Professional Documents
Culture Documents
A Love Story (Filipino Language)
A Love Story (Filipino Language)
Chapter 1
Excited na akong pumasok sa eskwela nuon, dahil makikita ko na ulit ang mga
kaibigan ko. Papasok na ako nuon sa 3rd year highschool ko, at syempre, nakakakaba
dahil may mga bagong tao kang pakikisamahan.
Grabeh, ang layo ng classroom ko, sa 3rd floor!! takteng yan.
Habang binabagtas ko ang daan papunta sa classroom ko, nakakasalubong ko ang
mga kaibigan ko mula pa nung nasa freshman year ako, pati ang mga naging guro ko.
Ang laki ng mga pinagbago nila, may gumanda, may pumanget, may pumayat may
tumaba, lahat na!
Naalala ko pa nga yung isang studyante na mahilig naming asarin ng kaibigan ko na
Sto. Niño dahil sa buhok niya na kulot at hindi talaga bagay sakanya. Laking gulat ko
na lamang nang makita ko siya sa tapat ng isang classroom. Nagpa straight na ng
buhok, at super ganda na niya. Sa ganda niya, napatitig talaga ako ng matagal.
Ineenjoy ko na ang pagtitig ko nang biglang mag vibrate ang cellphone ko, nang
kunin ko ito, nakita kong tumatawag pala ang girlfriend ko. Huminto ako upang
sagutin ang phone,
Hehe, girlfriend ko yun. Naging kami nuong May 16, mas matanda xia sa akin ng 2
taon. Sa totoo lang, mas gusto ko talaga ang mga babaeng mas matanda sa akin.
Suwerte nga ako sa kanya kasi ang ganda ganda na niya at super bait pa niya.
At dun ko tinapos ang pagtitig ko dun sa babae, siyempre tayong mga lalake, dapat
tapat sa mga mahal natin, kung gusto natin tumagal ang relasyon, at iyon nga ang
ginagawa ko. May oras na mapapatingin ako sa isang babae, pero hanggang tingin na
lamang iyon.
Grabeh, nasa second floor pa lang ako at pagtingin ko sa oras, 5 minuto nlng bago
mag start ang klase, kaya minabuti ko nang takbuhin iyon para hindi ako ma-late. Pag
dating ko dun sa classroom ko, nakita kong nasa labas pa ang mga kaklase ko ka-
kwentuhan ang mga kaibigan nila, punong puno ang hallway ng mga nag
kwekwentuhang studyante. "Wala pa pala ang teacher", ang nasabi ko sa sarili ko.
Nilapitan ko kaagad yung mga naging kaklase at kaibigan ko sa loob ng dalawang
taon, at doon ako nag simulang makipag lokohan. Alam naman natin sa skwela, hindi
pwedeng mawala ang lokohan at kulitan. Mga 10 minuto ang lumipas bago nagsipag
datingan ang mga adviser ng bawat klase, ang lahat ng mga nag kwekwentuhan
studyante ay nagsipag pasukan na sa kani-kanilang silid-aralan. Ang galing ng mga
guro natin no? Parang Vacuum. Pag nasa room na, lahat ng studyante niya sa labas,
simot! VACUUM! Pag pasok ko, agad kami kumuha ng upuan ng mga kaibigan ko,
doon kami umupo sa bandang dulo ng silid-aralan. Pagka-upo namin ng mga kaibigan
ko, ipinakilala nila ako sa iba pa nilang mga kaibigan hanggang sa lumaki pa lalo ang
tropa. Sa mga oras na yun, ka text ko parin syempre ang girlfriend ko.
Biglang nagsalita ang teacher, ang adviser namin ay naging teacher ko na din sa
English nuong nasa first year highschool pa ako. Mabait siya at mahaba ang pasensya,
malapit din ako sa kanya kaya mukhang madadalian ako ngayong taon.
So nag roll call na at inorient na niya kami tungkol sa grading system niya. Sinabi
niya din sa amin kung anong mga dapat naming i-expect sa klase niya. Grabeh! bored
na bored ako kaya't nakipag kwentuhan na lang muna ako sa bestfriend ko na si
Richard. Hindi ko namalayan na nasasapawan ko na pala yung teacher namin, kaya
tinawag niya atensyon ko. Siyempre, pag tinawag ang atensyon mo during first day of
class, ang mangyayari ay titignan ka din ng mga kaklase mo. WOW! Baon na baon
ako sa hiya nuon. Lahat ng kaklase ko ay nakatingin sa akin, sabagay, sikat kaagad.
Tawa kaya ako ng malakas? Wag na, baka wala na din akong maipakitang mukha sa
skwelahan na to.
Matapos ang ilang minuto ng pag tingin sa akin, center of attraction ako eh, naisip na
lang nila na makinig sa teacher nang magsimula ulit itong magsalita.
Tawanan kami ng bestfriend ko matapos ang nangyari, parang wala lang. Pero deep
inside, hiyang hiya parin ako.
