Ang epiko ay isang uri ng panitikan na nagsasalaysay tungkol sa kabayanihanat
pakikipagtunggali ng pangunahing tauhan laban sa mga kaaway na halos hindimapaniwalaan dahil ang mga tagpuan ay pawing kababalaghan at di-kapanipaniwala.Isang kuwento ito na punong-puno ng kagila-gilalas na mga pangyayari. Bawatpangkatin ng mga Pilipino ay may maipagmamalaking epiko.Ang salitang epiko ay mula sa salitang Griyegong "epos" nanangangahulugang salawikain o awit. Isa itong mahabang salaysay na anyong patulana maaaring awitin o isatono. Hango ito sa pasalin-dilang tradisyon tungkol sa mgapangyayaring mahiwaga o kabayanihan ng mga tauhan. Layunin nitong pukawin angisipan ng mga mambabasa sa pamamagitan ng nakapaloob na mga paniniwala,kaugalian at mithiin ng mga tauhan. May nagsasabing ang epiko daw ay hango sapangalang Kur, isang lalaki na kinuhang manunulat ng mga Espaol sa kanilangkapanahunan dahil sa kaniyang likas na pagiging malikhain at matalino. Lahat ng kaniyang isinulat ay tinawag niyang epikus, na di kalaunan ay tinawag ng mgaEspaol na epiko na ang ibig sabihin ay dakilang likha. Ang epiko ay mahabang salaysay. Ito ay karaniwang inaawit o binibigkasnang patula. Kadalasan itong salaysay tungkol sa mahiwagang pangyayari okabayanihang kinapapalooban ng mga paniniwala, mga kaugalian, at mga huwaran sabuhay ng mga sinaunang mamamayan ng isang bayan.Sa Pilipinas, popular ang tinatawag na epikong bayan o folk epic. Ayon samga mananaliksik ng katutubong panitikan, may kani-kaniyang matatanda atmahahabang salaysay na patula ang ibat ibang pangkating etniko sa Pilipinas. Salabas ng Katagalugan, mayroong mga popular na tulang pambayan, o mga tulangepiko, bago pa man dumating sa bansa ang mga banyaga.Kilala sa mga Iloko ang epikong Biag ni Lam-ang (Buhay ni Lamang). Ito ayisinulat ng makatang si Pedro Bukaneg na sininop at pinagaaralan pa rin hanggang sakasalukuyan. Sa Bicol naman ay tanyag ang epikong Ibalon na ang orihinal na sipi sawikang Bicolano ay iningatan ni Padre Jose Castao noong ika-19 dantaon. Gayundinang epikong Handiong ng mga Bicolano na batay naman sa mga bagong pananaliksikay likha ng isang paring Espaol at hindi sa bibig ng mga katutubo. Sa Visayas naman nagmula ang epikong Maragtas, at sa Mindanao angpinakamahabang epiko sa Pilipinas na Darangan. Nakapaloob sa Darangan angkilalang mga epikong Prinsipe Bantugan, Indarapatra at Sulayman at Bidasari. Angmga kapatid naman natin sa CAR (Cordillera Administrative Region) partikular saIfugao ay may ipinagmamalaki naming Hudhud at Alim.Sa nakaraang ikadalawampung siglo, isa-isang naitala ng mga mananaliksik atdalubhasa ang marami pang epikong- bayan mula sa ibat ibang dako ng bansa. Ayonsa kanila, nauuri ang epikong nasusulat ayon sa kasaysayan ng lugar na kinatagpuannito. Halimbawa, nasa pangkating Kristiyanong epiko ang Lam-ang at Handiong,samantala, nasa pangkating Muslim naman ang mga epikong Bantugan, Indarapatra atSulayman, Parang Sabil at Silungan. Ibinilang naman sa pangkating Lumad (di-Kristiyano at Muslim) ang Ullalim ng Kalinga, Hudhud at Alim ng Ifugao, LabawDonggon ng Hiligaynon, Hinilawod at Agyu ng
Mindanao, Kudaman ng Palawan,Tuwaang ng mga Bagobo, Ulod, Sambila, at Guman
ng Bukidnon, at marami pangiba.Mahalaga sa mga sinaunang pamayanan ang epikong-bayan. Bukod sanagiging aliwan ang epiko, ito ay nagsisilbing pagkakakilanlang panrehiyon atpangkultura. Ginagamit ito sa mga ritwal at pagdiriwang upang maitanim atmapanatili sa isipan ng mga mamamayan ang mga kinagisnang ugali at paniniwala,gayundin ang mga tuntunin sa buhay na pamana ng ating mga ninuno.