Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO-IKAPITONG BAITANG

LC. Nakasusulat ng pangungusap gamit ang maayos na pagtatanong at pagsagot ng mga


tanong.
I. Mga Layunin
Sa pagtatapos ng 60-minutong leksyon, ang mag-aaral ay inaasahang:
1. nakikilala ang mga salitang may angkop na kasingkahulugan;
2. nailalahad ang sariling opinyon sa pamamagitan ng pagsagot ng tanong; at
3. nakasusulat ng pangungusap gamit ang maayos na pagtatanong at pagsagot ng
mga taong.
II. Nilalaman
Paksa: Ang Aso at ang Uwak
Konsepto: Ang Aso at ang Uwak ay isang pabula na kung saan ang pabula ay isang
uri ng panitikan na nagsasalaysay ng mga simpleng kwentong karaniwang nagatatampok
sa mga hayop bilang tauhan.
Gramatika/Retorika: Maayos na Pagtatanong at pagsagot sa mga tanong
Sanggunian:
Kagamitan: Kwentong aklat, flip chart, cartoon characters at pantulong biswal
III. Pamamaraan
A. Pang-araw-araw na Gawain
B. Pagbabalik-aral
1. Ano ang tinalakay natin kahapon?
C. Pagganyak. The Boat is Sinking.
Ipapangkat ang klase at may iilang katanungan na ipapasagot sa kanila. Lubos na
ipinagbabawal ang pagtuturo sa bawat mag-aaral sa pagsagot ng mga katanungan.
D. Pag-aalis ng Sagabal
Alamin ang mga matatalinhagang salita.
1. Parang-bukirin
2. Sakmal-kagat-kagat
3. Lumiyad- nagmamalaki
4. Nagkamot ng ulo- wala nang magawa sa pangyayari
5. Lulugolugo- malungkot
E. Talakayan
1. Ano ang pabula?
2. Ano ang pamagat ng ating tatalakayin na pabula sa araw na ito?
3. Ano ang unang nangyari sa pabulang Ang Aso at ang Uwak?
4. Ano ang wakas ng pabulang Ang Aso at ang Uwak?
5. Ano-ano ang iilang paraan ng pagtatanong at pagsagot sa mga tanong?
F. Paglalahat
Piliin ang sa tingin moy pinakaangkop o pinakatamang sagot sa bawat tanong.
1. Nararapat bang palaganapin natin ang pagpapahalaga sa mga pabula?
A. Mayroon na
B. Opo
C. Ewan ko

2. May nabasa ka na bang pabula?


A. Siguro
B. Hindi po
C. Mayroon na
3.Naunawaan mo ang mensaheng nais iparating ng pabulang ito, hindi ba?
A.Wala pa
B.Mayroon na
C.Aba,oo
4.Lahat kaya ng kabataang Pilipino ay nakabasa na rin ng pabula?
A.Siguro
B. Wala pa
C.Ayoko
5.Gusto mo bang gayahin ang masamang halimbawang ipinakita ni Aso?
A.Siguro
B. Aba,oo
C.Ayoko
IV. Pagatataya
Ipagpalagay nating makakaharap mo si Aso. Dugtungan ang mga salitang pananong
sa ibaba upang makabuo ka ng mga tanong kung saan mapag-iisipan niya ang kamalian
ng kanyang pagiging sakim at mapanlinlang.
1. Ano _____________________________?
2. Sino _____________________________?
3. Saan______________________________?
4. Bakit _____________________________?
5. Paano _____________________________?
V. Takdang-aralin.
Makapananaliksik ako, pabula ng Rehiyon ko gamit ang GRASPS.
Goal
Makapagsaliksik ng pabulang likas sa sariling rehiyon o lugar o
pabulang kinalakhan ng mga nakakatanda sa inyong lugar.
Role
Isa kang mananaliksik na naghahanap ng pabulang likas sa inyong
lugar o rehiyon o pabulang kinalakhan ng mga nakatatanda sa
inyong lugar.
Audience
Mga kaklase at guro
Situation
Isang samahang nagnanais na higit na makilala ng henersayon ng
kabataan ang mga pabulang likas sa bawat rehiyon ng bansa ang
naglunsad ng isang proyektong magtitipon sa mga maraming
kabataang Pilipino. Maaari ninyong gamitin ang pagkakataong
ibibigay sa inyo ng guro sa pakikinayam sa mga eksperto upang
magtanong na rin tungkol sa pabulang nabaggit.
Product
Pananaliksik at masining na paglalahad sa klase ng isang pabulang
nagmula sa inyong lugar o rehiyon.
Standards
Mga Pamantayan sa Pananaliksik
Organisado at may Kaisahan ang Paglalahad 5 puntos
Magkaugnay ang mga ideya
5 puntos
Ito ay bunga ng pananaliksik
5 puntos
Kawili-wili at nakapupukaw ng atensyon
5 puntos
Kabuuan
20 puntos
Inihanda nina:
Ethel Carmi Perez
Maricel Tabaera

You might also like