Chapter 2
Matatapos ba ang unang araw ng klase na hindi nag papakilala ang isa't isa? Hindi di
ba?
Kaya't sinabi na ng teacher na ang bawat isa ay kinakailangan magpakilala.
Nagsimulang mag pakilala ang isang studyante, tapos may sumunod, tapos ay may
sumunod ulit, may sumunod nanaman, hanggang sa ako na ang magpapakilala.
Kabadong kabado ako pag dating sa harap, akala ko magiging madali lang to, yung
tipong sasabihin mo lang ang pangalan mo, pero pag dating ko dun sa harap at lahat
ay nakatingin sa akin, nag mistulang napaka hirap ang pagpapakilala. Sa sobrang kaba
ko pa nga namanhid yung paa ko, nanlamig ang mga kamay ko, at umurong pababa
ang ihi ko.
May pagka kenkoy (taong nakakatuwa) naman ako kaya nagawa ko namang
mapatawa ang mga kaklase ko. Medyo gumaan ang pakiramdam ko, yung
pamamanhid ng paa ko, unti-unting nawala. Hindi ko alam kung natatawa sila sa akin
dahil sa mga punchline ko, o di kaya ay dahil mukha na akong tanga sa harap nila.
Anyway, kahit ano pa man ang dahilan ok lang dahil nagawa ko namang matapos ang
dapat kong gawin.
Natigilan ako sa pag aalala sa kanya nang magsimula na siyang mag salita. Tinignan
ko siya, mukha namang mabait, kasi ang hinahon niya mag salita. Yun nga lang,
medyo titibo-tibo, pero ok na din, kasi bagay naman sa kanya, ang cute niya nga eh.
Nung tagpong ding yun, naisip ko na gumanda siya kumpara sa dati. Dati kasi ang
haba ng buhok niya tapos kulot pa, parang buhok sa kili-kili. Pero ngayon, nag paikli
na siya ng buhok, mas bagay sa kanya. Ang ganda niya, tama lang ang laki ng
katawan, hindi payat, hindi din mataba, hindi din naman ganun ka sexy. Tama lang,
sakto lang. Hmmmmm, tapos ang puti pa niya, mukha ngang may lahi siya eh. Oh
wag pilosopo, baka tanungin niyo, "anong lahi? shit szu?". What I mean is, yung
parang may dugo siya na banyaga, dala kasi ng ganda niya. Kaso, bawal ako magka
gusto sa kanya, tanda niyo may gf ako di ba?
Natapos na siyang magpakilala, ni hindi ko man lang nakuha ang pangalan niya. Na
busy kasi ako sa pagtitig sa kanya, na parang lahat ng sinabi niya pasok sa kanang
tenga labas sa kabila. Kaya tinanong ko ung katabi ko kung ano pangalan niya, sinabi
niya na Lea daw ang pangalan niya. So yun, nakuha ko din ang pangalan niya.
Ay! Salamat at natapos din ang unang set ng klase, at break time na. Lumabas kami
ng mga kaibigan ko para kumaen sa baba, at sinimulan ko na ding i-text yung
girlfriend ko.
Pag baba namin, nagulat ako, parang lahat ata ng studyante ng skwelahan ko sabay
sabay ang break ah, at hindi lang yun, pati ata studyante ng katabi naming school dun
din nag b-break time. Punong puno ang cafeteria.
Kung nakakain ako?! Hah! ako pa! siyempre meron, nakabili ako ng turon, oh db. T.T
Bitin na bitin ako sa break ko, tapos ang ingay pa kaya't minabuti ko na lang umakyat
sa room mag-isa dahil nag pa iwan ang mga kaibigan ko.
Pag dating ko sa room nakita kong doon pala kumakaen ang ibang studyante, at nakita
ko si Lea sa dulo ng room kasama ang iba niyang kaibigan, kumakaen din. Umupo
ako panumandali sa upuan ko na malapit sa kinaroroonan nila. Narinig ko ang
kwentuhan nila, walang hiya! ang lakas tumawa ni Lea! tapos bukang buka pa bibig.
Mau: Ate! sarado mo nga yang bibig mo pag tumatawa ka, baka pasukan ng ipis yan.
Yep! Tama kayo, ganon nga kalaki ang bibig niya pag tumatawa siya ng todo. Pero,
hindi naman siya pumapanget pag ginagawa niya yun, sa katunayan nga lalo pa
siyang gumaganda eh.
Kaso, hindi ko nagawang sabihin yun, kasi naalala ko yung ginulpi niya dati eh, ayaw
ko matulad doon. hehehe.
Hindi ko alam kung bakit ang lakas ng loob ko noon, pero nagawa ko makipag usap
sa kanya. At ang galing ko, kasi naka isip ako kaagad ng topic.
Ganon naman talaga ang mga lalake eh, mabibilis mag isip ng topic, parang makina
kung mag proseso.
Mau: Hi ate!
Lea: Ay! Hello po. Ahehe. Bakit aman ate?
