawi kami sayo? sabi ni Dane, na halatang
nakukulitan na sa kakatanong ko.
Oo?

Kaya ito na nga yong bawi namin sayo. Sagot naman ni Louie na parang
nauubusan na rin ng pasensya.
Okay?
Okay, so may susuotin ka na ba sa prom natin? tanong ni Mich.
Wa
WAALLAA? Bukas na yon diba? biglaw sigaw ni Angela, na nagpatakip
saming mga tenga.
Oo wala kasi
Kasi sabay-sabay na dugtong nila.
Kasi hindi ako sasali, at gagastos lang ako don no, ibibigay ko nalang kay
mama yung perang ibibili ng damit at sapatos para naman mabawasan ang bayarin
namin.
Enough for being so kind daughter. Sasali ka, kasi kami ang bahala sayo. Im
not saying na gagastos ka at hihingi ka sa mommy mo, ang amin lang ay sasali ka at
kami na ang bahala sa mga gagamitin mo, without you make hingi to your mom.
Maarteng sagot ni Angela.
Nako, Angela, Mich, Dane, Daryl at Louie, hindi nyo na kailangan mag-abala pa
para sakin, okay lang na hindi ako makasali, prom lang naman yon.
Anong prom lang naman yon? Wag mong nilalang yong prom, coz every girls
dream is to experience prom. Sabi naman ni Mich.
Ganito kung hindi ka sasama, pwes babayaran mo ang bill sa ospital, andito ang
resibo. Sabi ni Louie, sabay lahad ng resibo ng kanilang nabayaran.
Kinuha ko sa kamay niya ang papel at tiningnan, Total Amount: 9,859.75,
napalunok ak matapos kong mabasa ang resibo, ikaw ba naman makakita ng ganitong

halaga, hindi kaya luluwa ang mga mata mo? Hindi nga ako nag-stay don ng matagal
tapos ito na ang bill, paano na lang kung naging isang araw ang pamamalagi ko doon.
Ano na ang desisyon mo? Sasama ka samin sa JS Prom o babayaran mo
yan? tanong ni Dane
Ngayon nyo na ba kailangan ng sagot?
Oo ngayon na as in ngayon na. sagot naman ni Daryl.
Oo na papayag nako saan ba naman kasi ako kukuha ng ganyang kalaking
halaga? Ang galing nyo rin magbigay ng pagpipilian no? Parang pinapili nyo ko sa
tanong na Yes or Yes yong pagpipilian na sagot.
Oh tama na, manahimik ka na, oo na ang sagot mo kaya sasama ka samin
ngayon. Sabi ni Mich
Ano pa bang magagawa ko? Saan ba kasi tayo pupunta? At bakit nasa parking
lot tayo?
Masasagot din maya-maya ang mga tanong mo kaya chill ka lang dyan.
Swabeng sabi ni Louie na naka-akbay kay Mich.
Kay Dane ka sumakay, kasi si Mich kay Louie at sa kotse ko naman sasakay si
Angela. Wika ni Daryl habang pinagbubuksan si Angela.
Sakay ka na. Sabi ni Dane
Ako? Sasakay?
Malamang, tayong dalawa nalang ang nandito, may nakikita ka bang di ko
nakikita? Pabirong sagot ni Dane
Ahh oo diba sabi ko nga sasakay na.
Nagkamustahan kami ni Dane sa byahe, kwentuhan ng mg bagay-bagay tungkol
sa barkada kung paano ito nabuo at ang tunay na score ni Daryl at Angela maging si
Louie at Mich. At mga kapatid si Dane lang din ang walang syota, akalain nyo yun wala

