Suriin mo ang lawak ng impluwensiya ng panitikang mula sa Mediterranean
sakaugalian, pamumuhay, kultura, at paniniwala ng mga Pilipino.
Ang Sinaunang Mediterranean ang nakatuklas ng sistema ng pagsulat nanagpabago at humubog sa kasaysayan ng mundo. Unti-unting umunlad angpagsulat mula sa simbolong larawan, simpleng komunikasyon tungo sa likhangsining at panitikan. Ang panitikan ng Sinaunang Mediterranean ay naging batayanng ibat ibang uri ng panitikan sa buong mundo. Ang mga pangkat ng mga taong nanirahan dito ay nag-iwan ng mga pamanangnagpapakita ng kanilang pagkamalikhain at kahusayan sa iba't ibang mga bagay. Pangunahin sa mga ito ang mga kagamitang naimbento ng mga Sumreian nalubusang nagpagaan sa mga gawain ng tao noon at ngayon. Ang kauna-unahang sistematikong paraan ng pagsusulat sa buong daigdig aynalinang din sa Sumer. Ito ay tinatawag na Cuneiform. Sa pamamagitan ng isangstylus na gawa sa tambo, ang mga tao ay nakapagsusulat sa mga basang luwad nalapida. Sa aspetong arkitektural, ang isang ziggurat ay nagsisilbing tahanan ay templo ngdiyos o patron ng isang lungsod. Sentro rin ng pamayanan ang ziggurat. Pinaniniwalaang ang Tower o Babel na mababasa sa Bibliya ay isang ziggurat. Maliban sa mga ito, ang iba pang mahahalagang ambag ng mga taga-Mesopotamia ay ang water clock, kalendaryong nakabatay sa siklo ng buwan at paggawa ng mgaunang mapa. Ang katipunan ng mga batas ni Hammurabi, na mas kilala bilang Code of Hammurabi, ay isang napakahalagang ambag. Ito ay naglalaman ng 282 batas. Pinasimulan naman ng mga Hebrew ang pagsamba sa iisang diyos o monotheism. Samantala, sa pamamayani ng Imperyong Persian sa Kanlurang Asya, lumaganap ang relihiyong itinatag ni Zarathustra o Zoroaster ang Zoroastrianism.