Mau: Wala lang, ganon po talaga ako eh pag bago yung kakilala ko
Lea: Ganon? Sige tawag ko na din sayo, kuya
Mau: (sa isip ko, "kaw nga dapat tinatawag kong kuya eh" :P) Ahehe... Kaw ung
kaibigan ni Elaine di ba?
Lea: Opo. Kaw iyong ipinakilala sa akin ni Elaine di ba?
Mau: Ahehehe. Tanda mo pa pala.
Lea: Siyempre naman.
Ang kyut niya nung sinabi niya iyon, "chige" "chige" "chige", grabeh, nag laro sa isip
ko iyon, "CHIGE!!"
Nag handa na kami para sa panalangin, at yung iba pang mga studyante na kakagaling
lang sa break ay nagsipag datingan na din. Tinignan ko si ate Lea, sa harap kasi siya
nakaupo, 2nd row, kausap niya yung katabi niya. Tumingin ulit ako sa mga nag
sisipag datingan na estudyante, ang dami pa palang wala. Iniintay ko yung kaibigan
ko kasi baka hindi siya pumasok, nang biglang may tumawag sa akin, at boses babae
pa.
babae: kuya!!
Napatingin ako kay Lea kasi siya lang ang tumatawag sa akin na kuya. Pagka tingin
ko sa kanya, sinisenyasan niya ako na dun daw ako tumabi sa kanya.
Tumingin ako sa gilid ko, kaliwa't kanan. Tumingin din ako sa likod ko, upang
siguraduhin na ako nga ang kausap niya.
Na-experience ko na kasi dati, may magandang babae sa mall ang nakita kong
sumesenyas sa kung saan ako naroroon, sagot naman ako ng senyas din. Tapos
sumenyas siya na pumunta daw ako sa kanya, lapit naman ako. Aba potek pag dating
ko sakanya, may kasabay ako. Nasabihan pa tuloy akong, "o sino ka?". Lumayo na
lang ako, hindi na ako nakapag salita sa hiya.
Ayaw ko na maulit yun kaya sinigurado ko na. Pag lingon ko ulit sa kanya, natatawa
siya sa pinag gagagawa ko. Tapos sinabi niya, "oo! ikaw nga kuya mau! dito ka na sa
tabi ko"
Wow! Napangiti ako, hehehe. Lapit naman ako sa kanya, para umupo sa tabi niya.
Ang bilis ng oras, hindi ko namalayan na dumaan na pala ang 2 pang guro at mag
lulunch na.
At nang mag paalam na ang huling teacher bago mag lunch, nag paalam din muna ako
kay Lea dahil bababa kami ng mga kaibigan ko para kumaen. Niyaya ko siya kung
gusto niya sumabay, sinabi niyang mauna na daw kami dahil may iniintay din siyang
mga kaibigan. Kaya't nauna na kaming bumaba ng mga kaibigan ko.
WOW! Wala masyadong tao sa canteen ngayon, kaya magiging masaya ang kain
namin ngayon. MALI! Lalo pa naging mahirap, bakit? Ang hirap mamili ng kakainin,
kasi ang daming choices! Mas mahirap pa nga ito kesa sa exam namin na Application
sa Physics eh...
May seafood, thai food, japanese food, filipino food, healthy food, junk food, meron
pa atang dog food, at display food!
Lahat pa mukhang masarap. Kung pwede nga lang lahat kakainin namin eh, kaso sa
dami, baka kahit ang simpleng pag tayo hindi na namin magawa. Kaya dapat choose
wisely dito.
Ano ang nakain ko? Siyempre ako pa! Edi turon! T.T
Badtrip, nakalimutan ko pala yung pera ko sa bahay sa sobrang pagmamadali ko.
At siyempre, dahil mababait ang mga kaibigan ko... Sila na ang bahala sa... pag
papaselos sa akin... Ang bait diba? Para hindi na ako lalo matakam sa mga pinag
gagagawa nila, nauna na lamang akong umakyat sa taas.
Pag dating ko sa room, nakita ko ulit si Lea doon. As usual, sabog! Tawa ng tawa.
Nginitian niya ako, at kumaway siya sa akin. Ako? Kumaway din ako sa kanya
siyempre. Lalapitan ko na nga siya eh, nang biglang mag vibrate ang phone ko.
Si GF, tumatawag. Lumabas ako at sinagot ko yung phone, kina-kamusta niya ako.
Hindi talaga mawawala sa isang relasyon ang ganyan, bigayan ng updates.
Dapat minu-minuto may status report! At importante, pag kausap mo siya, kung lalake
ka lumayo ka muna sa mga babae, dahil pag narinig niya yan. Nakow!
Swerte ka pag tinanong, "sino yun?", sagot mo "kaibigan ko", tapos ending statement
niya, "ahhhh, ok", medyo konti lang iisipin mong problema.