siyang gf since birth, sa gwapo niyang yan wala daw talaga, pero may babae daw
siyang gusto, nakita niya ito nong nasa unang taon pa lang sila. Saklap besshhh yong
feeling na marinig mo sa kanya mismo na may gusto siyang iba, ang sakit-sakit. Naiiyak
nako buti nalang talaga at nakarating na kami sa aming destinasyon. Isang malaking
gusali at may nakalagay na 3 Kings and 2 Queens Mall, ang laki ng mall nato, ako na
talaga ang dakilang teambahay dahil hindi ko alam na may ganito pa lang Mall.
Bigla akong hinatak nina Mich at Angela sabay paalam sa mga boys. Kinaladkad
nila ako nang bonggang-bongga, hanggang sa makarating kami sa isang tindahan sa
loob ng Mall na may pangalan First Queen Salon. Pagpasok namin ay yumuko at
bumati ang mga empleyadong nasa loob.
Tekaaa lang.
O bakit? Tanong ni Mich sakin na may halong pagtataka.
Ano bang gagawin natin dito? Wala akong pambayad dito no.
Ano ka ba, libre naming lahat ang gagawin at ang mga bibilhin natin sa Mall
nato. Sagot naman ni Angela sakin.
Nahihiya na talaga ako sa inyo, sino ba naman kasi ako para gawan nyo ng
ganito? Alam nyo naman sigurong mahirap lang ako.
Alyana huwag mong i-look down ang sarili mo, kasi mahirap ka. Alam mo ba na
hangang-hanga kami sayo kasi kahit na araw-araw kang pinag-titripan ng mga
schoolmates natin ay nagtitiis ka pa rin mag-aral doon sa school. Mahinahong sagot ni
Mich.
Yon nalang kasi ang magagawa ko para sa mama ko, ang makapagtapos man
lang ng pag-aaral para saming dalawa. Ayy ano ba yan nag-dadrama nako, ano na ba
gagawin natin?
Hay nako Alyana, basta huwag mong ikumpara ang sarili mo sa mga
mayayamang nag-aaral sa school dahil hindi sa yaman nasusukat ang kaligayahan ng
isang tao, oo nga mayaman kami pero may mga bagay din na mayroon ka at wala

kami. Oh sige na, Ceeejjj, ikaw na bahala kay Alyana. Sabi naman ni Mich,sabay
tawag sa isang bakla.
Yes Madam.
Pinasama nila ako sa bakla,at doon na nagsimula ang iwan ko kung anong
pinaggagawa sakin, basta inuna ang buhok ko at mukha ko. Hindi ko namalayan na
nakatulog na pala ako kung hindi dumating si Angela at Mich. Binigyan nila ko ng
maraming shopping bag at may binigay sila saking damit na susuotin ko daw pati na rin
sapatos. Maya-maya ay lumabas nako sa fitting room at sabay-sabay silang lumingon,
hindi ko namalayang nandito na pala sina Dane. Lahat sila ay nakatitig lang sakin at
biglang tumayo sina Angela at Mich.
O boys, anong masasabi nyo sa new look ni Alyana. Tanong ni Mich sa mga
kaibigan.
Ikaw ba talaga yan? Di makapaniwalang tanong ni Louie
May igaganda ka pa pala. Komento naman ni Daryl.
Dane? Anong masasabi mo? Tanong ni Angela
Ahhh bagay sa kanya. Maikling sagot ni Dane.
Girl natameme si Loverboy, tinamaan yata sayo. Bulong ni Mich sakin.
Imposible yon Mich, pero salamat talaga sa lahat ng ito.
Walang ano man yon Aly, youre always welcome.
Guys uwi na tayo, mukhang napagod yata si Aly sa ginawa natin. Mungkahi ni
Angela.
Oo nga, Dane hatid mo na si Aly baka kung ano pang mangyari jan, hindi pa yan
makadalo sa JS Prom, .. Sabi ni Daryl pero di ko narinig yong dulo kasi binulong
nalang ni Daryl.

