Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

AP 5

July 11, 2016


I. LAYUNIN

Monday

ARISTOTLE
1:10 2:00
EINSTEIN
2:00 2:40
NEWTON
2:50 3:30
Naiuugnay ang uri ng klima at panahon ayon sa lokasyon nito sa mundo.
Naipaliliwanag ang katangian ng Pilipinas bilang bansang archipelago.

II. PAKSANG ARALIN

Klima at Panahon
mapa ng mundo, mapa na pangklima ng Pilipinas, cartolina strips, show-me
board, chalk, globo
Learners Material IV pp. K to 12 AP5PLP-Ib-c-2-3
Makabayan: Kapaligirang Pilipino IV,pp. 45-48

III. PAMAMARAAN
A.
Gawain
1. Hahatiin ang mga mag-aaral sa apat na grupo. Bawat grupo ay bibigyan ng show-me board at
ilalagay ang kanilang mga sagot. Itanong sa mga mag-aaral.
a.
Anong klima mayroon ang bansang Pilipinas?
b.
Ano-ano ang dalawang panahon ng Pilipinas?
c.
Ito ay tumutukoy sa lamig at init ng isang bansa o lugar.
d.
Lugar sa Pilipinas na tinaguriang Summer Capital ng Pilipinas.
e.
Ano-ano ang mga lugar sa Pilipinas na may mataas na temperatura?
2. Pasagutan sa mga bata ang sumusunod na mga tanong gamit ang globo.
a.
Ituro sa globo ang mga bansa na may pinakamalamig na temperatura.
b.
Ituro sa globo ang mga bansa na may mainit o klimang tropikal .
c.
Ituro sa globo ang mga bansa na may katamtamang klima.
Tanggapin lahat ng kasagutan ng mga bata at ipasulat ito sa pisara. Sabihing babalikan ito
pagkatapos ng
pagtatalakay sa aralin upang mapagtibay ang kawastuhan ng kanilang mga
sagot.
B.
Pagsusuri
1. Itanong sa mga bata kung bakit ang Pilipinas ay may klimang tropikal.
Ipalarawan ang bansa bilang bansang archipelago.
2. Ipaskil ang mapa ng mundo sa pisara. Ipasuri sa mga bata ang kinalalagyan o lokasyon nito sa
mundo.
3. Talakayin at pag-usapan ang nilalaman ng bahaging Alamin Mo, sa pahina, ng LM. Bigyangdiin sa pagtatalakay sa aralin ang uri ng klima at panahon ng Pilipinas. Pag-usapan din ang
katangian ng Pilipinas bilang bansang archipelago.
4. Bilang pagpapahalaga sa kapaligiran, kunin ang kanilang mga mungkahi sa pagpapanatili at
pangangalaga sa mga kalikasan ng bansa.
C.
Paghahalaw
Ang klima ay ang pangkalahatang kalagayan ng panahon sa isang lugar na may kinalaman sa
atmospera o hanging nakapaligid sa mundo, temperatura o ang sukat ng init o
lamig ng paligid, at iba pang
nakaaapekto sa pamumuhay ng mga nilalang dito. Ang
panahon ay tumutukoy naman sa kalagayan ng kapaligiran,
halimbawa, taglamig at tag-init.
Nagkakaiba-iba ang klima
sa ibat ibang lugar dahil sa pag- ikot ng daigdig sa araw at
paginog sa sarili nitong aksis.
D.
Paglalapat
Sumulat ng limang maaaring gawain ng mga naninirahan sa isang bansang tropikal tulad ng
Pilipinas.
Ibahagi sa kapareha ang iyong mga naisulat.
E.
Pagtataya
Pasagutan sa mga bata ang bahaging Natutuhan Ko sa LM, p.25-26.
IV. TAKDA
Sumulat sa notebook ng dalawang mabuting epekto ng kalagayan ng Pilipinas bilang bansang tropikal,
at dalawang hindi magandang epekto nito.

You might also like