Kawawa ka naman pag tinanong niya, "SINO YUN?" (pansinin niyo, naka all caps),
ang sagot mo, "kaibigan ko", tapos tatapusin ka niya sa gantong statement,
" *Censored* ka! Ako pa lolokohin mong *censored* ka! Nambababae ka nanamang
*censored* ka no! Kakapasok mo lang ng school, nag *cecensored* ka na!
*Censored* ka ng *censored*! Eh kung *censoredin* kaya kita? *MAHABA AT
TULOY TULOY NA CENSORED* " T.T
Ay nakow! Ganyan ang scenario lalo na sa mga bago pa lang.
Diyan mo masusubukan ang talino na taglay ng isang tao pag dating sa grammar..
May mga salita na hindi mo na makikita sa dictionary...
Naging maayos naman ang usapan namin ng gf ko... Pero hindi ko talaga mapigil ang
sarili ko, napatingin ako sa loob ng room, at nandun parin si Lea, nakikipag
kwentuhan ng kung ano-ano...
Ang ganda niya, pero hindi ko naman pwede sabihin sa sarili ko na may gusto ako sa
kanya... Wala akong gusto sa kanya, ganoon lang talaga ako. Marunong kasi ako mag
appreciate ng ganda ng isang tao...
Hindi din naman nag tagal, dumating na ang susunod namin na teacher at sumunod na
dumating ang mga kaklase kong kakagaling pa lang sa canteen... Computer Subject
ang susunod... Buti na lang pinayagan kami na mag hands-on... Sa wakas!
Makakahawak din ng keyboard, makakapag friendster ako... So pumila na kami, at
nag simula nang mag lakad papuntang computer room.
Nang nasa hagdan na kami pababa, naalala kong nakalimutan ko yung wallet at
cellphone ko sa room, kaya hiniram ko muna yung susi sa kaibigan ko at bumalik sa
room para kunin ang mga iyon...
Haixt! Ang malas! Pag pasok ko ng computer room, okupado na lahat ng computers,
ang natira na lang ay yung mga nasa dulo, na wala nang maidudulot sa akin kundi
high blood pressure... Wala na akong nagawa kundi mag paikot-ikot at mag hanap ng
pwedeng mahiraman..
May naawa naman sa akin at tinawag ako...
Babae: Kuya!
Ahehehe... Sakto ang lingon ko, si Lea nga... Tinatawag niya ako... Lumapit naman
ako kaagad, at tinanong niya kung anong ginagawa ko, at palakad lakad ako...
Mau: Nag hahanap kasi ako magagamitan eh... Sira kasi yung mga nasa dulo.
Lea: Ahhh. Kala ko nag susupervise ka eh.. *Sabay tawa
Mau: Hindi ah. Uy, pagamit naman ako saglit... Tignan ko lng FS ko
Lea: Oh sige..
Salamat po!!! Naka-gamit din!!! Kaso saglit na kaligayahan lang, kasi hiram lang eh...
At ibinigay ko fs account ko... Sakto, pagka add niya sa akin, tapos na ang klase at
umakyat na kami sa room... At siyempre, pinatabi niya ulit ako sa kanya... Gusto niya
pala laughtrip kaya pinatabi niya ako sa kanya... Dumaan pa ang dalawang subject, at
dismissal time na...
Haixt! Salamat! Makakauwi na din... Matapos tumunog ng bell, diretso kami ng mga
kaibigan ko sa cr... Pag dating ko doon, naisip kong nakalimutan kong hingin yung
cellphone number niya... Kaya yun, pag balik ko ng room, agad ko siyang hinanap...
Kaso, late na ako dumating, nakaalis na siya... Di bale bukas na lang...
Chapter 3
OMG! 6:30 na! Malalate ako. Sakit ko na talaga ang pag gising ng maaga ever since.
Kaya, pag tayo ko ng kama, dumiretso na agad ako sa banyo at naligo na para
makahabol pa ako sa assembly. Nakarating ako ng skwelahan ng 7:30, lagot ako. Pag
dating ko ng classroom, buti na lamang at adviser pa namin ang nandoon, at nakikipag
kwentuhan sa mga studyante niya, nakaligtas ako ngayon.
Pumunta ako sa upuan ko, at nagpahinga ng konti. ABA! Nakakapagod tumakbo mula
main gate hanggang classroom namin ha. Kung alam niyo lang kung gaano kalayo
kwarto namin. DULO!
Biglang bumukas ang pinto ng silid-aralan namin. Papasok na ang susunod namin na
teacher.
Napatigil ako sa pakikipag-usap sa napaka daldal kong ate. =)
Pag pasok ng guro, tumayo na kami upang manalangin.
Habang nagdadasal kaming lahat, napatingin ako kay Lea. Sa labas siya nakatingin, at
parang may iniisip. Tinitigan ko lang siya. Pagkatapos namin magdasal, ay bumitaw
na ako sa pagtingin sa kanya, at umupo na kami.