Tahimik lang si Dane sa buong byahe, kaya nanahimik lang din ako. Maya-maya
ay dumating na kami sa bahay. Saktong pagbaba namin ay syang pagbaba naman ni
Mama sa taxi.
Good evening Ma, si Dane nga po pala kaibigan ko.
Good evening Maam. Sabi ni Dane sabay mano kay Mama.
Good evening din iho, Yana bakit hindi mo papasukin yong bisita natin?
Maam wag na po, aalis na rin po ako, sa susunod nalang po. Sige po alis na po
ako, Aly ako nga pala susundo sayo para ihatid ka sa bahay nina Mich bukas.
Pahayag ni Dane bago umalis.
Pagka-alis ni Dane ay agad naman akong tiningnan ni mama na may halong
ngiti.
O ma, bakit ganyan ka makatingin?
Wala naman nak diba yon yong crush mo? Bakit kayo magkasama?
Kasi po mama, magkaibigan po kami, at pati na rin yong mga barkada niya,
kaibigan ko na rin. Basta ma kwento ko nalang sayo sa susunod. Wala ka bang
napansin sakin?
Actually nak kanina pa, bakit ganyan ang ayos mo? At saan ka kumuha ng pera
para magpa-salon? Tanong ni mama na may halong pagtataka.
Nilibre po ako ng mga kaibigan ni Dane ma, iwan ko nga e, ang bait-bait nila
sakin, ang tanging nagawa lang naman nila ay matamaan ako ng lata sa ulo. Naalala
mo yong kinuwento ko?
Oo nak. Ahh sige nak matulog ka na, pupunta ka Prom nyo diba? sabi ni
mama sabay ngiti.
Sige po ma, goodnight.

Kinabukasan:
Nak gising na.
Ma, 5 minutes.
Nak bangon na.
5 minutes mama.
Maya-maya ay nawala na si Mama.
Aly gumising ka na.
Hala sino to?, dahan-dahan kong tinanggal ang unan sa mukha ko. Ay anak ng
pating, bakit andito si Dane? Agad-agad akong tumakbo patungong comfort room. Dalidali akong naligo at buti nalang may mga damit ako dito, nagbihis ako at lumabas.
Hi good morning. Sabi ko sabay ngiti.
Hi din good morning. Sagot niya naman sakin. Tayo na, naghihintay na sina
Ate Mich sayo.
Pasensya na napasarap ang tulog ko, di mo naman sinabi na maaga mo pala
akong susunduin.
Okay lang yon, nagpa-alam na pala si Tita kanina nong nasa banyo ka, at
pinag-paalam na rin kita.
Si mama talaga di nako hinintay. Salamat Dane.
Walang ano man.
Sinalubong ako agad ni Angela at Mich, hinatid lang ako ni Dane at agad siyang
umalis kasi may aasikasuhin pa daw siya. Sinimulan naman ng mga tauhan nina Angela
at Mich ang iwan ko kung anong tawag don. Mga bandang 5pm ay dumating na sina
Dane, hindi pa man namin sila nakikita ngunit makikilala mo na agad ang ingay nila sa
baba.

