Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Simuno at Panaguri

by Baloydi Lloydi , at 11/11/2013 06:39:00 AM , has 11 comments


Ang bahagi ng pangungusap na may salungguhit ay tinatawag na panaguri.
Ang panaguri ang nagsasabi tungkol sa simuno.
Dahil sa Masamang Barkada
Dating mabait at masunuring bata si Obet. Ngunit napasama siya sa masamang
barkada. Unti-unting nagbago ang ugali niya. Naging barumbado at magalitin siya.
Natutuhan ni Obet ang masasamang bisyo. Natutu siyang magsigarilyo, maglasing at
magsugal. Natutunan rin niyang humitit ng marijuana at gumamit ng shabu.
Nakiusap ang ina ni Obet. Anak, kung mahal mo ako at ang bayan hindi ka lalabag sa
batas. Ngunit parang walang narinig si Obet.
Isang araw, nabigla ang kaniyang ina sa isang masamang balita. Nakakulong si Obet
dahil sa pagnanakaw. Ninakawan niya ang isang tindahan upang masunod ang
masasamang bisyo. Ngunit nahuli siya ng pulis habang nagnanakaw. Iyon ang napala
niya sa pagsama sa masamang barkada.
1. Bakit unti-unting nagbago ang ugali ni Obet?
2. Anu-ano ang natutuhan ni Obet?
3. Ano ang ibig sabihin kapag ang tao ay lumabag sa batas?
4. Bakit natutong magnakaw si Obet?
5. Ano ang naging parusa ni Obet sa paglabag niya sa batas?
6. Anong magandang aral ang natutuhan mo sa kuwento?
7. Sa papaanong paraan mo maipapakita ang pagiging masunurin sa iyong magulang?
Magbigay ng limang halimbawa.
Muling Basahin ang kuwento.
Sino ang dating mabait at masunuring bata?
Sino ang nakiusap kay Obet?
Sino ang dumakip kay Obet habang nagnanakaw?

Source: https://filipinotagalog.blogspot.com/2013/11/simuno-atpanaguri.html#.V42OZhIpqO4

You might also like