Nagsimula ng mag lecture ang guro namin. Taimtim akong nakikinig sa guro namin,
nang bigla akong kalabitin ni Lea. Napatingin naman ako sa kanya, "may bubble gum
ka?" tanong niya sa akin. "Wala, hindi ako bumili eh" ang sagot ko sa kanya.
Pagkasagot ko ay, bumalik ulit siya sa ginagawa niya. Nagsusulat pala siya. Kaso,
nang tignan ko ang isinusulat niya, wala itong kuneksyon dun sa itinuturo ng guro.
Lang hiya! Sumusulat siya ng tula, at kung ano-ano pa. Nang makita niya akong
binabasa ang ginagawa niya, tinakpan niya ang papel sa pamamagitan ng katawan
niya. Talent niya din siguro yun, magsulat ng napaka lapit sa sulatan, kakaiba. Dahil
wala naman akong mabasa sa ginagawa niya. Binalik ko na lamang ang tingin sa guro
namin.
Makalipas ang ilang minuto. Naglelecture parin ang guro namin nang tignan ko muli
si Lea para alamin kung anong ginagawa niya. Naka yuko parin si Lea, mukhang
nagsusulat pa. Kinalabit ko siya para sabihan na makinig. Walang galaw o salita ang
nanggaling sa kanya! Grabeh! Hindi gumagalaw si Lea. Kinalabit ko pa ulit, wala
parin! Grabeh, kinakabahan ako. Inilapit ko sa kanya ang tenga ko para pakinggan
kung humihinga pa siya. Alam niyo kung ano narinig ko? GUSTO NIYO
MALAMAN?
ABA! Humihilik ang bata! Natutulog pala!
Ahh! Ganon ha! Niyugyog ko siya ng niyugyog! Niyugyog ko siyang mabuti para
magising. At awa ng diyos, nagising nga. "Makinig ka kaya" ang sabi ko sa kanya.
"Nakikinig naman ako ah", ang sagot ni loka. Ganon pala siya makinig minsan, tulog!
Mga 15 minuto na lang, at matatapos na ang huling subject nang dinaldal ko si Lea.
Siyempre, nakipag daldalan din siya sa akin, yun ang hilig niya eh. :P
Binuklat ko ang kwaderno ko, at sinabi ko "may cellphone ka?".
Kung hindi ba naman ako tanga, nakita ko na ngang gamit niya yung cellphone niya
dati, tapos tinanong ko pa.
At kinuha niya ang kwaderno ko pati ballpen ko at sinimulan niyang isulat ang
cellphone number niya.
Ang talino namin noh? Pwede namang kunin niya yung phone ko at ilagay na lang
direkta doon ang number niya? Ano ba yan.
Pagka tapos niyang isulat ang number niya sa kwaderno ko, ay agad kong inilipat ang
number niya sa cellphone ko. Pagkasave ko ay biglang nag text ang gf ko.
At itinago ko na ang phone ko sa bag. Sakto, palabas na ang guro at lunch time na
namin. Ahehehe.
Natuto na ako ngayon, sinigurado kong dala ko ang wallet ko. At siyempre,
magpapalibre ang mga kaibigan ko. Utot! Ako ngayon ang mang-iinggit sa inyo.
Bumili ako ng tapsilog at pinadagdagan ko ng isa pang kanin at itlog. Hahaha!
Pagpunta ko sa lamesa namin, nakita ko ang mga pagkain nila. Yung isa, lugaw na
may itlog, yung isa naman palabok, at yung isa baked macarroni!
Ahaha... Kesa umupo agad, inikot ko muna sa kanila ang malinamnam, mabango,
masarap, nakakakilig, nakakalaway at mamantikang pagkain ko... Grabeh yung tapa,
lumalangoy sa mantika, kala ko nga nung una sabaw eh... :P
Ang sarap ng lunch ko at kasabay nun, at sarap din tanggihan ng mga kaibigan kong
gusto tumikim ng akin kayamanan..
Nagpapakasaya ako sa lunch ko nang biglang tumawag ang gf ko. Lumayo ako sa la
mesa namin upang sagutin ang phone.
Napa-isip ako. Oo nga noh! Mag isang buwan na pala kami sa susunod na linggo.
Sabay baba ng telepono, pag lingon ko sa la mesa namin. ABA! Magic! Ang pagkain
ko, nangalahati! Ang tapa ko, 10 piraso, bilang ko yun, ngayon 4 na piraso na lang.
Pati extra rice ko, kinana!
Sabi ng bestfriend ko na katabi kong kumain, yung ibang kaibigan lang daw namin
ang lumapastangan sa pagkain ko, pero nakita ko labi niya, may MANTIKA! Ugok na
yun. Hehehe...
Siyempre, wala na akong magagawa, nasa bituka na nila yun eh. Inubos ko na lang
ang itinira nila sa akin, at umakyat na kami.
Grabeh! Ang taas ng palapag ng kwarto namin! Pinaka tuktok! Pag dating namin sa
taas, pakiramdam ko tunaw agad yung mga kinain ko.
