Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Juhayma Galo Pacod

10-Sapphire

July 11, 2016


Ms. Sarah Mayugba

Kaibigan o Ka-ibigan?
Maroong lalaking na nagngangalang Zaynux, anak ni Zeus sa mortal na babae. Siya ay
itinago ni Zeus dahil maaaring magkagulo kapag nalaman ni Hera ang tungkol dito. Ipinamigay
si Zaynux sa ibang tao para kahit papaano ay may tumayong magulang para sakanya. Si
Katarina, ang tumayong nanay ni Zaynux. Si Katarina ay may anak na si Samson na naging
kababata ni Zaynux. Hindi alam ni Zaynux na Ama nya si Zeus, dahil ang kinikilalang ama niya
ay si Seth, asawa ni Katarina na namatay nung trojan war.
Naglagay ng malaking bato si Zeus sa may ilog, at itong bato na to ang mag porpotekta
kay Zaynux. Walang pwedeng magtanggal o gumalaw sa bato na to dahil tatamaan ng kidlat
ang may kagagawan. Maraming nagtangkang pumatay kay Zaynux dahil may kapangyarihan
daw ang dugo neto, pero siya ay nanatiling buhay dahil sa bato na ito.
Dumating ang araw na nalaman ni Hera ang tungkol dito at sinumpa si Zaynux na bawal
siyang umibig sa babae, pag siya ay sumuway, mapapahamak ang buhay ng kanyang iniibig.
Nakaupo sa may malaking bato sina Zaynux at Samson, habang sinusubaybayan ang paglubog
ng araw. May nakitang babae sa Samson na umiiyak. Nilapitan ito ni Samson ngunit walang
lakas loob itong kausapin ang babae kaya tinawag niya si Zaynux. Tinanong ni Zaynux ang
babae kung bat siya umiiyak ngunit di ito sumagot. ako nga pala si Samson, at ito naman si
Zaynux pakilala ni Samson. Ako nga pala si Dawn, pakilala naman ni Dawn. Magkakakilala na
sila at natanong ulit ni Zaynux kung ano ang dahilan ng pagiyak niya. dahil yun sa ama ko na
walang awang pinatay ni Zeus. Tuloy tuloy ang pag uusap nila at naging komportable sila sa
isat isa. Simula nun ay naging magkaibigan sila, hanggat sa paglaki nila ay nanatili parin ang
pagkakaibigan nila.
Nahulog na ang loob ni Zaynux kay Dawn kaya niyaya niya ito sa may ilog para makapag
usap. Nagtapat si Zaynux sakanya at gayun din si Dawn. Parehas sila ng nararamdaman.
Biglang nawalan ng malay si Dawn at agad humingi ng tulong si Zaynux kay Samson. Dinala
nila si Dawn sa bahay nito. Di nagtagal ay binawian ito ng buhay. Di alam ni Zaynux ang
gagawin kaya tumakbo ito patungong ilog para maglabas ng sama ng loob. Naalala niya na
isinumpa pala siya ni Hera, dalawang taon na nakalipas.
Inakyat ni Zaynux ang pinakamataas na bundok, ang Mt. Fragois, na kung saan dito
matatagpuan ang gate patungo sa lugar ng mga Diyos. Sarado ang gate kaya nanawagan si
Zaynux kay Zeus. O diyos Zeus, Pagbuksan mo ako ng daan dahil hindi naman masama ang

