Alamat NG Palay

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Alamat ng Palay

Ang ating mga ninuno ay may sariling


paraan ng pamumuhay noong unang
panahon. Wala silang sariling mga bahay.
Palipat-lipat sila ng tirahan. Kung saan
sagana ang pagkain ay doon sila titigil.
Tumitira sila sa loob ng mga kweba. Ang
iba ay gumawa ng bahay sa itaas ng
malalaking puno. Ang iba ay nagtirik ng
bahay na yari sa kugon.
Kabilang sa grupong nagtatayo ng bahay
na kugon sina Burnik at Paway. Iisang taon pa lang silang mag-asawa at
pinagdadalantao ni Paway ang kanilang unang supling.
"Tumigil na lang tayo sa isang lugar. Malapit na akong manganganak kaya
kailangan natin ng pirmihang titirhan," wika ni Paway.
Naunawaan ni Burnik ang asawa kaya
naghanap siya ng lugar na masagana sa
mga tanim na puno at malapit sa ilog para
mapangisdaan. Nagtayo siya roon ng isang
maliit na kubong gawa sa kugon.
Pansamantala ay maraming nakuhang
pagkain si Burnik. Sagana ang lugar sa mga
prutas
at nahuhuling isda. Habang
tumatagal ay nauubos ang pinagkukunan
ng makakain ni Burnik.
Isang araw, sa paghahanap ng pagkain ni Burnik ay nakarating siya sa lugar
na maraming tumutubong damo. Kulay ginto ang bunga niyon.
Isang katutubo ang nagsabi na manguha siya ng mga butil niyon, bayuhin
hanggang lumabas ang kulay puting bunga at pagkatapos ay iluto. Palay daw
ang tawag doon.

Tuwang-tuwa si Burnik. Ngayon ay may tiyak na silang pagkukunan ng


pagkain. Nagtanim siya ng maraming palay at pagkatapos ay itinuro sa ibang
katutubo kung paano iyon pararamihin.
Hanggang ngayon ang pagtatanim ng palay ang hanapbuhay ng karamihan
sa mga magsasaka.

You might also like