Maya-maya ay lumabas na kami at agad namang sinalubong ni Daryl si Angela,


ganoon din si Louie kay Mich, di ko naman napansin na nasa harap ko na pala si Dane.
Maaari ko bang mahawakan ang iyong kamay?
Hah ahh oo. Ang gwapo niya, sino ba naman ang di mabubulol. Narinig ko
namang napatawa si Louie na agad siniko ni Mich.
Tayo na. Aya ni Daryl.
Tahimik lang kaming dalawa sa buong byahe, nakakahiya kasing magsalita, ang
gwapong-gwapo niya. Lalo tuloy akong na-iinlove sa kanya. Maya-maya ay nakarating
kami sa venue ng prom. Ito na nga bang sinasabi ko, pinagtitinginan kami ng mga tao,
at talagang maririnig mo ang mga bulung-bulongan nila.
Sino yang ka-date ni King Dane? sabi ng isang kaklase ko.
Ngayon ko lang nakita yan, baka girlfriend niya taga ibang school. Sagot
naman nong isa. Agad ko namang tiningnan si Dane, at tumingin din siya sakin sabay
ngiti.
Huwag mo nalang silang pansinin, chin up and just walk. Mahinahong sabi niya
nang muntikan nakong matapilok.
Sinunod ko naman ang sinabi niya, hanggang sa loob ng venue ay may mga
nagbubulung-bulongan pa rin, nawala lang ito nang magsimula na ang program, nasa
kalagitnaan na ng program at sinabi ng MC na tatawagin na ang Prom King at Prom
Queen.
The Prom King for this years JS Promenade is no other than Dane Dela Vega.
Nagpalakpakan naman ang lahat ng estudyante at mga guro ng school.
At ngayon naman, sino kaya ang papasahan ni Miss Mich Santos ng korona
bilang Prom Queen?, wag na nating patagalin pa, the Prom Queen for this years JS
Promenade is Miss Alyana Suarez.

Ano daw? Alyana Suarez? Nagkamali lang naman siguro ang MC, pero papalapit
sakin si Dane at tiningnan ko naman sina Angela at Mich na sinasabing tumayo daw
ako. Di ko napansin na nasa harap ko na si Dane kung hindi tinuro ni Angela.
Hi Prom Queen. Sabay lahad niya sa kanyang kamay at agad ko namang
hinawakan.
Dane totoo bato? Diba joke lang to? Paano naman ako naging Prom Queen?
Aly totoo ang mga nangyayari, at sadyang nag-stand-out ka ngayong gabi kaya
ka napansin at napiling Prom Queen.
Nang makarating kami sa stage ay nagpalakpakan ang mga tao at ikinabit
naman sakin ni Mich ang sash at ang korona.
And to start the first dance, may we call on our Prom King and Queen.
Bago matapos ng MC ang kanyang sasabihin ay kinuha ni Dane ang
microphone.
Magandang gabi po sa lahat, siguro po ay kilala nyo na po ako, sa hindi naman
nakakakilala, ako si Dane Dela Vega kapatid ni daryl Dela Vega at kaibigan ni Angela,
Ate Mich at Louie. Nandito po ako sa harap nyo para sabihin sa taong gusto ko na
aamin nako sa nararamdaman ko.
Aamin na siya? At talagang kailangan na nandito ako sa harap ng bago siya
umamin, mukhang kailagan ko ng umalis, para iwas sakit sa puso. Dahan-dahan akong
naglakad pababa habang nagsasalita si Dane.
Nagustuhan kita, unang kita ko pa lang sayo ng pumasok ka sa gate ng school,
at ako naman ay pababa sa aking sasakyan, napansin kita kasi iba ka, iba ka sa kanila,
ikaw yong babaeng unang tingin pa lang ay masasabi mo ng simple lang at hindi
maarte, natawa ngako sayo

nang hinangin ang buhok mo at sobrang nainis ka.

Sinundan kita hanggang sa makapasok ka sa Principals Office hinintay kita hanggang


sa makalabas ka, at nakita kong sobrang tuwa mo kasi nga makakapag-aral ka na dito,
lihim naman akong napangiti sa narinig kong dito ka na mag-aaral. Araw-araw kitang