aking pakay panawagan ni Zaynux. Nang marinig ni Zeus ang boses ni Zaynux, pinagbuksan
niya ito ng gate di dahil sa panawagan kundi dahil sa anak niya ito. Kinausap ni Zaynux si Hera
at nagmakaawa ito. kagalang galang na Hera, ako ay nagmamakaawa sayo na sana ibalik mo
ang buhay ng kaibigan ko at bawiin ang sumpa, kahit buhay ko na ang kapalit.. Naawa si Hera
at sinunod ang kanyang kagustuhan pero sa isang kondisyon ay dapat niyang layuan ang taong
iniibig nito. kung ito ay sinuway niya ulit ay dalawa na silang mamamatay.
Pagbalik ni Zaynux ay dumeretso ito sa bahay ni Dawn para siguraduhin na buhay na
ang kaibigan niya. Bumangon si Dawn sa kinahihigaan at niyakap si Zaynux ng mahigpit. iyon
lang ang huling paghihiwalay natin, pangako sayo tugon ni Dawn kay Zaynux. Pinagpahinga na
ni Zaynux si Dawn.
Kinabukasan, dumeretso si Dawn sa ilog, hintayan nila ni Zaynux. Nagtaka si Dawn dahil
maghahapon na pero di parin sumisipot si Zaynux. Pumunta si Dawn sa bahay ni Zaynux ngunit
wala siya dun. Nakita niya si Samson at tinanong niya ito. di ko nga alam eh, maaga siyang
umalis kanina. Di narin daw siya babalik sagot ni Samson. Dahil sa kagustuhan ni Samson kay
Dawn, di niya sinabi ang bilin ni Zaynux na babalik lamang siya dahil umalis lang ito para sa
ikabubuti nilang dalawa. Napaiyak si Dawn sa kanyang narinig. Agad naman itong nilapitan ni
Samson at sinabing may mga taong dumadating sa buhay natin para lamang saktan tayo.
Meron ding tao na nasa harap mo na pero di mo makita, kasi nabubulag ka sa taong gusto mo
ngunit iniwan ka sabay yakap kay Dawn.
Mataggal ng naiinggit si Samson kay Zaynux dahil gusto nya rin si Dawn. Kaya sinulit niya
ang mga araw na wala si Zaynux. Unti unti ng nakakalimutan ni Dawn si Zaynux dahil pinalitan
na siya ni Samson. Pinabayaan ni Samson ang pagkakaibigan nila ni Zaynux dahil inunahan ito
ng inggit.
Lumipas ang dalawang taon at binisita ni Zaynux sina Dawn at Samson. Di niya inaakala
ang maaabutan niya. Naabutan niya si Dawn na masaya, hindi sa piling niya kundi sa piling ng
kaibigan niya. Hindi nakapag pigil sa galit si Zaynux at sinugod niya si Samson at sinalubong ng
maraming suntok. Di lang pala sa bukid may ahas!. Di niya napansin na naghihinalo na si
Samson. sana mapatawad mo ako huling sinabi ni Samson bago mamatay.
Napatigil at napaisip si Zaynux. wala na ang kaibigan ko. Sarili kong kamay ang nagtapos
sa buhay niya. kumuha ng kutsilyo si Zaynux at itinutok sa puso, kung merong dapat mamatay,
ako yun. Agad pinigilan ni Dawn si Zaynux at sinabing Sana naisip mo yan bago ka sumugod,
masaya na sana kami kaso sinira mo. Masaya rin naman tayo dati ah sagot ni Zaynux. Oo
masaya tayo non pero iniwan mo ko, sumbat naman ni Dawn. Ang dami mong kuda, mamaya
na tayo mag usap at baka may makakita pa satin dito.

Simula nun ay nagtanan sila. Nagbunga ang pag iibigan nila. Pumunta sila ng ilog, at
nagtaga sa may bato na tinatambayan nila ng Till death do us part. Wala pang limang minuto
ay nawalan sila ng buhay. At doon nagtapos ang kwento pero di ang pag iibigan nila.
Plot Twist: ung batong iyon ay yung batong nilagay ni Zeus. Matapos nilang magtaga sa bato ay
tinamaan sila ng kidlat. Di sila namatay sa sumpa dahil ang tunay na pag ibig ni Zaynux ay kay
Samson.
Ngayon ay kinikilala na itong ilog na Nile River. Hanggat ang tubig nito ay umaagos, pag ibig nila
ay di matatapos .
DI PORKET MAGKAIBIGAN WALA NG TRUE LOVE!

You might also like