Umupo muna ako saglit sa orihinal na upuan ko. Hindi pa nag-iinit ang puwetan ko sa
upuan, pumasok na ang susunod na guro. At tulad ng dati, nanalangin ulit kami bago
mag simula ang klase.
Yumuko ako upang matulog saglit, kasi parang nabitin ata ako sa tulog ko nung isang
gabi, kaya babawiin ko muna dito sa subject ng gurong ito. Mabait siya, kaya ok lang,
as long as hindi ka niya makikita at hindi siya maiistorbo at kung kaya mong
humabol.
Kaya yun, yumuko ako, at pag gising ko, tapos na ang 1 oras at 30 minutong klase
niya. Aaminin ko, ang sarap! He he he
Pag gising ko, agad akong pumunta sa tabi ni Lea para doon ako umupo, tinitignan
niya lang ako. Napatingin naman ako sa kanya kasi nakakatawag talaga ng atensyon
ang tingin niya. Pagtingin ko, ngumiti lang siya. Autistic. :P
Matapos magturo ng guro namin ay, nanalangin na kami at nag paalam na siya... At
nagsimula na ang pinaka paboritong subject na makikita sa schedule ng isang
studyante, "DISMISSAL"...
Pinuntahan ko ang kaibigan ko na nakaupo sa likod ng room.
Iniintay ko siyang matapos sa pag-aayos ng bag niya, nang biglang tinawag ako ni
Lea.
Lea: Kuya!
Mau: owh?
Nang malapit na kami sa may labas, nakita ko si Lea kasama ang ilan niyang kaibigan
malapit sa may Admin office. Napatigil ako, at pinauna ko na ang mga kaibigan ko
palabas...
Lumapit sa aming dalawa yung mga kaibigan na kasama niya... apat kaming mag
kakasama noon, si Lea, ako, at dalawa niya pang kaibigang babae... Hindi ko alam
ang trip nila, pero dahil gusto ko makasama si Lea noong araw na iyon, naki ride na
lang din ako... Sabay kaming apat na lumabas ng school, at magkatabi kaming
naglalakad ni Lea...
Tahimik kaming naglalakad palabas at ang tanging maingay lang ay yung dalawa pa
naming kasama.
Naninibago ako, hindi dahil sa hindi kami nag dadaldalan, kundi, parang may iba.
May iba akong nararamdaman, medyo maganda pero bawal... Pero siguro ay
nasasaisip ko lamang iyon kaya't hindi ko na binigyan pansin...
Pumasok muna kami sa ministop para bumili... Nag sabi si Lea na nauuhaw daw siya,
kaya't agad akong dumiretso sa refrigerator upang kumuha ng tubig... Kumuha ako ng
tubig para sa aming dalawa atsaka ko dinala sa counter upang mabayaran... Matapos
akong suklian ng kahera, lumabas na kami at nagsimula na kaming mag lakad...
Paikot-ikot kami sa loob ng village kung saan nakatira itong isa naming kasama...
Nauuna yung dalawa sa amin, at syempre mag katabi ulit kaming naglalakad ni Lea..
Tahimik ako ng mga oras na iyon, hindi ko alam kung bakit... Hindi naman ako ganito
kay Lea dati, hindi ako tahimik pag kasama ko siya. Sa katunayan, sobrang daldal ko
pa nga eh... Pero itong araw na ito, kakaiba... Sobrang tahimik ko, wala ni isang salita
ang namutawi sa bibig ko... Biglang. . .
"WUI! Okay ka lang?" Unang beses niyang sinabi sa akin simula ng mag kakilala
kami...
Nagulat ako... Grabeh! Eh hindi naman ako umiinom eh! Kala ko kung ano lang ang
gagawin nila dito, yun pala mag lalasing ang mga loka!
Mau: Ah... Hatid ko nalang kayo sa lugar kung saan kayo mag iinuman tapos aalis na
ako...
Lea: Bakit?
Bigla siyang tumingin sa akin... Napalunok ako, ito ang unang beses sa araw na ito na
nagkatinginan ulit kami... Ang ganda niya... Sobra...
Mau: Eh kasi hindi naman ako nainom eh... Good boy ako...
Lea: Asus? Ikaw hindi ka nainom?
Mau: Oo...
Lea: Talaga lang ha...
Nag-uusap kami ni Lea nang bigla kaming tawagin ng mga kaibigan niya... Lumapit
kami sa kanila at nag-usap na sila tungkol sa session nila...
Nag-usap sila habang naglalakad kami. Paikot-ikot kami sa loob ng village na iyon.
Habang naglalakad kami, tinignan ako ni Lea at bigla akong tinanong.
Ngumiti lang ako at tumungo bilang pagtugon sa tanong niya. Napatingin sa akin si
Joyce, isa sa mga kaibigan niya. "Oo nga Mau! Okay ka lang? Ang tahimik mo ah",
sabi sa akin ni Joyce.
