Ang Alamat NG Ipis

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Alamat ng Ipis

Noong unang panahon, mga 284 BC to be exact, ang mga ipis ay hindi kinamumuhian ng mga tao.
Madalas pa nga nilang nakakasalamuha ang mga ito at hindi itinuturing na peste (friends nga kasi di ba?)
dahil napakalinis ng mga ito sa katawan. Minsan pa nga eh kasabay pa nito kumain mga tao sa iisang
pinggan at pinaparami pa sila para masaya. Ngunit ang hindi alam ng karamihan ng mga tao ngayon ay
hindi marunong lumipad ang mga ipis noon kahit may mga pakpak ito.
Isang araw, may ipis na nagngangalang Roach, oo, uso na ang mga ganyang pangalan noon at isa pa,
royal blood kasi sya. Naniniwala rin sya na balang-araw na makakalipad sya sapagkat naniniwala sya sa
mga fairy. Madalas syang kinaiinisan ng mga kapwa nya ipis sapagkat mahilig syang mang-inis at
napakarumi nito sa katawan. Minsan pa nga pinapahiran nya ng dumi ng tao ang mga kapwa nya ipis at
natutuwa pa ito.
Dumating ang araw na marami nang nagrereklamong ipis sa kanya hangga't nakarating sa kanyang ama
na si Haring Freddie. Mungkahi ng mga kapya niyang ipis na gawing "exile" si Roach sapagkat isa syang
kahihiyan sa lahi ng mga ipis at kung hindi pagbibigyan ng hari ang kanilang mungkahi ay mapipilitan
silang mag-ahit ng binti bilang protesta at matanggal ito sa pwesto.
Walang nagawa ang hari kundi ipatapon ang kanyang anak na si Roach via Ilog Pasig. Pinapalundag sya
ng mga kapwa nya ipis sa maruming ilog na ito ngunit hindi naman ito marunong lumangoy. Ang ginawa
nya na lamang ay manindigan na makakalipad sya sapagkat naniniwala sya sa fairy. Bago ito tumalon ay
sumigaw ito ng:
"I do believe in fairies!"
Sabay sabi ng isang ipis:
"Gago!"
Sabay tulak sa kanya. Hindi makapaniwala ang lahat nang makalipad itong si Roach, ang nasabi nya na
lamang bago ito lumayo ay:
"I can fly muthafuckah!".
Isang gabi ay nakarating sya sa isang bahay para magpahinga. Nakita nya ang isang tao na natutulog at
naisipang pagtripan nya ito. Naghanap sya ng dumi ng tao at pinahid nya ang buong katawan nya doon
para ipahid sa taong natutulog.
Dali-dali syang lumapit sa tao at dinaanan nya ito sa may mukha at nagulat ito at sinabing:
"Puta ano yon?"
Nagulat si Roach at napalingon sa taong pinagtripan nya at sinabing:
"Eh? Peace!"
So sobrang inis nung lalaki ay kumukha ito ng tsinelas at sinabing:
"Eh Peace? Itong sayo!"
At inihampas sa kanya ito at napisat si Roach.
Mula noon ay tinawag na silang "Ipis" matapos nitong ichismis sa kanyang kapwa tao ang nangyari sa
kanya.
Isang araw ay may ipis na nakakita sa bangkay ni Roach na nakahandusay sa daan. Dinala nya ito sa
kanilang kaharian at nalaman ni Haring Freddie ang kalunos-lunos na sinapit ng kanyang anak. Napagalaman nilang isang tao ang nakapatay sa kanya dahil may bumakat na "Havaianas" sa katawan nito.
Nagdalamhati ang mga ipis sa sinapit ni Roach at pinagsisisihan ang nagawa nito sa kanya. Sa sobrang
galit ni Haring Freddie ay napasigaw ito ng:
"I DO BELIEVE IN FAIRIES!"
Kunsintidor naman itong mga kapwa nya ipis at napasabay:
"I DO! I DO! I DO BELIEVE IN FAIRIES! I DO! I DO! I DO BELIEVE IN FAIRIES!"
Unti-unting nakalipad ang mga ipis at napagkasunduan na pagtripan ang mga tao bilang pag-alaala kay
Roach. Mula noon, tuwing mapapadaan ang mga ipis sa mga bahay-bahay ay pinagtitripan nito ang mga
tao at ito na ang kanilang nakagawiang buhay hanggang sa ngayon.

You might also like