sinusubaybayan mula sa malayo habang nagbabasa ka nag libro, doon sa paborito


mong puno.
Tumigil si Dane sa pagsasalita, habang akoy patuloy na naglalakad, nasa gitna
na rin naman ako kaya itutuloy ko nalang ang walk out session ko. Ngunit may sinabi si
Dane na nagpahinto sakin.
Dahil nga sa gusto kong mapansin mo ko ay may ginawa ako, at yon ay ang
batuhin ka ng lata hindi ko naman sinadya na matamaan ka sa ulo, ang akin lang na
mapansin moko ngunit napahamak ka. Sobrang kaba ko nang nasa kalagitnaan tayo
ng pag-uusap nang barkada ay nawalan ka ng malay. Agad kitang binuhat at dinala sa
ospital namin para matingnan ka. Pasensya na kung sinupladuhan kita. Hindi ko lang
alam kong paano ka kausapin. Alam ng barkada ang plano ko. Kaya Alyana Suarez.
Tiningnan ko si Dane nang tinawag niya ako. Nakita kong nasa stage na rin ang
ibang boys at papalapit sakin si Mich at Angela.
Patawad sa childish act na ginawa ko para mapansin mo, pero kahit nagawa ko
yon ay di ko yon pinagsisisihan dahil naging maganda naman ang resulta,
nakakausap na kita, at naalala mo rin yong sa park? Sinundan kita kaya ako nandoon
hindi totoong nag-iikot-ikot sako. At kinausap ko rin ang mga kaibigan natin na tulungan
akong mapapayag kang sumama samin at sumali sa Prom kasi alam kong wala kang
planong sumali kagaya nong nasa third year pa lang tayo. Alyana Suarez gustunggusto kita matagal na, ilang beses ko ng sinubukang sabihin sayo ngunit natotorpe ako.
Marami ang gustong manligaw sayo ngunit pinipigilan ko sila. Sorry Alyana, patawarin
moko sa mga nagawa ko.
Pagkatapos niyang magsalita ay agad siyang bumaba at dahan-dahan naman
akong binitawan nina Mich at Angela tinanguan lang nila ako nang tumingin ako sa
kanila. Tiningnan ko naman si Dane nang nasa harap ko na siya.
Alyana? Mahinang tawag niya sakin.
Totoo ba yon?

Lahat ng sinabi ko kanina ay totoo. Sagot niya habang pinapahiran pisngi ko,
di ko na napansing umiiyak na pala ako.
Gago ka. Sabi ko sabay hampas sa balikat niya.
Bakit naman ako naging gago? Masama bang mapansin at magustuhan ka?
Hindi lang yon mahal na nga yata kita e.
Alam mo ba na simula din noong araw na pumasok ako dito ay crush na kita,
sadyang nahihiya lang ako kasi naman paano mo naman mapapansin ang isang
kagaya kong mahirap.
Sshhh. Kahit ikaw pa ang pinaka mahirap sa buong mundo ay ikaw pa rin ang
magugustuhan ko, kasi ikaw yong klase ng tao na totoo at hindi nagkukunwari. Kaya
wag mong i-look down ang sarili mo okay? Mahinahong sabi ni Dane sakin.
Paano ba yan gusto mo naman pala ako, so tayo na? Pahabol na sabi niya.
Anong tayo na? Di ka man lang manliligaw?
Kailangan pa ba yon?
Aba Dane Dela Vega, kahit na gusto kita, kailangan pa rin yon no.
Okay sige, kung yon ang kailangan, liligawan kita. Patawang sabi niya sabay
yakap sakin.
Ahhrrrrmmmm.
Sabay kaming napalingon ni Dane, at dooy nakatayo sina Mich, Angela, Daryl,
at Louie na abot tenga ang ngiti.
Sa wakas ay naka-amin din ang torpe. Nang-aasar na sabi ni Louie, na
sinabayan nang malakas na tawa ni Daryl. Dahil sa seryusong pag-uusap ay di namin
namalayang nagsimula na pala ang sayawan.
Dane successful ang pag-amin mo, at ang sabi mo kanina ay . Sabi ni Mich.

Mag-cecelebrate tayo. Dugtong ng tatlo.


Oo na! Pasigaw na sagot ni Dane.
Tiningnan niya ako at ako namay napangiti. Unang lumakad ang barkada at
kami naman ay sumunod nang magkahawak ang mga kamay. Sa di inaasahang
pagkakataon ay nagka-aminan kaming dalawa. Masayang-masaya ako sa mga
nangyari at hinding-hindi ko malilimutan ang araw na ito.

You might also like