"Oo... Ayos lang ako", sagot ko sa kanya. At bumalik na ulit sila sa pag-uusap nila.
Napatigil kami sa isang tindahan kung saan bumili sila ng sigarilyo. Nagulat ako!
Hindi ko inakala na nag-sisigarilyo pala si Lea. Ok lang dun sa dalawang babae, kasi
alam ko naman na nag-yoyosi yung mga yun eh. pero si Lea? Hindi ko expected.
Matapos nilang bumili ng yosi, bumalik na ulit kami sa pag-lalakad. Walang humpay
na lakad ang trip namin noong araw na yun. ANG SAYA!
Pumasok kami sa isang eskenita, para ano? Para magkaroon sila ng matalinong
talakayan kung saan sila mag-iinom. Super concentrated silang nag-uusap habang
nakatayo ako isang tabi at tini-text ko ang gf ko... Ganoon pala yun noh? Basta pag-
inuman, kala mo mga pambansang skolar ang mga nag-pplano at nag-uusap.. Talo pa
nga ang senado eh... ANG GAGALING NILA! Parang politika, madami din palang
term ang inuman... He he he... Hindi ako makarelate kasi hindi nga ako nainom...
Tinignan ako ni Lea, at napansin niyang out-of-place na ako... Nilapitan niya ako, "ok
ka lang?", tanong niyang muli sa akin... "OO! SUPER AYOS LANG AKO! PANIS
NA NGA LAWAY KO KASI KANINA PA NAKATIKOM... AYAN OH!
NALALASAHAN KO PA!", kala niyo yan ang sinagot ko noh? Nako! Kung yan ang
sinagot ko, panigurado yung araw na yun ang huling beses na sininagan ako ng araw...
"Oo... ayos naman ako", sagot kong muli sa kanya... Hindi na siya bumalik sa mga
kaibigan niya na seryosong nag-uusap tungkol sa session nila, bagkus nanatili na lang
siyang nasa tabi ko upang kausapin ako... Ang kyut niya talaga noong araw na yun,
hindi ko makakalimutan... Ang petite niyang pangangatawan, ang maganda niyang
ngiti, mata niyang malalim kung makatitig, labi niyang mapula, at siyempre, ang
buhok niyang medyo kulot at sabog... Well, maganda naman yung pagkakasabog eh...
At nag simula nang maglakad yung dalawa... Nasa likod kami ni Aza, sumusunod sa
kanila...
Nag-uusap si Joyce at si Patricia, nakatingin ako sa kanila nang biglang...
Lea: Wag ka na bumaba! Ako na lang ang bababa, pahatid ka na dito sa trike...
Sasakay na lang ako sa bagong trike...
Mau: Wag na... Ako na lang ang sasakay, pahatid ka na sa inyo...
Lea: Txk!
Mau: Ok lang yan!
Lea: O sige, ako na lang magbabayad nito...
Mau: Manong ito na po bayad hanggang sa bahay nila...
Lea: Ang kulit...
Ang kyut niya pag-naaasar siya... Sumilip pa ako ng isang beses sa loob bago sila
umalis ng trike papunta sa bahay niya...
At inintay ko munang makalayo ang trike niya bago ako sumakay sa isa pang trike...
Dumiretso ako sa bahay ko at nag text ako sa kanya na naka-uwi na ako...
At nag-text siya na kumaen na daw ako... Sumunod naman ako at sinabihan ko siya na
kumaen na din siya...
Hindi ko namalayan sa mga oras na yun na parang mas napapalapit ang loob ko sa
kaibigan ko kumpara sa girlfriend ko... Kaso hanggang kaibigan lang kami ni Lea
dahil ayaw ko namang magloko sa girlfriend ko dahil girlfriend ko siya...
Nag text kami ni Lea hanggang sa nakatulog na ako bandang gabi...
CHAPTER 4
Friday ngayon! Ang saya ko kasi huling araw ng klase ngayong Linggo! Bukas
walang pasok! ANG SAYA!
Anong meron ngayong araw na ito sa skwelahan? Wala masyadong pagbabago, ganun
parin... Kwentuhan kami ni Lea, bumuo na din ng talakayan ang mga lalake sa likod,
at syempre sa harap ang mga matatalino na gustong gusto makipag daldalan sa titser...
he he he...
Hindi na ako nag pumilit at hindi na din ako nag tanong bakit ayaw niya... Pero may
iba akong nararamdaman... Sumabay na ako sa tropa ko palabas at hinanap ko na ang
service ko... Pagka-dating ko ng bahay, tinext ko kaagad si Lea...
Ang tagal ng reply niya... Na e-excite ako sa sagot niya eh... Gusto ko siyang makita
at mapuntahan sa bahay niya noong araw na iyon... Nang biglang tumunog ang
cellphone ko!
AYAN NA!!!!! NAG-TEXT NA SI......... 2870... WALA NA DAW AKONG UNLI!
BUSET!
