Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

STONYHURST SOUTHVILLE INTERNATIONAL SCHOOL

A Premier Learning Institution


Fully Accredited by WASC, USA
ISO 9001:2008 Certified
Pangalan:
Petsa:
Seksyon:
Iskor:

Unang Pagsusulit sa Filipino 7


Pangkalahatang Panuto: Basahing mabuti ang bawat katanungan at
ibigay ang kasagutang hinihingi sa bawat bilang.
I.Panuto: Salungguhitan ang pang-abay at tukuyin kung anong uri ito.
1. Sadyang matigas ang ulo ng bata.
2. Mahirap magtahi sa lugar na madilim.
3. Dagling kumilos ang mga bumbero upang mapatay ang apoy.
4. Nailikas agad ang mga mamamayan mula sa mga pook na binaha.
5. Sina Sandy at Michael ay nag-eehersisyo araw-araw.
6. Madalas ko silang nasasalubong sa parke.
7. Ang putaheng ito ay masyadong maalat para sa akin.
8. Walang-humpay na bumuhos ang malakas na ulan kahapon.
9. Taun-taon ay sumasali kami sa paligsahan sa pagtakbo.
10.Si Michael ay isa sa mga unang natapos sa paligsahan noong isang taon.
II. Panuto : Gamit ang venn diagram ay ibigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng
alamat at pabula.

ALAMAT

Pabula

III. Pag-iisa-isa
1-2 Dalawang anyo ng Panitikan
3-4 Dalawang uri ng Panitikan
5-6 Dalawang paraan kung paano naisalin ang panitikan sa ibat ibang henerasyon
hanggang sa kasalukuyan
7-10 Magbigay ng halimbawa ng maaaring pagsulatan noong unang panahon.

You might also like