Lumabas ako ng bahay at pumunta ng tindahan para bumili ng load... Sakto pag uwi
ko ng bahay nag reply na si Lea...
Agad akong nagbihis ng pambahay at inilabas ko agad ang motor ko... Hinanap ko
talaga ng mabuti ang bahay niya... At sa tulong ng mabubuti ang magigiting na
tricycle driver, nakita ko din ang kalye niya... Pag liko ko dun sa kalye nila, agad kong
nakita si Lea na tumatakbo... Naglalaro pala si ng habulan ng mga kaibigan niyang
mas bata sa kanya... Ang kyut... :P
Nang makita niya ako, agad niya akong sinabihang "saglit lang ha... hinahabol ako
eh... baka mataya ako...", :P
Nagulat naman ako na medyo natuwa sa mga nakita ko... Pinarada ko saglit ang motor
ko sa tindahan na nasa kalye nila... Pag parada ko, pinanood ko sila maglaro ng habul-
habulan... Ang ganda niya, as usual... Sabog ulit ang buhok niya na sumasabay sa
hangin habang tumatakbo siya... Nakakatuwa para sa akin, kasi siya palang ang
babaeng nakikita ko na nakikipag laro ng habulan sa mga mas bata sa kanya...
Madalas, busy ang mga yan sa paglabas-labas kasama ang boyfriend nila o ang mga
girlfriend nila... Pero siya? Kakaiba... Ganun parin pala talaga siya, napaka aktibo...
Simula pa nung 1st year kami, naaalala ko na talagang aktibo na siya... Minsan
nakikita ko siyang nasa court o sa may quadrangle namin at naglalaro ng badminton...
Grabeh! Ang lakas niyang humataw! Alam ko nasabi ko na ito, pero grabeh talaga!
Minsan naman ay nasa court siya at naglalaro ng volleyball... Pero nung mga araw na
iyon, wala pa akong pakielam sa kanya, kaya hindi ko alam kung naging varsity ba
siya, pero sigurado ako na sa galing niya, baka nga nag varsity siya...
Nang sumuko na ang mga kaibigan niya sa paglalaro, tinawag niya ito at lumapit sila
sa akin... Ipinakilala ni Lea sa akin ang dalawa niyang kaibigan na nakalimutan ko na
ang pangalan...
Nakipag lokohan pa ako sa kanila na kaibigan pala nila ang super aktibong babae na
si Lea...
Kwinento ko pa nga sakanila kung paano siya maglaro ng badminton... Ipinakita ko
pa sa kanila ang halimbawa kung paano siya humataw ng raketa sa pinaka exagge na
pamamaraan... He he he
Tawa sila ng tawa, ganoon din si Lea... Pag titigil na sila sa pagtawa, papakita ko ulit,
at tatawa nanaman sila.. Grabeh, paulit-ulit kami at tawa parin sila ng tawa... Alam mo
yun? Paulit-ulit yung joke tapos tatawa ka parin? Parang mga boplaks kami...
Matapos naming mag tawanan ay nag sabi si Lea na doon na lang daw kami sa tapat
ng bahay nila mag kwentuhan... At naglakad na sila papunta doon at dinala ko na din
ang motor at ipinarada sa tapat ng bahay niya... Pag dating doon ay nag yaya sila na
maglaro ulit ng habul-habulan... Ngayon ay kasali naman ako... he he he... Nang
mataya ako, agad ako tumingin sa kanya at nalaman din niya na siya ang hahabulin
ko... Akala niya siguro hindi ko siya aabutan... :P
Tumakbo siya ng mabilis ang kaso lang mas mabilis ako... Kaya nang akala niya ay
nakalayo na siya, pag lingon niya sa likod ay nandoon na ako... Natawa kaming
pareho, naka defensive stance siya at nakapang opensiba naman ako... "Bakit ganoon?
Ang bilis mo?", ang sabi niya sa akin... "Tumahimik ka! Tatayain kita!", hehehe...
Nasa mata ko nang mga oras na iyon ang gigil at gustong-gusto ko na siya tayain...
Naka ngitin parin ako, habang siya nakaharang ang mga kamay at tumatawa parin...
HAHA! Sadista ako ng mga oras na iyon, ilang sandali na lang at tatayain ko na siya...
Ilang saglit pa at BOOM! Nataya ko na siya! HAHAHA... Hindi pa ako nakakalayo
ay tinaya na niya ako...
Mau: Bakit?
Lea: Nahawaka mo kaya!
Mau: Ang alin?
Lea: Yung ano ko!
Mau: Yung alin?
Sa mga oras na iyon, nakatakip ang mga braso niya sa dibdib nia...
"Woi! Grabeh ka! Hindi kaya! Tagiliran kaya nahawakan ko!", ang sabi ko!
Nakatingin lang siya sa akin, mukha namang hindi galit...
"At isa pa! Wala naman ako naramdaman eh! Flat kaya!", ang pabiro kong sabi sa
kanya...
Nag make-face lang siya nang sinabi ko iyon...